jeyncesss
jeyncesss
Untitled
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
jeyncesss · 1 year ago
Text
OFW ANG TATAY KO
Ako si Rhyza, year 2006 nang ipanganak ako. Sabi ng Nanay ko 3 months palang ako sa tyan nya ng umalis ang Tatay ko papuntang Saudi para mag trabaho. Hanggang sa pinanganak ako nasa malayo ang Tatay ko...eh pano ba naman 3 years ang contract nya doon.
 Nasa accounting nga pala ang work ng tatay ko sa isang company sa saudi. Hindi ko man masabi kung mabigat o mahirap ang nature ng trabaho ng Tatay ko pero lungkot, pangungulila at pananabik sa isang Ama ang nararamdaman ko.
Kwento ni Nanay, kailangan umalis ni Tatay at mag trabaho sa ibang bansa dahil wala syang mapasukan na company dito sa atin. Siguro dahil narin sa age ni Tatay na nasa 35 years old na nung time na yun. May naipon silang konting pera pero naubos naman daw ito sa pagpapagawa ng bahay namin. Kaya mabigat man sa loob ni Nanay at Tatay ko na magkalayo, kailangan gawin dahil narin sa malapit na akong dumating sa mundong ibabaw.
Lumipas ang 3 taon mula ng umalis si Tatay, mag tatlong taon narin ako nung time na yun. Pasorpresang sinabi sa akin ng Nanay ko, uuwi naraw si Tatay at magkikita na kami ng personal. Hindi ko man lubos na nauunawaan ang sinabi ni Nanay dahil sa akoy bata pa...pero ramdam ko kung gaano ka excited si Nanay sa pag uwi ni Tatay. At batid ko ang walang katumbas na kasiyahan ang dulot ng magandang balita na ito.,
3 years. Tatlong taon na lungkot at pangungulila sa isang ama. Tatlong taon na pagtitiis at pagsisikap ni Nanay na pangalagaan at panatilihing maayos ang kalagayan at kalusugan ko kahit na nasa malayo si Tatay. Hindi rin naman nagkukulang ang tatay ko sa mga panganfailangan namin sa bahay at hindi naman sumasablay sa pagpapadala ng panggastos namin ni Nanay every month.
Ilang araw nalang darating na si Tatay. Kaya si Nanay abala sa paglilinis at pag aayos sa bahay, kasi gusto nya na makita ni Tatay na maayos ang aming bahay (whispering: mitikuloso kasi daw si Tatay pagdating sa kalinisan..hahaha).
Dumating ang araw ng pagdating ni Tatay. Maagang gumusing si Nanay para magluto ng almusal namin at gumayak papuntang airport. Halata ang excitement sa mga kilos ni Nanay. Ilang oras pa ang lumipas nasa airport na kami at diretso agad sa monitoring screen si Nanay para tignan kung nag landing na ang sinasakyang eroplano no Tatay. Bahagyang nalungkot at may halong pagkainip ang naramdaman ni Nanay, kasi delayed ang flight ni Tatay.
Mahigit 2 oras ang lumipas, nakalapag na ang eroplano... at eto si Nanay humahaba na ang leeg...hahaha...kakatanaw kung naka labas na si Tatay sa immigration. Maraming pasahero ang dumating, makikita mo ang ibat-ibang reaction ng mga mukha sa mga nag susundo. Randam ang excitement...kasiyahan na muli nilang makakapiling ang mahal sa buhay na ilang taon ding hindi nakasama.
Hindi ko man matulungan si Nanay sa pagtanaw kay Tatay dahil wala din sa isip ko kung ano ang hitsura ni Tatay at kung ano ang kanyang suot dahil sa pictures kulang sya nakikita nuon.
