Tumgik
jocogwapo-blog · 9 years
Text
Lalayo nalang ako
Lalayo nalang ako patungo sa kawalan. Isang tunguhing hindi ko nalalaman ang landasin. Ganito na ako ngayon. Isang paslit na naghahanap ng pag-ibig na tila bagang ito na lamang ang tangi sa mundo. Tila ako’y nauubusan, palibhasa’y, ipinagpalit ako ng akIng mahal. Hindi ko alam kung saan ba ako unang maghahanap. Natatakot ako dahil alam kong iisa lang ang gusto ko ng puso ko – isang puso na kusang nawala sa akin. Kaya siguro, mas pipiliin ko na lamang na lumayo.
  Nasaan ka na ba? Andyan ka pa rin ba sa piling niya? Hindi mo ba alam na ako ngayon ay nagdurusa? Namukmuk sa sulok, kahit saril’y hindi ko matawag na kakampi. Lubog sa kumunoy ng kalungkutan. Lunod sa pait ng luha.
  Lalayo nalang ako. Titiisin ko nalang ang sakit, ang hapdi, ang kirot sa puso. Kesa masaktan sa pag-asang alam ko namang hindi magiging akin.Kesa umasa sa mga mapaglaro mong mga labi.
  Balang araw. Balang araw, babalik ako. Masaya, nakatayo. Sa araw na yun, hindi na ako lampa. Hindi na ako mamalimos ng oras mo. Sa araw na yun, mabuti na akong tAO.
7 notes · View notes
jocogwapo-blog · 10 years
Text
Some good things end
February 19, 2014 at 11:44am
Have you ever been in-love and got hurt?
Ako? Isang beses palang pero masakit pala talaga. Especially kapag minahal mo yung tao ng sobra.
  Some good things end.
Bakit? Siguro dahil hanggang doon nalang talaga. It remains good and will never be better. Maybe destiny wants you to have something better or even best. Something you deserve.
I’m talking here about situation being in a broken relationship.
  Acceptance about the truth.
Ang hirap. Ang hirap utusan ng puso. Kahit paulit-ulit sabihin ng isip mo sa puso mo, na kelangan mo ng tanggapin ang katotohanan, hindi yan magsi-sink-in.
  So what will you do?
  So what did I do?
Una, I savored that feeling of being broken (actually, until now). Cried a river, bar hopping and got drunk drunk drunk drunk, dating and meeting new friends – but it didn’t work. And so I seek for advices. What did I get? Nothing. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwang tenga. Pros and Cons reactions lang narerecieve ko. At dahil matigas ang ulo ko, sinusunod ko parin gusto ng puso ko. Siya pa din.
  Pangalawa,I let things happen. We’re friends. And the rest – stupidity.
  Pangatlo, ngayon. Ngayon kasi, ang dami paring pumapasok sa utak ko. Unti unti ng nagigising ang puso ko sa katotohanan. Pero alam ko namang andun parin yung feeling na love.
  I’m ready to let go.
Nasabi ko na lahat ng mga gusto kong sabihin sa kanya.
Bilang isang lalaki, bilang isang boyfriend, hindi ako nagkulang. Ginawa ko lahat para sa kanya. Ginawa ko lahat para masave yung relationship.
  Kahit na sabihin mong mahal mo yung tao, darating at darating din pala yung time na mapapagod ka at maaawa ka nalang sa sarili kasi despite of your efforts, parang wala lang sa kanya.
  Mahirap umintindi ng bagay hindi naman nya gustong ipaintindi. Mahirap magpaintindi kung wala naman syang balak umintindi. Hindi naman pwede kasing ikaw nalang ang laging umiintindi.
  In a situation like this, most of my friends told me that I deserve to be happy. And that happiness is a choice. Sabi ko naman sa sarili ko, Happiness maybe a choice, pero babalik at babalik ka parin naman sa kung anong tunay na nararamdaman ng puso mo.
  Forgiveness is also an issue – lalo na kung hindi ikaw ang gumawa ng kasalanan. I can forgive, it’s actually so easy to forgive but to forget what happened is not. Paano ako makakalimot? Ah, siguro kapag nagka amnesia ako.
  Siguro ang acceptance, letting go, and moving on is just a matter of time.
