Tumgik
ivymarj-blog · 5 years
Text
ISANG ARAW LANG NAMAN
Birthday ko naman e. Bat di ako pwedeng maging selfish? One day lang naman. One day na mafeel ko na special naman pala yung araw na 'to. Gusto ko mafeel na masaya lahat na nag-exist ako. simpleng cake lang sana, sobra sobra na ang saya ko. Yun lang e. Ang babaw di ba? Pero tatlong taon ko ng nagbibirthday ng wala lang. 😅 Wala lang. Basta na lang ako iniire ng mame tapos yun na. Balakajan ang peg ko. Nakakalungkot lang. sa 365 days, taon taon, 1 day lang hinihingi ko. Gusto ko naman maging masaya, na ako naman iintindihin n, ako naman aalagaan ,ako naman aalalahanin. Pero wala. Work bahay tulog. Masyado kayang mabigat yung gusto ko? Kelangan ko pa ba lagi sabihin? Minsan nga ang kinakapalan ko na mukha ko, "bigyan mo naman ako ng cake sa birthday ko. Cake lang. Masaya na ako.", kaso wala talaga e. 😔 Bigay ko lahat sa e. Kahit pagod na pagod ako, kelangan ko magawa at mabigay lahat ng kailangan. Pero isang araw lang naman sa isang taon, hindi pa ako mapagbigyan. 😔 Nakakalungkot. Ang sakit.
0 notes
ivymarj-blog · 5 years
Text
YOU are my answered prayer. 💗 Thank you for coming into my life. I love you so much. Can we be super strong na parang superhero? Lalo na sa mga away at tampuhan ha? Sana kahit anong maging problema, makayanan at kayanin natin. Walang bibitaw. Mapapagod ako, pero hindi ako susuko. Papahinga lang. Ganern. Shopping. Gala. Tapos okay na uli. HAHAHAHA. charooot! Thank you for always spoiling me. 💗 Thank you for providing all I need and want. Kahit minsan, luho na lang. HAHAHAHA. You will always be ny priority, kayo ni Morti. I am dreaming of a family with you. Sana matupad pangarap ko. Can we grow old together? 😅 please?
Tumblr media
0 notes
ivymarj-blog · 5 years
Text
NAKAKAPAGOD.
Nakakapagod talaga ang magmahal ano? Hindi mo alam kung susuko ka or magpapahinga lang. Bigay mo naman lahat, pero bakit parang kulang pa rin? Ang sakit-sakit na e. Nadudurog ako palagi. Pero kaya naman. Kayang kaya. Kaso sana dumating yung panahon na twing may lakad ka, maalala mo na may ako na sa buhay mo. 😅 Nakakahiya na kailangan ko laging ipaalala sa'yo na "huy, andito ako. girlfriend mo ako. naghihintay at nag-aalala sa'yo." Sa dalawang taon natin, palaging ganito. Palagi mo akong nakakalimutan sa twing kasama mo ang mga kaibigan mo. Sabi mo nga, yan ka e. Yan ang nakasanayan mo, sakit mo na yan. Pero sana makapag-adjust ka na. Dalawang taon na e. Ilang taon pa ba ang kailangan mo? Hinahayaan kitang lumabas kasama ang mga kabarkada mo. Syempre, hindi pwedeng ako na lang ng ako nakikita mo. Mauumay ka nga naman nun. Pero pwede mo kayang matandaan na existing na ako? Ang sakit e, twing lalabas ka kasama sila wala na ako sa'yo. Isang chat lang naman para sa akin, isingit mo lang sa chikahan niyo, okay lang ako. Masaya ako kapag masaya ka. Gusto ko naeenjoy mo ang buhay. Sana magawa ko rin yang ginagawa mo, na kapag kasama ko mga kabarkada ko, ang oras at atensyon ko, kanila lang. nakafocus ako sa kanila. Sana maging ganan rin ako. Gusto ko na lang maging manhid para wala akong madaming drama sa buhay.
