Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Dear You.
Dear You,
Naalala ko noong bata ako, nagdasal ako sa kwarto ng pinsan ko kasi gusto ko ng roller blades na kagaya ng kanya, nagulat na lamang ako nang kinabukasan may roller blades na sa tabi ng kama ko.
Naalala ko rin noong lumuluha akong nagdasal sa labas ng bahay namin (habang tumitingin sa stars) at nagdasal na makanood ng Westlife concert, nakanood ako, dalawang beses pa!
Bata pa lang ako, alam ko nang may espesyal akong lugar sa puso Mo, sabi ko nga sa kanila, prinsesa Mo ako (smiles)
Sobrang pinagdasal ko ito, hanggang panaginip dala-dala ko, na sana mas tumagal pa ang Sunday Funday. bbawcjbkw,efbawh lagb laebrl jknsl. Di ko na po alam kung ano pang sasabihin, alam ko lang mahal ko ito, mahal na mahal.
Hanggang sa naalala ko rin noong nagpray ako na maging dance club tapos nalate ako sa auditions, dahil doon, hindi ako naging dance club, naging STP ako -- Sinning at Tanghalang Pilipino, President.
Naalala ko rin noong pinagpray ko na makapag-ABS-CBN, pasado ako sa exam at isang interview, sabi nila may Monday final interview raw pero di nila ako tinawagan, TV5 ang tumawag sa akin na may Monday interview ako, Natanggap ako sa TV5, pagkatapos tumawag sa akin yung ABS na namove ng Wednesday ang interview ko. Salamat po kasi ngayon, Associate Producer pa ko, diba :)
Oo, lagi Mong sinasagot ang mga dasal ko, hindi nga lang YES lagi, kasi mayroon kang mas magandang plano para sa akin, para sa amin. Siguro nga Sunday Funday na 11am show ay matatapos na pero sigurado ako na may mas awesome kang plano para sa aming lahat.
goodbye 11am show, Hello greater plans, Funkadas tayo forever! :)
p.s.
Salamat po kasi may huling hirit pa!
http://www.facebook.com/photo.php?v=10151177676996562
1 note
·
View note
Photo
---sometimes, you are the miracle :)

5K notes
·
View notes
Text
truestory #2: Dreamboy
Ipinanganak na panganay sa tatlong babaeng magkakapatid at nag-aral ng eleven years sa all-girls school, well hindi talaga ako sanay sa company ng mga lalaki lalo na kapag magugulo sila, napipicture ko lang ang mga ka-service ko na amoy pawis kakalaro sa school.
Kaya pagpasok ko sa room 115 hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili, ang daming lalaki, may matangkad na pumopormang nagshshoot ng basketball kahit walang hawak na bola, mayroong may hikaw, may kumakanta-kanta, may mga naghaharutan--may mga lalaki.
Pero nakaya ko naman, hindi naman pala lahat kaamoy ng mga kaservice ko, minsan mas mabango pa sila sa nanay ko. Normal naman ang mga sumunod na araw ko hanggang sa araw na
Terror-ish Prof: Bring your Philippine Government and Constitution Book OR ELSE...
Bilang freshman takot na takot ako nun, kaya napabili pa ako ng libro.
isa pang freshman na takot na takot nun (pero hindi kasing takot ko kasi wala siyang binili) ay ang kabatch kong si Joana
Joana: Joselle, pwede bang pahiram ng PGC book?
ako: Ha? eh paano...
Joana: first subject namin, sige na please please...
ako: Osige na nga ibalik mo lang agad ah? third subject namin.
matatapos na ang first subject namin na ang iniisip ko ay ang PGC book hanggang sa may nareceive akong text message:
0917#######: Joselle, Joana to, iniwan ko yung book mo sa ibabaw ng vendo machine sa labas ng room niyo, thanks ah.
kaya pagakatapos ng klase lumabas agad ako, may kung anong panghihina ang naramdaman ko nung nakita ko yung libro, luma--hindi naluma, luma talaga. hindi yun ang libro ko, sinong siraulo ang nanguha nun? akala ko nun, ganun talaga pagcollege pero sabi ng seatmate ko, tanungin ko raw sa mga blockmates namin baka lang may nagkamali (inisip ko nun, hanep naman na nagkamali yun, pero sinubukan ko pa rin)
ako: ah excuse po, may nakakuha po ba ng libro sa vendo sa labas...(ang ingay ng boys sa likod, oy pare yan yun! ibalik mo, hoy hindi blaaaaaaah) EXCUSE ME, baka po may nakakita...
blockmateboy: (tumayo pa) ah is this you book?
