Tumgik
jhazzteeneighteen · 9 years
Note
have u ever kicked(or kneed) a guy in the nuts?
NEVER
1 note · View note
jhazzteeneighteen · 9 years
Text
14 ETIQUETTE KUNG PAANO MAGPAPANSIN KAY CRUSH NG VERY LIGHT
Tumblr media
1. Iwasang maglike sa mismong status at picture.  Ilike lang yung mismong reply niya sa mga comment para solo mo ang notification.
2. Kapag nagpost siya ng picture, wag agad ilike. Baka matabunan lang ng ibang likers  kapag nakisabay ka. Pakalmahin at pahupain ang sitwasyon. Wag sa peak season. Magcomment 4 hours after.
3. Wag basta ‘Hi’ o ‘hello’ lang. Dapat, “Hi koya. Alam ko mapapansinin mo din ako someday. :D” Lagyan ng ‘someday’ para hindi magmukhang atat.
4. Kapag magfflood likes sa profile niya, palima-lima muna. Wag kang ganid. Bukas naman yung iba para may tira pa. Tandaan,  ang kalandian binubudget din.
5. Pero kung gusto mong magpakawalwal sa paglilike dahil sa tindi ng emosyong nadarama mo, dun ka sa instagram feed niya. Mas safe dun kasi walang instagram yung mga tiyahin mo. Walang magjujudge sa’yo na malandi ka…kasi medyo tago.
6. Don’t ever chat like, “Hi. Pwede pong makipagkaibigan?” Ano yun parang nagsosolicit lang sabay abot ng sobre tapos friends na agad? Ang friendship pinag-eefortan yan hindi basta tinatanong lang. 
7. Ingatan ang dangal when stalking sa profile niya. Baka aksidente mong ma-like yung picture niyang bakat ang utong ‘posted 4 years ago’ pa. Kalma lang when scrolling.
8. Kapag nagpost siya ng joke, wag “haha” lang. Mukhang napipilitan. Dapat “HAHAHAHAHAHALaplapinMoKoHAHAHAHAHAHAHA!!!!” Gets na niya yun.
9. I-compliment mo na lang yung bagong bili niyang jacket hindi yung puro ka “Musta?”. Isang ice-cold na “Okay lang.” ang isasagot niya. Wala pa siyang balak mag-open up agad sa’yo tungkol sa nawawala nilang tabo.
10. Kapag nagpost siya ng selfie na kumakain o may hawak na pagkain, wag na wag magcomment ng ‘Sarap naman’. Then wala pang tatlong minuto, sabay PM din ng, ‘Sarrrrap naman.’ Wag kame!  Alam ng lahat na hindi pagkain yung tinutukoy mo. ‘
11. Wag banatan ng comment na, “Uwi ka na babe. Di na ‘ko galit.” Hindi yan nakakalaki ng dede. Wala siyang pake kung galit ka. Uuwi siya kung kelan niya gusto.
12. Hindi porket nagreply lang sa chat mo, yayayain mo na agad lumabas para magkape. Baka isipin niya nagnenetworking ka. Ang uso ngayon, net-twerking.
13. Wag maging desperada when stalking. Wag mong hayaan ang sarili mong makarating sa profile niya until the date he started joining FB. Hindi yan pantawid-gutom. Magsaing ka muna.
14. Kapag ginawa mo na ang lahat pero dedma pa din, ichat siya sa huling pagkakataon. Wala kang kailangang sabihin. Wala kang kailangang ipaliwanag. Pakyuhan mo sabay unfriend. 
1K notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Text
😫😭🔪 tagos
PINAASA KA NGA BA TALAGA, WITH RESERVATIONS?
Tumblr media
Fill in the blank with the correct answer from Marvin-Jolina movie.
“And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my ____”
a. ‘Bestfriend’
b. Ka-Tindr
c. Ka-FUBU
d.  #tita
—-
People these days, ang bilis-bilis i-claim sa mga sarili nila na PINAASA sila ng hindi man lang inaasess ang sitwasyon. Kulang na lang magpatayo ng sariling dambana at magpa-ribbon cutting dahil sila daw yung sinaktan, niloko at pinaglaruan ang feelings. 
Kapag na-fall agad at hindi naibalik yung lebel ng emosyong inilaan mo sa kanya, pinaasa na agad? Hindi ba pwedeng wala ka lang proper-training sa kung paano ihandle ng tama ang baluktot mong nararamdaman? 
Pero teka lang muna ha. Bago mo sabihing PINAASA ka in all-caps, 
1.  Itanong mo muna mula sa kaibuturan ng ‘yong puso, “Binigyan ka nga ba ng motibo o namisinterpret mo?”  “Pinaasa ka nga ba o nag-assume ka lang talaga?” Magsolve ka ng maraming Math problems magdamag para malaman mo kung kelan dapat at hindi dapat mag-assume.
