Tumgik
jnlryn ยท 8 years
Text
ANGHEL
Naliligaw sa dilim kung saan sa akin ay walang nakakakita Naipit sa lugar kung san di na masasalba ng kahit nasino Minsan sa aking paglalakbay ika'y aking nakita Ang mundong itim at puti ay binigyan kulay mo Ikaw ang liwanag na bumalot sa mundo kong madilim Tayo'y puno ng pagkakaiba kaya ang nadarama ay kinimkim Ngunit nang minsan kong nasilayan ang iyong mga ngiti Ang pagkakaiba nati'y nawala nang dagli Ikaw yung minsan kong pinangarap Ikaw yung anghel na ayaw kong pabalikin sa alapaap Ikaw ang pagmamahal na matagal ko ng hinahanap Nais kong ipagkait ang iyong mga pakpak Nais kong ika'y manatili kasama ko, isang hamak Hamak kumpara sa iba Hamak kung ang usapa'y tindig at porma Pero sintang anghel salamat dahil nanatili ka Lubos ang iyong ganda sintang anghel pag ika'y lumilipad na Lubos ang iyong ganda pag ika'y nasa langit na Pero mahal pasensya ka na Ang paglipad mo palayo ang pinaka ayaw kong ideya Ang tadhana ay tunay na mapaglaro Hindi na kita matanaw, ang ngiti mo'y tuluyang inilayo; naglaho Sa dilim ako'y muling naligaw Nawala ang kulay na noo'y nag-uumapaw Minsan sa aking gunita ay kasama kita Malinaw sa aking alaala ang ningning ng iyong mga mata Ang lambing ng iyong tinig at lambot ng iyong haplos Ngunit sa aking gunita sinta ang alaala ng kahapon ay naupos Minsan sa aking gunita nakasama kita Kasabay ng pagmulat ng mata ay ang pagkalito Pagkalito kung bakit mulat ako ngunit madilim parin ang mundo Pagkalito kung bakit nasa tuktok na ako ngunit puno parin ng sakit Nasa tuktok na ako ngunit di ka parin makamit Inaabot kitang pilit! Sintang anghel bakit mo ako nilisan? Tila mahirap ang katanungan kaya sige ito'y aking papalitan Sagutin mo ang mga katanungan ko Paano pipigilin ang pag-ikot ng mundo? Paano pahintuin ang daloy ng oras Paano bitawan ang bagay na panghabang buhay mong nais panghawakan Paano pigilan ang pagbuhos ng ulan Kung ang tanging hiling ay ang manatili paano lumisan Paano gawing "kamusta, namiss kita!" ang iyong "paalam malaya ka na" Paano ba hindi matutong magmahal kung minsan kang nakilala Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa bigla akong huminto Nagkaroong muli ng kulay ang tinatapakan ko kaya ako'y tumango Bahaghari! Sa dulo nito ay ang anghel na kinasasabikan ko Ngunit napawi ang saya sa'king dibdib Ang daan patungo sa'yo ay tunay na mapanganib Nakaharang ang mga batas Batas na pinagbabawal ang ating pagmamahalan Ang ibigin ka raw ay taliwas sa nakasanayan Pero anghel maniwala ka Ang pag-ibig ko sayo'y walang hangganan Nalagpasan ko ang mga balakid Ngunit hanggang sa huling pagkakataon ika'y pinagkait Pinagkait ng mga batas at tuntunin na mapanakit Winasak nila ang bahaghari, gumuho ito kaya nahulog ako Sintang anghel ito ang tandaan mo hindi ako susuko Kaya nilabas ko ang inipong bagwis Pangako magiging sulit ang lahat ng sakit at pagtitiis Hintayin mo ako Sintang anghel parating na ako
0 notes