Siguro appreciating life and what surrounds you would be of great help.
  Siguro, some good things end for you to have something better.
Siguro nga, I deserve something better – or even the best ;-)
1 note · View note
jocogwapo-blog · 12 years
Quote
Gusto ko ng kalimutan ka, kahit alam ko na sa bandang huli, ako ang maiiwan at magdurusa.
1 note · View note
jocogwapo-blog · 12 years
Text
Wachamacalate or whatever you may call it?
When you are happy, I say, call your brother, it is worth celebrating with him for he knows how much you desired to be happy.
    When you in pain, I say, call your best friend,  it is worth crying to someone who knows you most.
  But I say, how blessed you are when your brother is also your best friend and your best friend  is also your brother.
  A brother doest always need to be connected by blood, sometimes, it’s the bond – and you call him often as “BESTFRIEND” and “BEST BUDZ”.
  I have three best friends, two during high school and one during my college years. Amazing, imagine how blessed am I?
  I always considered them as my Kapatids. Kasama sa mga kwela at kalokohan. But then, as the old saying goes “Friends always understands each other”.
  May mga napansin lang akong medyo nakakatawa. Recently, I faced too much sadness because of some love problems. Their advices made me realized something:
  1.    Isa sa kanila ang nagsabing.. “Happiness is a Choice”.
Napangiti nalang ako ng sinabi nya sa akin yun? Naisip ko, tama nga naman, you can always opt to be happy. Pero ang tanong ko, paano mo sasabihing sa sarili mo, “oh, happiness, ikaw ang pinili ko. Magsaya tayo kasama ng mga friends ko”.
  May mga bagay na medaling sabihin, may mga bagay na kahit gusto mong gawin, mahirap simulan. Tama nga bang sabihing, hiwalay ang kapangyarihan ng puso sa isip (parang simbahan at gobyerno lang diba?). Minsan, kahit ipagsiksikan mo sa utak mo na gusto mong sumaya, Iba parin ang nararamdaman ng puso mo.
  Kaya nga meron tayong mga sinasabing mga kaibigan. Kung minsan daw, kong nalulungkot ka, makihalubilo ka sa kanila, makipagkwentuhan, inuman, gumawa kayo ng kalokohan, magdrugs <joke. Wag naman> pero at the end of the day, kung mag-isa ka ulit sa kwarto mo, kumusta ka?
  Siguro minsan nga, mas mabuting dibdibin kung anong nararamdaman mo at kung nakarecover ka na, saka mo na sabihing, “Happiness is really a choice”.
  2.    Isa sa kanila ang tinawanan ako.
Hindi ko alam kong seryoso ba itong kausap kong ito dahil wala syang ibang ginawa kundi ang tawanan ako, gayun pa man, kwento parin ako ng kwento sa kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko noon maunawaan kung bakit lagi niyang sinasabing “Sus. Kaw pa. Kaya mo yan”. I know it’s his comforting words for me, pero hindi ako kuntento doon, ni wala man lang sincerity.
  During our conversation, hindi ko namalayan na iba na ang pinaguusapan namin, hanggang sa alam ko sa sarili ko, napapangiti nalang ako.
  Just after our conversation, I received a text message coming from him and he said to me, “hindi ko nararamdaman kung ano man ang meron sa puso mo ngayon, basta ang alam mo, kakayanin mo yan, makakarecover ka din jan.” the he added, “kaya nga tayo bespren…
  Siguro nga minsan, masasabi mo sa sarili mo, buti nalang anjan sila para intindihin ka.
  Pero alam mo ba kung anong mas nakakatuwa sa nangyari sa akin, nakilala ko yung bago kong bespren na kuya ko na rin:’)
  Salamat, bespren, kuya, bro, brod,  KOY. Ah.. watchamacalate. hehehe
0 notes
jocogwapo-blog · 12 years
Text
Wachamacalate or whatever you may call it?
