Tumgik
justnotmebutsomeone · 3 years
Text
I don’t think I’ll ever be ready.
0 notes
justnotmebutsomeone · 3 years
Text
Bakit kapag nagiging komplikado ang lahat, pinipili nating tumakas?
0 notes
justnotmebutsomeone · 3 years
Text
Tumblr media
0 notes
justnotmebutsomeone · 3 years
Photo
Tumblr media
Sabi mo sakin dati, hindi mo maramdaman na minamahal kita. Pero ang totoo, sa mga bisig mo lang ako maligaya at payapa. Sinusulat ko ‘to hindi para bigyan ka ng panandaliang kilig kundi para paulit-ulit na umamin sayo. Na mahal kita. Kahit minsan ay kulang. Kahit minsan ay hindi sapat. Kahit minsan pinipilit kong kalimutan na mahalaga ka sa akin. Hindi na ako mangangako sayo. Pero paulit-ulit akong aamin.
Lagi kong nanaisin hawakan ang kamay mo. Hahawakan ko ito hanggang sa kaya ko. At ipinagdarasal ko sa araw-araw na huwag na sana dumating ang mga pagsubok na pipilitin kong bumitaw dito. Sayo.
Bitbit mo lahat ng ako. Ang nakaraan, lahat ng bigat at mga sikreto. Ang ngayon. At ang mga magiging bukas ko. Nagpapasalamat ako dahil kasama pa rin kita bukas. Sana andyan ka pa rin sa mga susunod. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang aking makakaya para mapunan ang mga pagkukulang. Para maging sapat … at makasama pa rin kita sa mga natitira kong bukas.
0 notes
justnotmebutsomeone · 3 years
Text
Kaya siguro lagi akong bumabalik sa'yo ay dahil lagi kong iniisip na ikaw na lang ang tangi kong kakampi sa mundong 'to.
Hindi ko kayang mawala ka dahil magiging mag-isa na lang ako.
Nakatatakot magpatuloy nang wala ka. Dahil ginawa kitang sandata at panangga sa mga dumarating na problema. Pero hindi ka naman isang kagamitan na kailangang kong gamitin para makaligtas.
Tao ka rin. Nalulunod ka rin sa alon ng sarili mong alaala.
0 notes
justnotmebutsomeone · 4 years
Text
What if everything is bound to fall apart at the end?
What if we try and we try and still don’t make it?
Do you imagine what will we become, if we are always set to go against the way we want?
0 notes
justnotmebutsomeone · 4 years
Text
031721
Sumakay tayo sa bus. Punong-puno ito ng mga pasahero. Umupo tayo sa pinakadulo dahil iyon na lamang ang bakanteng upuan na pwede tayong magkatabi. Kahit sa huling sandali. 
Tinulungan mo kong bitbitin ang aking mga gamit at pinilit na umupo sa maliit na espasyo habang patuloy ang pagdami ng mga pasahero. Sinabi ko naman sa’yo, hintayin na lang natin ang kasunod na bus para makakuha tayo ng komportableng pwesto. Ngunit sabi ko ay huwag na at gagabihin na ako. Kaya’t ipinagpilitan natin ang ating sarili sa kabila ng pangamba na baka mamaya ay mahawa tayo ng sakit sa pagkakadikit-dikit ng mga taong nakasakay.
Pero jusko, ano ba naman ang kakaunting sakripisyo na ito sa pinagdaanan nating dalawa nang araw na ‘yon. Ang mahalaga, magkatabi tayo kahit sa huling sandali. Kaya sa kahabaan ng byahe, kahit kanlong natin ang aking mga gamit, pinilit pa rin nating abutin ang kamay ng isa’t isa.
Ibang ginhawa ang dulot ng mga palad mo. Na mas pipiliin kong manatili sa masikip na espasyo at manatili rito, basta hawak ko ito. Napatingin ako sa’yong mga mata. Pinipigilan mong maluha dahil alam nating matatapos na naman ang araw at ang gabi na hindi tayo magkatabi. Kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay mo. Kung maaari lang, kunin mo na ang mga natitirang lakas at tapang ko at ipunin mo ito sa’yo hanggang sa mga natitirang pagsubok sa buhay mo.
Makakalaya rin tayo. 
Makakalabas din sa masikip na espasyo.
Mawawala rin sa isip natin ang gulo.
Makakatulog din tayo nang mahimbing, pangako.
Mahal kita.
0 notes
justnotmebutsomeone · 4 years
Text
Madalas nawawala, laging kumakawala.
