Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
sabi nga ni mitski, "lately i've been crying like a tall child."
at ewan, pero totoong mas malala yata ang takot kong hindi pa rin talaga ako nagbabago hanggang ngayon. takot akong isip ko lang ang tumatanda at nakakalimot, ngunit hindi ang puso. takot akong may mga damdaming palagi kong dadalhin, hindi dahil hindi ko sila kayang bitawan—kundi dahil bahagi na sila ng sarili kong mga kamay; takot akong may mga pilas ako sa palad na kahit maghilom man ay mananatili pa ring marka sa akin. ewan. masiyado pa ring pambata ang dala kong pangungulila madalas, masiyadong babasagin. takot akong walang aktuwal na nagagawa ang paglipas ng oras sa lalim na iniiwan ng talim. kumbaga'y ganito: mawala man sa balat ko ang sugat ay habambuhay na akong magiging pamilyar sa hapdi.
iyakin na talaga ako kahit dati pa—hanggang ngayon ay inaaral ko pa rin yatang tumahan.
0 notes