journalnijanang
journalnijanang
Journal ni Janang
5 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
journalnijanang · 1 year ago
Text
Patuloy Kasi Kailangan
Ang hirap pa lang maging gising ng more than 24 hours at wala pang kain. Di ako nanghihingi ng awa rito or whatsoever, but I am taking it as a punishment for myself na rin for being worthless, that's how I feel right now.
Parang wala na akong ginawang tama sa mundo, yan yung nafifeel ko. Minsan napapaisip na lang ako na siguro nga kaya nangyayari sakin lahat ng ito kasi wala nga akong kwenta. Kung bakit kasi kailangan ko pang intindihin ang emotions ko, kung bakit kasi hindi ko siya alam ihandle, kung bakit kasi ganito ako. Nakakainis, nakakapanlumo, nakakalungkot.
Sa mga panahon na mag-isa ako, dun ko narerealize kung gaano ako kahina, kung gaano ako kapowerless sa mundo, kung paano ako nafifeel na walang kwenta ako. Siguro kaya nga umaalis ang tao sa tabi ko, kasi ganyan nga ako. Ginagawa ko naman ang best ko, I put my best foot forward palagi, I try to take care of people and tend to their needs above my own, pero I always end up like this. Ginawa ba ako ng Diyos for this purpose? Eto na ba yung purpose ko talaga? Kailangan ko na bang tanggapin na sa buhay ko, mas marami akong magiging hardships for sure.
Sa mga makakabasa neto, baka naman sinasabi niyo ang miserable ko naman, well, totoo naman, pero these are my current thoughts. Thoughts na lumilipas naman, pero madalas itong mga thoughts na ito ang bumubombard sa araw ko, palagi, araw-araw. Ito yung mga thoughts na akala ko kayang kong kimkimin pero hindi pala. Ito rin yung mga thoughts na akala ko hindi nageexist pero nageexist pala. Eto yung mga moments na nasasabi ko talaga na "ah, di pala ako okay, kala ko okay ako."
From relationships to family, kahit friends, parang ako ang problem. Pero pag namumumuni-muni ako, siguro ako nga, kasi sinasabi naman nila sakin na ako nga. Pero minsan ang hirap din 'no? Napapalitan ng isang pagkakamali, or dalawa, ang lahat ng mga nabuild mo na, ang lahat ng mga magaganda; nakakalungkot diba?
Yan ang pakiramdam ko ngayon, pero kailangan kong labanan kasi may thesis pa kaming kailangan na ayusin na para hindi kami magcram. Marami-rami pa naman 'to. Di pwedeng di maging okay nang tuluyan, pwede lang umaray, magrant, tapos patuloy ulit. Nakakapagod 'no? Kung inihimlay ko na lang 'to, wala na sanang ganito, kaso ayaw ko rin naman nun. Besides, I am living for someone now, motivation ko siya, and that's what I am doing right now.
0 notes
journalnijanang · 1 year ago
Text
Maraming Pagkukulang | Part II
Sa ngayon, namimiss ko na yung tao na yun, pero gaya ng mensahe ko sa kanya, sobrang nagsosorry ako kasi hindi ko narespeto yung desisyon niya na ayaw niya na muna makipagusap, na ayaw na niya muna kaming magkita. Pinilit ko siya, inabangan sa dorm, naging mapapel-dapat sana hindi. Nasaktan ko tuloy siya kaya sobrang nagsisisi ako sa araw na 'to. Pero at the back of my head nagriring yung statement na, "everything happens for a reason." Totoo ba? Pwede ko bang iclassify ang nangyari sakin ngayon dun sa bagay na yun? Na this is just that part na "this happened for a reason?" Pero hindi eh, kung iisipin mo, may nagcause nito, at ako yun, sa katangahan ko, sa kahibangan ko. Kaya kung nababasa mo man ito, wala akong gustong gawin kundi magsorry sayo ng lubos. Hindi mo deserve ang nangyari today, and hindi ko dapat ginawa yun sayo. I tried, I am always trying to always be a better person, not just for you, but for me. Pero ang maraming pagkukulang pa rin ang meron ako, minsan napapaisip na lang ako na di niya ako deserve kasi sobrang okay na okay siya, pero minsan nasasabi niya rin sakin 'to and I wonder kung bakit. Siguro sa kabila nang nangyari ngayong gabi, kailangan ko na lang ulit pagnilayan, pag-isipan na mabuti yung mga pagkukulang ko at kung paano ko aayusin ito-di lang para sa kanya-pero most of all para sakin. Para sa taong winiwish ko na maging ka-Valentine ko, sorry, hindi na mauulit, mahal na mahal kita.