And the time has come...nakita ko na kumakaway na si Nanay at sinisigaw ang pangalan ni Tatay....Miguel...hoonnn! Dumating na si Tatay. Patakbo kaming lumapit kay Tatay, nakita ko ang sobrang kagalakan at pananabik sa isat-isa. Mariing niyakap ni Tatay si Nanay, damang dama ang kagalakan na muli silang nagka piling makalipas ng ilang taon na magkalayo. Hindi napigilan ni Nanay na lumuha...at ganun din si Tatay, tila ba na parang eksena sa isang tele novela ang tagpong iyon. Napatitig nalang ako sa kanila at pilit na inuunawa ang buong pangyayari, ang dahilan ng kanilang pagluha. Kinarga ako ni Tatay at sabay niyakap ng mahigpit....hinalikan sa ulo at sinambit na..."ang laki muna anak....nandito na si Tatay...love you anak".
Ang sarap marinig sa isang ama na sambitin ang salitang..."I love you anak". Isang ama na nagtiis ng mahabang panahon na malayo sa pinaka mamahal na pamilya. Isang ama na kinalimutan ang sarili maibigay lang ang ipinangakong responsibilidad na magkaroon ng magandang bukas ang mga anak. At sa maikling panahon na makasama nya ang pamilya lubos na kasiyahan na walang ano mang halagang katumbas.
Gabi na ng dumating kami sa bahay. Walang mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman ni Tatay dahil sa wakas muli nanaman syang naka uwi sa amin. Pagka pasok ni Tatay ng mga dala nyang bagahe at nakita na maayos naman ang lahat, dumiretso sa kwarto para magbihis. Mula sa sala rinig ang pagkanta ni Tatay ng..."Daddy's home...your Daddy's home...to stay". Corny noh? Alam mo naman ang tumatanda...hahaha.
Habang binubuksan ni Tatay ang kanyang mga bagahe, abala naman si Nanay sa paghahanda ng aming hapunan. Lumapit si Tatay kay Nanay , sandaling napatitig at niyakap nya si Nanay ng mahigpit...sabay bulong na..."dito na ulit ako sa bahay hon". Tanging pagluha at yakap na mahogpit kay Tatay ang kanyang iginanti sabay sabi ng..."tara kumain na tayo...Rhyza anak halika na kakain na...mag hugas ka muna ng kamay mo". Pagkatapos namin kumain samasama kaming binuksan ang mga pasalubong ni Tatay at hinati-hati ito para ibigay sa mga kamag anak.
Lumipas pa ang mga araw na kapiling namin si Tatay, walang kasing saya sa pakiramdam. Sa unang pagkakataon may isang ama na nag aasikaso sa akin...sa amin ni Nanay. Hindi ko man lubos na maunawaan kung bakit kailangan pang sa malayo mag trabaho si Tatay, pero lubos kong nararadaman ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang pamilya.One month lang ang ibinigay ng company na pinagtatrabahuan ni Tatay sa vacation nya. Habang papalapit ang muli nyang pag alis, ramdam ko na ang masasayang araw na kapiling namin si Tatay ay unti-unting napapalitan ng kalungkutan at paminsan-minsang katahimikan na para bang nakatingin na lamang sa kawalan. Makikita sa mga kilos at salita ni Nanay ang matamlay na pakiramdam, para bang iniisip nya na sana...huminto ang takbo ng oras, na sana bumalik ulit ang panahon kung saan nasa airport kami at sinusundo si Tatay...yung mga araw at oras na masaya ang lahat...panahon na, buo kami.
Walang oras na sinayang ang Tatay ko habang kapiling namin sya. Kahit na dapat ay ipagpaginga nya ang mga sandali na nasa amin sya, pilit nya parin ginagampanan ang responsibility ng isang ama ng tahanan. Kung ano ang makikita nya na dapat ayusin sa loob at labas ng bahay namin ay ginagawa nya.
