Text
"Para sa libu-libong bersyon ng isang Sylvia Sanchez at mga Inabandonang Ala-Ala"
"Sa inyo na ho yung sukli," sabi niya sa traysikel driver matapos niya itong abutan ng isandaang piso.
Saglit siyang tumayo sa harapan ng kanilang bahay. Marami mang pagbabago sa daan habang nakasakay siya sa traysikel kanina halos wala namang pinagbago ang bahay nila simula 'nong araw na lisanin niya ito. Puno pa rin ng magagandang bulaklak ang kanilang bakuran, medyo kupas na nga lang ang kulay ng kanilang gate na sa pagkakatanda niya'y pula ang pintura nito bago siya umalis.
Pumasok siya sa loob hila-hila ang itim na maleta. Malayo pa lang tanaw na niya ang kanyang ina na nakaupo sa upuang tumba-tumba na yari sa kawayan. Tanda niya pa ang aso nilang si Shiro, medyo mataba na ito ngayon at mas malago na rin ang mga balahibo. Nasa balkonahe pa rin nila ang paborito niyang bisekleta, ang karag-karag na sasakyan ng yumao niyang ama at natatandaan pa rin niya ang paborito niyang gitara na nakasabit sa may sala kahanay ng ilang medalya at graduation picture nila ng ate niya.
Hindi niya ramdam na halos sampung taon siyang nanatili sa Dubai. Sampung taon pero parang halos isang araw lang siyang nawala. Tanda niya pa rin lahat.
"Mano po nay," maluha-luha siyang nagmano sa nanay niya at pagkatapos ay sinundan ito ng mahigpit na yakap.
Tinitigan siya ng nanay niya. Matagal.
"Sino ka nga ulit iho?," tanong ng nanay niya. ------------------------------------------------------------ 01/11/2017
#TheGreatestLove
3 notes
·
View notes
Text
Ipagpalagay nating bitter si Globe ngayon dahil sa sweetness ng libu-libong magjowa na nagpapalitan ng endless "nytie" at "I love you" sa isa't-isa. So nagdecide siyang magloko para hadlangan yung landian niyong dalawa *jok* Damay-damay na daw kumbaga. LOL
0 notes
Quote
Hirap magka-crush sa mga kpop fans. Bukod sa dapat wafu ka dapat sing kinis din ng porcelain kutis mo. Wagas makapag raise ng standards 'tong mga Koreanong 'to. JOK kahit daw di ka kagwapuhan basta pogi yung ugali okay na *pang motivate sa sarili haha*
0 notes
Text
Fictions VS. Fake News
Ms. Sasot,
Konting respeto naman sa mga writers.
Both Fictions and fake news are nonfactual, but you have to understand that tho fictions are imaginary, invented and aren't base on facts it doesn't have the intention to appear legitimate on the eye of the readers. It is accepted, as solely created thru writer/author's creativity. So it is a huge mistake to compare fake NEWS to a form of literary which doesn't promise any facts.
The word NEWS upholds credibility that would easily convince readers to believe on it instantly. And the danger of spreading fake news is the tendency of an individual to buy the information without verifying its authenticity.
There's a thin line between fake news and gossips, make comparisons between them instead, that would be more accurate, I guess.
#AyMayPinaglalabanLOL
0 notes
Text
It’s not always sunshines and rainbows. Get used of embracing hurricanes sometimes.
1 note
·
View note
Text
Dear Tadhana, Baka naman pwede nating idaan sa negosasyon yung kaso namin ni Crush. Huwag ka namang masyadong selfish.
0 notes
Text
Dear Earth, San nakakabili ng ka-fling, yung de-kuryente ha para may sparks. LOL
0 notes
Quote
Mahal pa rin kita. Itaga mo man sa purple na bato. LOL
0 notes
Photo
Prof: Okay class may graded recitation today. You’re first *turo sa’yo*
You:
0 notes
Quote
Me: Bes tumataba ka ata. Friend: Kinain ko na naman kasi yung pride ko bes. Busog na busog ako.