Sa twing maiisip ko yung lintek na Wein yun, alam mo bang nadudurog ako? Kapag umeeksena siya. ichachat ka niya at rereplyan mo naman, kumukulo ang dugo ko. Konting konti na lang pasensya ko sa kanya. timping timpi na ako. Kaya pasensya kapag di ko na kaya magpigil, ichachat ko siya. Magalit ka pa. Wala na akong pakialam. Yung dahilan mong, work lang naman. sige lang. Pero kapag mababasa ko yung mga chat niya? wow. ganito pala yung work, "i will miss your face. " HAHAHA! mapapatangina na lang ako e. 😅 Mali ba? Mali bang maramdaman ko eto? Para kasing lagi mong ipinaparamdam na katrabaho lang naman. Ang kitid ng utak ko. Ang liit ng pang-unawa ko. Galing! Hindi ko mahawakan cellphone mo, kasi nga naman sa'yo yan. Privacy mo yan. Pero sana maisip mo na yan rin yung dahilan kung bakit lagi akong nagdududa. May tiwala ako sa'yo, pero sa mga tao sa paligid mo wala e. Palagi kitang iniintindi, kaya sana maintindihan mo ako. Hindi ko alam sa paanong paraan mo ako maiintindihan, pero sana pag dumating yung point na gets mo na bakit ko nararamdaman lahat ng eto, sana andito pa ako. Sana kaya ko pa. Sana hindi pa huli ang lahat. 😊 Mahirap tumingin on the bigger picture kasi kung andaming maliliit na details na paulit-ulit, hindi natututunan o ayaw matutunan di ba? Mahirap magmahal kung paulit-ulit yung sakit.
0 notes
ivymarj-blog · 6 years
Text
Babae. Ex. Malalanding nilalang sa mundo
Sino ba naman talaga yung taong okay lang na may lumalandi sa mahal nila, sa boyfriend or girlfriend nila. Di ba??? DI BA??? Ako aminado ako e. Kahinaan ko yun, malaman ko pa nga lang na may nagkakagusto sa boyfriend ko, binibiyak na puso ko.
Let me share yung ilang pagkakataong dumudurog ng puso ko. Atin lang naman eto e.
Scene 1: Hindi niya pinapakelaman phone niya, so okay lang sa akin. Sige. Dala niya every where, miski sa pagCR. Sige lang. Then one time, dumating ako galing work, may nakita lang akong nakapop up na chat head then picture ng girl, so ako chineck ko lang. Panatag naman akong walang kalokohang ginagawa boyfriend ko. So mega open ako, pagbukas ko, may message si ate girl, ang nakakapagtaka, walang history pero yung chat niya alam mong may pinag-uusapan. Alam mong deleted e. Yung feeling na alam mong may mali, pero sige, kalma. Tanungin natin. At ayun nga, may gusto sa kanya yung girl, umamin. At wag ka, workmate niya. Lagi silang magkakasama sa inuman and siya rin yung girl na nagkainsidente nung nagteam building sila. Na muntikang marape pero to the rescue si boyfriend ko. Sounds sarcastic pero i'm really proud sa boyfriend ko na naligtas niya yung girl. Pero after ko maconfirm na may something fishy kay ate girl, napapaisip na lang ako, sana di na lang niya iniligtas. HAHAHAHA. pero really. habang tinatype ko 'to, ang sakit besh. Yung fact na dinelete niya e, bat mo ididelete kung wala lang? Kaya niya dinelete kasi wala lang.
Scene 2: Eto, fresh na fresh pa. Duguan pa puso ko, wasak na wasak pa. Wala naman akong nababaalitaan, nararamdaman o nakikita na may communication pa sila nung ex niya for 6 or 7 years ata. Yung kampanta ako na ako na e. Ako lang. Ganun. Tapos kanina, nagbabayad kami ng sa internet, ipapasa niya sa messenger ko yung screenshot nung payment to advise nung sa internet namin na bayad na kami, nakita ko tinatype niya "diane", HAHAHAHA. tangina bes. Ang sheket. Pucha. Gusto ko na lang maputulan ng hininga that time. Tipong paalam earth. So niloko ko pa siya, sabi ko sino tinatype mo uli? Pasensya daw. Kakagising lang daw. Bakit niya kaya name ni ex natype niya? Out of nowhere? Kakagising lang, so paggising niya siya yung nasa isip niya no? Mas masakit yun besh. Di ko rin malilimutan sinabi niya, "sana maintindihan mo, ang tagal namin nun e. pero hindi ibig sabihin mahal ko pa siya." HAHAHA. So, iintayin kong mag6 years kami para maging kampante ako na di niya ako malilimutan no? Bright idea. 😂 Pero sana wag na lang kaming umabot sa ganun katagal kung hanggang ngayon di pa niya nakakalimutan ex niya, Kung hanggang ngayon di pa siya nakakamove on. Kung hanggang ngayon pala hindi pa pala siya desidido sa akin. Oo nga naman, anong laban ko sa 6 years? Juskopo naman! Sana bitawan na lang niya ako kung ganun lang rin pala. Ang hirap mangarap ng ako lang pala. Dati alam kong may pangarap kami e, nasa iisang page kami ng libro ng buhay namin, pero habang tumatagal, parang kwento ko na lang ata. Parang plano ko na lang, parang pangarap ko na lang. Baka masyado na lang siguro siyang nasasanay na andito ako? Baka nakasanayan lang talaga niya ako, pero di naman talaga ako. See? Advance ko mag-isip. HAHAHAHA. ako dumudurog sa sarili ko. Pero masisisi mo ba ako? 😔💔
Lord, sorry. Malaki kasalanan ko sa'yo lalong lalo na di na kita nasisipot sa dates natin every Sunday. 😞 Siguro karma ko lahat ng eto, patawad Lord. 😞 Pero sana natataandaan mo pa rin Lord yung palagi nating usapan, yung hiniling ko sa'yo, na sana si James na. Na siya na hanggang sa huli. Pero kung hindi Lord, ikaw na magmulat sa kanya oh na hindi naman pala ako talaga yung gusto niya. Ikaw, alam kong alam mo kung gaano ko siya kamahal di ba? Kaya kong gawin lahat. Lord, please.
