janavoo-blog
janavoo-blog
janavoo
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
janavoo-blog · 8 years ago
Text
Dancer’s Confession
PART ONE: GWAPONG DANCER
 Nakatakip ang bibig ko habang pinapanood ko siyang sumayaw sa harapan. "OH-MY-GHADDD!"
 Sigaw ng mga kaklase ko at mga batchmate.
“ANG POGI MO TALAGA, JAY!" Sabay-sabay nilang sigaw. Samantala ako ay todo ang pagde-daydream sa harapan niya habang sumasayaw. Buti at dito kami pinaupo ng mga teachers at malapitan ko siyang napapanood.
"WE LOVE YOU, JAY!" Tinakpan ko ang tenga ko sa lakas nang sigaw nila. Hello, katabi nila ako, oh. Hindi ba kayo aware?
Tuwang-tuwa sila habang pinapanood si Jay na sumasayaw ng Trumpets by Sak Noel kasama si Nick. Sabay na sabay silang gumalaw pero may angat si Jay dahil sobrang suwabe nang kilos niya kahit na mabilis ang steps nila.
Ang gwapo mo talaga, Jay! Sana mapansin mo naman ako.
Natapos ang sayaw nila nang nakatunganga lang ako. Niri-rewind ko sa isip ko ang sayaw niya. Hahanapin ko mamaya sa facebook ang video nila para ma-download. Sikat siya kaya pamihado ay madaming nag-video sa kanila at mas pamihado, 'yung iba ay pino-post na sa facebook.
Walang nakaka-alam na may gusto ako sa kaniya. Kahit ang bestfriend ko ay hindi ko sinabihan. Ayokong may makaalam dahil baka mas umalim ang pagtingin ko ay mas mahulog ako nang hindi inaasahan.
Lagi ko siyang nakikita sa labas na hinihintay ang kaniyang service kasama si Glenn, kaibigan niya. Tuwang-tuwa nga ako last year dahil katabi ko siya palagi sa tindahang iyan kapag hinihitay ko din ang service ko.
Mahilig siyang mag-foodtrip kasama si Glenn kaya minsan ay napapa-foodtrip din ako para lang mang-stalk.
Lumabas na ako ng gate ng Sumulong at nakita ko naman siya na naghihintay sa labas katabi si Glenn. Gwapo na nga siya, tapos may susuot pa siya ng salamin kaya mas lalong gumagwapo. Nerd style kumbaga.
Mas matangkad siya sa akin ng ilang pulgada, hindi siya moreno pero hindi din siya kaputian. Meroon siyang matangos na ilong at tamang kapal ng kilay. Kapag tititigan mo siya ay parang ang sungit lalo na kapag seryoso siya. Medyo singkit din ang mata niya.
Pero kapag sumayaw na siya sa stage ay sobra ang ngiti niya ay talaga namang sobrang gwapo. Minsan sa sobrang saya ay nawawala na ang mata niya. Ihhhh, gwapo talaga.
Nilagpasan ko na siya at hindi pinansin. Hindi naman niya ako kilala kaya imposibleng batiin niya ako.
Inaccept naman niya ang friend request ko kaya sana naman ay kilala niya ako. Pero imposible talaga, e. Sobrang imposible.
Ayos lang sa akin ang tignan siya sa malayo. Ayos lang sa akin na makita siyang kasama ang mga kaibigan niya. Ayos lang sa akin kahit hindi niya ako mapansin.
Ilang beses na rin naman akong nasaktan nang dahil sa pag-ibig kaya sanay na ako. Gusto palang naman ito, hindi pa ito pagmamahal kaya makaka-ahon pa ako sa hukay na ginawa ko o talagang pagmamahal na ito, hindi ko lang namamalayan.
"Vanessa, sino ba kasi ang crush mo ngayon? Imposibleng wala dahil last year, sobrang dami mong crush." Tanong sa akin ni Kristina.
"Wala nga. Wala na. Walang gwapo, e. Pero sa senior madami." Sabi ko at napunta sa Senior ang usapan namin.
"Gwapo 'yung naka-white, oh. Kaso parang ang yabang." Turo niya sa lalaking naglalakad papasok sa Senior Building.
"Ganoon talaga. Basta kapag bad boy ang looks, mayabang. Wattpad lang kasi iyan, ateng." Sabi ko. Tinawanan lang niya ako at kung saan-saan ang topic namin. Mapupunta sa Senior High at sa Wattpad.
Sa gitna nang pagdadaldalan namin ay nakita ko si Jay, palabas na ng gate. Uuwi na siguro siya. Sa lahat ng ka-batch ko na lalaki ay siya ang pinaka-gwapo.