(tumalon ang puso ko nun, yun nga ata yun!)
...ah eto ba yun? kasi nanghiram ako sa kaibigan ko, sabi niya ilalagay raw niya sa ibabaw ng vendo machine sa labas, eh eto yung nakita ko..
ako: aaah baka nagkapalit tayo, eto siguro yung sayo..
so yun, ang nangyari, nauna siyang lumabas, nakuha niya ang libro ko, pagpasok niya dumating ang kaibigan niya, nilagay yung book na hinihiram niya, dun naman ako lumabas kaya ang nakita ko, yung lumang book.
hindi naman masyadong naging bigdeal sa akin ang maliit na pagkakataon na yun hanggang sa kinabukasan, nakita naming pareho kami ng wallet, ayoko mang isipin naisip ko na may message, hindi ko lang alam kung ano, inisip kong humingi pa ng clue pero mukhang mas naguluhan ako
ako: seatmate! may sasabihin ako sayong secret as in secret ah? Napanaginipan ko si blockmateboy!
seatmate: oh my yikeeee!
ako: yan, kaya ayoko ikwento, kasi mangaasar kayooooo
akala ko matatapos na lang ang araw ng ganun, pero hindi
blockmateboy:seatmate, anong pangalan nun? (tinuro ako, kaya si seatmate ko nakichismis)
seatmate niya: ah si joselle, bakit?
blockmateboy: wala, napanaginipan ko kagabi.
Ayun nga, bago umuwi ay lumapit siya sa akin nagpakilala at sinabing napanaginipan niya ako, (maniwala man kayo o hindi) pareho kami ng panaginip.
Simula noon, dreamgirl na ang tawag niya sa akin, at dreamboy naman ako sa kanya.
Pagkatapos noon, magkahawig pa pala kami ng multiply account, at pareho kami ng number sa shorts na suot namin noong first day of PE.
Maraming araw ang dumaan at dumami ang rason para maging mas malapit kami sa isa't isa.
Nalaman rin naming nasa isang lugar kami noong mga bata pa kami, sa isang Kids for Christ event sa Alpadi, Antipolo
Hanggang sa nasanay na yata kami sa 'fate' na mayroon kami.
Apat na taon na rin ang nakalipas, at hanggang ngayon, magkasama parin kami, pareho kami ng working place at matalik na magkaibigan pa rin.
Nyak sayang mas maganda kung nagkatuluyan kayo! o kaya naman Sus! Bestfriend, magkakatuluyan rin kayo!
Lagi kong nakukuha ang mga comment na yan, pero tuwing binabalikan ko ang malafairytale na kwento namin, napapatunayan ko na may mga bagay na meant to be talaga, gagawa at gagawa ng paraan ang paligid (with God's order) pero at the same time, binibigyan tayo ni God ng choice sa kung saan tayo magiging mas masaya, sa kung saan tayo hindi mahihirapan. Na ang pagmamahal hindi sa kung ilang beses niyo napanaginipan ang isa't isa, hindi rin sa kung ilang beses kayo pinagtagpo ng pagkakataon pero it is a choice we make again and again and again---happily.
p.s.
Masayang-masaya na ang puso ni Dreamboy ngayon at masaya ako para sa kanya, excited lang kami na dumating na si Realboy ko. :)
0 notes
Text
truestory #1: ANGHEL SA LUPA
Kung nakilala mo ako sa taong 2000 above maaaring hindi mo inabutan ang mga panahong nakikipagkompitensya ako sa best kontrabida award kay Laviña ng Princess Sara o kaya naman kay Clara ng Mara Clara.
(int. St. Scho Marikina, first day of classes 1999)
sa may aisle ako nakaupo noon, at tandang-tanda ko, walang umupo sa tabi ko. "oh well I dont really care" sabi ng utak ko. Nagflag ceremony at nag morning praise na noong may dumating na batang maikli at sobrang nipis ng buhok. Sa nipis ng buhok niya, napatitig ako sa anit niya, natigilan lang ako noong kinausap niya ako at sinabing "Hi ako si Janeen, pwede ba kitang maging bestfriend?" Nagulat ako "bestfriend sa unang araw ng pagkikita?" sinabi ko sa sarili ko kahit na gusto ko talagang sabihin sa kanya, di ko alam bakit sa sama ng ugali ko naggawa kong hindi sabihin yun. "Ah pwede, gagawin ko siyang alila" ayun, kaya pala may mas masama akong balak.