Hindi ko naiintindihan mga inilagay ko dito, kung malinaw ba. Kung klaro ba ang lahat. Okay lang, kapag binalikan kita, baka magets ko na rin lahat. 😊
0 notes
ivymarj-blog · 6 years
Text
Answered prayer
I've been praying to God to give me YOU. Ikaw, ikaw na taong magpapakilala sa akin ng salitang tiwala at pagmamahal.
Nanalangin ako ng mahabang panahon na sana yung sunod na ibibigay ni Lord sa akin, siya na. Alam kong masasaktan ako at masasaktan ko, intentionally and unintentionally, at ipinagdasal ko na sana yung worth it lahat ng sakit. Ipinagdasal ko kay Lord na sana yung ibibigay niya, yung the best for me, yung taong hindi perpekto pero perpekto para sa akin. 'yung tipong swak na swak. Ipinagdasal ko na sana maramdaman ko, na hindi na ako magkamali this time. Ipinagdasal ko na kung hindi ikaw, sana imulat na niya agad ako, para makalimot agad, makapagpatuloy ako sa buhay ko na mag-isa. Na kung hindi man niya planong magkapamilya ako ng akin, sana ipaintindi niya sa akin.
At kanina, habang naglalakad ako pauwi, ang dami kong thoughts. At isa dun e ipinagdasal ko nga pala kay Lord na sana yung taong ibibigay niya sa akin na makakasama ko hanggang sa huli, sana katulad ng tatay ko. Yung kayang gawin ang lahat para sa pamilya, yung lahat ng iuusap mo kahit gaano kahirap, okay lang. May pagkatamad, pero kapag nasa mood masipag. Yung napakasuplado, pero kapag nagjoke di mo alam kung tatawa ka o mabubwisit. 😂 Yung hindi mapapagod magsakripisyo para sa amin. at ayun, ikaw na ikaw James Lou Badong. Tapos natatawa pa ako, parehong pareho nga. Literal ang pagkakasagot ni Lord sa dasal ko. Kasi ang dade, inam ang hilig sa tulog, na pag napalapat ang likod tulog. Mas gugustuhing matulog sa bahay kesa gumala na siya namang kabaligtaran namin ng mame. 😂
Sana kahit anong maging problema natin, walang bibitaw sa atin. Sana ako rin yung nakikita mong tao na makakasama mo hanggang sa huli, na kasama mong bubuo ng mga pangarap mo, sana ako yung gusto mong maging ina ng mga magiging anak mo, sana ako yung gusto mong makasama sa pagtanda, sana ako. Kasi ako, ikaw e.
Pero THANK YOU LORD. THANK YOU. 💓
0 notes
ivymarj-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
Sensitive ba ako o may karapatan naman akong masaktan? HAHAHA. iyak tawa e. sakit sa puso. supalpal ako dun e. 😂 simpleng mga salita, pero tungunu, nanliit ako mga beks. Nagrereplay sa utak ko e. "ba. nagtatrabaho ka na di ba? hahaha. share naman. para makaipon tayo." "sure ka ba? may pera ka pa?" RIP replay button e. flashback. may echo. lahat na. Lesson learned: magtitira ako para sa sarili ko from now on. HAHAHA. Sarili ko lang maaasahan ko, wala ng iba. Wag na wag magpapalibre or magpapasagot ng kahit ano kahit kanino, kahit sino pa yan, ako gagastos para sa sarili ko.