"Hoy, saan ka pupunta?" Tanong ni Kristina.
"Uuwi na."
"Wait! Pahiram ako ng Science 10. Pa-zerox ko lang." Mabilis kong binigay sa kaniya ang libro ko at nagpaalam. Baka kasi hindi ko maabutan si Jay sa labas.
Kumaripas ako agad ng takbo palabas at nakita ko siyang pasakay na ng tricycle kasama si Glenn. Tsk. Hindi ko naman lang nakita ang mukha niya. Napaaga tuloy ang uwi ko ngayon.
Malungkot akong nakatitig sa screen ng phone ko. Tinititigan ko lang naman ang messenger ko at nagdadalawang isip kung magme-message ba ako sa kaniya.
"Wag na lang kaya, Van." Napabuntong-hininga na lang ako. Kelan mo kaya ako mapapansin?
Pero kasi hindi naman ako nagpapapansin kaya paano talaga ako mapapansin nito.
Pinindot ko ang pangalan niya sa screen at nangistalk ako sa facebook niya.
Sobra talaga ang gwapo niya. Pinanood ko paulit-ulit ang video nilang dalawa ni Nick na sumasayaw ng Trumpets. Mas maganda talaga kapag mismong nasa stage siya.
May lumabas sa News feed ko at nakita ko doon ang samo't saring confession ng mga taga-sumulong.
"Sobrang gwapo nung simasayaw sa stage *insert emoji with heart eyes…"
"Sana naman wag mo akong isnabin sa mga message ko sa'yo sa messenger, gwapong Jay."
"Dati nag-uusap pa tayo sa messenger. Anyare? Bakit hindi ka na nagre-reply? Hindi ka na nagpaparamdam sa akin! Panagutan mo ang feelings ko!"
"Si Terry Santiago at Jay Dacanay lang ang bagay, walang aangal."
Nanliit ang mata ko sa mabasa ko. Si Terry Santiago lang ay Jay ang bagay? What the heck? Sino ba 'tong babaeng 'to? Hindi ko nga siya kilala tapos ganiyan ang sasabihin niya. Hindi ka kilala ang mga tao, uy.
Tinignan ko ang profile niya at halos magsuka ako. Maganda ka nga, pero nakatatak sa mukha mo na malandi ka. Nakikita ko siya sa school pero grabehan lang at sobrang kapal ng mukha este labi niya nang dahil sa lipstick. Bwitit! Hindi kayo bagay, period
Maraming pang-confession ang nabasa ko. Hindi lang pala ako ang may gusto sa kaniya. Madami pala akong kaagaw.
Feeling ko tuloy gusto ko nang sumuko. Hindi naman kasi ako kasing kapal ng mukha nila para magpapansin kay Jay. Kahit nga sa messenger hindi kita ma-message, mag-post pa kaya ng confession sa iyo.
Nag-message ako sa Sumulong Confessions at sinabi ang hinanakit ko.
Sumulong Confessions update a new post. • 1 hour • Public 
Hi, sana ma-post ito.
Gusto ko lang sabihin na, ang dami palang nagkakagusto sayo, Jay. Ang gwapo mo naman kasi talaga. Ang galing mo pang-sumayaw. Sabihin na nating may gusto ako sayo pero kahit ang kaibigan ko ay walang alam sa feelings ko ngayon. Kaya yung mangbabash ay wala ding pakiaalam sa feelings ko. Gusto ko lang sabihin na hindi man ako kasing kapal ng mukha nila para i-message ka pa at mapapansin sayo sa facebook. Hindi man ako kasing kapal ni Terry Santiago para sabihin kayo lang ang bagay. Pero isa lang ang maikakapal ko sa kanila. Oo na, mahal kita, pero wala akong laban sa fans mo. Hindi mo naman ako kilala at imposible talagang makilala mo ako. Nahihiya akong gawin ito pero ito na lang ang tangi kong magagawa para kahit papaano ay mapansin mo ako sa huling pagkakataon.
Mahal kita, pero nang dahil imposible talaga ay ititigil ko na ang nararamdaman ko at kakalimutan na kita. Tatapusin ko na ang pagmamahal na ito para sayo. Dahil wala naman talaga akong pag-asa sayo. 'Tsaka ayoko nang masaktan nang todo. Bye, Jay. I love you.
Van R. / Grade 10 / 2016
 Like • Comment • Share
487 Reactions • 267 Comments • 54 Shares
 Terry Santiago
Leche ka! Ibaon kita sa lupa. Gusto mo?
