Tumgik
katherineyy-blog · 5 years
Text
Mga Pilipinong Artist
Tumblr media
Maraming mga artist ngayon na PIlipino na unti-unting sumisikat dahil sa kanilang kakayahang gumuhit. Madalas na makikita sila sa Youtube at Facebook kung saan maraming gumagamit nito. Ang mga Pilipinong sikat sa animation ay si Domics na may 7.07M subscribers, EroldStory na may 2.05M, CypherDen na may 1.34M subcribers at si ToonCee na may 214k subcribers. Madalas na tungkol sa buhay nila ang kanilang ginuguhit at mga nakakatawang kwento upang mapasaya ang kanilang mga viewers. 
Maraming mga artist ngayon ay naaabuso dahil madalas na akala ng mga taong nagpapagawa ng mga artworks ay madali lang gumuhit. Ang mga artworks ay kadalasang pinapabayaran ng mga magagaling na artist dahil hirap at pagod nila ito. Mayroon pa ring mga tao na namamahalan dito at mas gusto na libre lang. Dahil dito, nahihirapan ang mga artist na kumita ng pera dahil halos lahat ng mga tao ay namamahalan sa mga presyo ng kanilang mga gawa ngunit ang perang kinikita nila’y ipambibili ng materyales.
 Ang pagguhit ay kinakailangan ng ensayo at mga technique upang magmukhang maganda. Sana’y pahalagahan ng iba ang mga artworks na ginagawa dahil bawat larawan ay may kahulugan para sa artist na iyon. 
1 note · View note