June, July, August, September, October.
Siya ang tagakuha ko ng pagkain, tagaayos ng gamit, taga-do all what joselle wants. EXCEPT SA HOMEWORK, matalino kasi ako, sabi ko.
November, December.
Booom. Nagkakapuso na ba ako? Parang ayoko na siyang utusan, hindi naman kasi siya napapagod -- na mahalin ako. Pero hindi, hindi ako babaguhin ng batang manipis ang buhok. "Kailangan saktan ko siya ng sakit na aayawan na niya ako." sabi ng kontrabidang side ko na lumalaban.
January, February, MARCH.
March dumating ang climax. Naisip ko na kung paano sasaktan ang bida. "Magbibirthday na ako, may tatlo akong wish sa birthday ko 1. magkajumper 2. makita ka 3. makalipad." Tatlong bagay rin ang naisip ko nun. 1. jumper? wow. sosyal ah. Sarcastic ako. 2. ako? bakit ba mahal na mahal ako nito? gina**go ba ko nito? 3. Lipad? aaaah pagkatapos mo makipagbestfriends sa unang araw ng pagkikita, ngayon lilipad ka naman. Not so weird ah. "ah wow" pero yan ang sinabi ko "alam ko na, ako na bibili ng jumper." yan ang evil plan. Sa birthday niya, hindi ako pupunta siyempre dahil ako ang bibili ng jumper wala na rin siya nun, lipad? ASA. Siguro kung ganun ko siya sasaktan lalayuan na niya ko. Para sa kanya naman yun, masyado na akong masama para sa kanya, sabi ng not-so-bad side ko.
MARCH 2, 2000
Nilibre niya ako ng Sinigang (paborito ko sa St. Scho canteen) at Cornetto (bukod sa uso yan nung panahon na yan, vanilla ice cream, yan ang makakapagpasaya sa akin sa kahit anong circumstance) "May isa pa sana akong hihilingin sayo?" sabi niya. "Fairy God Mother?" Hindi yan ang sinabi ko. "Ah ano yun? Ang dami mo namang gusto." "Pwede ba tayong maglaro?" "Ah yun lang pala, sige, pagkakain ko." Pero ang totoong nasa utak ko "Ah? wow ah, laro. ANG SAYA. Ikaw na lang papaasahin kita today, sorry pero kailangan."
At yun nga. Nagdahilan ako. Mga tatlong beses lang naman ako nagsinungaling pero sa huli't huli...
"Joseeeeeelle, Joseeeeeeelle, Joseeeeelle!" sumisigaw siya.
Tumalikod ako para makapagpanggap na di naririnig.
"JOOOOOOOSEEEEEELE!" isang malakas tapos nadapa siya.
"LOSER." sabi ko pero after five seconds nagkagulo ang buong gradeschool, hindi na siya bumangon.
(Okay, ngayong binabalikan ko ito ang lakas ng kabog ng puso ko ang linaw ng picture, tandang-tanda ko)
Walang malay at may kulay violet sa bibg. Tumigil ang mundo ko.
Kinahapunan, pinuntahan ako ng Principal, hinihingi ang mga gamit ni Janeen.
"Nasa hospital siya, dun muna siya mag-aaral"
May kung ano sa puso ko ang kumirot. Pero di ko na binalikan pa, tutal ito naman ang gusto ko, ang malayo siya sa akin.
Umuwi ako ng bahay na may kulang, inisip ko dahil wala sigurong nagligpit ng gamit ko o kaya wala akong napagtripan. Oo, ito yung moment na magfflash back sa mga palabas.
Pag-uwi ko ng bahay, yung isa ko pang e**l na classmate tumawag sa akin "Joselle, patay na raw si Janeen sabi ng mommy ko."
Teacher kasi ang nanay niya at pakiramdam niya alam niya lagi lahat ng secrets pero hindi yun ang naalala ko sa mga oras na yun; binaba ko ang telepono at nag-iiiyak sa dahilang hindi ko alam.
March 3, 2000
Sa morning praise ay sinabing "Let's pray for the soul of..."
Nagtatakbo ako sa cr at dun umiyak nang walang humpay.
"Garde 4 pa lang kami, walang namamatay ng garde 4."