Wachamacalate or whatever you may call it? When you are happy, I say, call your brother, it is worth celebrating with him for he knows how much you desired to be happy. When you in pain, I say, call your best friend, it is worth crying to someone who knows you most. But I say, how blessed you are when your brother is also your best friend and your best friend is also your brother. A brother doest always need to be connected by blood, sometimes, it’s the bond – and you call him often as “BESTFRIEND” and “BEST BUDZ”. I have three best friends, two during high school and one during my college years. Amazing, imagine how blessed am I? I always considered them as my Kapatids. Kasama sa mga kwela at kalokohan. But then, as the old saying goes “Friends always understands each other”. May mga napansin lang akong medyo nakakatawa. Recently, I faced too much sadness because of some love problems. Their advices made me realized something: 1. Isa sa kanila ang nagsabing.. “Happiness is a Choice”. Napangiti nalang ako ng sinabi nya sa akin yun? Naisip ko, tama nga naman, you can always opt to be happy. Pero ang tanong ko, paano mo sasabihing sa sarili mo, “oh, happiness, ikaw ang pinili ko. Magsaya tayo kasama ng mga friends ko”. May mga bagay na medaling sabihin, may mga bagay na kahit gusto mong gawin, mahirap simulan. Tama nga bang sabihing, hiwalay ang kapangyarihan ng puso sa isip (parang simbahan at gobyerno lang diba?). Minsan, kahit ipagsiksikan mo sa utak mo na gusto mong sumaya, Iba parin ang nararamdaman ng puso mo. Kaya nga meron tayong mga sinasabing mga kaibigan. Kung minsan daw, kong nalulungkot ka, makihalubilo ka sa kanila, makipagkwentuhan, inuman, gumawa kayo ng kalokohan, magdrugs pero at the end of the day, kung mag-isa ka ulit sa kwarto mo, kumusta ka? Siguro minsan nga, mas mabuting dibdibin kung anong nararamdaman mo at kung nakarecover ka na, saka mo na sabihing, “Happiness is really a choice”. 2. Isa sa kanila ang tinawanan ako. Hindi ko alam kong seryoso ba itong kausap kong ito dahil wala syang ibang ginawa kundi ang tawanan ako, gayun pa man, kwento parin ako ng kwento sa kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko noon maunawaan kung bakit lagi niyang sinasabing “Sus. Kaw pa. Kaya mo yan”. I know it’s his comforting words for me, pero hindi ako kuntento doon, ni wala man lang sincerity. During our conversation, hindi ko namalayan na iba na ang pinaguusapan namin, hanggang sa alam ko sa sarili ko, napapangiti nalang ako. Just after our conversation, I received a text message coming from him and he said to me, “hindi ko nararamdaman kung ano man ang meron sa puso mo ngayon, basta ang alam mo, kakayanin mo yan, makakarecover ka din jan.” the he added, “kaya nga tayo bespren… ” Siguro nga minsan, masasabi mo sa sarili mo, buti nalang anjan sila para intindihin ka. Pero alam mo ba kung anong mas nakakatuwa sa nangyari sa akin, nakilala ko yung bago kong bespren na kuya ko na rin:’) Salamat, bespren, kuya, bro, brod, KOY. Ah.. watchamacalate. hehehe
0 notes
jocogwapo-blog · 12 years
Quote
You are the sweetest thing ever happened to me..
1 note · View note
jocogwapo-blog · 12 years
Text
Sana ganun din sya sa akin:'(
Heto na naman ako, bumabalik sa umpisa. Ang sakit ng puso.
Hindi ko maexpress kong ano ba talaga etong nararamdaman ko sa para sakanya. Siya nalang ang iniisip ko, Sya nalang ang laman ng utak ko, Walang minutong hindi ko sya naaalala. Sa bawat sulok ng opisina ko, andun sya, sa bawat sulok ng grocery store, ng aking kwarto, andun sya. Naririnig ko syang tumatawa, naririnig kong kumakanta siya ng kanyang paboritong kanta, naririnig ko syang tinatawag ang pangalan ko, naririnig ko parin kong paano nya sambitin ang mga katagang "Mahal na mahal kita.".
Naaalala ko ang mga gabing magkasama kaming naglalakad-lakad, naguusap tungkol sa kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Naaalala ko ang kanyang init ng yakap, mga halik. Gusto kong ulit lahat ng mga sandaling iyon.
Gusto kong sabihin sa kanya, na sana, akin nalang sya. Na sana, wag nalang syang umalis sa aking tabi.