0 notes
ivymarj-blog · 6 years
Photo
Tumblr media
My ever supportive boyfriend. James Lou Mabaga Badong. One of the best and greatest blessings I've ever received from above. Madalas man niya ako awayin kasi madalas ako magtampo, nagkakabati rin naman. Sweet-sweetan na akala mo e di nag-aaway. 😂 Thank you Lord for giving me this person. I do deserve the best, pero he is beyond in being the best. Siguro nakagawa ako ng napakabuting bagay before kaya Niyo siya ibinigay sa akin. 😍 Thank you Lord. 🙏 And to you my lovey, wag ka sana magsasawa sa mga pagtatampo ko. Gusto ko lang naman magpalambing, kaso lagi mo naman akong tinitiis. 😞 Mahal na mahal kita kahit mas mahal mo pride mo kesa sa akin. 😂 iloveyou lovey. 💞
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Text
Ang dami kong gustong sabihin, pero hindi ko alam saan ko sisimulan. Ang daming blessings ni Lord. And sobra akong thankful dun. May work na uli ako, dati kung makulit ko Siya na magkawork na ako and taraaaan! Wish granted. 😊 Hindi work na gusto ko pero baka work na para sa akin sabi ni Lord. 😊 Mamahalin ko na lang etong bago kong work. Sana maggrow ako dito. Sa family, medyo financially gipit. Pero alam ko namang kakayanin ko, konting higpit pa ng sintron and madidiskartehan ko rin lahat. Nakalipat na sila sa bago naming bahay! Thank you Lord for hearing my prayers. Hindi man mansion ang nakaya ko, pero hey may bahay na ang magulang ko! Medyo madami lang pinagdaanan, hindi pa sa akin nakapangalan, pero banda-banda dyan maaayos ko rin ang titulo. Sa lovelife, superb blessed ako. si James ang sobrang tagal ko ng idinasal kay Lord. Sabi ko naman kay Lord, hindi ko kelangan ng perfect, kasi no such thing naman and person as perfect di ba? Well, he only gave me the BEST! As in. Sobrang mahal na mahal ko si James. Hindi ko alam kung anong nagawa ko before na nadeserve ko siya. He is more than what i deserve. And thank You Lord. 😊 Sana kahit anong maging tampuhan at away namin, maayos namin. Ang sakit sa puso e. Tho, kasalanan ko siguro. Masyado akong sensitive, mapag-inarte. Pero sana hindi na lang niya ako palagi sinasabayan. 😞 Twing magtatampo ako, nauuna pa siya. Mas natitiis niya ako kesa natitiis ko siya. Nung saturday, aminado ako, nawala ako sa mood, sumama loob ko. Pakialamera kasi ako ng phone. HAHAHA. Nabasa ko convo nila ni kuya Jomay. Parang may gusto siya ipakilala kay James na taga dun, magabda daw. Pero naappreciate ko naman si kuya Jomay na naisip niya rin ako, na ay kawawa pala ako. wag na lang daw. HAHAHA. (thank you kuya Jomay! 😊) Pero naisip ko rin, siguro kung wala nga pala ako mas malaking opportunity dadating kay James. Pede siya ireto ng kuya niya, tapos mas magiging madali pagpunta niya ng Canada. Haaaay. Over thinking na naman si ako. 😂 Tapos kagabi, yung pagod ang katawang lupa ko. Literal. Kaso nagwalkathon ako. May choice naman ako na maghintay ng trike e. Kaso ang tagal nila, kung pede ko naman lakarin para mas mapadali at makita at makasama ko agad si Lovey. Sweet pa niya, ipinagluto pa niya kami ng adobo pangbaon. Tapos naging busy lang ako kasi inayos ko lahat ng pinaglutuan niya and pinrepare baon and tubig niya. Nung siya na yung busy sa Youtube, nagpakabusy na rin ako sa pagcecellphone. Wala ako magawa e. Tapos siya pa may sabi na busy ko daw. Nakakatampong hindi man lang niya naaappreciate yung maliliit na bagay. 😂 Tapos hinahantching siya. Siguro daw dahil sa mga gabok na dala ko. Aray ko naman! Edi ako na po ang madumi. Sorry. 😂 Edi lumayo ako ng onti para hindi mapadikit sa kanya, nakakahiya kasi e. Tapos napag-usapan paglipat ko sa condi. Bat daw gusto ko ng may kasama? E kung gusto ko daw ng madami, humanap na lang ako ng titirahan namin, madami naman daw dyan. Hahanap siya ng makakasama niya. Sakit! 😂 Well, I'm so broke kasi. So naisip ko malaking tulong kung liliit yung rent namin. Anyway, hayaan ko na lang. Lilipas rin 'to. Layo muna rin ako, baka naman nagsasawa na siya sa akin. Baka naman masyado na siya nasasakal sa presence ko. Baka naman pag lumayo ako ng onti, mamiss niya, mas maappreciate niya. Sana.