2. Siguraduhin mo munang well-updated siya sa totoong nararamdaman mo bago mo ipagsigawan sa buong mundo na pinaasa ka nga. Hindi yung wala siyang kaalam-alam sa feelings mo pero damang-dama mo yung pagiging “self-proclaimed-pinaasa”.
3.  Know the difference between ‘sadyang mabait lang’ and ‘sadyang pa-sweet lang’. Alamin mo yung paraan ng pakikitungo niya sa iba sa kung paano ka niya itrato para hindi ka agad nagfifeeling-special. 
4. Hindi porket komportable ka sa mga bagay na pinapakita niya, hahayaan mo na lang na mahulog ka ng basta-basta. PILLS.
5. Hindi lahat ng tao mag-aadjust sa kakitiran ng nararamdaman mo. Ikaw ang responsable sa kung paano mo iinterpret ang mga bagay-bagay.
6. Wag mong gamitin ang pagiging ‘hopeless romantic’ mo para mas lalo maging ‘hopeless romantic’ ang isang sitwasyon. 
7. Kung sa simula pa lang may ‘feelings’ ka na para sa kanya, subconsciously, kahit anong gawin niya, malalagyan mo ng ibang kahulugan ang mga bagay na wala naman talagang kahulugan.
8. Wag kang masyadong impulsive. Kape-kape din kahit 3-in-1. Hindi lahat ng minamahal mo, mamahalin ka.  
Hindi kasalanan ng kahit sino kung bakit marupok yung damdamin mo. Ikaw ang may pananagutan sa bawat ugat na nakakonekta jan sa puso mo kaya wala kang karapatang isisi sa iba kung ano ang nararamdaman mo ngayon. Kung may nagawa man siya sa’yo para magkaganyan ka, majority pa rin nun ay kagagawan mo dahil hinayaan mo.
Minsan kase hindi naman talaga tayo pinapaasa. ‘Mas ginugusto lang talaga nating umasa.’ Kase mas gusto natin na merong konting sakit. Mas gusto natin na may sinisisi bukod sa sarili natin. Dahil dun natin mas nararamdaman na mas nagmamahal tayo. 
( From the “Nagpaasa Daw’s” Point-OF-View )
617 notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Text
12 REASONS PARA MAGING #FEELINGHAPPY NGAYONG VALENTINES DAY
Tumblr media
1.  Kung wala kang ka-Valentine ngayong Valentines Day, isipin mo na lang, “ Wala naman akong AIDS pero nalungkot ba ko nung World Aids Day?”
2. Hindi ka kabilang sa mga bumili ng mga pinitas na bulaklak na nagsisilbing pagkain ng mga nagugutom na bubuyog para lang ibigay sa mga jowa nilang iiwan din naman sila. Therefore, mas concern ka sa lahat ng uri ng hayuuuupppp at binibigyan mo ng ganap na importansya ang food chain kesa magpaalipin sa tanikala ng pag-ibig. #CertifiedNatureLover
3. Solo mo yung office dahil lahat sila nasa kani-kanilang date. Mas tahimik. Mas payapa. Walang chismosa. Walang plastik. Walang epal. Walang sipsip. And many more.
4.  Habang padami ng padami yung tartar nila sa pagkain ng tsokolate, ikaw ay nananatiling maganda at reserve.  Dahil wala man lang nakaalalang magbigay sayo ng chocolates at sweets.
5. Habang busy sila sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanilang mga iniibig, busy ka naman sa pagbbrainstorming kung paano magiging isang mabuting mamayang Pilipino.
6.  Wala kang kaagaw sa 18 inch pizza, balat ng crispy fried chicken, at french fries. Wala kang kahati. Wala kang ka-share. Hindi tulad nung mga panahong akala mo sa’yo lang siya pero tinitikman na pala ng ibang patay-gutom.
7. Solo mo yung malawak mong Queen-Size Bed. Pwede kang dumapa, mag-stretching, gumulong-gulong, mag-golf, magbunjee-jumping at magsoul-searching… habang nag-eemote.
8.  Insta-diet ka at the moment. Dahil sa tuwing maiisip mong wala kang ka-date ngayong Valentines, mawawalan ka ng ganang kumain at mabuhay.
9. Makakatulog ka ng mahimbing sa gabi dahil alam mong hinding-hindi ka niya lolokohin at ipagpapalit sa iba. Kasi nga, wala ka namang ngang jowa di ba?
10. Nakatipid ka sa oras. Isipin mo yun, wala kang girlfriend na hihintayin ng ilang oras dahil sa kung anumang ritwal ang pinaggagagawa niya sa loob ng CR. 
11. Kung malungkot ka dahil mag-isa ka ngayong Valentines, isipin mo na lang, wala din namang nagmamahal sa’yo kahit nung mga nakaraang buwan. 
12. Valentines Day is the Ultimate Landi Day. Ito yung best itinerary para lumandi with or without dignity. Dahil habang busy ang iba sa mga ka-date nila. Mas visible sa paligid mo kung sino din yung mga single na gaya mo.
