kampanerangkipay-blog
kampanerangkipay-blog
Kampanerang Kipay
7 posts
Nangeechos ng mga echosero't echosera sa mundo. Pak!
Don't wanna be here? Send us removal request.
kampanerangkipay-blog · 14 years ago
Text
Anti-Bobo bill for drivers and pedestrians
Nakakairita ang mga bobong taong hindi marunong tumawid at magmaneho. Hindi ba't napakasimple lang naman ng "tumawid sa tamang tawiran at sa tamang oras"?! Susme, may mga taong talagang ipipilit na makatawid kahit sangkatutak na sasakyan na ang dumaraan, parang tangang sesenyas ng "makikiraan" sa gitna ng hi-way tulad ng Commonwealth, at maglalakad pa na sooobrang bagal. Ano kayo, may ari ng daan?! MGA PAKSHET KAYO! Tapos kapag nasagasaan kayo dahil sa katangahan nyo, driver pa ang may kasalanan?! E kung gusto nyong magpakamatay, wag kayong mandamay!! Para sa mga drivers na kung magmaneho e parang sila lang ang sasakyan sa kalsada, WAG KAYONG PAIMPORTANTE!! Kapag nag RED na, STOP at hindi speed up! Kapag nasa left most lane ka, wag mong ipilit kumanan bigla sa susunod na kanto kasi isa kang malaking SAGABAL!! Sa mga kumukuha ng pasahero, lumugar kayo sa tamang sakayan at hindi sa gitna ng kaksada! Kung nagmamadali ka dahil late ka na, wag kang barubal na busina ng busina! Gumising ka ng maaga para hindi ka nalelate!! At hindi porket bus o truck ka, manggigitgit ka ng maliliit na mga sasakyan o ipipilit mong dumaan sa kalsadang hindi ka naman kasya!! Isa pa, hindi parking ang lahat ng gilid ng kalsada lalo na kung masikip!! Kapag sinabing Overtaking Lane Only, magovertake ka at hindi yung parang karo ka ng patay kung magmaneho!! Pumunta ka sa lane ng mga mababagal!! Hindi ko talaga alam kung pano kyo nagka lisensya mga hinayupak kayo!! Kaya panawagan sa MMDA, LTO at sa Presidente ng Pilipinas, gawan nyo ng paraan 'to please kasi nakakahiya yung ganitong mga tao.
0 notes
kampanerangkipay-blog · 14 years ago
Photo
Tumblr media
KAKAHIYA!
Yan ba ang sundalo natin?! NAGPAPABUHAT?! Kaloka ka teh!!! Ano ka, bagong pedicure? Kakabili mo lang ng bagong underwear? Wag mong sabihing sensitive ang skin mo sa baha?! Hay nako, kung sino ka man, MAHIYA KA NGA! Yung katabi mong puti walang ka-kiyeme-kiyeme.
20 notes · View notes
kampanerangkipay-blog · 14 years ago
Photo
Tumblr media
ANYAREH TEH?!
Sa susunod na lulusong sa baha, wag mong itodo ang pagtaas ng skirt mo dahil makikita talaga ang KIPAY mo! Chosko, bakat pa ang napkin!! KALERKS! Buti na lang malinis:p
19 notes · View notes
kampanerangkipay-blog · 14 years ago
Text
Sinong nagsabing GWAPO ka?!
WALA. Ina mo siguro. Pwede ba, hindi porket higit sa isa ang NAGkagusto syo e ang gwapo gwapo mo na. Huwag ka ngang umasta na akala mo may gusto na syo lahat ng babaeng makita mo. Hindi lahat ng babae patay na patay syo tulad ng inaakala mo. Wag kang ilusyunado! Tumingin ka nang mabuti sa salamin! ANG PANGIT MO! At saksakan pa ng kapangitan ang ugali mo! Ang yabang yabang mo e WALA ka namang kayang patunayan sa mga pinagyayabang mo. Puro ka hangin. Tingin mo sa sarili mo ang galing mo pero hindi ka magaling, mayabang ka lang talaga. At isa kang malaking sinungaling! Tantanan mo nga yang pa-awa effect mo. Kahit ano pang gusot o paglukot ang gawin mo sa mukha mong pangit, wala nang maniniwala syo. Alam ng mga tao na sarili mo lang ang iniisip mo sa kahit na anong bagay na gawin mo kaya wag ka ng magpanggap na may malasakit ka. Plastik! At pwede ba, wala ka sa posisyon para manmata o maninsulto ng tao dahil mas kainsuinsulto ka. Wala kang karapatan pagsabihan ang iba kung sarili mo hindi mo kayang pagsabihan. Bago ka magsabi ng masama tungkol sa iba, tignan mo muna sarili mo. Pangit! E kung tinamaan ka, buti nga!
