itsjammthings
itsjammthings
66 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
itsjammthings · 2 years ago
Text
Help~
Pakiramdam ko nakakulong ako sa isang maliit na kahon. Hindi ko na maintindihan kung paano pa ang tamang pagmamahal. Kung karapat-dapat pa ba akong tumanggap ng pagmamahal. Hindi ko na rin alam kung paano ba ako maiintindihan.
Nililinlang ba ako ng akala kong pagmamahal?
Nasa maling pagkakataon ba ako?
Ang hirap huminga, ang bigat sa pakiramdam, ang sakit sa mata. Nalilito ako, hindi ko alam ang dapat kong gawin at dapat kong paniwalaan.
Ayaw bitawan pero yung talim ng mga salita pilit akong itinutulak papalayo. Akala ko pwede pang magsimula ulit at kalimutan lahat ng sakit. Pero ang mangyayari pala lahat ng itinapon ay sinasalo mo lang at isang bagsakan mong ibabalik lahat lahat sakin.
Nalinlang ba ako? O baka naman ako talaga ang mali at hindi para sayo.
4 notes · View notes
itsjammthings · 2 years ago
Text
Tumblr media
Madilim ang langit, mabigat ang ulap
Nakatalikod, nakatulala, nakasiksik sa sulok
Nagmula sa likod, lumapit, tumabi't humilig
'Di napigilan, sa lalim ng gabi, sa lalim ng pighati
Hikbi'y humulagpos, ulan ay bumuhos...
:<
0 notes
itsjammthings · 2 years ago
Text
Sobrang powerful ng mga salita, kaya sobrang hirap bawiin kapag nabitawan  ng hindi sinasadya. Hindi ko alam kung paano ko pa babawiin lahat ng masasakit na araw, Mga araw na sana’y pagmamahal ang nangibabaw at hindi sama ng loob, inis o galit. Nawala ako sa sarili ko dahil sa labis na pagmamahal. Naging mali ang paraan kung paano solusyunan ang mga problema. Hindi tama na ninais kong iparamdam yung sakit na aking nararamdaman  para maintindihan. Hindi tama na sabihin ko lahat ng masasakit na salita na hindi naman talaga para sayo. Pinagsisisihan ko lahat ng mga salita at bagay na aking nasabi o nagawa. Hindi ko alam kung paano ito pagsisihan ng tama kung puro mali na ang aking nagawa. Sobrang mahal na mahal kita pero hindi ko alam kung minamahal ba kita ng tama. Sa mga nangyari, tatanggapin ko kung mawala o nabawasan man ang pagmamahal mo sakin, pasalamat na ako kung may matira. Paulit ulit akong humihiling ng respeto pero hirap na hirap naman ako sa sarili ko na ibigay yun sayo. Paulit ulit kong hinahanap yung ikaw pero unti unti naman kitang binabago. Sana mapatawad mo ako sa lahat. Mahal na mahal kita, hindi ko alam kung paano ito isusulat sa paraang maipaparamdam ko sayo ng may sobrang pagmamahal.
1 note · View note
itsjammthings · 2 years ago
Text
0 notes
itsjammthings · 2 years ago
Text
Sa sobrang dami kong iniisip, kahit 'yong mga bagay na hindi naman dapat isipin... iniisip ko pa rin.(damay damay na 'to!)Nakalimutan ko na 'yong mga gusto ko talagang gawin.
0 notes
itsjammthings · 2 years ago
Text
"Everyone has their own timeline"
Sana true. Ayaw ko namang tanungin, pero hindi ko maiwasang isipin. Gaano pa ba kalayo ang kailangan kong lakbayin?. Umuusad ba ako? Malapit na ba? O baka Nakaligtaan ba ako? Mayroon ba talaga? Kung ganon, eh kailan ba?. Buti sana, kung malalaman mo na agad 'yong kahihinatnan mo. Kaso, sa huli pa 'yon. Ang gaan sigurong magpatuloy kung malalaman mo agad na sa huli magbubunga ang lahat. Pero, paano kung mauuwi lang sa wala ang lahat? Nagsikap ka, nagtiyaga ka pero wala.
Gaano pa ba kalayo ang kailangan kong lakbayin Umuusad ba ako? Malapit na ba? Nakaligtaan ba ako? Mayroon ba talaga? Kailan ba? Paano kung mauwi lang sa wala lahat?
Eroplanong papel na walang direksyon sabay lang sa hangin kung saan dalhin ng ihip. Maaring maganda ang mapuntahan, maaaring sa patag na lugar, sa taas ng puno, sa dagat o sa taas ng bubong.
Bangkang papel sa tubig ulan magpapakasaya ka sa agos sasabay ka lang pero paano kung sa kanal lang din ang diretso mo
0 notes
itsjammthings · 4 years ago
Text
I.
Palagi ko sinasabi iyakin ako, palagi rin nila nakikita sa maliit na bagay at mababaw na dahilan.