—-
Pero ganito lang naman yan eh. Kung hindi mo kayang maging masaya dahil ‘single’ ka, siguradong hindi din ikaw yung tipo ng taong kayang maging masaya kapag ‘in-a-relationship’ ka na. Marahil magiging masaya ka at the moment pero at the corner of it, yung kakulangan pa rin ng isang bagay ang palagi mong makikita. Kaya habang single ka, samantalahin mo yung pagkakataon para i-appreciate ang kung anong meron ka. Para kapag dumating na yung tamang tao para sa’yo, wala kang ibang makikita kundi yung mas intense na anyo ng pag-ibig.
435 notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Text
Note to myself 😔
I need to do better for myself.
7 notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Quote
You might not understand things right now but soon, it will all make sense.
(via prinsesanggutom)
11 notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Quote
The “what ifs” and “should haves” will eat your brain.
(via bl-ossomed)
396K notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Text
I have mastered the art of accepting the reality that there will always be people who will leave you behind with no valid reasons.
21K notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Quote
Hearts are wild creatures, that’s why our ribs are cages.
Unknown  (via pre-party)
8K notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Text
Just a cup of coffee and a hand to hold.
222 notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Text
Hahah. Bet ko yung number 13! Damang dama ko
SERYOSONG TIPS SA PAG-AAPLY NG TRABAHO
Bago mag-apply, alamin muna kung anong klaseng trabaho ang papasukin. Di mo alam ipagbebenta na pala kidney  mo.
Ayusin ang paggawa ng resume dahil diyan ka nila unang ijujudge. Siguraduhing hindi naka-duckface ang ID picture at hindi ComicSans ang fontstyle mo. Kalimutan muna ang pagiging jejemon.
Wag mo ng ilagay sa personal attainment mo na isa kang dubsmash sensation. Wala silang pake sa mga pabebe-videos mo.
Kahit nagsubmit ka na sa email, mas maganda kung may dala ka pa ring extra documents at resume in case na tawagan ka for interview. Kakailanganin mo yan para kapag hindi ka natanggap, pede mo yung itampal sa pagmumukha nila.
Magsaliksik sa background ng kompanya na pag-aaplyan. Diyan ka naman magaling di ba, ang man-stalk?
Wag mo ng pag-aksayahan ng panahon yung mga nagmemessage ng “Gusto mo bang yumaman?” Pakshet. Lahat ng tao gustong yumaman! Hindi na dapat tinatanong yan!  Kaya ka nga nagtatrabaho eh!!
Don’t go barkadahan sa pag-aaply ng trabaho. You’ll end up hurting pag natanggap silang lahat tapos ikaw lang ang hindi. Tapos magseself-pity ka na namang kuyumad ka.
Gumawa ng personal account sa jobstreet, jobsdb, at workabroad para madaling mahanap ng employer yung resume mo. Hindi kasama jan ang grindr at planetromeo, kingina ka. Saka ka na lang lumandi ‘pag nagkatrabaho ka na.
Maging disente sa pananamit kapag mag-aaply ng trabaho. Utang na loob, never naging corporate attire ang puki shorts mo.
Wag masyadong umasa hangga’t hindi ka pa pinapapirma ng kontrata. Kaya ka nasasaktan eh. Hindi ka pa ba natututo?
Don’t rely on “Kung sino yung unang tumawag na employer yun ang tatanggapin ko.” Stick to your plans and goals. Minsan sa sobrang desperado nating magkatrabaho, nawawala tayo sa main goal natin. Tapos sa huli rereklareklamo ka na pangit yung kompanyang pinasukan mo.
Wag madepress kapag narereject ka palagi. Kung talagang para sa’yo yung isang bagay, ibibigay sa’yo.
Kung sakaling di ka motivated, try mo munang tumambay ng matagal para maranasan mo yung pakiramdam ng walang pera, mabored, maging walang silbi, palamunin at salot ng lipunan. Para kapag nag-apply ka ng trabaho, damang-dama mo, sagad.
897 notes · View notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Photo
Tumblr media
JSYK 😉 #itworks
0 notes
jhazzteeneighteen · 9 years
Photo
Tumblr media
Challenge accepted!! 👊 Silhouette feels (and i hope i spelled that correctly)
0 notes
jhazzteeneighteen · 10 years
Photo
Tumblr media
Sun kissed 🌞 #TakeMeBackFriday #TMBF #summer2014
0 notes
jhazzteeneighteen · 10 years
Photo
Tumblr media
Don’t just follow your dreams, chase them! Pursue them until they become reality, then hold on tightly and never let go. 🎓🎈🎉
148 notes · View notes
jhazzteeneighteen · 10 years
Text
I vow to never cry for the same old reason.
7 notes · View notes
jhazzteeneighteen · 10 years
Text
Yung inamag na yung feelings mo para sa kanya.
145 notes · View notes