Bata pa lamang ako, sa sobrang higpit ng mga magulang ko sa aming magkakapatid, lagi kaming nakakagawa ng mga kalokohan. Sa sobrang istrikto nila, marami kaming mga bagay na gustong malaman nang hindi nila nalalaman. Katulad ko, lagi nila kong pinagsasabihan na huwag na huwag akong magkaka-boyfriend hanggang hindi pa ko guma-graduate pero syempre hayskul pa lang noong naranasan ko magkaroon ng unang boyfriend na tumagal lamang ng isang buwan. Doon ko naisip sa sarili na ayaw ko pala magka-boyfriend, gusto ko lang talaga suwayin ang mga magulang ko.
Hindi rin ako pinapayagan sumama sa mga gala ng kaklase ko kaya mahilig ako magdahilan o magtago ng sikreto sa kanila. Kaya nga lang, mahirap dahil alam nila lahat ng detalye maski last subject, oras ng uwian at mga ganap sa eskwelahan. Maswerte na lang kung makakalusot ako sa kanila. Doon ko unti-unting natutunan ang mahiwagang sining ng pagsisinungaling. Gagawin ko lahat ng dahilan para lang makatakas. Kaya noong naka-graduate ako, naghanda ako ng plano.
Mag-aaral ako sa Maynila!
Hindi ako napigilan ng mga magulang ko dahil sinabi kong mas magiging maayos ako at mas maganda ang kalidad ng pag-aaral sa maynila kahit ang totoo ay wala naman akong pakialam. Basta, makakalayo ako. Hindi na rin nakatanggi ang mama ko dahil siya rin naman ay nanggaling sa pamantasan sa pinag-aralan ko ng kolehiyo. Natutunan niya rin mag-isa kaya siguro nauunawaan niya ang gusto ko.
Madali lang naman ang mga unang taon, masaya. Hindi pa masyadong sineseryoso ang pag-aaral ngunit nakakapasa. Doon ko natutunan kung paano makalaya sa mga kulungan na aking kinalakihan. Masyado akong natuwa na lahat ng bagay ay gusto kong subukan. Naging malayo ang lipad hanggang sa unti-unti na lamang akong napagod dahil naisip ko na may limitasyon din ang bawat ginagawa at dapat pigilan ko ang sarili ko na makagawa ng bagay na pagsisisihan ko sa huli.
Hanggang sa nagkakilala kami.
Si Lanaya, ang pinakamalaya.
Magkaiba kami ng buhay. Matagal na siyang tinatangay ng hangin ngunit hindi lumilipad. Walang pumipigil sa kanya na lumayo dahil lahat naman ng bagay sa buhay niya ay bigla na lamang naglalaho. Isang ibon na naghahanap ng isang hawlang magbibigay sa kanya ng pakiramdam ng isang tahanan. 
Gusto ko ng ingay na nagpapaalala sa akin na buhay ako samantalang siya, ninanais niya ng katahimikan. At doon ko siya natagpuan, sa isang sulok kung saan siya mag-isa.
Hinawakan ko ang kamay niya at inimbitahan sa isang malaking paglalakbay nang magkasama. Kahit nag-aalangan, kumapit pa rin siya at noong oras na ‘yon, ibinigay niya ang buong pagtitiwala sa akin.
Nahanap namin ang ginhawa sa isa’t isa. Parang ibinabalik niya ako katinuan. Ipinaramdam niya sa akin na mayroon palang klase ng pagmamahal na hindi matutumbasan. Niyapos niya ako nang buong-buo hanggang sa pakiramdam ko, nakakulong na naman ako at para na naman akong isang ibong gustong lumipad nang malayo.
Naramdaman niyang gusto kong kumawala, kaya nasaktan ko siya. At hindi ko alam ang gagawin. Kahit kailan, hindi ko hinangad manakit ng ibang tao, pero paulit-ulit ko itong ginawa sa kanya. Ilang beses, pa-ulit-ulit, sa loob ng ilang taon. Pero nakayakap pa rin siya sa akin na parang nakakapit sa isang manipis na sanga at nagtitiwala na ililigtas siya nito pero ang totoo, hindi ko siya kayang sagipin. Isa akong mataas na pader na hindi naaakyat, malalim na karagatan na nakalulunod at nagbabagang apoy na nakakapaso. Sa madaling-salita, mapanganib ang kilalanin ang isang kagaya ko. 
Buong buhay ko, gusto ko lang naman ay ang kumawala. Ngunit ni minsan, hindi ko pinilit kilalanin ang sarili. Nahanap ko siya noong siya’y mag-isa. At nahanap niya ko noong nawawala ako. Sabi niya, hihintayin niya ako hanggang sa mawala na sa isip ko ang laging pagtakas. Ipinagdarasal ko rin na sana, balang araw, maging handa na ako mahalin siya nang buong-puso at hindi kumakawala.
