Tumgik
kawaragishinju · 3 years
Text
MGA NATATANGING LUGAR SA VIGAN ILOCOS SUR HANGGANG SA VIGAN ILOCOS NORTE.
Tumblr media
Ang Ilocos Sur at Ilocos Norte ay isa sa pinaka natatanging lugar na aming napuntahan ng aking pamilya sa taong 2016. Hanggang ngayon ay nanatili pa rin na isa sa pinaka tanyag at pinaka pinupuntahan ng mga turista sa Pilipinas. Mahigit limang taon na ang nakalipas ng ako ay makapunta sa Vigan kasama ang aking pamilya. Ngayon ako ay mag babalik tanaw upang ibahagi sainyo ang mga natatanging lugar na aking napuntahan sa lungsod ng Ilocos Sur hanggang sa Ilocos Norte.
VIGAN CATHEDRAL
Tumblr media
Ang Vigan Cathedral, na kilala rin bilang St. Paul Cathedral ay itinuturing na isang pangunahing palatandaang relihiyon hindi lamang sa hilagang Luzon kundi pati na rin sa bansa. Sa lungsod ng Ilocos Sur matatagpuan ang Vigan Cathedral. Ito ang pinaka una naming pinuntahan ng aking pamilya, sapagkat kami muna ay nananalangin sa panginoon upang maging ligtas at mailayo kami sa kapahamakan.
PLAZA SALCEDO
Tumblr media
Plaza Salcedo naman ang sunod na aming pinuntahan ng aking pamilya. Ang Plaza Salcedo ay matatagpuan sa pagitan ng Vigan Cathedral at ng Provincial Capitol. Plaza Salcedo ay isang magandang lugar para sa mga mahihilig mag pakuha ng larawan dahil sa gabi ang lumalabas na tubig dito ay mayroong mga iba’t ibang kulay at tila ay parang sumasayaw ito. Ang maganda pa rito ay libre lang, kaya pumunta kana! sulitin at wag palampasin, at wag kaligtaan ito bilang isa sa pinaka magandang tourist spot sa Vigan.
BALUARTE
Tumblr media
Pagkatapos ng paglalaro ng tubig sa Plaza Salcedo. kami ng aking pamilya ay nagtungo naman sa Baluarte, ito ay isang animal shelter o isang zoo na pamamay-ari ni Chavit Singson ang former Governor ng Ilocos Sur na matatagpuan sa gitna ng lungsod ng vigan. Dito ay may napaka gandang tanawin at ang ilan sa mga hayop sa baluarte ay deers, unggoy, iba't ibang uri ng mga ibon, tigre, lion at iba't ibang uri rin ng ahas. May isang parte rin sa loob ng baluarte na ang tawag ay Safari Gallery, ito ay naglalaman ng mga tropeo at awards ni Chavit Singson. Naglalaman din ito ng napatay na mga wild animals ni Chavit Singson katulad ng, Lion, tigre, ulo ng isang bear at mga balat ng mga ibang wild animals. Sa gitna naman ng baluarte ay may isang malaking replika ng mga dinosaur, ito ay isang magandang spot para sa turistang mahilig kumuha ng larawan katulad na lamang ng pinapakitang larawan dito. Ang naka stripe na damit ay ako, at ang mga kasama ko sa larawan ay ang aking kapatid at aking pinsan. Kaya naman ang Baluarte ay isang perfect spot para sa mga bata.
BANGUI WINDMILL
Tumblr media
Sa huling araw ng aming paglalakbay nagtungo na kami ng aking pamilya sa Pagudpud, Ilocos Norte upang masilayan ang napaka gandang Bangui Windmill at maglakad lakad sa magandang white sand nito. ito ang pinaka paborito kong lugar at paulit ulit kong pinupunntahan dahil dito nawala ang aking mga problema. Napaka swerte ko dahil sa tuwing ako ay pumupunta dito ay napaka ganda ng panahon.
ANO PA ANG MERON SA PAGUDPUD BUKOD SA BANGUI WINDMILL?
Tumblr media
Bukod sa Bangui Windmill ay mayroon ding Souvenir Store. Dahil nga sa paborito ko ang lugar na ito ay bumili ako ng Windmill souvenir na hanggang ngayon ay iniingatan ko parin. Upang kahit hindi ako makabalik ulit dito ay maaalala ko parin ang mga magagandang alaala kasama ang aking pamilya.
3 notes · View notes