0 notes
Text
That "SIR-I LARGE NA PO BA NATEN YUNG COKE NIYO?" moments.
Ito yung isa sa pinaka-nakakapressure na tanong kapag oorder ka sa mga fastfood chain. Parang nasa harap mo si Vic Sotto na naghihintay ng final answer para sa 1 million peso question ng who wants to be a millionaire, tapos mapapaisip ka rin naman kung ila-large mo nga ba o hindi. *insert Kris Aquino* "Ano? deal or no deal?"
A) "Miss wag mo na i-large." -Iispin niyang isa akong dukha, walang sapat na pinanysal para i-upgrade ang isang cup ng coca cola. -Iisipin niyang malala na ang UTI ko, bawal ang pagkaing ma betsin, bawal ang softdrinks. -Iisipin niyang health concious ako, na ugali kong kalkulahin sa utak ang calorie content o amount of carbohydrates na taglay ng isang pagkain/beverage.
B) "Sige miss, I large mo na." -And poof!! na justify niya ang hypothesis na kanina pa naglalaro sa isip niya, isa nga akong certified timawa at hayok sa coke. -*insert ako-ang-nagwagi-grin* na parang kontrabida sa pelikula na nagwagi para i manipulate ang pabebeng bida. -Pwede din niyang isiping miserable ang buhay ko, walang nagmamahal, walang ka viber o ka facetime, walang ka holding hands habang nagliliwaliw sa kapitolyo, sa madaling salita kailangan ko ng coke, kailangan ko ng HAPPINESS.
ENDING: "Miss water na lang, with maarteng shape ng tube ice ha. LOL"
0 notes
Text
The battle between Alaska and Angels evaporada para sa malupet-lupet na champorado. LOL
0 notes
Text
DISCLAIMER: Pasintabi sa mga taong may kilay-issues. :D
Walang magbibilang kung ilang cup ng kanin ang kaya mong ubusin sa Mang Inasal.
Ikain mo.
Ibaling mo lahat ng atensyon mo sa inihaw na hita ng manok, sa masarap na sarsa, sa maanghang na toyo mansi, sa malamig na coke, para kahit papa'no mabawasan yung sakit.
Busugin mo yung sarili mo na matagal nagpakagutom sa pag ibig niyang tipid na tipid, na parang budget meal lang sa Jollibee, na parang asadong siopao na pinagkaitan ng palaman o kaya parang menudo na sagana sa tomato sauce pero puro carrots at patatas lang ang sahog (note: walang karne).
Ikain mo.
Habang umiiyak ka, habang nginangasab mo yung mainit-init na manok at humuhulas yung eyeliner mo pababa sa mukha, sige ikain mo lang.
Mahihiya yung suot mong Gshock dahil tinalo mo pa siya sa paglalaan ng oras sa isang taong hindi ka naman gusto. Mahihiya yung tsane na madalas mong gamitin para masiguradong ni isang hibla ng buhok sa kili-kili nadispatsa mo. Mahihiya yung salamin kung ilang beses siyang nangalay kakapanuod sa'yo ma-perfect mo lang ang tamang drawing ng kilay mo. At ngayon, ilang band aid nga ba yung nasa talampakan mo para unti-unting hilumin lahat ng paltos na nakuha mo mula sa sapatos na may takong na pinilit mong isuot para lang magmukhang presentable at perpekto sa mata ng taong hindi man lang napansin kung gaano kalaki yang puso mo.
Malaki ang puso mo. At masyadong malaki din yung espasyong inilaan mo para sa kanya na halos ikaw mismo hindi mo na alam kung saan ka pwe-pwesto dahil nasakop niya na yung puwang na dapat sana'y para sa iyo. Naging palaboy yung puso mo.
Nawala ka. Niligaw mo yung sarili mo.
