Tumgik
johannavinluan-blog · 11 years
Text
02.14.14
Eto na yata yung pinakamalungkot na Valentine's day ko so far. Nagbreak kami dahil sa simpleng away. Sa hinala. Pinaniwalaan nya yung iba kesa sa sarili nyang girlfriend. Nakipaghiwalay sya.. nung una ayoko pa. Pero nung napag-isip isip ko na sguro kelangan ko na nga yatang talaga maglet go. Hindi lang para sa kanya, para sakin din. Para sa aming dalawa. Pero bakit ganun? Di ko kaya.. Mamimiss ko sya. Mamimiss ko yung text nya tuwing umaga, yung mga good morning text messages nya. Mamimiss ko yung laging kaming nag-uusap. Lagi kaming nagkakasama, nagkukulitan, naglalambingan. Magkausap kami bago kami matulog. Mahal na mahal ko sya. Ngayon pa lang namimiss ko na sya.. Hindi ko talaga kaya. Bakit kelangan dumating pa yung mga tao kung aalis lang din naman sila? Sinayang ko, sinayang nya, sinayang naming dalawa lahat ng pinagsamahan namin. Sa isang iglap nawala lahat. Sa isang iglap, natapos ang lahat. Wala na.. tapos na. Magiging masaya na lang siguro ako na makita sya na masaya sya. Ganun naman talaga pag nagmamahal ka dba? Di bale ng masaktan ka makita mo lang syang masaya. Mahal na mahal ko sya sobra.. Mahal na mahal. Ayoko ng umasa pero sana.. Sana lang. Sana marealize namin lahat yung dapat marealize. Hindi lang ako yung may kasalanan dito, siya din may kasalanan dito. Kaming dalawa. Oo, pagod na ko. Pero magpapahinga muna ako.. ipaglalaban ko sya. Anong magagawa ko kung mahal na mahal ko sya dba? Babalik ako dy, babalik ako. Babalikan kita. Pero sa ngayon.. kelangan ko muna sgurong magpahinga. Hanggang sa muli. PS Sana hindi nya to mabasa, gusto ko maging special pag pinaglaban ko ulit sya. Mahal na mahal ko sya sobra.
5 notes · View notes
johannavinluan-blog · 11 years
Text
September 18-22, 2013
Second monthsary namin. Eto yata yung first monthsary namin na matino. Kasi last month nagbreak kami. Hahaha. Ayaw akong payagan ni mommy magsm kaya nagmang inasal na lang kami. So syempre ayoko naman ng mang inasal lang yung gagawin namin na pagcelebrate ng monthsary namin. Sabi ko sa kanya magcutting na lang kami kinabukasan. Edi yun, natuloy naman yung pagcutting naman. Pangalawang beses ko ng magcutting kasama sya. Una kela jack, kasama namin si chelzea tapos nagmotor lang kami. Angkas nya ko sa likod. :”> So yun nga, nagcutting kami nung 19. Nanuod kami ng Insidious 2. Ang saya talaga manuod ng horror movie pag kasama mo mahal mo e. Mapapayakap ka ng di oras sa takot. Haha. Magkayakap lang kami hanggang matapos yung movie sa sobrang lamig. Tapos yung inupuan namin na upuan pang18. Pag tingin naman namin sa kaliwa naman may naghahalikan. Hahahahaha tawa kami ng tawa nun. Tapos nagcr sya, sabi nya dun sa dalawa <i>”excuse me po”</i> tas ako tawa lang ng tawa. Hahaha. Nalaman ni mommy na nagcutting kami. Pero friday na nung nalaman nya. Tas ayun, pinagalitan ako. Naglayas ako. Tapos tumuloy ako kela chelzea pumunta kami sa hyper para kausapin si mam erna tsaka yung boyfriend ko. Tas kinabukasan mga 8 dinalhan nya ko ng breakfast sa bahay nila Chelzea. :”> So yun, Sunday kinuha ako ni papa. Tapos dun na ko tumira.
1 note · View note
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Bakit ba kasi hindi kita binalikan noon?