Ang sabi nya nga kay Nanay. "Pag alis ko ulit wala nang Tatay na mag aayos dito sa bahay, nasa malayo na ulit". At syempre ang sagot ni Nanay, "Ang sarap na kasama ang Tatay sa bahay hon...wala akong iniisip na tumutulong bubong...sirang gripo...bumbilya na ayaw suminde at kung ano pang dapat na ayusin dito sa bahay." Madalas panga pagkatapos ng mga gawain ni Tatay, naglalaro kami sa aming bakuran. Tinuturuan nya akong mag basa ng alphabet at kung pano gumamit ng bike. Pag umiiyak ako kakargahin ako ni Tatay at patitigilin sa pag iyak habang pasayaw-sayaw pa na para bang hinihele. Hahahaha...kaysarap alalahanin ang mga ganong tagpo.
Dumating na ang araw ng pag alis ni Tatay. Dama ko ang lungkot na nararamdaman ni Nanay. Namumugtong mga mata at hanggang sa hindi napigilang lumuha, pati nga ako napa iyak narin. Yakap na mahigpit at pagpapaalam ang nasasambit sa isat-isa. Sabi ni Tatay; "Wag nyo na ako ihatid sa airport, magta taxi nalang ako. Mahihirapan akong humakbang papasok sa immigration na nakikita ko kayong umiiyak. Dito nalang kayo sa bahay at tatawag nalang ako pagdating ko sa airport".
Ngayong 2018, nasa high school na ako at may bunsong kapatid narin ako si Clarise. Sariwa parin sa isip ko ang mga panahon na kasama namin si Tatay sa tuwing umuuwi sya galing abroad. Mga sandali kung saan dama ko ang tunay na pagmamahal ng magulang sa mga anak. Handang isakripisyo ang sariling kaligayahan maitaguyod lang ng maayos ang pamilyang ginagabayan ng Diyos. At mga sandali kung saan....buo kaming pamilya.
THE END.                                                                          
0 notes
jeyncesss · 1 year ago
Text
Threads of Love
In the heart of a bustling city, amidst the chaos of everyday life, there lived a mother named Cecilia. She was the embodiment of love, her warmth radiating like the gentle glow of a candle in the darkness. With three children under her care, Cecilia's days were woven with the threads of sacrifice and devotion.
Her eldest, Jandene, was a beacon of determination, his eyes filled with the fire of ambition. From a young age, he dreamed of building a better future for his family, his every step fueled by the desire to make his mother proud. Cecilia watched him with a mixture of pride and apprehension, knowing that the world could be harsh, yet trusting in his resilience.
Jeynces, the middle child, possessed a heart as vast as the ocean, her compassion reaching out to all who crossed her path. With a smile that could light up the darkest of days, Hee brought joy wherever he went, his laughter echoing through the halls of their modest home. Cecilia marveled at his son's ability to find beauty in the simplest of moments, his spirit a reflection of her own.
And then there was little Janrenz, the youngest of them all, with eyes that sparkled like diamonds in the sunlight. His curiosity knew no bounds, his imagination soaring to distant lands beyond the horizon. Cecilia cherished the moments they shared, their days filled with stories and adventures, their bond growing stronger with each passing day.
Together, they weathered the storms of life, their bond forged in the crucible of love. Cecilia's days were spent in selfless devotion, her every action guided by the love she held for her children. From dawn till dusk, she toiled tirelessly, her hands weaving the fabric of their lives with care and tenderness.
As the years passed, Jandene pursued his dreams with unwavering determination, his successes a testament to the values instilled in him by his mother. Jeynces compassion led his down a path of service, his kindness touching the lives of those in need. And Janrenz, with his boundless curiosity, ventured into the world with a sense of wonder, his mother's love a guiding light in the darkness.
And though their paths diverged, their hearts remained intertwined, bound by the unbreakable bonds of family. For in Cecilia's love, they found strength, in her sacrifices, they found inspiration, in her embrace, they found home.
And as the city bustled around them, Cecilia smiled, knowing that her greatest legacy was not found in the monuments of stone and steel, but in the hearts of her children. For in their love, she had found purpose, in their laughter, she had found joy, in their embrace, she had found solace. And though the world may never know her name, her love would echo through the generations, a testament to the power of a mother's heart.
1 note · View note