This is a cursed image of Michael B. Jordan, reblog in 10 seconds or you will have the worst week ever!
21K notes
·
View notes
o lol mbad i reblogged here sorry guys goodluck sa ta 🏋🏻♀️🏋🏻♀️🏋🏻♀️🤺🐩🐩
1 note
·
View note
Harry Potter teaches flying at Hogwarts. And, of course, he prepares and judges Quidditch matches.This is a sports school with a magic bias now x)
5K notes
·
View notes
Sisa, Crispin and Basilio
1K notes
·
View notes
Me: Wow, I sure do love all these characters. Jose Rizal is such an amazing writer and–
Jose Rizal: [starts killing them off]
Me:
545 notes
·
View notes
[Nabigasyon]
Walang masama sa paghingi ng tulong o payo ngunit huwag sanang manira ng ibang tao upang ito’y makamit.
Alam niyo ba na noong unang panaho’y sobrang laki na ng limang daang piso? Syempre, malaki parin ito ngayon ngunit ibang usapan ang halaga nito noon.
Sapat na rin iyon para sa pamilya ni Lucas, kaya nama’y dapat tayo’y maging mapagpasalamat sa kung ano man ang maibibigay sa atin at kung ano ang nadiyan.
0 notes
[Nabigasyon]
Ibinulalas -> isinigaw
Pagkukunwari -> pagpapanggap
Pakutya -> panglalait
Hampaslupa -> walang-silbi
Magbanat ng buto -> magsipag
0 notes
Ika-Apatnapu’t Tatlong Kabanata: Mga Panukala
Parang walang nadaraanang tao si Padre Damaso sa kaniyang pagpasok. Tuloy-tuloy siya sa kamang kinahihigan ni Maria Clara. Ang mga mata niya’y kaluha-luha. Namangha si Maria Clara sa nakitang inanyo si Padre Damaso.
“Anak ko, hindi ka mamamatay!” Iyak ni Padre Damaso. Hindi niya mapigilan ang kanyang damdamin kaya’t siya’y lumayo, at sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe’y umiyak siyang parang bata. Doon niya ibinulalas lahat ng kaniyang sama ng loob.
Nilapitan ni Donya Victorina si Padre Damaso nang matiwasay na, at ipinakilala si Linares. ibinigay ng binata ang liham, ngunit sya’y tinignan ni Padre Damaso mula ulo hanggang paa. Tila naunawaan ni Padre Damaso ang liham matapos na mabasa.
“Ako po’y si Alfonso Linares na inaanak ng iyong bayaw,” pakilala nito.
“Ikaw pala ang inaanak ni Carlicos. Ako’y tumanggap ng liham ukol sa iyo, ngunit hindi kita nakilala. Iya’y bunga marahil nang umalis ako sa Espanya’y hindi ka pa ipinapanganak.” Tumingin si Pare Damaso ngayon sa binatang si Linares. “A, ibig ni Carlicos na ihanap kita ng mapapasukan at mapapangasawa. Um. . . madali ang mapapasukan. Ikaw ba’y marunong sumulat at bumasa?”
“Nag-aral po ako ng abogasya sa Universidad Central,” sagot naman ng binata.
Si Padre Damaso ay naging pormal. Pabalik-balik na naglalakad na tila nag-iisip ng malalim. Ngayo’y wala na ang kalungkutan sa kanyang anyo. “Isang asawa. . . . Isang asawa. Halika binata at kausapin natin si Santiago.”
Samantala, si Padre Salvi ay malungkot, at tila nag-iisip habang paroo’t parito. Nasa ganito siyang kalagayan makarinig ng isang tinig at sinabing, “Ano ang ibig mo?”
“Padre, ako po ang kapatid ng nasawi noong piesta. Pinuntahan ko po si Ginoong Ibarra noong isang araw ngunit ako po’y kanyang sinipa at pinaalis, sapagkat kamuntik na siyang namatay nang dahil sa aking kapatid. Bumalik po ako kahapon, ngunit nakaluwas na po siya. Nag-iwan po siya ng limang daang piso para sa akin, at mahigpit na ipinagbiling huwag na akong babalik.” Ika ni Lucas.
Napuna ng kura ang kanyang pagkukunwari, kaya pakutya siyang nginitian nito. “At ano ang gusto mo ngayon?” Tanong ni Padre Salvi.
“Sana’y pagpayuhan po ninyo ako. Batid ko po ang mga alagad ng Diyos ay mabuting magbigay ng payo.” Sagot nito.
Nilapitan si Lucas ni Padre Salvi na nagagalit at itinuro ang kalsada at sumigaw, “Umuwi ka na, at pasalamatan mo si Ginoong Ibarra, sapagkat hindi ka niya ipinabilanggo. Sulong -- layas!”
Umalis si Lucas na bumubulong. Dumalo naman ang lahat ng panauhin ni Kapitan Tiago nang marinig ang sigaw ni Padre Salvi. Tinanong nila kung ano ang nangyari, at sagot naman ni Salvi’y, “Isang hampaslupa ang ayaw magbanat ng buto at humihingi ng limos.”
[Nabigasyon]
0 notes
[Nabigasyon]
Hindi ako nagmamay-ari ng anuman sa mga tauhan sa kuwentong ito. Sila, kasama ang mga pangyayaring pumapalibot sa kabanatang ito ay pinagmamay-ari ng walang iba kung hindi si Jose Rizal.
0 notes
Gabay: Pindutin lamang ang nais niyong puntahan at ma-reredirect na kayo. Kung may mga tanong pa’y wag mahiyang magtanong. Goodluck sa Term Assessment guys!!! <3
I. Pagtanggi
II. Mga Karakter
III. Talasalitaan
IV. Kabanata Apatnapu’t Tatlo
V. Halagang Pangkatauhan
VI. BONUS — Moodboard
2 notes
·
View notes