- sid
0 notes
justnotmebutsomeone · 4 years
Text
Gaano ba kalamig ang bawat gabi
May 13, 2020 2:44
Ehersisyo ang pantanggal ko ng lungkot sa gabi. Ito na yata ang isa sa pinakamabisang paraan para alisin ang mga negatibong bagay na laging umiikot sa aking isipan.
Ngunit ngayong gabi, hindi ko ito ginawa. Sa baba kasi ng kwarto natulog ang mama ko. Baka maistorbo ko ang tulog niya sa bawat yabag at hingal ko. Mag-isa siyang natutulog ngayon sa ibabang kwarto. Nasa itaas naman ang papa ko. Nalaman ko lang na hindi sila magkatabing matulog matapos kong tawagin si mama para sabihing pinatay ko na ang aircon ng aking kwarto kaya pwede na nilang buksan ang sa kanila. Ayaw kasi niyang pinagsasabay ang gamit nito at baka raw tumaas masyado ang kuryente namin o kaya nama’y masunog ang kable dahil sa sabay-sabay na paggamit. Nakailang tawag ako ng pangalan niya, pero walang sumasagot. Matapos ang ilang segundo, si papa ang tumugon sa akin. Doon ko nalaman na pinili nilang huwag magtabi sa pagtulog. Isang malamig na gabi pagkatapos ng nagbabagang init sa umaga.
Bumaba ako ng hagdan, lumapit ako sa pintuan ng kwarto sa ibaba at narinig ko ang ugong ng silinyador. Hindi ko na tinangkang buksan at tanungin siya kung bakit siya natutulog doon. Hindi naman ako tanga at mas lalong hindi ako manhid. Isa lamang akong anak na nagkukunwaring walang pakialam.
Ilan taon ko nang alam na wala na. At pinili ko na lang itong tanggapin sa aking sarili.
Hindi ako nag-ehersisyo ngayong gabi. Baka magising ko si mama. Sa halip, binuksan ko na lamang ang ref kinuha ang apat na pirasong pizza na bigay sa akin ni kuya saka ang kalahating tira na leche flan. Inilapit ko rin ang lalagyanan ng gatas na puno ng langgam sa aking tabi. Kinain ko lahat ito. Kahit hindi na kaya ng sikmura ko, inubos ko ang laman ng aking plato. At habang pilit kong pinapasok sa aking bibig ang huling piraso ng pizza, biglang sumagi sa isip ko ang isang tanong.
Umiiyak kaya silang dalawa ngayon?
Maaaring oo, pwede rin namang hindi. Siguro ang isa sa kanila ay oo at ang isa naman ay hindi. O baka tulog na silang pareho. Matanda na siguro sila para problemahin pa ang mga mabababaw na pagtatalo. Hindi ko lang talaga maiwasan isipin kung gumagaan o mas lalo bang bumibigat sa pakiramdam ang matagal na pagsasama.
Akala siguro nila ay masyado pa akong bata para maunawaan ang mga ganitong bagay. Hindi nila alam na alam ko ang bawat pag-uusap nila sa telepono sa gabi, ang mga away, pasaringan, pagtatangkang maghiwalay, mga kasinungalingan. Pinalaki nila kong dapat alam ko lahat ng sagot sa bawat pagsusulit kaya hindi ko rin sila binigo na pag-aralan ang bawat pagkukunwari nila.
Lumaki at nagkaisip ako na malayo sa aking papa. Kinailangan niyang mangibang-bansa para maibigay hindi lang ang pangangailangan namin kung hindi pati na rin mga aming mga luho. Isang buwan lamang siya nagbabakasyon kada taon dito sa Pilipinas. Hindi ko siya madalas kinakausap dahil nahihiya ako. Hindi malapit ang loob namin sa mga kwentuhan katulad ng relasyon ng ibang anak at ama. Ngunit ano’t ano pa man, sinusubukan ko na laging sundin ang lahat ng kagustuhan niya. Ang isang mabuting bunso. Ang kaniyang unica hija.
Bago ako magtapos sa kolehiyo, nagpasya ang papa ko na manatili na dito sa Pilipinas at iwan na ang kaniyang trabaho. Akala ko sa pagkakataong ito, magiging isa na kaming pamilya na sama-samang kumakain sa iisang hapag. Masaya, nakakapagbahagi ng kwento, magiging totoo sa isa’t isa. Pero bahagi lamang siguro ito ng aking ilusyon. Pakiramdam ko lahat kami ay nakasuot ng maskara at walang nagtatangkang maghubad nito. Matatapos ang gabi, magkakaniya-kaniya kaming pasok sa aming mga kwarto at sa aming pagtulog, doon lamang kami magpapakatotoo.
