Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Release
Release
This blog is not for everyone, just for me, to remind myself who I really am, and what I have become. This is going to be in tagalog:
Ilang araw na din akong walang imik kapag nasa loob ng bahay, hindi ko na maramdaman na welcome ako sa sarili kong tahanan. Ano'ng klaseng pakiramdam ito? Ito yung pakiramdam na, mas gusto mo pa na nasa labas ka na lang ng bahay, kaysa bumigat ang pakiramdam mo pagguwi mo, hindi mahalaga kung saan man ako naroon, huwag lang sa bahay.
Saan ba nagsimula ang lahat? Noong dumaan ako sa harapan ng aking asawa (G) at iniscroll-up ko ang kanyang cellphone dahil gusto ko lang marinig ulit o maintindihan ang pinapanuod nya (di'ko maalala kung youtube shorts o tiktok). Hindi nya inexpect na gagawin ko yun, kaya medyo nahulog sa kamay nya yung cellphone. Hindi ko naman yun sinasadya pero ayun, nagalit sya. Naging mabilis ang pangyayari mula dito, mula nung masaktan ang ego ko. Nasigawan ko sya, namura ko sya, at ang nakapagpatigil lang sa akin ay nung sinabi nya sa'kin na, "hindi naman kita pinakikialaman ah".
Napag-isip isip ko, ayaw na kaya nya na magkaroon kami ng pakikialam sa isa't-isa? Kanya-kanya na lang kami, ganun ba? Then isang araw, dumating yung parcel nya, ang parcel nya ay naglalaman ng Phone case, at Privacy screen protector. Maiintindihan ko kung ito ay karaniwang screen protector, pero bakit yung privacy pa? May gusto ba syang itago? Kaya ba nya sinabi na hindi nya ako pinakikialaman para huwag ko syang pakialaman?
Ilang beses ko'ng inisip kung paano ko sasabihin sa kanya, na umuwi na lang muna sya sa magulang nya, kung gusto nya iwan sakin mga bata, o iwan sa magulang ko, walang problema hindi dahil galit ako, kundi nasasaktan na talaga sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ako gaano'ng nagsasabi sa kanya ng mga problema ko, pero kung sinasabi ko man ito sa kanya, ay kung alam ko'ng kaya ko na itong harapin, o kaya ko nang lunasan, o kung minsan nasasabi ko lang sa kanya pag nalunasan na. Ang naitanong ko lang sa kanya ay kung magkano pamasahe sa aklan, at kung payag sya umuwi sila ng mga bata after ng (P) isang event. Ilang beses ko pang paulit-ulit na nirerepaso sa isip ko yung sasabihin ko na to. Pero ni-once di ko naisip that day paano namin aayusin ang problema. Siguro dahil sa ayaw ko na? Siguro dahil wala na akong nakikitang pag-asa na maayos pa kami. Di ko sure.
Hindi ako galit kaya gusto kong lumayo sa kanya, gusto ko lang lumayo para makapagisip ng maayos, ayaw ko syang masaktan (physically) kaya gusto ko din ng distansya. Wala na akong nakikitang future na magkasama kami ng maayos, I mean hindi ko na maimagine ang sarili ko kasama sya na maayos ang kalagayan namin.
Alam kong mali na isipin ko ito, pero hindi din ako masisisi ng kahit sino, kasi nasa point ako na na-corner na ako, hindi makakilos, hindi makagalaw. Mahal ko pa ba sya? TBH,... Mahal ko pa din sya, pero ang trust, nawala na (oo dahil sa privacy screen), yung pag galang nya sa akin bilang tatay ng pamilyang magkasama naming binuo, ay di ko na maramdaman sa kanya. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa pamilya naming ito.. Ang pinaka palaisipan sa akin, Hanggang kailan ko sya mamahalin?
Hindi ko na gustong itanong sa sarili ko kung aasa pa ba ako? Kung Mahalaga pa ba ako sa kanya? Kung maaayos pa ba ang lahat? Pagod na'ko.
(hindi ako galit)
1 note
·
View note