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Text
Miss kita. 😞
Hi Lovey, miss kita. Malayo tayo sa isa't isa, pero di sobra. Nasa Mandaluyong ka, nasa Lipa ako. Pero dinaig pa natin ang mga nasa magkaibang bansa. 😞 Magkaiba tayo ng oras e. Normal oras ko, tambay pa kasi ako, tapos ikaw panggabi work mo. So given na na sa gabi ka gising, sa umaga ka tulog. Kapag magkasama tayo, sobrang saya. Halos di tayo naghihiwalay e. Pero kapag off mo tapos magkalayo tayo, ang hirap. Naiintindihan ko namang hindi ka siguro sanay na lagi may kachat, lagi may kausap, mas gugustuhin mo matulog. Nag-aadjust naman na ako di ba? Hindi na ako ganun matalak sa chat lalo kapag bigla ka di magrereply kasi naglalaro o nakatulog ka. Yung tipong muntanga akong naghihintay ng reply mo. Nakakastress. Nakakafrustrate. Pero okay lang, promise. Kapag magkasama tayo ramdam na ramdam kong mahal mo ako, inaalagaan mo ako, pero kapag nagkahiwalay na tayo ng landas bakit parang wala na lang? Parang okay lang na di tayo magkatext o magkausap. HAHAHAHA. Ang clingy ko ba? Sorry. 😞 Don't get me wrong ha? Nahihirapan ako pero kaya ko naman. Mahal kita e. Mahal na mahal. Sobra. Baka kaya lang siguro ako ganito kasi sa'yo lang umiikot ang mundo ko, wala pa akong pinagkakaabalahan. Baka naman magbabago pag nagkawork ako. Hindi na siguro kita paghahanapan ng oras twing off mo, hindi na siguro ako nagdedemand na pansinin mo naman ako. Mamimiss mo rin ako for sure. 😂 HAHAHA. Sana pala. Hay. Wala lang, i miss you. Dito ako magsasabi ng nararamdaman ko, mukang di ka natutuwang sinesendan kita ng nobela madalas e. 😂 Hindi ka siguro kasi sanay. Hindi ko alam kung makakasanayan mong merong ako, yung mga ginagawa kong pambubwisit sa'yo. HAHAHAHA. Pero ako naman na mag-aadjust. 😉 Basta para sa'yo. 😊
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Lovey, sobrang mahal kita. Lagi ko naman sinasabi sa'yo di ba? Gusto ko lagi ka kasama. Twing magkikita tayo, gusto ko kinahug kita ng sobrang higpit. Parang walang problema twing kasama kita e. Ikaw lang ang mundo ko twing kasama kita. Ang saya lang sa pakiramdam. At ramdam ko kung gaano mo rin ako kamahal. At etong medyo dumadalas yung pagtatalo natin, nalulungkot ako. Ang dami kong takot e. Sobra. Natatakot akong mawala ka sa buhay ko. Natatakot akong magsawa ka sa akin. Natatakot akong makakita ka ng mas okay sa akin. Natatakot akong mas mangibabaw yung inis mo kesa sa pagmamahal mo sa akin. Natatakot akong baka mapagod ka na sa akin. Pero sa pagmamahal mo ako kakapit lovey. Sana maging matatag tayo para malampasan lahat. Sana kahit anont hirap, makayanan natin. Sana wag kang bibitaw lovey ha? Super saya ko nung ibinigay ka sa akin ni Lord. Jusko, tagal kitang ipinanalangin. HAHAHA. pagkatagal mo. And ang dasal ko naman ngayon, sana ikaw na. Sana ikaw na ang makakasama ko hanggang dulo. Sana ako ang pakasalan mo. Sana kasama ako sa mga pangarap mo. Sana ako ang gusto mo makasama pagtanda. Kasi ako lovey, ikaw ang gusto ko hanggang kamatayan ko. Gusto ko ikaw kasama ko sa lahat ng okasyong dadaan sa buhay ko. Gusto ko ikaw ang magiging kabiyak ko. Gusto ko ikaw ang maging ama ng mga magiging anak ko. