Tumgik
kaloykolokoy-blog · 4 years
Photo
Tumblr media
www.rbnjb.com?a=34195173
glasses anniversary, only this day!
0 notes
kaloykolokoy-blog · 8 years
Text
Brand X
Tinanong ako ng nanay ko, bat daw lagi akong tulala. Hindi ko masabing may masama akong panaginip. Bangungot. Bangungot na ako rin yung gumawa. Isang salita lang naisagot ko. “Wala”.
Hindi ko kasi alam. ‘Di naman kasi ako ganito. Wala sa sistema ko. Noon. Noong di ko pa alam. Noong kampante pa ako. Akala ko kasi andyan ka lang eh. Haha katangahan diba? Pero di naman kita masisi. Deserve mo yan.
Di ko alam eh. Di ko alam bat ako ganito. Naguluhan ako kahit pinipilit kong wala na. Tangina lang kasi alam ko namang dadating 'tong araw na 'to. Yung may magpaparamdam sayo nung mga bagay na di ko nagawa. Yung bubuo sa nasira ko. Pero heto, nasasaktan pa rin ako. Ako na 'yon noon eh. Ako dapat 'yon.
Ayoko na ring isipin kasi sa totoo lang, nawawalan na rin ako ng pag-asa na mabalik pa kung anong meron tayo. Noon. Bago kita saktan. Talikuran. Iwan.
Kaya ko namang maghanap ng iba eh. Sa totoo lang kayang-kaya. Pero di ko magawa. Di ko ginawa. Kasi gusto ko pagbalik ko, ako ulit yung taong bubuo sa'yo. Bakit matagal? Hindi ko rin alam eh. Siguro dahil hindi pa ako siguradong kaya ko? Hindi ko alam kung karapat-dapat ako? Gusto ko munang may patunayan. Ayoko nang maulit pa yung noon.
Pero ngayong meron na pala, nanliit ako. Nauubos na yung pagasa ko kasabay ng mga luha sa mga matang 'to. Hindi ako nagagalit sa'yo. Galit ako sa sarili ko at sa katangahan ko. Gustong-gusto kong manggulo pero pinipigilan ko kasi baka nga sa kanya ka sumaya. Hindi sa katulad ko.
Ang drama lang diba? Ang sakit na kasi ng ulo ko, lalo na 'tong tumitibok sa may parteng dibdib ko. Haha pero kailangan ko kasi ilabas 'to eh. Masyadong mabigat eh. Nahihirapan akong huminga pramis. Pero kung tatanungin mo ako? Oo, masaya ba ako para sa'yo. Pero mas masaya sana ako sayo kung tayo.
PS. Pero kung maramdaman mong ako pa rin yung kailangan mo, yung mahal mo. Andito pa ako. Andito lang ako.
1 note · View note
kaloykolokoy-blog · 9 years
Text
Ngayon mas alam ko na
Oo nga ano? Mahalaga nga talaga ang malaman mo yung bawat panig bago ka magsalita ng di maganda. Nakaka-guilty lang yung mga bagay na nasabi ko noon sa isang tao na hindi ko pa naman pala alam yung totoong istorya. Wala lang. Alam mo yun? May karapatan din naman pala siyang magyabang — masaktan. Kase kung ano yung narinig mo noon sa iba eh yun rin yung naranasan niya. Hindi naman yun ng dahil lang sa itsura lang. Kaya ngayon mas alam ko na na kailangan ko pa ng mas malawak na pagiisip upang maisip ko yung mga bagay na dapat kong ginagawa. Yung mga bagay na hindi mo napag-isipan dahil mas naaig yung bugso ng damdamin mo. Ngayon mas alam ko na na hindi kayang magkwento ng iisa lamang na tao. Subjective din kasi masyado eh. Pero eto ang malupit dito... MAS ALAM KO NA KUNG ANONG KLASENG TAO KA. Pare, konting ligo naman sa konsensya.
1 note · View note
kaloykolokoy-blog · 9 years
Text
Pesensya
Pasensya na kung "minahal kita" Pasensya na sa mga motibong pinakita Pasensya na sa matatamis na salita Pasensya na sa mga araw na nagambala Pasensya na sa mga gabing puyat ka — Pasensya na sa mga awit na kinanta Pasensya na sa mga titig na mapang-halina Pasensya na sa mga mensaheng kupas na Pasensya na sa kung nabulag man kita Pasensya na sa kung ang "oo" mo'y nakuha — Pasensya na sa mga masasakit na ala-ala Pasensya na sa mga sugat na sariwa pa Pasensya na sa dadaming sa iyo'y sumira Pasensya na sa mga pumatak na luha Pasensya na kung "mahal pa rin kita" — Pasensya
2 notes · View notes
kaloykolokoy-blog · 9 years
Text
i miss u, gago :(
Hi, kumusta?
Okay naman siya. Pwede niya namang ibahin yung sagot pero “Okay” kase yung pinakamadali para di na humaba pa.
Minsan gusto niya nalang matulog maghapon kase pag gising siya, madaming problema. Pero di ako nagaalala. Kase matatag siya. Wala siyang pake. Mukha siyang walang pake.