Hindi naman talaga kami naging buo.
Pinili lang naming huwag umalis at tiisin ang lahat nang ito. At para sa akin, ‘yun ang pinakamasakit sa lahat. Sana hindi ko na lang pinili na buksan ang isipan ko sa malawak na posibilidad ng mundo para hindi naging ganito kalungkot ang buhay ko.
Ngayong gabi, noong napagpasyahan nilang maghiwalay ng kwarto, hinayaan ko na lamang sila. Hindi naman ito ang unang beses na makita kong magkahiwalay sila sa pagtulog pero alam kong kapag naisip nilang huwag magtabi ay ayos lang sa akin dahil kailangan din nila ng pahinga sa isa’t isa. Hindi ko man maintindihan ang tunay na halaga ng ganitong pananatili ay susubukan kong irespeto ang desisyon nilang mahimbing sa magkaibang silid, kahit paulit-ulit man nila itong gawin. Maging maganda hindi lamang ang panaginip kung hindi pati na rin ang bawat paggising.
0 notes
justnotmebutsomeone · 4 years
Text
Pwede bang iparanas mo ulit sa’kin ang mga unang sandali
Iparamdam ang yakap na mahigpit na hindi natatapos.
Hindi tinatangay ng kahit anumang pag-agos ng buhangin na sumasabay sa alat ng dagat.
 Isang beses pa sanang muli.
Nais ko lamang sana itatak sa aking alaala na minsa’y sumilip ang sinag ng araw sa ‘yong mukha noong nahihimbing ka sa aking mga bisig.
Pagbigyan mo na sana ang huling hiling na ihatid ka. Sa huling pagkakataon.
Hindi ako lilingon pabalik. Ngunit sana maramdaman ko muli ang mga panahong minamahal ko ang lahat.
Ang mga puno’t bulaklak. Ang mga aso at pusa.
Ang pagbangon sa umaga. Ang pag-uwi’t pamamahinga
Dahil baka hindi ko na ulit masilayan ang ganda ng mga ito
Kapag iniwan mo ako.
0 notes
justnotmebutsomeone · 5 years
Text
Nang magsimulang magsalita ang apat na sulok
Isang araw, mula sa isang mahabang byahe, nakauwi ka.
Hindi mo na nakuhang maglinis ng katawan
Marumi at mausok pa naman ang iyong naging byahe.
Nagpalit na lamang ng pantulog at saka’y humiga.
 Habang namamahinga, nakarinig ka ng bulong.
Napakislot ka at nagtaka saka sinabing
“Ah, baka guni-guni ko lamang ‘yon.”
Bumalik ka ulit sa iyong pagkakahiga.
 Sa ‘yong pagpikit, halakhak ang sa iyo’y bumulabog.
Inikot ng kan’yang mata ang paligid.
Dala siguro ito ng sobrang kapaguran.
Hinilot ang sentido at iniunat ang mga braso.
 Hindi makatulog sa kabila ng kapagalan.
Bigla may hihiyaw sa kung saan man.
Mas malakas sa ingay ng silinyador.
Uutusan ka nitong tumigil at huminto.
 Lilitaw ang maamong boses na tila mo’y humihikbi.
Malungkot na parang puno ng luha ang kaniyang pisngi.
Nakalulunod ang tinig na hindi mo mawari.
Hanggang sa tinatangay ka na nito sa agos.
 Hanggang ang apat na tinig ang nagsama-sama.
Parang hinahampas ng mga instrumentong gulo-gulo.
Masakit sa pandinig; saka mo nabatid.
Na hindi ito naririnig ng iba.
  Dahil nasa isip mo lamang siya.
 Hindi ito ang nakaririnding busina ng mga sasakyan.
O hiyawan ng mga tindera sa bangketa. Hindi.
Sana nga ay ganoon na lang. Pero hindi.
Isa ‘tong bibig sa’king isipan na binigyan ko ng boses
Na makapagsalita.
  Ngayon, nagugutom sila.
At nais nila akong lamunin.
Apat sila at dumarami pa.
At baka sa pagkakataong ito,
  Magpakaalipin ako.
0 notes
justnotmebutsomeone · 5 years
Text
Isang butil ng nakaraan
Isang araw, biglang bumuhos ang ulan sa gitna ng init dahil sa tirik na araw. 
Ang bilis magbago ng panahon wari mo’y napadaan lamang upang magparamdam.
Napadaan lamang…upang magparamdam.
Sinasanay ngayon ang sarili sa sa pinaghalong init at lamig. Inihahanda ang bawat pagbabago.