Bakit ba napakahirap isipin na lahat ng bagay maaaring magwakas? Masakit din isiping nagmamahalan kau pero kelangang maghiwalay dahil hindi ikaw ang kaylangan nya sa buhay. 
Paano ba wawakasan ang pag-ibig na ayaw mong pakawalan? Para ka lang bang nagtanim ng Puno at kung kaylan malapit na itong mamunga'y kelangan mo na itong putulin dahil maaari itong mabuwal kapag darating ang bagyo? At kung hindi mo ito pinutol? Magsosorry ka nalang ba sa kung sino ang maaring masaktan mo?
Paano pag hindi mo ito pinakawalan? Magiging masaya ka ba? Magiging masaya ba sya? Pano kung ipagtabuyan ka nya? ipagpipilitan mo ba ang sarili mo?
ang sabi nga nila, pagmahal mo ang isang tao, pakakawalan mo para sa ibang taong makapagbibigay ng kanyang wagas na kaligayahan. Kaligayahang kahit gusto mong ipadama sa kanya, alam mong hindi pa rin sya magiging masaya.
Kaya nga ba maraming nagpapakatanga sa Pag-ibig? Sino ba silang nagngungutya? Ah, silang mga walang alam tungkol dito. silang mas kaawa-awa dahil hindi sila marunong magmahal ng tunay.
Handa kong ipagsigawan kung gaano kita kamahal. masasabi ko narin na kaya kong gawin lahat para sa kanya. Kaya kong isakripisyo ang lahat ng meron ako para sa kanya.
Ganun ko sya kamahal, sana ganun din sya sa akin..........*
0 notes
jocogwapo-blog · 12 years
Quote
"Bakit ba ang hirap kalimutan ang isang taong nagbigay sayo ng napakaraming mga alala? Mga masasayang alaala na nagbigay ng dahilan upang mahalin mo sya ng lubusan."
1 note · View note
jocogwapo-blog · 12 years
Text
Gusto ko lang ng Kapiranggot
Hindi ko na paborito ang pansit.
Hindi na rin ako mag-aaral magluto.
  Hindi na ako kakanta sa videoke.
Tanggap ko narin na hindi ako marunong sumayaw.
  Ayaw ko na ng ulan, naaalala ko ang mga malulungkot na alaala.
Ayaw ko ng makita ang paglubog ng araw, naaalala ko lang ang mga panahong nangangarap ako, kasama ka sa aking buong buhay.
  Ayaw ko na ang dagat, nalaman kong hindi sila pareho ng pag-ibig, dahil hindi tulad ng dagat, ang pag-ibig, may hangganan. hindi narin ako mangingisda, gusto ko nalang magpadala sa agos ng buhay.
  Ayaw ko ng mga discounted items sa grocery.
Hindi narin ako maguukay-ukay.
  Ayaw ko na ng juice sa breakfast, hindi ko alam kung healthy ba talaga uminom ng juice ei.
Ayaw ko na ng kape, lalo na yung creamy latte.
  Ayaw ko ng manood ng movies sa weekends.
Hindi naman talaga maganda yung pelikulang The Gulliver’s Travell.
  Ayaw ko ng sumakay ng rides sa peryahan, di na ako bata.
Ayaw ko ng mga halaman, ng mga isda o kahi na anong living things.
Ayaw ko ng kumain sa McDonalds
Ayaw ko na ng CokeFloat. Magkakasipon lang ako.
  Ayaw ko na sa lahat ng bagay na makapagpapaalala sa akin tungkol sayo.
Tungkol sa ating pag-ibig dahil nasasaktan lang ako.
  Pero hindi ko sinabing ayaw ko sayo
Natatakot lang akong isipin na mawawala ka rin sakin balang-araw.
  Binigay ko na sayo lahat, mag-iipon nalang ulit ako ng konti para sa sarili ko, kahit konti lang,
Kahit konti lang.
0 notes
jocogwapo-blog · 12 years
Text
ANG TANGI KONG PAG-IBIG
Ako: <tahimik lang>
Ikaw: Monthsary na natin bukas.
Ako: OO nga ei.. Happy monthsary.
Ikaw: Aabot KAYA tayo ng two-years?