0 notes
journalnijanang · 1 year ago
Text
Maraming Pagkukulang | Part I
Valentine's Day ngayon, pero ngayon mag-isa na naman ako. Kasalanan ko rin naman. Dapat naging okay na lang ako ngayong araw, dapat hindi ko na lang dinamdam yung mga naramdaman ko kanina. May date naman ako kanina eh, pero dahil sa lack of judgement ko, nawala. Ganito naman ako palagi, red flag din naman ako na maituturing-minsan feel ko nga malala pa. Pero sa kabila nun, umaasa rin ako na meron ding makakaintindi sakin-meron naman-kaso ito ako, minsan may kwenta, madalas, walang kwenta. Ang dami kong regrets ngayong araw, to be honest. Marami ring mga di magandang nangyari sa akin na hindi ko inaasahan na mangyayari sakin nang sabay-sabay na naman. Minsan talaga mapaglaro ang tadhana, minsan nakakaoverwhelm yung mga ganap, minsan parang mapapasabi ka na lang ng, "totoo ba 'to, nangyayari ba talaga sakin 'to ngayon?" Pero may ganun talaga eh, at ayan yung nangyari sakin ngayong araw. Kanina napagtanto ko na ayaw ko pala sa araw na 'to-ngayon nalaman ko na bitter pala ako-hindi ako proud dito pero bitter pala talaga ako. Kanina lang ako nainis sa paligid. Kanina ko naramdaman na bitter ako sa araw ng mga puso, na ayaw ko palang nakakakita ng mga magsing-irog na nagdedate, nag-uusap, nagyayakapan, naghahalikan, naghahawakan ng kamay-pati yung mga magsing-irog na nagbigayan ng bulaklak, kahit chocolates pa yan. Kanina ko napagtanto ko rin na mag-isa nga pala ako, na ito ang iniwan ng mundo sakin, ang pag-iisa. May kasama naman ako, masaya naman din ako, pero nalungkot talaga ako na parang sinasampal ako ng tadhana at sinasabihan ng, "hoy! single ka, wag kang magfeeling diyan!" Totoo naman, pero ang bitter ko, kasi just this year, early this year, nawala yung mahal ko, nagbreak kasi kami. Pero we are still together, but not in that context, pero ang importante masaya kami. Pero gaya nga ng sabi ko, ito na naman ako, walang kwenta sa araw na 'to. Dahil sa lack of judgement ko and insensitivity, hindi naging successful yung araw na 'to. Sobrang dami ko pang plinano sa araw na 'to kaso dahil sa ginawa ko, nawala lahat. Kasalanan ko talaga ito eh. Kung bakit ba kasi nag-inarte pa ako, kung bakit pa kasi pinili kong maging miserable kung pwede naman akong maging masaya. Bakit nga ba? Ang masaklap pa nun, nanakawan pa ako malapit sa Recto-PHP 9500 yun-di yun biro. Pero ang mas masakit pa dun, may isang taong parang hindi naniniwala sa mga sinabi ko. Siguro yun ang mas masakit. Tapos may coding at thesis pa kaming kailangan na tapusin kasi need na ng isang professor-ang hirap. Anxiety attacks na naman. Pero ayun, sa kabila nun, napaisip ako, hindi ba ako kapani- paniwala? Tingin ba ng tao sakin sinungaling ako? Pero ang mas tumatakbo sa isip ko eh yung tanong na, "bakit ko naman gagawin yun sa taong mahal ko? bakit naman ako magsisinungaling eh nagpapa-impress nga ako sa kanya para balikan niya ako?" Pero yan ba talaga yung tanong, or nagooverthink na naman ako. Sa totoo lang, hindi ko na rin alam. Minsan magulo na rin utak ko, pero one thing is for sure, mahal ko talaga yung taong mahal ko ngayon. At sobrang nalulungkot ako at sobrang nagiguilty sa ginawa ko ngayong araw-na nasira ko ang araw naming dalawa. Sa lahat na lang talaga ng ginawa ng Diyos-ako ang may problema.
