Tumgik
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
"Naiintindihan kita kung bakit mo ako iniwan, dahil ako... Ako 'yung score mong zero sa exam. 'Yung tanong na madalas mong lampasan. 'Yung ballpen na palaging nasa hiraman. 'Yung papel na nilukot mo at itinapon sa basurahan. Ako 'yung putik na dumikit sa sapatos mo, 'yung mantyang tumulo sa puti mong polo, 'yung pako na naging dahilan ng pagkabutas ng paboritong short mo, 'yung dekulay na humalo at nakahawa sa mga puti. Ako 'yung biglang ulan sa gitna ng tag-araw, 'yung hangin tuwing madaling araw, 'yung tutong na kanin kada tanghalian, 'yung nakakairitang alingasaw dahil sa sobrang kainitan. Ako 'yung mga bagay na ayaw mo pero biglang susulpot, 'yung gigil na aso sa kanto, 'yung nakakainis na pusa na sobrang ingay sa bubong nyo. Ako 'yung ligaw na damo sa maganda mong hardin. Samantalang sya, ibang-iba sya, dahil sya... 'Yung bonus number kada exam, sya 'yung nireview mo at pinagpuyatan, sya 'yung paborito mong ballpen dahil sa ganda ng tinta, sya 'yung papel na mahal kaya bakit mo sasayangin 'diba? Sya 'yung bleach na pampawala ng mantya, 'yung kiwi na pampakintab ng blackshoes mo, 'yung washing machine na magpapagaan ng trabaho mo. Sya 'yung magandang ulap na pwede mong silungan, 'yung puno na madalas mong akyatan, 'yung kape tuwing tag-ulan. Sya ang lahat ng bagay na iyong inaabangan, at inaasam. Sya, ang malamlam na musika na sa'yo ay makakapagpakalma. Sya ang lahat ng bagay na masaya. Sya, ang pinakamagandang bulaklak sa iyong hardin, hindi wasak—hindi ko katulad. Kaya naman 'di na ako nagtaka, dahil sya naman talaga ang lahat ng gusto mo sa simula palang." 
—Ireng Novero 
Art credits to Heo Jiseon 
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
Hi Ma! Ma, salamat sa paghahanda ng almusal ko, Kahit na ikaw mismo, hindi pa kumakain. Ma, salamat sa paglalaba ng damit ko, Dahil sayo, malinis ang tingin nila sa akin. Ma, salamat sa pag-iinit ng tubig ko, Tubig pampaligo para hindi ako lamigin. Ma, salamat sa pagpapalit ng kumot ko, Ang tulog ko tuloy, lalong humihimbing. Ma, salamat sa paghihintay sa pag uwi ko, Di ka natutulog hangga't di ako dumarating. At saka pala ... Ma, patawad kung sa bawat pagsubo ko, Di ko man lang maisip na ikaw ay alukin. Ma, patawad ang dami ng damit ko, Kahit sabado di man lang makatulong sa labahin. Ma, patawad kung minsan nagagalit pa ako. Pag nakakalimutan mong tubig ko ay initin. Ma, patawad kasi natutulog akong lango, Yung kumot ko tuloy amoy maasim. Ma, patawad sa bawat pagpapagabi ko, Di ko man lang naisip na dapat maaga kang patulugin. Ma, habang nandito ka sa tabi ko, Sana maipahatid ko pa ang laman ng damdamin. Ma, sana habang andito ka sa tabi ko, Magawa ko na ikaw ay tulungan at pasayahin. Ma, salamat ikaw ang ina ko, Salamat at ang mahalin ay ipinaranas mo sa akin. Ma, huwag ka munang aalis ha? Hindi pa ako tapos na mahalin ka. 