March 4, 2000
Sinubukan kong puntahan siya, pero noong nakita ko yung picture, alam niyo yung malaking picture na malapit sa kabaong? Nanlambot ang tuhod ko, hinanap nito ang way pauwi ng bahay namin.
pero siyempre kailangan kong harapin sabi nga ng daddy ko "malulungkot ang BESTFRIEND mo" at oo, hindi naman niya alam na salbahe ako.
March 5, 2000
Pumasok na ako sa loob ng chapel. Puro balloons sa paligid, may mga paper plates at spaghetti.
paglapit ko sa kabaong tumigil ang mundo ko for the second time.
Naka jumper siya.
May sayad talaga ang loka-lokang manipis ang buhok. Oo nga pala March 5 ang birthday niya. Oo ulit, in short natupad ang birthday wish niya
1. nakajumper siya.
2. nandun ako.
3. nakalipad siya.
(tumayo ba balahibo mo? lalo ako nun. Hindi dahil sa takot.)
"ikaw ba si joselle" sabi ng Mommy niya. "sorry po sorry po" yun na lang nasabi ko, alam niyo na siguro kung bakit. "Wala kang dapat ipagsorry, matagal na kitang gusto makilala, sabi kasi ni Janeen, ang bait-bait mo sa kanya" yan ang hindi ko maintindihan kung bakit.
Hindi ko alam kung bakit sinabi niya sa Mommy niya na mabait ako, ang alam ko lang pagkatapos ng lahat naisip ko na hindi lahat ng bagay maaadjust mo. Kaya hanggat may pagkakataon ka, sabihin mo na ang dapat mong sabihin, gawin ang dapat gawin.
Hindi ko naggawang magsorry, magthank you at magiloveyou sa kanya pero alam kong sa buti ng puso niya, napatawad na niya ako.
Sabi na lang niya sa akin, ibalik ko sa iba yung magandang pangyayari sa buhay ko dahil sa kanya, pay it forward ba.
Kaya ikinuwento ko kami sa inyo, matagal ko ring isinecret ang kwento namin, naisip ko kasi na mas matatago ko ang memory kung ibabaon ko, pero ngayon naisip ko na matutuwa siya kung may matututo pang iba bukod sa akin.
Mas mahaba pa dapat ang kwento pero hanggang ngayon, hindi ko mahanap ang mga perpektong salitang dapat gamitin para tapusin ang kwentong ito. May theory kasi ako na namatay na siya bago pa man ang March 2, 2000:
Janeen: Lord?
Lord: Ako nga.
Janeen: Patay na po ako? Ayoko paaaaaa!
Lord: Osige, bubuhayin kita pero may ipapaggawa akong misyon sa iyo. (enter videos ko)
At yun kaya sa unang araw ng pagkikita namin ay tinanong niya ako kung pwede niya ako maging bestfriend, at kaya hindi siya napagod na mahalin lang ng ako.
Akala ko ako ang kontrabida sa kwentong ito, pero hindi, ako ang bida at ang anghel na pinadala sa akin. :)
1 note
·
View note
Photo

May kaibigan akong nagsabi na serendipituous (Adj. -lucky in making unexpected and fortunate discoveries) raw ako. Napangiti ako noong sinabi niya yun naisip ko, "Oo nga no? O magaling lang ako tumingin ng kwento ng buhay ko? Well sa huli't huli, maganda ang buhay ko.".
At ang magandang buhay na ito ay gusto kong ibahagi sa iyo. :)
0 notes
Text
Superhero kaaa?
Hindi ako si Darna. Hindi ako si Wonderwoman. napapagod ako. Hindi ako SUPERHERO. BUTI NA LANG. napapaGOD ako. isurrendertoYou. That in all things, God may be glorified!