Masyado mo namang inapply sa buhay mo yung mga napapanuod mo sa mga soap opera o pelikula, tulad nina Kris Bernal o Tanya Garcia, na ingudngod man sa kalsada, o buhusan man ng muratic acid sa mukha walang ibang ginawa kundi mag self pity at mag emit ng average of dalawalng balde ng luha.
Minsan kailangan mo ring kalimutang tanga ka, para maramdaman mong sinasaktan ka na pala.
Given na nga, na babae ka lang, umiibig at paminsan-minsan ay nagpapadala sa matatambok niyang abs at mala Richard Yap niyang karisma, isipin mo din sana na hindi naman yun ang sapat na basehan, hanapin mo yung taong hindi lang matambok yung abs, matambok at malaki din ang puso kung saan kasyang-kasya ka. Kung saan kaya kang tanggapin ng buong-buo, yung walang pakialam kahit hindi perpekto yung kilay mo, kahit ano pang measurement ng waistline mo, kahit hindi mala Kim Kardashian yung hulma ng katawan mo, o kahit hindi sing talino ni Senator Mirriam Defensor yung IQ mo, ang importante dito sing lawak naman ng West Philippine Sea yung puso mo.
Kaya ngayon. Ikain mo muna. Tapos saka mo idighay lahat ng sakit, ng pait ng pakla.
Makakalimutin mo din siya. Broken ka lang. Kaya mo namang i-recreate yung sarili mo, yung mas matapang, yung mas buo na haharap sa mundo.
Sa ngayon, ikain mo muna, kailangan mong mabusog, kailangan mo ng energy, para umibig ulit...sa tamang tao.
P.S. Single po ako.
LOL #hugotPa
0 notes
Quote
Hindi naman pagkapit ng mahigpit ang laging sukatan ng pagiging matapang. Kung minsan matuto ka ring bumitaw lalo na kapag alam mong sa bandang dulo mawawalan din naman ng saysay yung mga bagay na matagal mo nang ipinaglalaban.
Kapeng-walang-creamer
0 notes
Text
Siguro nga minsan yung lovelife naten kasing miserable ng mga kwento ni Dan Villegas sa pelikula niya, pero malay niyo naman, hindi man kasing yabong ng pag-iibigan ni Alden at Yaya Dub, baka parating na rin yung nakalaan para sa’tin na magpapatunay na totoo nga ang kwento ni Leah at Clark :)
0 notes
Text
"Fact: Nakakatamad talaga magbasa ng Terms and Agreement" 8/05/2016
Ako yung terms and agreement sa mga social media sites na makailang beses mong kinatamarang basahin o pagtuunan ng pansin man lang.
Ako yung kakapiranggot na bacon na nakatuhog sa toothpick na inaaalok ng isang promodizer sa mall bilang free taste ng bago nilang produkto, pero kahit kailan hindi mo man lang sinubukang tikman.
Ako yung naka-sachet na ketchup ng Jollibee na iuuwi mo sa bahay pero itatambak mo lang naman sa loob ng ref.
Ako yung betsingko na willing mong i-let go anytime kapag sinabi ng cashier sa Purgegold na wala silang panukli.
Ako yung naka-iiritang ad na paulit-ulit na sumusulpot sa screen ng computer nyo kapag may pinindot kang link.
Ako yung pasas na isa-isa mong tinatanggal sa sandwich dahil hindi mo gusto ang lasa.
Ako yung pahina na ini-skipan mo sa libro dahil hindi maganda ang pagkakasulat ng istorya.
Ako yung shopping TV channel na pinagtya-tyagaan mong panuorin kapag ala una na ng madaling araw at wala ng palabas.
Ako yung manual ng bagong bili niyong oven toaster na okay lang itapon kasi hindi na kailangang basahin pa.
Ako BALE yung laging WALA lang sa'yo. Ayos lang na maging BALE at WALA sa isang tulad mo. Sanay na sanay naman kasi akong binaBALEWALA mo.
***************************************************** "Fact: Nakakatamad talaga magbasa ng Terms and Agreement" 8/05/2016
0 notes