Pero ngayon ang bigat ng nararamdaman ko pero hindi ako makaiyak. Iniisip ko mas okay ba ito? Pero parang hindi, kasi dati kapag umiyak na ako.. tapos na at gagaan na. Ngayon.. ilang araw na, walang iyakan at ang tagal , ang bigat. Naiisip ko na baka mamaya bigla ko nalang ito mabitawan at bigla akong mawala. Nakakabahalang mawalan ng kontrol at bigla nalang sumabog. Kaso hindi ako makaiyak pero ang bigat ng pakiramdam ko. Sa tingin ko, hindi naman ako malungkot, hindi ko alam. Minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga ang mali sakin. O kung tama pa ba na ganito. Sa tuwing sinusubukan kong lumapit, nararamdaman ko ang mga hakbang papalayo. Sa tuwing sinusubukan kong magpakalayo, nararamdaman ko ang pagdagsa ng mga katanungang kahit ako mismo hindi masagot.
~Ayoko ng magpaliwanag, kung pwedeng maging ako nalang, ako...
0 notes
itsjammthings · 4 years ago
Text
Tumblr media
Kay bilis ng panahon, nakakagalak gumunita—
sa bawat isang nangarap at ngayo'y natupad.
Kay gaan sa pakiramdam, mga sandaling nabigo ngunit kailanma'y hindi sumuko.
Mithiing noo'y isinaisip , inilathala, binigkas at ngayo'y pinatunayang totoo.
Hindi pa ako handang gumunita.....
Ngunit ako'y palaging magiging masaya sa bawat ala-ala ng iyong tagumpay.
0 notes
itsjammthings · 4 years ago
Text
Nananabik akong muling mapuno ng mga litrato ang aking selpon at muling masilayan ang iyong ganda. Damhin ang bawat pag-hinga ng preskong hangin at ng bawat pangitain. Masilayan ang araw pag-litaw man o pag-lubog, buwan kalhati man o buo, mga bituin natatanaw man o hindi natatanaw, kalangitan maliwanag man o madilim, mga buhangin, alon sa dagat at lahat ng nabubuhay. Nasasabik na ako sa iyo. Ikaw sa pang-kalahatan. Kahit paulit-ulit , kahit alam ko na ang susunod na mangyayari hindi parin ako mag-sasawa. Paulit-ulit na magiging kakaiba.
1 note · View note
itsjammthings · 4 years ago
Text
Ang saya ng mga pang-yayari ngunit bakit ang lungkot ng mga ala-ala.
Tumblr media
Sa pag-hampas ng alon at pag-dampi ng hangin. Ang mga matang nanliliit ay mas manliliit pa sa oras na ika'y masilayan.
Hinding hindi maikukubli ang saya at ang mga ngiting abot langit.
Ikaw lang.
Oo, ikaw lang sa pagsikat ng araw,
sa kanyang pama-maalam at sa pag-dungaw ng buwan kasabay ang pagkislap ng mga bituin sa dilim,
Ikaw lang.
Segundo lang ang iyong pananatili, ngunit katumbas noon ay ang pagtigil ng mundo sa bawat sandali.
Sa bawat oras na may ikaw, sa iyong pag-titig at pag-ngiti.
Sa bawat araw na lilipas ay ang pananabik sa nag-iisang ikaw.
Ikaw na nag-bigay pag-asa at liwanag sa dilim ng aking buhay.
Inakala kong ikaw lang at ikaw pa rin.
Kahapon at ngayon ngunit wala na palang bukas.
Kung pwede lang manatili at ulit-ulitin ang lahat.
Ngunit hanggang dito na lang.
At sa paglipat sa susunod na pahina'y ikaw ngayo'y sa kanya at ako'y isa na lamang ala-ala.
1 note · View note
itsjammthings · 4 years ago
Text
“I thought it might be nice… to have some time to not think.”
18K notes · View notes
itsjammthings · 4 years ago
Text
Naranasan mo na bang magpuyat nang nakapikit?
Wala lang..., mag-papanggap ka lang tulog.
Minsan ilusyon nalang na.. kunwari panaginip pero imahinasyon lang. Literal managinip nang gising.
Kahit na tahimik, kahit na madilim at kahit nakapikit.
Buhay parin, ayaw mag-pahinga, ayaw tumigil at ayaw manahimik.
Mapag-panggap.... Mapag-isip...
1 note · View note
itsjammthings · 4 years ago
Text
Pinuyat ng kahibangang may tayo.
Hindi pa nakikilala't hindi pa nagtatagpo.
Kung mangyari'y malabo't malayo.
Ikaw at ako sa magka-ibang mundo.
Ikaw at ako ngunit walang tayo.
1 note · View note
itsjammthings · 5 years ago
Text
Asa ulit;
Hindi nadadala, nasaktan na pero patuloy parin sa nararamdaman. Nagbubulag bulagan sa malinaw na katotohanang. Yung may label hindi nagtatagal, paano pa kaya yung wala?. Gising!!!
1 note · View note
itsjammthings · 5 years ago
Text
Asa;
Hindi mo namamalayan, pero ginagawa mo na. Itanggi mo man, pero mararamdaman mo ng kusa. Sa huli, ikaw ang masasaktan.
0 notes
itsjammthings · 5 years ago
Text
“she hid her heart in her poems…where no one would ever find it”
— (via michaelbogild)
744 notes · View notes
itsjammthings · 5 years ago
Text
Tumblr media
4 notes · View notes