Edited • Like • 184 Likes • Reply
Lyka Samuel
Awww! With feels *insert broken heart
Like • 25 Likes • Reply
Gerard Timano
Kakaiba ka talaga, Bro! Jay Dacanay
Like • 18 Likes • Reply
Glenn Ramire
Oo nga, Gerard. Kakaiba talaga. Jay, iba. #LakasSaGirls
Edited • Like • 67 Likes • Reply
Jay Dacanay
Sino siya? Pwedeng message niya ako? VAN… Message mo ako please…
Like • 415 Likes • Reply
More comments
 PART TWO: CO-DANCER
 Sumulong Confessions update a new post. • 55 minutes • Public
 Dear, Van R.
Hindi ko akalain na mako-confess ka sa Sumulong Confessions noon. Isang taon na din ang nakalipas nang gawin mo iyon. Kilala kaya kita, hinintay ko ang message mo sa akin pero hindi ka manlang nagpakiramdam. Madaming nag-message sa akin na sila ang nag-confess pero ikaw ang hinihintay ko, alam kong ikaw iyon. Ikaw si Vanessa Rasima. Hindi ko sana itutuloy ang pagbabasa ng confession mo pero naagaw noon ang atensyon ko ang pet name mo. Van R.
Van R. Iyan ang lagi mong nilalagay sa likod ng I.D. mo noon. Tuwing hihintayin mo ang service mo last two years. Pilit kong tinitignan ang pangalan mo noon sa I.D. mo pero iyan ang lagi kong nakikita dahil nakatalikod ang I.D. mo. Natuwa ako nang nag-friend request ka sa akin. Vanessa Rasima pala ang buo mong pangalan. Kilala mo pala ako?
Last year sinubukan kong kausapin ka pero busy ka na sa mga kaibigan mo. Masaya ka na kahit hindi mo na ako sinusulyapan. Masaya ka na kahit hindi mo na ako kilala. Pinilit mo akong kalimutan 'di ba? Ngayon, isang taon na ang confession mo. Ngayon ako naman ang magko-confess. Grade 11 na tayo at sa kasamaang palad ay nasa ibang school ka na. Nandito parin ako sa Sumulong, sa Senior Building. Hinihintay ka. Akala ko kasi dito mo itutuloy ang pag-aaral mo kaya nandito ako. Kung alam ko lang na sa JSU ka na ay dapat pumayag ako sa gusto ni Mama, nasa JSU din ako. Kaso ano nga ba ang alam ko? Hindi naman tayo close para pati iyon ay alamin ko.
Sana maging masaya ka na sa una mong boyfriend d'yan. Matino naman siya kaya sa tingin ko ay hindi ka niya pababayaan. Mas gumanda ka pa nga lalo ngayon. Iniisip ko nga na sana ako ang may gawa nang pagpapaganda mong iyan. Ewan, imposible? Dahil baka puppy love lang naman ang naramdaman mo sa akin.
Mahal din kita, pero siguro hindi mo na ako mahal ngayon. Isang taon na ang nakalipas. Paano kita napansin? Kahit noon pa naman nakikita na kita, dati tayong co-dancers noong grade two. Natatandaan mo pa ba? Sumasayaw ka din noon. Doon kita unang nakita. Ang cute mo kasi. Kaso pagdating ng grade three ay nag-transfer ka na sa ibang school. Katulad ngayon. Kung kelan kita hinahanap, 'tsaka ka naman lilipat ng school.
I love you, Vanessa Rasima. Hihintayin kita, hindi ako susuko katulad nang ginawa mo. Please, ako naman ang pansinin mo ngayon.
Jay D. / Grade 11 / 2017
 Like • Comment • Share
2,734 Reactions • 1,286 Comments • 623 Shares
 Yeena Facilidad
What? Taken na si Gwapong Jay! Huhuhu…
Like • 467 Likes • Reply
Aliza Pineda
Sayang, gwapo ka sana kaso hindi mo pinagutan feelings ko!!!
Edited • Like • 154 Likes • Reply
Gerard Timano
Jay Dacanay… Ayos lang 'yan, bro. #SamahanNatinSiyaBakaTumalon
Like • 1,756 Likes • Reply
Glenn Ramire
Gerard, Nick… Samahan natin si Jay, kawawa… #WithFeelsBro
Edited • Like • 1,745 Likes • Reply
Kristina Tiago
Vanessa Rasima… LooKie, ayieeee *insert heart… ikaw ha, wala kang sinasabi sa akin. Kainis ka!
Like • 687 Likes • Reply
Vanessa Rasima
Kristina, sorry at loko ka! Pa-ayieee ka pa… PM #HindiAkoKinikiligPramise
Like • 1,998 Likes • Reply
Vanessa Rasima
Jay, Hi…
Like • 2,065 Likes • Reply
More comments
2 notes · View notes