Tumgik
jeanxeileen · 6 years
Photo
Tumblr media
drama but dedma na lang
(c)
0 notes
jeanxeileen · 8 years
Text
Unang Tulang Isinulat Ko Para Sa'yo
Sisimulan ko ang tulang ito sa pagalala sa mga malalalim mong mga mata Kung paano mo ako tinignan gamit ang mga iyon nang tayo'y unang magkita Kung paanong pinatalon nang mga iyon ang puso ko tila ba sila ang mga amo nito At kung paanong pinanginig nito ang aking sistema na tila ba sa bawat hagod ng mga yon sa akin ay nanghihina agad ako Hindi ko malaman ang aking gagawin kaya sa bawat tagpo ng mga mata natin ay iiiwas ko ang akin dahil para bang kinuryente ako sa tagpong nangyari Pero malakas man ang epekto nito sa sistema ko'y hindi pa rin maipagkakaila na yon ang gusto ko Ang mabigyan mo ng kahit konting pagtingin Isusunod ko sa maningning mong mga mata ang mabubulaklak mong mga salita Alam kong naiisip mo noon na ang puso ko'y bato sapagkat kahit na gaano pa kalambot ang mga salita mo'y di ako kayang pangitiin nito Pero iyon ang akala mo Dahil sa bawat salitang binibitawan mo ay nagtatalo ang aking isip at puso kung ano nga ba sa mga sinabi mo ang dapat na paniwalaan ko Sa mga panahong iyon, di ko alam ang aking gagawin kaya hindi ko na lamang hinayaan na malaman mo kung ano ang epekto mo sa akin Sinubukan kong patigasin ang aking loob, ipakita sayo na matigas ang aking puso sa takot na kapag ipinakita ko sayo ang lambot ng aking damdamin ay iyo lamang itong lalapastanganin At hindi ako nagkamali Isang gabi, ako'y iyong tinapatan Itinanong mo sa akin kung ano nga ba ang aking tunay na nararamdaman "Ako ba'y mahal mo? Kasi ako, mahal kita." Yan ang sinabi mo Nagtagpo ang ating mga mata at nanatili ang mga titig nito sa isa't isa Malalim na ang gabi, malamig ang simoy ng hangin, tahimik ang paligid, at   ang mabilis na tibok ng puso natin ang tanging nadarama Matagal bago ako nakasagot, "tingin ko'y masyado pa tayong bata para sabihing tayo ay nagmamahal na" At muli, nanatili lamang ang titig natin sa isa't isa, tila ba hindi alam ang sasabihin Ilang minuto pa ay tumabi ka sa akin, inabot ang kamay ko para sa iyong kamay ay pagdaupin Hindi ko man sabihin, ngunit pakiramdam ko'y alam mong nararamdaman ko ang malakas na pagtambol ng aking puso Tila ba gustong kumawala sa aking dibdib at tumalon papunta sayo Ilang minuto pa tayong nagtagal sa ganong posisyon Hanggang sa kinailangan na nating paghiwalayin ang ating mga palad na magkadaop Nakaraan ang nga araw, ang mga linggo, matapos ang gabing iyon, hindi mo na ako kinausap Hindi ko malaman kung ano ba talagang gusto mo dahil sa totoo lamang dahil sa paglambing mo ako'y litong lito kung dapat pa ba akong umasa o hindi na sayo Maaaring ang iyong salita at iyong kilos ay minsa'y nagkakasundo Pero bakit madalas ang mga panahon na, panahon na hanggang salita lang ang mga ito? Ganoon ba talaga pag mabulaklak ang mga salita? Hanggang salita na lamang? Lumipas ang panahon na sa bawat pagtatagpo natin ay para na lamang hangin ang isa't isa Ni ang pagtagpuin ang ating mga mata, na noon ay lagi mong ginagawa, ay hindi na nangyayari Ni ang paglapit at pangungulit mo sa akin ay hindi mo na din ginagawa Kaya naman kung anong gusto mo, iyon ang ibibigay ko Dahil sa hindi mo pagpansin sa akin, hindi na din kita pinansin Kaya naman nang makalapit ako sayo para ika'y pansinin ay muntik ko nang tuktukan ang aking sarili at sabihing "nawala ka na ba sa huwisyo, jean?" Siguro nga Siguro nga nawala na ako sa huwisyo Dahil sa pinansin kita'y nagkausap na tayo Tinanong kita kung bakit, bakit hindi mo ako pinansin Sinagot mo