0 notes
kampanerangkipay-blog · 14 years ago
Text
Echoserang Phonetic Alphabet
KALOKA ang kausap ko kanina sa telepono dahil may sariling phonetic alphabet na ginamit para i-confeeerm ang email address na binigay ko sa kanya. Baklang-bakla si koya!! Halimbawa for Q - Queen Mother, R - Rampa, X - Xmen at Z -Zsa Zsa Zathurna (take note, hindi Zaturnnah na syang tamang bigkas).
At dahil nag-enjoy ako sa kabaklaan mo at naaliw sa mga ginamit mong salita, ginawan na kita ng isang buong listahan. Inferviewsness to I, nagresearch pa talaga ako!
USE IT WELL:)
A – Anik-anik
B – Beklaloosh
C – Chipaz
D – Dakota
E – Echos
F – Fudra
G – Grot
H – Hada
I – Imbyerna
J – Juba
K – Kipay
L – Lamas
M – Mudra
N – Nota
O – Okray
P – Pureza
Q – Queen Mother
R – Rampa
S – Subo
T – Tibash
U – Uganda
V – Vulva
W – Waley
X – X-men
Y – Yecla
Z – Zsa-Zsa Zathurna
11 notes · View notes
kampanerangkipay-blog · 14 years ago
Text
MOVE ON!
Teh, kapag break na kayo, BREAK NA!
Tantanan mo na ang ilusyon mo na nagmamahalan pa kayo, na naguguluhan lang sya, na magkakabalikan pa kayo! E nakikipagdate na nga sya sa ibang tao di ba?
Alam mo, walang batas sa pag-ibig. E ano naman kung kakabreak nyo lang tapos nakipagdate na sya? E hindi na kayo di ba? Kalokohan yang 3-month rule na yan. Hindi mo mapipigilan ang tao na ma-inlove sa iba. Bakit, ikaw lang ba ang may karapatang magmahal sa kanya. Wag kang selfish teh! Give chance to others.
Masakit kung sa masakit. Ganyan talaga ang buhay. At kaya ka nasasaktan, inaangkin mo kasi sya. E hindi naman dapat. Kung nagmamahalan kayo ngayon, e di nagmamahalan kayo ngayon. Kung nawala na yun, e di wala na. Hindi yung ipipilit mo pa na meron kahit wala na.
Kung maaga kang bibitaw, mas madaling mawawala ang sakit. Hindi natatapos ang buhay mo dahil nawala sya kaya wag kang echosera. Iyak ka, magalit ka, magmura ka, lumamon ka, maglupasay ka, bahala ka pero pagkatapos nun tama na. Echos na. Keri na. MOVE ON NA.
Kuha mo?
4 notes · View notes
kampanerangkipay-blog · 14 years ago
Video
youtube
Ang engot na tumawid sa baha.
Isang echoserong boblats ang naglakas loob tumawid sa isang bahang bahagi ng Mother Ignacia St. Aanga-anga na nga, nanisi pa ang unggok at nagngangangawa ng "I should have been informed! I SHOULD HAVE BEEN INFORMED!"
Ikaw ba, nakikita mo nang may tubig yung kalsada, hindi na nakikita ang sidewalk, hindi tumatawid ang ibang sasakyan na mas mataas sa sasakyan mo, tatawid ka pa ba? Ultimo sa Tita Mel parang naasar sa ka-engengan mo.
Eh balita ko nag-aaral pa ng Law sa UP itong unggok na 'to. Sige nga, magsampa ka ng kaso laban sa mga sinisisi mo. Sa tingin mo mananalo ka? Wag ka ngang echosera!
Kaya sa susunod, STOP, LOOK and USE YOUR BRAIN!! Kung hindi, pag-uusapan ulit ng buong mundo ang katangahan mo!
BTW, baktong ka teh!
10 notes · View notes