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka. Mahal kita. Mahal na mahal. Huwag ka sana magsasawa sa akin. 😞
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Text
Pamana
Ano ang pamilya? Paano ba nasasabing pamilya ang isang pamilya? Simula pagkabata, maganda ang tingin ko sa pamilya namin sa side ni mami. Sobrang proud ako. Ang saya kasi sa twing magkakasama-sama. Yung feeling na makakalimutan mo yu g mga problemang kinakaharap mo kapag magkakasama kayo. Miski yung mga tiyuhin at tiyahin mo sobrang kakalog. Ang saya. Ang saya ng buhay. Every time na may event, di man kumpleto pero almost present lahat. Lumaki akong napakalaki ng pagpapahalagang ibinibigay sa pamilya. Alam ko lahat naman tayo may sama ng ugali. Hindi maiaalis ang pagalingan ng kanya-kanyang pamilya twing magkakasama-sama. Hindi rin maiaalis na may kanya-kanyang issue na involve ang lahat. Pero ngayong naipagbili na ang bahay ng lolo at lola ko, biglang gumuho mundo ko sa naging epekto sa kanilang magkakapatid. 😢 Ang sakit masaksihan na nagkakagulo sila dahil sa pera. Totoo pala talaga ang kasabihang kapag pera na, lalabas at lalabas ang kulay ng isang tao. Kung tutuusin wala dapat akong pakialam e. Usapang matanda yan, bat ako mangengealam? Pero hindi ko matake. Hindi ko makayanan iabsorb lahat ng mga naririnig ko sa bawat isa. Nung hindi pa nagbabayaran, okay lahat. Nung nagkabayaran na, nagtatanong na bat ganito ang hati? Bat ang unfair? Hindi ko alam kung gaano kahirap intindihi. yung katotohanan na mas kailangan ng tito Meot at Tita Liza ang pera para makapagsimula muli at makapagpatayo ng bahay para sa pamilya nila kasi ipinagbili yung bahay na tinitirhan nila. Kung tutuusin 200K ay napakalaking pera na e. Hindi kasalanan nung dalawang napakaraming utang ng mga kapatid nila lalo at dahil sa sugal. Ang sakit isiping kaya nilang gipitin yung dalawang nangangailangan para lang sa ikaluluwag nila. Naaawa ako sa tito Meot at tita Liza. Hindi nila deserve na magipit ng ganito. 😭 Nasstress ako. Ang hirap. Gusto kong mangialam. Gusto kong ipagtanggol sila. Ayaw kong mapalayo sina tito Meot sa amin. Wala na nga kaming tito Toto, pati ba naman si tito Meot mapapalayo? Pero kelangan ko magpigil. Di dapat. Apo lang ako. Pero sana mas mangibabaw sa kanila ang pagmamahal at pag-intindi sa dalawa. Lord, gabayan mo po ang mga tita ko. Sana maisip nila na makuntento sa nabahagi nila sa lupa nina lolo at lola. Sana mas mangibabaw ang pagmamahal at pag-unawa nila kay tito Meot at tita Liza.
