iversonjohn
iversonjohn
The 7th Grader
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
iversonjohn · 5 years ago
Text
China at Sinocentrism
Kumusta mga kaibigan! Nagagalak akong natutunton mo ang aking blog. Marami akong kuwento na gustong ibahagi sa inyo. Tara na't maglakbay tayo sa Kasaysayan ng isa sa mga bansa sa Asya. Ibabahagi ko sa inyo ang kaisipan sa China. Ito ay tinatawag na Sinocentrism. Makinig kang mabuti sa aking kwento.
Noong unang panahon, ayon sa mga Tsino, ipinagmamalaki nila ang kanilang nasyon na naging ugat sa katotohanang ang kabihasnan nilang umusbong sa Huang Ho. Ang kanilang kabihasnan ang pinakamatandang nabuhay na daigdig na ayon o hango sa mga turo ng tanyag na pilosopo na si Confucius. Ang kanilang kabihasnan mataas na pagtingin sa kanilang sarili ay bunga sa ‘di matatawarang ambag sa larangan ng pilosopiya, kaisipan, at imbensyon.
Tumblr media
Tinawag nila ang kanilang imperyo na Zhongguo o Middle Kingdom o Gitnang Kaharian. Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at kaganapan. Ang sino mang tumanggap ng impluwensyang Tsino at yumakap ng Confucianism ay sibilisado at ang hindi nabibiyayaan ng kanilang kabihasnan ay barbaro.
Tumblr media
Kapuri-puri ang mga Tsino dahil sa hindi nila ipinagkait ang kanilang kultura sa hindi kalahi. Tulad ng mga karatig bansa tulad ng Japan, Korea at Vietnam. Ang pagiging sibilisado ay hindi usapin sa lahi kung hindi sa pagtanggap ng Confucianism. Nang dumating ang mga Europeo sa China, sila’y tiningnan ng mga Tsino bilang barbarong may katayuan sa daigdig.
Tumblr media
Ang katagang Sino ay ginagamit upang tukuyin ang mga Tsino, kung kaya’t ang kanilang pananaw na sila ang superior sa lahat ay tinaguriang Sinocentrism. Ang emperador ng mga Tsino ay Anak ng Langit (Son of Heaven) na namumuno dahil sa kapahintulutan o basbas ng Langit (Mandate of Heaven) na may taglay ng virtue (birtud o kabutihan). Kadalasan, may mga palatandaan sa kalikasan tulad ng pagkakaroon ng lindol, bagyo, tagtuyot, peste o mga digmaan at kaguluhan. Kapag ito’y naranasan ng imperyo, isa itong palatandaan na hindi na nasisiyahan ang kalangitan sa nakaupong emperador.
Tumblr media
Ang mga paniniwala ng mga Asyano, mapa-relihiyon at pamumuno, ang nagtutulak sa kanila sa pagpapalawig pa ng kanilang mga kabihasnan at estado at hanggang ngayo'y nao-obserbahan pa din ito lalo na kung sa pagpapaangkat ang produkto ang pinag-uusapan. Sumasailalim ng kapangyarihan ng isang lugar sa Asya ang isa pang pinagbabagsakan ng mga produkto nito.
Ang paniniwala nila sa kanilang namumuno ang gumagabay sa kanila upang palawigin pa ang kanilang mga kaalaman at ang sakop ng kanilang imperyo. At lahat ng ito'y bilang paggunita sa kanilang mga emperador.
Malaki ang naging impluwensiya ng mga relihiyon at pilosopiya sa pamumuhay ng mga Asyano. Makikita ito sa kanilang lipunan, kultura, at kasaysayan. bagama't magkakaiba ang relihiyon , napapanatili ng mga Asyano ang paggalang at pag-unawa sa bawat isa.
Hanggang dito na lang muna. Kailangan ko pang matulog ng maaga. May online class pa ako bukas. Paalam, Kaibigan!
Tumblr media
2 notes · View notes