Tumgik
itsyahgirl · 2 years
Text
Just Beyod The Sunset Sky
-Harmonics
0 notes
itsyahgirl · 4 years
Text
What is a friend, anyway?
A friend is someone who understands you, and if they don’t, they try to. They want to know what you’re all about and what you need. A friend is somebody who is there for you when they can be, but also sets boundaries when they need to. Many things make someone a good friend, and the definition of what makes a true friendship differs from person to person.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
itsyahgirl · 4 years
Text
Hello STIers!👋
Magandang umaga sa inyo. Nawa'y kayo ay na bless sa umagang ito.
Ngayon narito ako upang ipaalam sa inyo ang kahalagahan ng wika.😊
•Bakit mahalagang matutunan ng isang tao ang mga wika o wikaing ginagamit sa kanyang paligid?
Bakit nga ba? Ano sa inyong tingin bakit natin kailangan na aralin ang mga wika o wikaing ginagamit sa ating paligid? Ang sagot ko, bilang isang studyante, mahalagang matutunan ng isang tao ang mga wika o wikaing ginagamit sa paligid para sa maayos na komunikasyon sa kanyang kapwa. Kung matututunan mo ang mga wika sa kanyang paligid hindi ka mahihirapang makipag-usap o maki-ugnay sa kaniya. Kung hindi mo alam ang wikaing ginagamit sa kanyang paligid mahihirapan kang makibagay at makapagpahayag ng iniisip at saloobin. Hindi ka magkakaroon ng kaibigan o kakilala, maiiba ang tingin sayo ng mga tao at maaaring ituring kang iba at hindi kabilang sa kanilang komunidad. Kaya't mahalaga na ating aralin ang mga wika o wikaing ginagamit sa ating paligid.
•Sa paanong paraan maaring makatulong sa isang tao ang pagiging multi-lingual? Magtala ng pamamaraan.
Makatutulong sa isang tao ang pagiging multi-lingual sa mga paraang pakikipag-usap o pakikipag-ugnanyan sa mga taong iba ang wika kaysa sa wikang ginagamit. Nagiging malaya at epektibo ang pakikipag-usap sa mga taong iba ang wika at bukod dito nakatutulong din ito sa pagkakaroon ng maayos at bukas na komunikasyon sa kanyang kapwa. Kagaya na lamang sa aking naranasan. Ako ay may mga kaibigan na nasa ibang bansa at alam naman natin na ang kanilang wika ay naiiba sa atin. Sa tuwing sila ay pumaparito sa amin nagagamit ko ang pagiging multi-lingual at natuturuan ko rin sila kung paano gamitin ang wikang Filipino.
Limang pamamaraan na makatutulong sa isang tao ang pagiging Multi-lingual.
1. Kung gusto mong magbakasayon sa ibang bansa kaya mong makipagsabayan sa kanila.
2. Kung ikaw ay nagkaroon ng bisita na taga ibang lugar madali sa iyo na makipag-ugnay.
3. Maipapahayag mo ang iyong saloobin o damdamin na walang alinlangan.
4. Pinapahusay at pinappabuti ang iyong kritikal na pag-iisip, kahusayan sa paglutas ng mga suliranin, at mas mabilis na pagkatuto ng iba't ibang wika bukod sa unang wika.
5. Magagamit mo ito kung ika'y nagtrabaho, tulad nalang ng pananaliksik ng mga impormasyon.
Magaling! Natapos mo hanggang sa dulo.
Maraming salamat sa pagbabasa nawa'y marami kang napulot na aral. Nawa'y hindi mo lang ito binasa kundi iyo ring isabuhay at isagawa sa iyong pang araw-araw na pamumuhay. Pagpalain ka nawa ng Diyos.😇
4 notes · View notes