Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo





Photo Blog
Naging parte na ng ating buhay ang basura at sa paglipas pa ng panahon lalong tinatangkilik pa natin ang mga gamit na lubhang nakaka-ambag sa bilang ng basura kagaya nang plastik na nagkulong sa atin sa “Rehas ng Kaalwanan”, dahil sa kaginhawaang dala nito, lalo tayong nagkulang at nanatiling bulag sa kaalwanang dala ng “Lalagyan ng Kaluwagan”. Sa kabilang banda, araw-araw nating ginagamit at tinatangkilik ito at sa bawat pagkinabang natin dito ay dinidiretso natin agad ito sa “Tambakan ng Inabandona”, minsan pa’y parang bundok na ito sa dami ng basura at masaklap, puro Non-Biodegradable na basura ang pumupuno dito. Ngunit sa pagpili ng tama sa isang “Simpleng Desisyon” naghahatid ito ng pagbabago at benipisyo sa kapaligiran. Kaya, kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya, umuusbong din ang mga “Natural na Alternatibo” na dapat nating tangkilikin para sa ikakabuti ng ating kapaligiran.
Review Blog
Ang mataas na bilang ng basura ay pangunahing suliranin sa Barangay Pansol, Padre Garcia. Kaya, ito ang napili naming komunidad upang bigyang solusyun ang kanilang suliranin. Sa pagbisita namin sa komunidad na ito, na-obserbahan namin na ang plastik ang karamihan sa basura sa Barangay Pansol at kaya naisipan namin gumawa ng isang proyekto na alternatibo at maaring pamalit sa plastik. Ang pangalan ng produkto na aming gagawin ay P.B.B. na ang kahulugan ay Plantable Bio Bag at ang aming pangunahing gagamitin upang malikha ito ay corn husk o balat ng mais. Ang layunin ng produktong ito ay ipakilala ang isang produkto na pro-kapaligiran na maaring itanim at maging isang halaman na makakapagbawas ng pag-init ng klima.
Bukod dito, ang partikular na proyektong ito ay naglalayon mapaunlad ang kapaligiran, mapabuti ang kalusugan at mapreserba ang likas na yaman ng Barangay Pansol, Padre Garcia. Sa kabilang banda, ang proyektong ito ay sumusunod sa Sustainable Development Goals (SDGs) upang maging mas benipisyal at paki-pakinabang ito sa mamamayan ng Barangay Pansol.
Ang paglilimita ng basura ay isang mahabang proseso kaya upang makamit ito, napagdesisyonan ng grupo #4 ng S11-04 na gumawa ng action plan kasabay ng paggawa ng produktong ito. Ang aming nabuong action plan ay binubuo ng apat na hakbang kagaya ng; pagbibigay kamalayan ukol sa proteksyon at tamang pangangalaga sa kapaligiran, pagpapakilala ng pro-kapaligiran na produkto at pagpepresenta ng benipesyo nito, pagpromote ng produkto sa mga opisyal ng Barangay Pansol at ang huli ay pagpapakilala ng produkto sa merkado upang maging benepisyal ito sa lugar.
Ang P.B.B. na produkto ay isang eco-friendly na lalagyan na nilikha upang maging praktikal para sa mga gumagamit at makabuti sa kapaligiran. Lahat ng materyales ng produktong ito ay galing sa natural na sangkap mula sa Barangay Pansol. Ang produktong ito ay maihahambing sa gamit ng supot o brown paper bag dahil ito ay isang gamitan lamang at ang kulay ng P.B.B. na produkto ay kulay maputlang berde dahil sa aplikayon ng sariwang balat ng mais. Bukod dito, gagawa kami ng iba’t ibang sukat ng produkto; 31cm x 8.5cm x 28cm, 31cm x 12cm x 41cm at 60cm x 16cm x 40cm para sa iba’t ibang gamit. Sa loob ng aming produkto may naka-embed na 3-5 na buto ng wildflower na maliit ngunit maaring magkaroon ng isyu ukol sa nakabukol na buto sa produkto pero aming pinag-aaralan pa kung paano mababawasan ang hindi regular na bukol sa produkto upang mas makatawag pansin ito. Ang produktong ito ay hindi tulad ng tipikal na plastik na nagdudulot o nag-iiwan ng carbon footprint na lubhang nakakasama sa kalikasan sa halip nag-iiwan ito ng isang bulaklak na halaman na may abilidad palitan ang carbon dioxide upang maging oxygen. Ang aming napag-usapan na presyo ng produktong ito ay naglalaro sa Php 10-20 ang isa.
Sa kabilang banda, maraming benepisyo ang produktong P.B.B. ngunit may kahinaan din ito. Ang mga kahinaan ng produktong ito ay tibay, tagal at kamahalan ng presyo. Hindi gaanong katatag ang pondasyon ng produkto dahil ito ay hindi ginamitan ng makina at walang adhesive material kaya hindi sigurado ang tibay niyo. Bukod dito, ang tagal ng produkto ay isang kahinaan din ng produkto dahil ito ay gawa lahat sa natural na sangkap kaya maari itong magbreakdown sa maikling oras. Ang presyo ng produkto ay ang pinakakahinaan ng produkto dahil sa kamahalang dala nito sa merkado, sa isang P.B.B. produkto ay ibebenta sa halagang Php 10-20 ngunit isang gamitan lamang ito kaya kamahalan ng presyo ang kahinaan ng produkto. Sa kabilang banda, maraming benipisyong dala ang produktong ito kagaya ng layunin nitong makapagbigay ng mabuting dulot sa kapaligiran, maging alternatibong pamalit sa plastik at ito ay hindi lamang biodegradable, nakakapagpasuloy din ito ng halaman kaya pro-kapaligiran ito. Sa mga kahinaang ng produktong ito, maraming mabuting dulot ito at kung iisipin ng merkado ang benepisyong dala nito, magiging makatwira ang pagbili ng produktong ito.
Sa kasalukuyang panahon, kailangan natin ng isang produkto na makakapagdala ng mabuting dulot sa kapaligiran. Ang karamihan sa mga basura ay plastik kaya upang maibsan ang dami ng bilang ng plastik, ang P.B.B. na produkto ay maaring pamalit at alternatibo sa gamit nito. Maging matalino at responsable tayong mamamayan para sa ikakabuti ng ating daigdig. Piliin natin ang makakabuti sa kapaligiran at mas pagyamanin pa natin ang ating kapaligiran dahil tayo ang responsable sa kalagayan ng atin daigdig.
1 note
·
View note