0 notes
Text
KKK(kasuluksulukan, kadilimdiliman, kataastaasan)
Masarap manood ng last full show pero minsan (oo na..madalas) hindi ako makapagconcentrate nang mabuti dahil sa mga taong nagaagawan sa KKK(kasuluksulukan, kadilimdiliman, kataastaasan) abaaa. kamay sa kamay, bewang sa bewang, mata sa mata, ilong sa ilong, bleeeeeeeeeep. funny bones ba ito? Walang effect kahit na lahat ng mata ng tao sinasabing 'Magrent na lang kayo ng dvd at sa bahay kayo manood.' Wala silang pakialam, bakit? kasi in luv silaaa. Pero isa pang kumukuha ng atensyon ko eh yung mag-asawang katabi ko madalas. Hindi sila mahilig umupo sa KKK kasi may tatlong dalagang anak na sila, gusto ng tatlo sa bandang gitna para mas kita ang panonoorin. May edad na sila pareho, yung lalaki, puti ang buhok na may highlights na black, yung babae naman mayamangmayaman sa baby fats (baby fats?) fats caused by producing babies raw. nakakalimutan ko ang pinapanood ko (oo kahit pa si John Lloyd yun!) tuwing naririnig ko ang lalaki na humihirit ng 'mas gwapo pa ako kay John Lloyd no?' sabay kiss. sabay hug. tapos holding hands. Wala naman akong napapansing mga matang nagpapabili ng dvd sa kanila siguro ramdam na lang nila na hindi pasweet ang mga ito, ramdam nila na higit dalawampung taon na silang magkasama, higit dalawampung taon nang nagluluto, naglalaba, nagtatrabaho, nagpapalaki ng mga matitigas na ulo (alam ko, mga magulang ko yan eh!). Higit dalawampung taon na magkahawak sa hirap, sa ginhawa, sa sakit, sa kalakasan, sa lungkot at sa saya. Tigilan na ang pagbabasa. Hawakan mo na ang kamay ng asawa mo. mommy mo. daddy mo. kabarkada mo. ka-org mo. kahousehold mo. At patunayang hahawakan ito dumating man ang kasuluksulukan, kadilimdiliman, kataastaasan at kababababaan ng buhay. Ang kwento ay ayon sa tunay na pangyayari sa blessed na buhay ng manunulat. (Inspired by Hold Hands, You Can Make Your Life Beautiful, Bo Sanchez) That in all things, God may be glorified!
paraluman-Tabi (with Kean of Callalily).mp3 -
0 notes
Text
First love never dies.
Mahal ko talaga.
Kaso ang daming dapat gawin.
Ang daming dapat isipin.
Di tuloy ako mapakali ngayon.
tugdugtugdugtugdug.
itutuloy ko ba 'to o hindi?
Lord!!!!!!!!! Puso ko po please?C:
THAT IN ALL THINGS, GOD MAY BE GLORIFIED.
0 notes
Text
Nasaan?
Yesterday I just cant believe your gone Still waiting for morning to come When I see if the sun will rise Without you here by my side Oooo where we had so much in store Tell me what is it all reaching for When were through building memories I'll hold yesterday in my heart In my heart They can take tomorrow and the plans we made They can take the music that we'll never play All the broken dreams Take everything Just take it away But they can never have yesterday They can take the future that we'll never know They can take the places that we said we will go All the broken dreams Take everything Just take it away But they can never have yesterday You always choose to stay I should be thankful for everyday Heaven knows what the future holds Or least where the story goes I never believed it until now I know I'll see you again I'm sure No it's not selfish to ask for more One more night one more day One more smile on your face But they can't take yesterday They can take tomorrow and the plans we made They take the music that we'll never play All the broken dreams take everything Just take it away But they can never have yesterday They can take the future that we'll never know They can take the places that we said we will go All the broken dreams Take everything Just take it away But they can never have yesterday I thought our days would last forever But it wasn't our destiny 'Coz in my mind we had so much time But I was so wrong No I can believe me I can still find the strength in The moments we made I'm looking back on yesterday
MINSAN ANG KAHAPON NA LANG ANG MAYROON TAYO. MAHIRAP PERO KAILANGANG KAYANIN..KUNG HINDI..
NASAAN SI LENNON?
FEBRUARY 17-19, 2009
RIZAL CONFERENCE HALL, ST. RAYMUND'S BUILDING, UST
SA DIREKSYON NI JOSELLE SALVADOR AT SA PAMAMAHALA NI CHRISTINE MANALAYSAY.
*besa, naidirek ko ito nang nakakarelate, tuwing nagrerehearse kami bumabalik ang konting yesterdays, ang mcdo cubao, ang ust dance troupe na bubuuin natin, lahat, mahirap, pero alam mo, ang saya ko nagyon, ibulong mo kay Lord itong play na ito ha? i miss you.
0 notes
Text
Grown ups?c: (edi nakasulat to sa lahat!)