...........Natigilan ako sa tanong niya. Bigla nalang rumagasa ang mga tanong sa aking isipan, “Ano bang problema?” . Alam kong merong problema, pero hindi ko alam kong sa akin ba o nasa kanya ang problema. Gayun pa man, Ngumiti nalang ako sa kanya na parang wala akong naramdaman, sabay sa tanong sa kanya ng “Bakit naman?......”
---------------------------------------------------------------------
Hindi na ako bagets para pag-usapan ang puppy love. 23 years old na ako. Medyo seryoso na ako sa buhay,sa pag-ibig... Sa tingin ng maraming tao, Single ako pero sa totoo lang, Taken na ako. < hindi naman ako nagaassume kasi hindi ako assuming. Seryoso ako, taken na ako.>
Gusto ko lang sigurong pag-usapan ang tungkol sa pag-ibig at ako sa pag-ibig. Wag na nating isali yung ilan sa aking mga naging girlfiends. Masaya na sila ngayon…
Sa tinagal tagal mo sa mundong ito, ano nga ba ang love? Anong alam mo tungkol dito?
Ang problema sa akin, hindi kasi ako romantic. Pero ipinapakita ko naman kong gaano ko naappreciate lahat ng ginagawa niya para akin. Big or Small. Promise. Yun nga lang, siguro, hindi sapat sa sakanya yun. Lagapak ako dito.
Ang problema sa akin, hindi ako marunong magload . Kaya palaging hindi ako nakakapagreply. Hindi ako nakakatawag. Pero kong may load naman ko, buhos naman sa kanya lahat yun. Kahit di siya magreply, ok lang din sa akin.
Ako ay si ako. Wapakels ako sa kung sino sa amin ang mataas, ang mas matalino, ang mas mayaman, ang mas mabango, ang mas maputi. Ang importante, nasa tabi ko sya, mahal ko siya. Mas gusto ko yung ako ang nagiinspire sa kanya para magimprove sya sa sarili nya. Para at least, kung hindi man kami magkatuluyan, maaalala niya ako.
Ako ay si ako. May mga sarili akong pangarap, syempre, gusto ko lahat mangyari yun. Demanding ako sa time. Minsan kasi, ayokong naghihintay, minsan kasi kung gusto ko ng kausap, dapat andyan siya para making sa aking mga kwento, may kwenta man ito o wala.
Siya ay siya. May mga sarili rin syang pangarap. At gusto ko, matupad din nya lahat ng mga iyon. Kaya dapat, tutulungan ko sya. Sa hirap at sa ginhawa. Sa mahal ko sya.
The reality is that, love is constant, but the person you’re in love with is always changing as the saying goes like “people change into something they said once that they would not.” But what is more ridiculous about love is that, He will let you hook about it, and later, Love will give you more reason to love your partner but situation will offer you million of unreasonable actions to hate your partner. Ang sabi ko nga, kung kalian, alam kong mahal na mahal ko na sya, saka pa magbabago ang lahat.
August 28, 2012 – around 9:30 in the evening when I first cry about love. I cried because I know I was hurt. I cried because I am now unsure, if we still gonna be together these coming days. I cried because I know I was loving deeply. I cried because I love you..
0 notes
jocogwapo-blog · 12 years
Text
Aba! akalain mo yun
Pangarap ko to! ang makagawa ng sariling blogs, mahilig kasi akong magsulat. Marami akong mga ideyang gustong isulat.. Marami na akong nasimulan, iilan lang ang natapos..
Ganyan ako.. magaling sa simula, wala namang natatapos. kumbaga, masimulan ko lang, masatisfy ko lang yung gutom kong tiyan, ok na ako.. at least nakapagsimula ako.. at least, anytime, pwede ko syang tapusin. Wew.. ang pangit na gawain..
Kilala ko ng sarili ko. (kaya nga mejo natatakot akong gumawa ng ganto kasi hindi ko rin lang mamaintain ei..) Matagal ko ng ginawa ang account na to.. Ginawa ko ito noong punung-puno ako ng emosyon at himutok.
Nakakaloko. Marerealize mo rin naman kasing, ang pagsusulat ba, mangyayari lang kung masaya o malungkot ka? Hindi.. pero ganun ako.. Mas marami akong pwedeng maisulat pag malungkot ako. Pero hindi ngayon.. gusto lang talagang magsimula.. Hindi naman ako malungkot. Ang saya diba?