Oo nga pala, wala akong dalang panangga sa patak ng ulan. Mabuti pa’y pumarito muna ako sa aking kinasisilungan. Hindi ko pa kayang mabasa o tumakbo upang makapunta sa aking paroroonan.
Tila sasabog na ang dibdib ko sa bigat nitong dinadala. Mas mabigat pa sa ulan na bitbit ang mga ulan na pumapatak pabagsak sa lupa.
Dati-rati, kasama ko siya.
Ah, kaya pala kay bigat; napadaan na naman ang mga alaala.
0 notes
justnotmebutsomeone · 7 years
Text
tagal na rin hindi ka na mapapalundag tatakbo, o maglalakad nang mabilis ni ngiti'y ipipilit mo na lang Iyong bibig idinuduwal ang mga letra, salita at talata hindi para ilantad kundi para itakip sa sugat na ako lang ang nakaaalam tagal na rin pala
0 notes
justnotmebutsomeone · 7 years
Text
Mahimbing ang iyong pagtulog habang  ako’y nasa iyong likuran, pilit kang hinahagkan.
Pilit kong sinusulit ang pagkakataong hawakan ang bawat parte ng iyong katawan.
Hindi ko  mawari ang aking pakiramdam, bakit ganito, bakit ganyan?
Kay lamig ng iyong kamay tila puso mo ang aking hinawakan.
 Nag-aalala, nalulumbay, naguguluhan ngunit nagmamahal.
Wala na ang dating sigla, biruan, bawat kwento at daldal.
Pero hayaan mo, naiintindihan kong  ikaw ay napapagal.
Kaya eto ako at naghihintay mapawi ang iyong pagod, kahit matagal.
 Sabihin mo sa akin kung tumigil na ba sa pag-agos ang karagatan
Ipaliwanag mo kung bakit humihina na ang apoy na ating sinilaban
Nagsasawa ka na bang tumitig sa kawalan dahil ayaw mo na akong tingnan,
O natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ako na lang ang lumalaban.
 Humayo ka na sa bagong ninanais na iyong damdamin
Hindi na kita kailanman susubukan pang  pilitin
Kung eto ang kaparusahan ng sobrang pagmamahal, aking tatanggapin
Ngunit kung sakali man mabago ang ikot ng mundo, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin.
0 notes
justnotmebutsomeone · 7 years
Text
If I were to compare you to a thing I cherish
The one I love and shall not perish
It is something I am really hooked
And that would be my one and only favorite book.
 You are my teacher
By the way your mouth speaks a lot
And how I see your story, clear and uncut
You explain with your stare and look
You sound like a lot of my favorite book.
  You are my doctor
Whenever I’m hurt, in pain, or feeling crap
You were always there to cheer me up
And I apologize for being such a crook
But I’ll take care of you like my favorite book.
 You are my travel buddy
You’ve made me discover places I have never been
To wonderful views and moments I have never seen
I do not know if it’s a destiny of a fluke
But no matter what, you’re still my favorite book.
  --
Like my favorite book, you teach me how to deal with pure honesty and punctuality.
Like my favorite book, you healed the person who used to get blinded by fake reality.
Like my favorite book, you made me go places and create new dreams. And makes me wonder what is still out there in the world.
You opened your heart and let me dive into the depths of you.
Your sorrows and resiliency combined drowns me. But, I wanted more.
I love to read every part of you. I know some stories end, but I’d like to think ours will be forever.
I know this may sound childish, but you are, my love, is the greatest book I have ever read and yet to discover.
 With love,
               Sig
0 notes
justnotmebutsomeone · 7 years
Text
Kung makikita mo lang ang sarili mo sa aking mga mata, mamamangha ka.
Bawat detalye sa iyong mukha iba ang naidudulot sa aking saya.
At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na akin ka.
Nagpapasalamat ako sa kung sinumang nilalang sa itaas.
Na lumikha ng isang kagaya mo, na kailangan ko.
Wala kang ideya kung paano mo napapasikat ang sarili kong araw.
Kung gaano ang isang ikaw, ay nabuo ang isang ako.
Nagkatagpo, nakumpleto, at naging buo ang isang tayo.
Nakakatawa man, di ko rin akalaing sa dinami-rami ng tao sa mundo,
Ako ang nakapasok d'yan sa puso mo.
 Mahal kita.
Habang buhay kitang papakiligin.