Salita ni Ath Griswold 
Larawan ni Jamille Cañano
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Note
Kailangan ko po ng lovelife, saan ako pwedeng makakuha?
balik ka pag may lovelife na ako - admin derrick
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Note
Bat po ang daming may crush dun sa isang kakilala ko? Ewan ko nakakainis lang
bakit? gusto mo for u na lang? gurl be globally competitive na - admin derrick 
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Note
Tanong ko lang po papa, i mean admin derrick, kung anong gagawin sa friend ko. I mean past friend. Kasi po tagal na din eh na hindi kami nag-uusap. May new friends na siya ih. Advice naman po dyan papa derrick
kaloka naman ng papa pero omg kung di ka nya kinausap for a long time, they don’t deserve you hay nako ! pero if you really want to be friends with them again, it ain’t gonna be easy pero kaya. at kailangan sya din game din makipag friends ulet. siguro di na katulad ng dati pero meron pa den. good luck bes na lang hahaha - admin derrick
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Note
Im way too good at goodbyes ba kaya lagi akong iniiwan?
look what you made me do na lang pakinggan mo para fierce - admin derrick
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Note
Pano makamove on sa crush mo na kaklase mo? Kasi diba lagi kayong nagkikita sa room hays
jusq prayers na lang talaga saka hanap tayo syota ano - admin derrick 
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Note
Bakit hindi ako crush ng crush ko? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?
we deserve better gurl relate ako dyan - admin derrick
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Note
My Ex and Whys? charot hahahahaha
bongga mo dyan - admin derrick
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
Singkupadong Kubo (Syncopated Hut), Mixed media on canvas 
-Don Salubayba
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Note
gustong gusto ko yung mga pinopost nyo. keep up the good job!
thank you so much! wag naman kayo mag-anon hihi love namin kayo lahat
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
"Hahahaha" 
Lagyan natin ng tawa para kunwari masaya! Wala naman talaga tayong pagpipilian eh. Kahit anong piliin at gawin mo masakit pa rin naman eh. Kahit ikaw pa ang mang-iwan, ang iniwanan, umasa, paasa, kaibigan at ka-ibigan, lahat yan walang ligtas basta pag-ibig na ang pinag-uusapan. Simula ng magkaisip ako at magkaroon ng ideya sa pagmamahal na yan, wala pa akong nabalitaan na hindi umuwing sugatan.
Salita at Larawan ni Arra Aranas
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
Kaya ko pa to at hindi magaamok. Hindi to masakit. Parang kagat lang ng lamok. Kagat lang ng lamok, tapos mikrobyo kumakalat. Sa aking puso na may sugat, mga uod gumagapang. Ang hapdi ay lumala lang. Alkohol ang panglanggas. Yung pang alak o pang sugat? Basta ang talab ay malakas. Tapos sa gusaling mataas, ako ay lulundag. Lilipad sa alapaap. Bagsak sa unang palapag. Bungo ko ay basag. Utak kumalat sa semento. Katawan ko'y mahuhulog didiretso sa impyerno. Sa semento teterno ang malalapot kong dugo. Mga piraso ng laman na imposibleng mabuo. Ang loob ko'y nabulok dahil hindi ko nilabas. Mga damdamin kong inamag na bumaho ang katas. At hinayaang maagnas ang dating mga ngiti. Hindi na ko masaya, hayaan niyo 'kong magbigti. At sa kahilingan kong munti, kung ako ay matuluyan, inyo sanang alisin sa mata ang kalungkutan. At tuluyang kalimutan ang aking mga kasalanan, maging duwag sa realidad kaya buhay ay iniwanan. Pabor kaya si kamatayan sa drama kong walang kwenta. Kung gusto ko magpasundo, hindi ba madededma? Hindi sana maging problema ang aking pagtawid. Kung hindi man matuluyan ay susubukan ko ulit. 
Salita ni Fruitpunk 
Guhit ni Djeb Leomo 
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
Hindi kaya mahal lang natin ang isa't isa kasi pareho tayong nalulungkot, pareho tayong nawawala at pareho tayong natatakot na sa pagkawala ay tuluyan na nating makalimutan ang daan pabalik? Mahal mo lang ako tuwing Biyernes ng hatinggabi kung kelan lasing ka na at hindi niya sinasagot ang mga tawag mo. Sa akin ka pa rin bumabalik. Hindi dahil mahal mo 'ko, kundi dahil wala ka nang ibang mapuntahan kundi ako. Mahal mo lang ako tuwing Biyernes ng hatinggabi kung kelan nalulungkot ka. Alam mo kasi na andito lang ako lagi, 'di ba? Ako ang laging nag-aabang ng tawag mo, text mo, ng katok sa pintuan ko. Ako ang laging nagpapatuloy sa'yo na para bang totoong nagmamahalan tayo. Bakit ba kasi laging Biyernes ng hatinggabi kung kelan mahina ako. Mahal mo lang ako tuwing Biyernes ng hatinggabi tuwing mag-isa ka. Ano ba kasi tayo? Kasi kung titignan sa diksyunaryo, ang tayo ay binubuo ng ikaw at ako. Pero bakit parang ako lang? Asan yung ikaw? Sabado na ng madaling araw pero hindi ka pa tumatawag. Hindi ka na ba nalulungkot? Hindi ka na ba naglalasing o nag-iisa? Antagal pa ng susunod na Biyernes ng hatinggabi. Namimiss ko na ang tawag mo.