0 notes
journalnijanang · 1 year ago
Text
Epekto ng Pagmumuni
Nitong mga nakakaraang araw sobrang dami ko na sigurong mga pinagmunian. Iba-iba, may masakit, may masaya, may sakto lang. Napakarami talaga. Pero these past few days, madalas kong pinagmumunian eh yung emotions ko, yung feelings ko. Ngayon, well, since first year of my university years, mayroon akong isang tao na sobrang gustong-gusto. Kakaiba siya, hindi siya yung tipikal na lalaki na makikita mo - tahimik siya, sobrang introvert, napakalayo sa personality ko. Pero hindi ko inaakala na sa dinami-dami ng mga tao naman na nakasalamuha ko, siya pa talaga yung magpaparanas sakin nang ganito. Pero yung feelings ko talaga nagblossom siya nitong third year, nung naging magthesis partner kami. Although, yung feelings ko sa kanya, despite me telling him na platonic siya, hindi talaga, romantic siya. Siyempre ang dami ko kasing mga rason nung mga panahon na yun - including age (lalo na ito). Pero kasi as time progressed, sinabi ko sa sarili ko na, what if? What if I risk it? What if meron naman pala tapos di ako nagrisk, I might regret it. So, I made a gamble and risked everything - and it was reciprocated naman - though, it wasn't really enough (in his perspective) but it was for me. Itong tao na 'to, I would describe him as sobrang nonchalant, di rin siya masiyadong okay sa crowd, ayaw niya nang inaasar siya, he likes his "me time" a lot, he's an overthinker, di siya mahilig magshare ng thoughts niya (well, before, pero minsan ganito pa rin naman siya, and I understand), magulo (fickle-minded), sobrang vocal niya (minsan di pa marunong pumili ng words kaya it will slice you like a knife), impulsive (in terms of his decisions), urong-sulong ang ganap. I remember him always telling me na sobrang red flag niya, pero kasi para sa akin, hindi eh. Lalo na noong nagkaroon kami ng conversations about something very personal to him. From there, I remember telling him na sobrang sarap niya lalong mahalin at alagaan kasi he's very fragile - vulnerable, he became more important to me - he became a man in my eyes. Despite being in a relationship with him for just a brief period of time, I was very happy. Correction, still very happy. Kahit na sabihin pa nang iba na ang toxic ng relationship namin kasi hindi nila alam kung ano ba 'to, okay lang - ang importante masaya kami. Wala naman din kaming naaapakan na tao or kung ano pa man. Basta sakin ang alam ko lang, masaya ako, contented ako - yung tipong wala na akong hahanapin pa. More than this, kahit pa may mga maliliit na bagay na napagaawayan (sorry na, ako na 'to), masaya pa rin, kasi napakavocal niya sobra - he likes talking about things which is very important sakin. He makes me feel like a woman, he cares for me deeply and values my thoughts (kahit madalas niya akong dogshowhin). Sa kanya lang ako naging ganito ka-open, ka-comfortable - wala pa akong nakilala sa buong buhay ko na pinagsharean ko nang ganito, until he came. And I am glad to hear na he feels the same way, na comfortable rin siya sakin. I am truly lucky, despite talks ng iba na I deserve more or that I should just stop. Mahirap kasi na magcomment pag wala naman kayo sa posisyon namin, madaling magsabi ng masama, madaling mangjudge, pero wala akong pakialam kasi kami lang naman dapat ito eh. Ang importante we care for each other, we like each other. And although his feelings/his love for me isn't crossing over yet into a relationship, I won't leave him. I don't want to have any regrets, kasi I know I will regret this for sure if I do leave him kasi mahal ko siya eh. And yung love ko sa kanya, di na 'to on an emotional level eh, I feel it all over me, my body, my bones - I truly love him. There is no one in this world who understands me better but him, who cares for me like this but him. I like how lowkey we are, I like how it feels exclusive (somehow), I like us - completely. Para dun sa isa diyan, just like my promise, dito lang ako palagi para sayo. I will continue loving you, caring for you, understanding you, supporting and helping you in any way I can, always. I love you.
0 notes
journalnijanang · 2 years ago
Text
Sapat Na
Last month, I met a guy, rather nakilala ko siya ulit after a while. He's super awesome kahit na minsan maselan siya sa mga bagay-bagay. To be honest, hindi nga nakakainis yung mga tinatawag niyang "kaartehan". Nakakatuwa pa nga. But little did I know thay my heart sinks deeper and deeper into this abyss that they call "love". He's someone who seems soft-spoken pero praning talaga kapag wala nang nakakakita. He's that someone na very adorable despite all his quirks sa maraming bagay - it will be overshadowed by the fact that he's just such a cool guy. Kaya nga lang, hindi siya naniniwala rito. He thinks compliments are all lies made to be told para lang makapagpasaya ng ibang tao. Parang for him hindi genuine ang compliments. Weird diba? But nonetheless, I know he appreciates it all, ibang paraan nga lang niya pinapakita. This person is also someone na hindi mo aakalain na ganun siya, iba kasi siya sa public at sa private - both of which are adorable. Sayang nga lang kasi hindi naman niya ako gusto. Unrequited love ang meron ako sa kanya. Marami ring mga ibang factors kaya siguro kahit saang anggulo mo tingnan, wala talaga. Pero ayaw kong mabuhay sa regrets. I cannot imagine not doing the things I am doing now para sa kanya. For me, unrequited man, I can still love this person, if that person will let me. Kaso hindi ko rin alam ang sagot diyan. Mahal kita. At para sa akin sapat ka na.
0 notes