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Text
Family-gathering
Friday. Hindi ako umuwi, kahit pwedeng pwede kasi wala naman na ako gagawin. Hindi ako umuwi kasi inintay kita. Para magkasabay tayo kinabukasan pagpunta ng Sucat. Birthday celebration ng pinsan ko e. Excited ako kahit di ako yung may birthday. Bakit? Kasi makikilala ka na nung ibang parte ng pamilya ko. Yung mga taing malaking parte ng buhay ko. Yung mga taong madalas ko nakakasama since pagkabata ko. Yung mga taong importante sa buhay ko. Excited akong ipakilala ka sa kanila. Na ikaw yung boyfriend ko. Gusto ko makita at malaman nilang proud ako sa'yo. Usapan natin the night before na sa apartment ka na lang didiretso para matulog, kasi miss na kita. Gusto kita makasama maghapon bago man lang tayo magpunta sa mga mama. Dumating ang sabado, sobrang sweet mo. May dala ka pang breakfast na Jobee. Chicken! juskooo! 😍 Okay naman maghapon, nahirapan ka lang makatulog. Nauna na ako maligo at magbihis para paggising mo di na ako magmamadali. Well, di ko inexpect na pag-aawayan pa natin ang pagpunta. Alam ko, una pa lang aayaw mo na talaga magpunta. Pero mapilit ako e. Gusto ko kasi makilala mo sila at makilala ka nila. Malaking bagay sa akin yun. Sobra. Ineexpect ka rin kasi nila mami. and ni tito Meot, gustong gusto ko makilala ka niya. Biglang sumakit ulo mo, so nakaramdam na ako na baka excuse mo lang. Tahimik ako, kinakalma ko na sarili ko kasi ayaw kong mag-away tayo. Inhale. Exhale. Pero ramdam na ramdam ko na aayaw mo. Maya-maya sabi mo kung pwedeng late na lang magpunta kasi di pa buo tulog mo. Hindi kako kasi kanina pa ako iniintay nina mami e. Sabi mo, ang laki ko na naman e. Wala akong magagawa, ganun kinalakihan ko e. Kahit siguro gaano na ako katanda, ganito at ganito ako sa magulang ko. Kailangan updated sila. Kailangan kapag may usapan, usapan. Hindi na lang ako umimik. Masama na loob ko. Pero okay lang. Sige. Maya-maya, nagyayaya ka na paBulacan. Sabi ko di pede. Tanong mo bakit, kako di pede. Birthday ni Lai andun sina mami. Punta na lang kamo ng Bulacan. Bakit kapag ikaw di pede. Kapag ba plano di pede mabago? Hindi e. Hindi pede mabago sa akin lalo pagdating sa pamilya. Taon-taon na yun kamo nga. Oo nga e, taon-taon na tapos di ako pupunta? Sorry, siguro di ko talaga inisio nararamdaman mo na di ka komportable kasi gawa ng mama. Gusto kitang isama di para ipahiya. Para ipakita sa mama ko na mali siya. Tsaka di naman kita iiwan e. Kelan ba kita pinabayaan sa ganun? Mali ka kung tingin mo di kita pinapahalagan, na wala kang importansya. Jusko naman. Ngayon pa talaga? Ngayon ka pa walang halaga? Halos sa'yo na umiikot mundo ko, tapos di pa kita binibigyang importansya? Hindi ako nakikipag-usap kasi ayokong umiyak sa harapan mo. Ayun nga, di ko naman mapigilan. Paano? Masakit. Masakit na ganan tingin mo. Sorry na ganan ang naramdaman mo. Pero hanggang sa huli umasa ako. Umasa akong magbabago ang isip mo. Sasama ka kasi unang una ayaw mong magbibiyahe akong mag-isa ng ganitong gabi. Pero well, kaya ko naman. Six months ago, ako lang naman e. Sanay naman ako. Kaya ko sarili ko naman. Wag ka mag-alala, di na kita pipilitin sumama sa lahat ng gala ko, sa lahat ng family gathering namin. Aayain kita, isang beses. At kung aayaw mo, hinding hindi na kita pipilitin. Hindi sa wala akong pakealam. Ayaw ko na lang maramdaman na napipilitan ka. Na tamad na tamad ka. Ni kelangan pa kitang hilahin sa pagkakahiga mo.Sorry sa mga panahong palagi kang napipilitan sumama. Sorry kasi kelangan mo makisama sa mga taong parte ng buhay ko. Hindi na. Pangako.
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Text
Lovey 💓
Lord, salamat. Salamat sa hiram na buhay. Salamat sa pamilya ko. Salamat sa mga kaibigan ko. At higit sa lahat, salamat sa Lovey ko, sa boyfriend ko. Kung hindi siguro dahil sa kanya, di ko na alam nangyari sa akin ngayon. Sobrang down ako, wala akong makapitan kundi siya. Wala yung dalawa kong bestfriend, busy sa work si Enzo, busy sa fiancé si Sheila. Hindi ako pwede kina mami at dadi, dagdag pa ako sa magiging problema nila. Masyado ko ng nadadamay si Veronica sa kaguluhan ng buhay ko. Pero kay James, siya yung human diary ko. Lahat ng galaw ko, lahat ng nararanasan ko, lahat ng nangyayari, sinasabi ko. Ang laking tulong kasi sa part ko. Lagi niya akong pinapakinggan. Lagi siyang may advise. Lagi niyang pinapagaan ang loob ko. Ang sarap sa pakiramdam na nasa buhay ko na siya ngayon, dati kasi pinapangarap ko lang ang isang tulad niya. Dati naiinggit lang ako sa mga kaibigan kong may boyfriend na palaging andyan at handang dumamay sa kanila. Dati iniimagine ko lang na may isang James ako. At ngayon, eto na. Totoo na. Nasa buhay ko na siya. Sobrang swerte ko. He is more than what I really deserve.