 - Sig
0 notes
justnotmebutsomeone · 7 years
Text
Isang kwentong may katapusan
Naalala mo pa ba? Nung unang araw natin sa klase at ikaw lang ang 'di pamilyar na mukha sa amin. Sobrang daldal ko habang ikaw tahimik ka lang sa isang tabi. Hanggang sa tayo’y maging magkatabi. 'Di nagtagal lumabas na rin paunti-unti ‘yung tinatago mong kulit. Madalas nang magkakwentuhan, nalaman ko rin na matalino ka pala sa Math kaya bonus din na katabi kita lol. Naalala ko rin na isa ako sa mga taong binigyan mo ng letter nung retreat kahit hindi kita nabigyan ng letter pabalik. Hanggang sa nalipat tayo ng room at hindi na tayo naging magkatabi pero patuloy pa rin yung closeness natin sa isa’t-isa hanggang mapabilang ka na rin sa barkada. Tanda mo pa ba noong tulungan kita manligaw sa kaklase natin? Grabe ‘yung pagka-crush mo sa kanya kahit ewan ko, pero, uhm.. Hahaha. Joke. Tinuturuan pa kita sumayaw para sa kanya. Kahit minsan nababasted ka niya kung ganoon nga ‘yung term doon. Pero may napagtanto ako noong panahon na ‘yun. ‘Yung effort at paninindigan mo. Sobra kang magmahal. Kahit na patuloy kang sinasaktan, tumutuloy ka pa rin. Di ka sumusuko at nawawalan ng pag-asa na baka ikaw naman ang piliin niya. Kaya sobrang hanga ako sa’yo. Dumating na tayo sa punto na naghiwa-hiwalay na tayo ng landas magbabarkada pero ako tuluyan na talagang kumalas sa pagkakaibigan nating lahat kahit kayo ay nananatiling matatag. Nagkikita-kita pa rin kayo kapag may oras. Ang pinagkaiba lang siguro ay pareho tayong nagkalayo ng eskwelahan sa kanila. Pinili nilang manatili sa parehong paaralan, yung iba naman nag-aral sa hindi kalayuan pero tayo, sa magkabilang-dulo nang kung saan. Sinabi ko pa nga sa’yo na pagdating mo sa maynila, makakakilala ka rin ng babae d’yan at makakalimutan mo na rin s’ya. At tama ako ‘di ba? May nakilala ka nga. Maganda, mayaman, medyo chubby (parang ako, ang sabi mo). Nagulat nga ako na iba na pala ang type mo ngayon. Haha ‘de biro lang. Kaya ayun katulad nang pag-eefort na ginagawa mo sa dati mong crush, mas ma-effort ka naman ‘yung tipong pati ako nag-eeffort para sa kanya. Sabi mo pareho kaming mahilig magbasa ng books kaya ibinili ko siya ng book at dinala ko siya sa pagkalayo-layo n’yong eskwelahan. Lumipas ang mga araw ay okay naman kayo. Lagi mo siyang kinukwento sa akin at lagi rin naman akong nagbibigay ng advice sa’yo. Nagkikita tayo paminsan-minsan para magkwentuhan. At syempre, kinukwento ko rin sa’yo ‘yung mga kalokohan at kalandian ko sa buhay. Pasensya na sa term. Magkaiba kasi tayo ng pananaw. Ayoko munang magseryoso sa mga bagay na walang kasiguraduhan hangga’t maaari. Hanggang sa nai-kwento mo na biglang ayaw na niya. Ini-Screenshot mo pa nga ‘yung napakahaba niyong conversation. Pero ewan, kasi medyo predictable naman ‘yun pero ‘di ko sinabi sa’yo kasi alam kong masaya ka. ‘Di ko alam ‘yung sasabihin ko sa’yo pero pagkatanda ko binigyan pa rin kita ng advice nu’n. At dumating ang oras na nalaman nating may bago na ang loka. Haha. Medyo bitter ka pa kasi sabi mo sa akin mas gwapo ka sa ipinalit sa’yo. At parehas pa tayong natuwa na buti na lang hindi mo siya binilhan nang sobrang mahal na pusa na gusto niya. Lagi tayong nagmi-meet halfway para lang mag-kwetuhan at mag-kamustahan. Kinu-kwento mo kung paano mo siya iwasan kapag nakikita mo siya sa school niyo, ako naman kinu-kwento ko ang walang kwentang ka-fling ko. Hanggang sa iba-iba na ang naiku-kwento natin sa isa’t-isa. Sobrang close natin na madalas naaasar na tayo ng kanya-kanya nating mga kaibigan pero ‘di natin iniintindi ‘yun kasi alam naman natin kung ano tayo at ayaw natin maapektuhan ‘yung pagsasamang meron tayo. Minsan di na tayo nakakapag-usap dahil busy na rin sa kanya kanyang ganap sa school. Busy ka sa mga quizzes, exams, plates etc. mo habang ako busy sa shooting, reporting, presentations, rehearsals at idagdag mo pa ang training. Hindi na rin ako nakakabawi sa mga bawat libre mo sa