So no one told you life was gonna be this way Your jobs a joke, you're broke, your love life's D.O.A. It's like you're always stuck in second gear And it hasn't been your day, your week, your month, or even your year but.. I'll be there for you When the rain starts to pour I'll be there for you Like I've been there before I'll be there for you 'Cuz you're there for me too... You're still in bed at ten And work began at eight You've burned your breakfast So far... things are goin' great Your mother warned you there'd be days like these Oh but she didn't tell you when the world has brought You down to your knees that... I'll be there for you When the rain starts to pour I'll be there for you Like I've been there before I'll be there for you 'Cuz you're there for me too... No one could ever know me No one could ever see me Seems you're the only one who knows What it's like to be me Someone to face the day with Make it through all the rest with Someone I'll always laugh with Even at my worst I'm best with you, yeah It's like you're always stuck in second gear And it hasn't been your day, your week, your month, or even your year... I'll be there for you When the rain starts to pour I'll be there for you Like I've been there before I'll be there for you 'Cuz you're there for me too... I'll be there for you I'll be there for you I'll be there for you 'Cuz you're there for me too...So no one told you life was gonna be this way Your jobs a joke, you're broke, your love life's D.O.A. It's like you're always stuck in second gear And it hasn't been your day, your week, your month, or even your year but.. I'll be there for you When the rain starts to pour I'll be there for you Like I've been there before I'll be there for you 'Cuz you're there for me too... You're still in bed at ten And work began at eight You've burned your breakfast So far... things are goin' great Your mother warned you there'd be days like these Oh but she didn't tell you when the world has brought You down to your knees that... I'll be there for you When the rain starts to pour I'll be there for you Like I've been there before I'll be there for you 'Cuz you're there for me too... No one could ever know me No one could ever see me Seems you're the only one who knows What it's like to be me Someone to face the day with Make it through all the rest with Someone I'll always laugh with Even at my worst I'm best with you, yeah It's like you're always stuck in second gear And it hasn't been your day, your week, your month, or even your year... I'll be there for you When the rain starts to pour I'll be there for you Like I've been there before I'll be there for you 'Cuz you're there for me too... I'll be there for you I'll be there for you I'll be there for you 'Cuz you're there for me too... thanks em, apple, angela, kadatwin, ahlee and angel!!
0 notes
Text
girlfriend and parengkuya.c:
late naaa. pero i looove this day e.c:
0 notes
Text
Gamot sa puso.c:
napakalate na nitong post pero gumagaan talaga ang puso ko dito.c: I MISS YOU!!!!!! sa birthday naman ni jewels!!!!!!!C=
0 notes
Text
ham and egg
pig: uy, napakabait at napakamapagmahal na kaibigan talaga niya sa atin ano?
hen: oo nga e!
pig: tara bumawi tayo sa kanya!
hen: sige, paano kaya?
pig: ...
hen: alam ko na!!
..ipagprepare natin siya ng breakfast!
pig: paano? ano?
hen: edi kung ano meron tayo!
..ham and egg!
pig: osige! pero, teka..
hen: bakit?
pig: ikaw mangingitlog, ako mamamatay?
yan raw ang pagkakaiba ng resposnibility sa commitment.
learn. live. love.
0 notes
Text
dreamboy..c:
jULY 17, 2008
Footprints in the Sand -Revised
One night I dreamed a dream.
I was walking along the beach with my Lord.
Across the dark sky flashed scenes from my life.
For each scene, I noticed two sets of footprints in the sand,
one belonging to me and one to my Lord.
When the last scene of my life shot before me I looked back
at the footprints in the sand and to my surprise, I noticed that
along the lowest and saddest path of my life
there were still two pairs of footprints.
This bothered me and I questioned the Lord about my dilemma.
“Lord, you told me when I decided to follow You, You would
Be with me always. Lord, I know that you were with me all the time,
I saw the pairs of footprints, but why didn’t you carry me like the others?
Do you love me little than them?”
He whispered, “My precious child, I love you,
I love you as much as I love your brothers and sisters.
When you saw two sets of footprints it was then that when I was carrying you,
a boy kept on following me, he said he just wanted to be sure you are all right.
Joselle, you are being loved more than you know...”
One night I dreamed a dream with the Lord and aaah… dreamboy.
LEARN. LIVE. LOVE.
0 notes
Text
l_ve.c:
Birthday ng sobrang espesyal na tao ngaun.
gaano siya kaespesyal?
will i die for her?
hindi.
kasi I will live for her.
ang pinakaunang batang concern sa akin, pinakaunang batang magsasacrifice para sa akin.
ang sobrang nagpparamdam ng true love sa akin.
God's living proof of love.
dahil birthday mo.
sige mas maganda kaaaa.
haha.
Happy birthday bunso.
andito si ate lagi.
i love you!!!
0 notes