Lovey, salamat sa'yo. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa pag-aalaga. Salamat sa pag-intindi. Hindi ko akalain na magiging ganito tayo, na halos ayoko maalis ka sa paningin ko. Gusto ko araw-araw kita kasama. Nabago ang buhay ko e. Dati hindi maaaring hindi ako naalis ng bahay, kailangan lagi akong may gala. Ngayon, kahit sa bahay lang tayo, basta magkasama tayo. Kumakain, nanunuod, natutulog. Simpleng bagay, pero it means a lot to me. ‘Yung simpleng paghalik mo sa noo ko, sa buhok ko, twing magkasama tayo, kinikilig ako dun. Sa twing ihahug mo ako, kinikilig ako dun. Sa twing maglalambing ka, kinikilig ako. Sa simpleng chat lang na “good morning lovey”, kinikilig na ako dun. Mababaw lang ako e. Salamat sa hindi pang-iiwan sa akin sa ere lalo na ngayong sobrang down ako. Walang wala ako. Ikaw ang sumusuporta sa lahat, moral support at financial. Sobrang nahihiya na ako lovey, pero wala naman akong ibang maaasahan at masasandalan. Wait mo lang lovey ha? Makakabawi rin ako. Pangako.
Lovey, sorry. Sorry sa pagtataray ko paminsan. Di ko rin alam e, tinotopak ako. Madalas iritable. Pero wag mo na papatulan ha? Kasi panigurado, aaway tayo e. 😞 Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Sorry sa ugali ko. Sorry kasi alam kong nahihirapan kang mag-adjust sa akin. Sorry.
Mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung nararamdaman mo ng lubos o hindi gaano. Hindi man ako ganun kaexpressive lovey sa personal, pero mahal kita. mahal na mahal.
Ikaw ang isa sa pinakamagandang blessing sa akin ni Lord ngayong 2017. Wala ng bawian Lord, ha? Akin na lang po si James Lou Mabaga Badong. Aalagaan, mamahalin at iingatan ko po siya, pangako!
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Text
😔😔😔
Woooooh! ang lungkot. ang sakit sa puso. paano po magreset? yung from the start na muna uli, para gagawin ko ng tama lahat. Ang hirap ng walang trabaho. 😞 Walang pera. Ang daming obligasyon. Ang daming bayarin. Ang daming needs. Ang daming wants. Pero wala, nganga e. Gusto ko lang magpabaon sa ilalim ng lupa kahit for 5 days, tapos pagbangon okay na uli. Ready to fight na uli sa Laban ng buhay. Kaya ko 'to! Kaya ko. Sana makaya ko. 😔
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Text
Career
Four years. Four years na akong nakakagraduate, di ba dapat sa stage na 'to ng buhay ko okay ang career ko? Masaya ako dapat sa work ko. Nag-eexcel ako kasi nakatapos ako ng college. Pero anong nangyayari? Parang I'm losing myself pagdating sa work. Okay ang work ko. Nasa IT ang pera. Kaso wala sa IT ang puso ko. So paano? Yung puso ko, nasa Cabin Crew, or Receptionist or any work na nakikipagcommunicate sa tao hindi sa computer. 😞 Hindi ko alaaaam! Lord, ikaw na po ang bahala.
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
Thank you for coming into my life. Tagal kitang hinintay, tagal-tagal mong dumating. 😂 Ang bilis ng mga pangyayari, almost 3 months of courting but it seems na kilalang kilala kita, sobrang nagswak tayo. Too good to be true, pero sana worth it lahat. Sana until the end tayo. Ayoko umasa na naman at maiwan sa ere sa bandang huli, pero laban. Paano ko malalaman kung di susubukan di ba? Andito na e. nasimulan na natin, so I will do my best sa relationship natin. Madami mang tampuhan at away, keri yan. HAHAHA. I love you 🐼!
0 notes
ivymarj-blog · 7 years
Text
Praying for work. 🙏
It’s exactly 3 months and 4 days since I left my last work. And until ngayon, hopeless ako sa paghahanap ng work. I am still hoping and praying that before September ends, magkaroon na ng bagong work. 🙏 Ang dami kong plan especially for mami and dadi. Sobraaaa. And sana mafulfill ko lahat ng pangarap ko sa kanila habang may pagkakataon pa ako. 😊
0 notes