akin. Medyo natutuon na rin sa ibang bagay/tao ang atensyon ko noong mga panahon na ‘yun. Marami na rin akong gustong i-kwento. Sa kung paanong ang mga bagay na hindi ko dapat ginagawa ay matagal ko nang ginagawa pero pinili kong hindi sabihin sa’yo. Sobrang nakokonsensya ako. Kaya nu’ng minsan, kalagitnaan na ng gabi chinat kita na puntahan ako. Medyo imposible dahil anong oras na at malayo ang dorm mo saka malapit nang mamatay ang phone ko. Pero sinabi mo sa aking wala ka sa dorm at nasa bahay ka at pupunta ka. Kaya hinintay kita. Kahit pagod. Kahit inaantok na ko dahil sa hilo. Nakita kita at nag-usap tayo. Sinabi ko sa’yo na naninigarilyo ako at nagalit ka. Pinakita ko sa’yo ‘yung isang kaha ng sigarilyo at nilukot mo ito sa mga palad mo. Pagkatapos ay kumalma ka at sinabing ‘wag ko nang uulitin. At patawad dahil inulit ko pa rin. Sinabi ko sa’yo na wala akong planong umuwi noong gabing ‘yun kaya sinamahan mo ko hanggang umaga. Ewan ko ba. Sira-ulo lang talaga ko minsan at nadadamay ka pa. Pero laking pasalamat ko na nandun ka sa tabi ko. Katulad ng dati, matagal na naman tayong di nagkausap pero naintindihan naman natin ‘yun dahil nga busy tayo maging successful sa ating napiling propesyon pero dumadating ‘yung panahon nagkikita tayo kahit saglit. Di ko na alam pagkakasunod-sunod ng mga pagkikita natin pero gusto kong alalahanin ‘yung panahon na sinuportahan mo ‘ko noong laban namin. Semi-finals. Pinanood mo ako, nilibre, nagpalipas oras sa paglalaro sa arcade hanggang sa kasama ka na rin sa nakikaba noong announcement ng Finals. Very supportive ka sa school namin at natuwa ako. ‘Di lang ‘yan, sinuportahan mo rin ako noong Finals at sobrang thankful ako para roon. Hindi kita nasamahan o naaya man lang kumain after ng competition dahil kasama ko ang girlfriend ko at kaibigan namin. Alam kong hindi mo pa alam na may girlfriend ako at higit sa lahat, bakit “girl”friend pa. Hindi ko rin alam. Pero masaya ko sa kanya. Lagi ko siyang nakakasama, lagi akong nandyan para sa kanya. Kaya siguro nahulog na kami sa isa’t isa. After competition, hinanap kita. Gusto kitang makita, makita mo ‘yung achievements na nakamit ko. Nagpicture tayo tapos nagpaalam na tayo sa isa’t isa. Nalungkot nga ako dahil ‘di man lang tayo nakapagbonding pa nang matagal pero hinayaan ko na lang. Naalala mo rin ba noong pumunta tayo sa isang mall para bumili ng gift sa mom mo at ako ang pinapili mo? Kumain din tayo sa isang restaurant na ka-apelyido mo kasi sabi mo restaurant mo ’yun. Haha. At may nahanap din tayo na isang store na talagang natuwa ako sa dami ng pang-blogger na items kaya bumili ako para sa akin at sa buddy ko na girlfriend ko na ngayon. Di ko makakalimutan ‘yung bumili tayo pareho ng alkansya na may design and quote sa gitna at napagkasunduan natin na paramihan tayo ng ipon hanggang end of 2017. Hanggang ngayon nag-iipon pa rin ako kahit sobrang hirap at sobrang gastos ko. Pero, hindi ko na alam kung bakit patuloy pa rin akong naghuhulog ng pera sa alkansya na ’yun. Hindi ko alam kung para pa ba sa’yo o para na sa aming dalawa. Nagpapasalamat pa rin ako dahil ikaw ang nagturo sa akin na magtipid at mag-ipon. At nung maghihiwalay na tayo dahil may pasok ka pa, binigay mo sa akin ‘yung regalo mo and sobra akong natuwa. Ang effort mo rin talaga, eh no? Then one time, umamin ka sa akin. Hindi ko na alam ‘yung exact words pero sabi mo gusto mo na ako pero kung ayaw ko, okay lang. At ‘wag sana makaapekto ang friendship natin sa sinabi mo. I told my girlfriend about it. And I know, deep inside her, hindi siya masaya about dun. And because I have a girlfriend, I rejected you but in a nice way. I explained na baka hindi rin naman mag-work because malayo kami sa isa’t isa at I don’t wanna risk it. Sinabi ko agad ng mga pinag-usapan natin sa girlfriend ko and even though sinabi ko sa kanya because lagi niya pinapaalala na maging honest lang daw ako at maging open pero nagalit/nagtampo pa rin