Promise ko to... dapat, 3 times a week akong maglalagay ng kung ano-ano dito sa tumblr site na to. Kahit ano lang. Promise ko yan. Ano ngayon? August 24, 2012. ----> sana lang... sana lang talaga..
OO nga pala, ang dami kong issues sa buhay. Mahilig nga akong magsulat, ayaw ko namang ipabasa. Kung mabasa ng iba eto, ok lang. wag lang yung ipinalalandakan ko sa mundo na .. Hoy basahin nyo to.. mga pangit kayo!!! Hahahaha...
Sana lang nga, magkaroon na ako ng lakas ng loob.. Yun bang sasabihin rin sayo na.. "naks! nice job joco" **tap on my back. Sus naku po. ayos na sa akin yun..
Ah ewan. Basta, Goodluck nalang talaga sakin...
0 notes
jocogwapo-blog · 12 years
Text
a smile that makes me chill
Ako si Mr. Killer Smile.
Hindi ko nga alam kung ano o paanong nagyari yan, pero totoo po yan. Base po yan sa pahina ng aming yearbook noong ako ay highschool sa "who's who among the seniors"
What makes me smile? Simple lang, Makita ko lang na nakangiti ang mga taong mahal ko, napapangiti na rin ako. Cheezy, Siguro nga may force na maaring makahawa sa akin sa tuwing makikita ko sila.
0 notes
jocogwapo-blog · 12 years
Quote
Mahal mo ba siya? Kasi alam kong mahal ka niya. Pero alam mo din namang mahal kita, diba? Kanino ka masaya? Ipipagpapaubaya ba kita para sumaya ka? o Ipaglalaban kita kasi alam kong mahal natin ang isa't isa?
1 note · View note
jocogwapo-blog · 12 years
Text
Hurts is just a laugh away
Tapos na ang February 14, araw ng mga puso pero masakit pa rin ang puso ko. Sa pag-ibig? ano pa nga ba? meron pa ba?
Nakakatawa namang isipin na halos lahat ng tao napagdaanan ang sitwasyong ito... Napagdaanan rin kaya ito ng mga pari sa simbahan? mga madre? haist. Sana ang pag-ibig nalang parang chocolate... masarap... hayaan na nating ang mga side effects kapag nasobrahan ng kain ng chocolate... basta ang alam natin, masarap..
Ang tanong ko kagabi... Kung ikaw ba ay nasa isang relasyon, babaliin mo lahat ng prinsipyo mo sa buhay alang-alang sa taong mahal mo? Ang ibig kong sabihin, magpapakababa ka ba para sa taong mahal mo? Bakit hindi? mahal mo nga naman diba?
Ginawa ko, kasi mahal ko sya... nasa isang relasyon ako ngayon na walang kasiguraduhan, pero mahal ko sya. At alam kong mahal rin nya ako. Naniniwala ako sa sinabi nya..
Pero ano nga ba ang pag-ibig? mahal mo ba siya dahil sa iniisip mo? o mahal mo sya kasi yun ang nararamdaman mo? o sinabi ng isip mo na maramdaman ito?
Teka, teka, normal ba ang magselos? kung nagseselos ka ba, indikasyon ito na mahal  mo nga siya? Ah.. ewan, marami kasing nakikisawsaw... pinapalala lang niya yung sitwasyon...
Itatawa ko nalang... hope my simple sorry would heal something that has been said.
0 notes
jocogwapo-blog · 12 years
Quote
i am not into teaching industry, but i am privileged to be part of it. I may not be the greatest teacher but i am going beyond extra mile to impart my greatest knowledge to the future hope of our nation. As of now, i am coping all the possibilities and they, my students, are my inspirations. They, my students, are my responsibilities.
1 note · View note
jocogwapo-blog · 12 years
Quote
i will be better. i don't know when will our love affair will end, maybe i cannot see forever, but i am trying my best to see the small rays that shines forever.
1 note · View note
jocogwapo-blog · 12 years
Quote
kelan mo masasabing ang pag-ibig ay hahantong sa magpakailanman? Dahil ba sa gusto mo o yung ang nararamdaman mo?
1 note · View note