Magaling siyang magtiis? O magsawalang-bahala pala. Sanay na kasi siya. Sa tingin ko nga martir siya eh. Di ko lang sinasabi sakanya kase alam ko na alam na niya. Tinatago niya lang. Pansin ko pag masasaktan siya, di niya nalang pinapansin. Ayaw niya daw kase ng magulong isip. Tinatawanan niya lang ako.
Minsan nga ako na nasasaktan para sa kanya. Pero di ko pinapahalata, siya nga kaya niya eh ako pa kaya. Tanggap lang kase siya ng tanggap. Parang gago ba. Pero dun naman siya masaya. Anong magagawa ko. Siguro nga yun na yung nakasanayan niya.
Eh ngayon, natututo na siyang magka-emosyon. Parang gusto na yata niyang lumaban. Na-proud naman ako dun. Pero sabi niya, parang nagiging masama naman daw siya. Totoo naman, masama siya. Sabi ko, “Sige lang. Duwag ka pala eh.” Wala siyang nasabi. Tahimik lang siya. Wala nanamang emosyon.
Tapos na-realize ko, oo nga malakas pala talaga siya. Kase kahit duwag siya, nalalabanan niya yung emosyon niya. Hindi yon kayang gawin ng iba. Kaya bilib din ako sakanya eh. Kaya ngayon pinababayaan ko nalang siya.
Mukhang dun nga siya masaya, mukhang “okay” nga siya…
12|28|14
8 notes · View notes
kaloykolokoy-blog · 9 years
Photo
Tumblr media
Me qouta daw ang pagsusunog baga... Sa bawat 4 na smokers, isa lang ang nabubuhay. Kadalasan yung apat, namamatay. Chos|| Bakit ganon? Habang hini-hithit kita, lalo kang nawawala. Ang sakit-sakit sa baga|| Vape nalang nga sa susunod para masaya|| 'De joke gusto ko lang i-post yung picture andami pang sinabi wahahaha||
2 notes · View notes
kaloykolokoy-blog · 9 years
Text
Huwag mo 'kong mahalin kung takot kang mabasa ng ulan...
Dahil ang buhay ko'y isang bagyo. Signal no. 4, oo malakas. Mahirap lampasan. Hindi mo kakayanin. Masasalanta ka. Kung minsa'y parang libro. Yung piksyon ha. Hindi yung totoo. Sa unang pahina masaya, makulay, busilak. Pero pag nagpatuloy ka na ay nag-iiba. Dumudilim bigla, walang pasabi. Para bang may mahika. Bigla ka nalang magtataka, mapapakamot-ulo ka. Lakas ng trip di ba? Parang lakas ng hanging hahawiin pati bubong kung saan ka tumitira. Parang bahang luunurin ka hanggang sa di mo na kaya. Parang kulog at kidlat na pag pinagsama'y mabibingi at matutusta ka. Eh anong magagawa ko eh yung naranasan ko mas malupit pa nga? Kaya kung ngayo'y masaya ka kung ako'y kasama eh magdasal-dasal ka na. Maaaring naka-tayo ka lang sa "mata". Malay mo, bukas lumampas ka na...Eh pasensya.
4 notes · View notes
kaloykolokoy-blog · 9 years
Quote
Ikaw ay ikaw At ako nama'y ako Dati ay tayo
r.s.a.
1 note · View note
kaloykolokoy-blog · 9 years
Text
Stored Value Ticket
Isa kang stored value ticket ng LRT. Nagamit nga kita, matagal. Akala ko pang habang-buhay, may hangganan pala.
Noon, lahat ng paraan nagagawa ko para lamang masilayan…masilayan yung nguti mong abot-tainga, may alambre’t bakal pa. Tinitiis ang init ng gym masulyapan lang bawa’t hakbang mo sa pagtakbo. Naalala ko pa, bawat ikot niyo sa kwadradong pinturang nakapalibot sa buong gym, nahuhuli kitang dumudungaw din sa akin. Pati ruta ko sa pag-pasok, iniba ko. Nagbabaka-sakaling makasabay kita sa jeep na “patok”. Lahat na ng litrato mo'y kabisado gawa ng pagii-stalk.
Ngayon, malaman-laman ko nalang na wala ka na. Di ko inasahan. Akala ko may dalawang taon pa. Dalawang taon na babagtasin ko yung tapat ng inyong klasrum. Kaya pala pag nakikita ko yung mga “friends” mo nagtataka ako, bakit di ka nila kasama? Ayun pala wala ka na. Di ko matanggap…di matanggap na yung inspirasyon mo “sana” sa pagpasok sa eskwela ay lumisan na. Di matanggap na yung pinaka-taong tinitingala mo ay wala na.
Dapat pala naglakas loob na ako na kausapin ka. Sige kahit ngitian nalang pala. Nangyari na, ano pang magagawa ko? Paano na ako magpupursige nito? Biro lamang wahahaha.
Tangina naman o, tadhana why so mean? Sana pala beep card nalang siya, pwede load-an anytime. Hanggang 4 years pa!
First time ko magka-ganto sa crush, sobrang hinayang…sayang. Paalam.
2 notes · View notes