siya after. But, there’s one thing na sinabi ko sa’yo pero hindi ko sinabi sa kanya. “Maybe soon we’ll work it out.” And I mean it that time. Malungkot. Pero I have to say what I have to say. Kasi ‘yun ‘yung tama at ayokong saktan ang girlfriend ko. Kahit ako na lang ‘yung masaktan. At ayoko rin saktan ka. But things are just too late for us. Because somehow there’s a part of me that I want to risk it. Kahit na nakakatakot, kahit na feeling ko last resort mo na lang ako because of those girls na nang-reject sa’yo. Believe me, I want but I can’t. And I am sorry. Then, my girlfriend became more curious about you. Galit nga siya nu’ng nagkita tayo pero hindi ko agad nasabi sa kanya. Hanggang dumating sa point na gusto na niyang ipakilala ko s’ya sa’yo. I got scared, of course. Hindi pa ‘ko ready. Duwag na kung duwag pero I can’t. Ayoko. I am afraid of so many things. Natakot ako na baka layuan mo ‘ko. Baka makahanap ka na ng iba. Ibang bestfriend mo. Ibang makakakwetuhan mo sa mga bagay-bagay. Ibang tao na makakaagaw ng atensyon mo. Hindi pa ko handa na maging isang ordinaryong kaibigan mo lang. Na ngingiti-ngitian mo na lang kapag nagkita tayo somewhere, na ila-like na lang ang bawat post ko. Na minsan sa isang beses mo lang kakamustahin para sabihing may nililigawan ka nang iba o kaya may girlfriend ka na. Ayoko pa. Pero kailangan ko. And I’m stuck between the two. At ang pinakahuling pagkikita natin ay noong nasa ospital ako. Nalaman mo lang na nasa ospital ako kasi dumalaw ang girlfriend ko kasama mga kaibigan ko at chine-check niya ang phone ko so naisipan kong sabihin na lang nang biglaan sa’yo na may girlfriend na ‘ko with smiley face. Ang awkward pero bahala na. Alam kong doon maging panatag ang loob niya. At siguro maging panatag na rin ako kahit papaano. Sinabi ko rin sa’yo na nasa ospital ako at sinabi mo na dadalawin mo ‘ko. Nakauwi na sila noong sinabi ko na dadalaw ka. At dumalaw ka nga kinaumagahan. Medyo awkward kasi ikaw lang ang bumisita at nandoon ang mama ko at mga kapatid niya. Niratrat ka tuloy ng tanong sa personal mong buhay. Pagkauwi mo ako naman ang tinanong. At tama nga ang hinala ko, napagkamalan kang boyfriend/manliligaw ko. Pagkatapos nu’n hindi na sila tumigil kakaasar sa akin. Weird nga na hindi nagalit si mama at parang okay siya sa’yo. Ewan ko ba. Masaya ako dahil okay ang family ko nung makilala ka. Kung sana makikilala niya rin at matatanggap kung ano talaga kami ng girlfriend ko. Kada titingnan ko ang pictures natin together hindi ko maiwasang manghinayang. Like, tangina sobrang kupal and chill lang siguro natin if we tried working it out. Ewan ko pero masaya lang talaga kapag magkasama tayo ‘di ba? Sometimes, I can’t help but think of the “what ifs”. But sayang lang naman sa oras mag-isip ng mga ganoong bagay and besides, ayoko nang isipin knowing may masasaktan. Sinabi ko sa’yo babawi ako at hindi na ako nakabawi sa lahat ng panlilibre mo dahil lagi akong walang pera at most of the time, I spent all of my money on my girlfriend. Pero sana makabawi ako sa birthday mo. Haha. For the last time, sinusulat ko ‘to para muling alalahanin ang mga memories na pinagsamahan natin. Eto na rin siguro ‘yung way ko para magpaalam sa’yo bilang bestfriend mo. Some things happen unexpectedly. Some things change and we cannot avoid change. Kailangan natin tanggapin na some things are not meant to stay the same forever. And I guess, we could continue pushing through our success..separately. I just hope you’ll find the one and also being a better one. You deserve someone that will give her time, efforts, attention just for you and will love you with all of her heart. I am not that someone. I am happy with what relationship I have right now even though it’s hard. Ipaglalaban ko kung hanggang saan ‘to aabot. Sana maging ganoon ka rin sa taong makakasama mo in the future. Thank you for the memories. Hangad ko ang lubos mong kaligayahan, bro. - sg
0 notes