Ang tanga tanga ko. Bat ba ang taas taas ng pride ko nung mga times na yun? Dapat hindi ko na lang pinairal yung pride. Ewan ko ba kung bakit ako nagsisisi ngayon. Siguro dahil wala lang akong lovelife at naalala ko yung memories natin. Kaso huli na ang lahat e, may iba ka na. May iba ka ng minamahal. Sana may time machine, sana bumalik yung mga panahon na wala ka pang mahal na iba, yung mga panahon na wala ka pang pinapalit sakin. 20 months na ang nakakaraan.. pero pag nakikita kita, ang lakas ng tibok ng puso ko. Di ko nga alam kung naka-move on na ko or namimiss lang kita e. Hay. Sana tayo na lang ulit. Sana di ko na lang pinairal pride ko. Sana pinaglaban kita. Ayaw ko lang naman nagmumukang naghahabol e. Ngayon lang ako nagka-ganito sa isang lalaki. As in ngayon lang. Sayo lang ako kinilig ng bonggang bongga at ikaw lang yung iniyakan ko na parang wala ng bukas. Sana kapag binalikan kita at hindi mo na sya mahal, sana maging tayo ulit. Promise, hindi na kita sasakalin. Hindi na. Sabi nga nila, "love is sweeter the second time around" Takot lang naman kasi ako na mawala ko noon e. Na-mimiss na kita. Na-mimiss ko na yung mga sweet messages mo sakin. Yung mga halik at yakap mo. At yung pagmamahal mo sakin. Well, huli na rin naman ang lahat e. Sana masaya ka sa ngayon, dahil kung masaya ka kasama ang minamahal mo, masaya na rin ako.
0 notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Ang matataba, pumapayat. Ang payat tumataba. Ang MALANDI, my gosh! LUMALALA.
43 notes · View notes
johannavinluan-blog · 12 years
Link
0 notes
johannavinluan-blog · 12 years
Photo
Effort
Come on bro.. All she wants is for you to try. To just be there for her whenever she needs you most. To start her mornings with cute messages that had been sent while she was asleep and to end every night to the sound of your voice as “I love yous’” roll off your tongue. Those days and nights where you guys spend hours doing completely nothing but cuddling. Her heart doesn’t have a value or price on it. But it does have rules and expectations you need to go by. She expects you to love her. She wants you to make her your number one priority. She wants you to give her respect and to be loyal within the relationship. She’s your girl, and don’t take her for granted, because I’m sure guys that know they can treat her better are waiting in line. Enough with the games and enough with the fake spit. Don’t give her a hard time for something you have done. Don’t push her away just because you know that you can. One day she’s going to get sick of everything and stop chasing. 
Tumblr media
38K notes · View notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Palihim na nagmamahal kaya palihim naring nasasaktan.
40 notes · View notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Parang kumuha lang ako ng bato na ipang-pupukpok ko sa ulo ko nung nakilala kita.
Pero ays lang, ginusto ko din naman to e.
0 notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Ang Diet ng mga babae, laging bukas.
11 notes · View notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Puta naman.
Minsan na nga lang sasaya ng panandalian e. Take note, PANANDALIAN. Di niyo pa ko mapagbigyan. Napaka-damot.
0 notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Kung mahalaga ka tlaga sa kanya, ipapakita niya.
Tumblr media
Pero hindi ehh :(  
19 notes · View notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
✔Nakikikilig na lang sa love story ng iba.
36 notes · View notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Hindi ka astig dahil naglalaro ka ng babae.
Tandaan mo, babae rin si Barbie.
33 notes · View notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Darating yung panahon na gusto mong balikan yung taong pinakawalan mo noon.
91 notes · View notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Bakit sa dinami-daming lalaki sa mundo, sa lalaking may ibang gusto pa ko nagkagusto.
1 note · View note
johannavinluan-blog · 12 years
Text
OOTD daw. E mukha lang naman yung nakita.
0 notes
johannavinluan-blog · 12 years
Text
Ang tunay na kaibigan, kasama mo sa pag-hunting kay Crush.
20 notes · View notes