Words by Koi Otico
Art by Steven Woeful
1 note · View note
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
At nahulog na nga ang mga tala sa langit, 
Tumingin ako sa paligid ngunit ito ay pangit; 
Wala na ang mga pakpak 
Hindi ito ang aking hiling. 
Basa ang mga kamay, malapot. 
Hindi na ito mahuhugasan pa nang pagluha ng langit, 
Mga sigaw ninyo ay hindi na maririnig. 
Ayoko na nang ganitong paligid, 
Pumasok na lamang ako sa silid, 
Paano kung ang mga mahal ko'ng Anghel na ang mahulog sa langit? 
Paano?
Salita at Larawan ni Tinapay
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
"Kuwento ng Pagibig" 
Bago pa busalan ang aking bibig 
Bago pa humandusay sa sahig at ang dugo ko ay ipandilig
Simulan na natin itong kuwento ng pagibig. 
Kumumpas na ang kamay ng maestro 
Hudyat 'to ng pagtugtog ng instrumento 
Tinipa ang gatilyo 
Nagsi-indak ang mga tao 
Sa saliw ng bala at bomba dala ng eroplano 
Ngunit ang iba ay wala sa tyempo 
Hindi nakasabay sa ritmo,  
Ng bomba at balang ligaw 
Kaya pinili nila ang humiyaw at sumigaw. 
Mga palahaw na animo'y isang awit sa pandinig 
Ramdam mo ang sakit sa bawat pagbigkas ng bibig 
Napalitan na rin ng dagundong ng elisi ang mga huni ng mga ibon sa himpapawid 
Hindi mo na rin maamoy ang mga bulaklak ng kapit-bahay 
Dahil nangingibabaw na ang amoy ng mga bangkay 
Nasira na rin ang pananim ni tatay 
Hindi dahil walang rasyon ng tubig 
Kundi dahil dugo na ang pandilig 
At ang pagtangis ni nanay ang nagsisilbing hele ko sa gabi-gabi. 
Sadyang nakamamangha ang kamay ng maestro 
Sa isang kumpas ay biglang naging komplikado 
Ang bawat mong galaw ay tansyado 
Ang bawat mong hakbang ay kakulado 
Ang bawat pagbukas ng bibig ay limitado 
At sa larong ito ay sasapitin mo ay kay pait 
Dahil sa maling mong salita o hakbang buhay mo ang magiging kapalit. 
Marami na ang namatay 
Hindi na mabilang sa kamay 
Mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay  
Mga gusaling gumuho kasabay ng mga pangarap 
Wala nang magagawa kundi tumingala sa alapaap 
At mananalangin sa panginoon 
Na sana matapos na ang sigalot ngayon 
Dahil wala naman mananalo 
Muslim ka man o 
Kristyano Rebelde o 
Sundalo Ruso o 
Amerikano Intsik o 
Pilipino 
Dahil sa huli inuulit lang natin ang kasaysayan 
Kung saan kaylangan mag patayan para makamit ang kalayaan. 
Binabago lang naman natin ang istorya ng digmaan 
Pero hinding-hindi natin mababago ang mukha ng kaharasan. 
Ipagpaumanhin mo kung ikaw ay aking nadismaya 
Dahil alam kong hindi ito ang inaasahan mo sa aking piyesa 
Dahil kuwento 'to sa mga nangyayari sa daigdig at alam kong hindi ka makikinig Kung ang tula ay hindi tungkol sa pagibig 
Sulat ni Doobie 
Obra ni James Paul Dela Cruz
0 notes
kaartihanatbp-blog · 7 years
Text
Tumblr media
painting the memories of my childhood
-kevin sabino
1 note · View note