ako, "may kinailangan akong ayusin, wag mo nang tanungin kung ano" Pero nagtanong pa rin ako Sinagot mo lamang ako ng "alam mo na yon" Tahimik akong nakatitig sayo tila ba hinahalukay sa isip ko kung ano iyong sinasabi mong alam ko at nakatitig ka rin naman sa akin tila ba hinihintay akong maalala ang mga iyon At nang maalala ko ay napaiwas ako ng tingin sayo Papasok ka pala talaga ng seminaryo? Bakit kahit na ngayo'y isinusulat ko na lamang ang tulang ito'y parang, parang kahapon lang nangyari ang lahat? Bakit ganoon? Alam ko naman na gusto mong magpari, pero kung ganoon sana'y hindi mo na ako nilandi Para hindi ganito kasakit Para hindi ganito kalalim ang sugat na maiiwan mo sa pagpasok mo sa seminaryo Para hindi ganito na hindi tayo nag-uusap at nagpapansinan muli Para hindi ganito Para hindi ganitong umaasa ako sayo Alam ko, alam kong bago pa tayo magkakilala ay iyan na talaga ang gusto mo Kaya sino naman ako para pigilan ka? At bakit naman kita pipigilan? Minahal mo nga ba talaga ako? Iyun nga ba talaga ako para sayo? O isa lang din ako sa mga babaeng pinaglalaruan mo? Pero kasi ang sakit eh Eh teka, bakit ako nasasaktan? Gusto lang kita, eh bakit ganito? Nahulog na nga ba talaga ako sa patibong mo? Kung sinabi ko bang mahal din kita, mananatili ka ba?
0 notes
jeanxeileen · 9 years
Text
Pag-ibig
Sabi nila, ang pag-ibig ay nasa hangin
Ngunit bakit ang sa akin ay abot tingin
Masakit man ‘tong isipin, ngunit ito’y nakakasakit din
Dahil sa ang aking mahal ay hanggang tingin
Ang buhay ko’y langit at siya ang aking bituin
Kayang tignan, ngunit hirap akong abutin
Trese pa lang ako, kung ating iispin
Kaya heto ako, ‘di alam ang gagawin
Nang ‘ka’y makita, biloy mo’y aking napansin
Pati na rin ang iyong mga titig at tingin
Noong simula, hindi kita pinapansin
Ngunit napagtanto, ‘ka’y mahalaga sa’kin
Ang akala ko, mahalaga ako sa’yo
Sahil sa kilos mo, yun ang naging motibo
At sinabi mo, na ako’y di mo gusto
Ngunit nabanggit mo, ako ang iyong tipo
Ngunit kahit ganito ang ating estado
Ikaw lang at ikaw parin ang aking gusto
Ngunit di maiiwasan na isipin ko
Ikaw na gusto ko, ang tanging pag-ibig ko
0 notes
jeanxeileen · 9 years
Text
Ang bano nila. Hahaha
0 notes
jeanxeileen · 9 years
Photo
Tumblr media
6K notes · View notes
jeanxeileen · 9 years
Photo
Tumblr media
Love hurts 12x12inch acrylic on wooden panel
1K notes · View notes
jeanxeileen · 10 years
Quote
Alam mo? Sa harap ng maraming tao, di ka dapat magpasikat, kasi gwapo ka lang naman mula paa hanggang balikat.
Fliptop
0 notes
jeanxeileen · 10 years
Photo
Tumblr media
Laziness
0 notes
jeanxeileen · 10 years
Quote
Never love anybody who treats you like you're ordinary.
Oscar Wilde
1 note · View note
jeanxeileen · 10 years
Photo
Tumblr media
Typewriter Series #922 by Tyler Knott Gregson
*It’s official, my book, Chasers of the Light, is out! You can order it through Amazon, Barnes and Noble, IndieBound , Books-A-Million , Paper Source or Anthropologie *
2K notes · View notes
jeanxeileen · 10 years
Quote
Dear Monday, di kita aawayin ngayon.
0 notes
jeanxeileen · 10 years
Quote
Past is a nice place to visit, but certainly not a good place to stay.
@PatamaNiJuan (Twitter)
0 notes
jeanxeileen · 10 years
Quote
I accept your apology, but you've lost my trust.
@PatamaNiJuan (Twitter)
0 notes
jeanxeileen · 10 years
Quote
Usually, the people with the best advice are the ones with the most problems.
@PatamaNiJuan (Twitter)
1 note · View note
jeanxeileen · 10 years
Quote
Para kang bola, ang sarap mo ibato.
Nads (My Facebook Boyfriend For Real [Wattpad])
0 notes