Tumgik
kayemamac-blog · 7 years
Text
Relihiyon
Maisasabuhay ko ang turo ng aming relihiyon sa pamamagitan ng pagsabi sa ibang tao tungkol sa mga aral at turo ng aming relihiyon. Maisasabuhay ko din ito sapamamagitan ng paggawa ng mga katuruan ng aming relihiyon tungkol sa dapat at hindi dapat gawin. Maisasabuhay ko din ang turo ng aming relihiyon sa pagdadasal araw araw at pagsaisip ng turo ng aming relihiyon sa pang araw araw. Sa pamamagitan ng pagbasa ng bibliya at pananampalataya sa panginoong Diyos na lumikha sa atin at pagpapalaganap sa aming katuruan. Maisasabuhay ko din ang mga turo ng aming relihiyon sa pamamagitan ng pagaaral sa mga ito at paggawa ng mabuti sa kapwa at gawin ang tama.
1 note · View note
kayemamac-blog · 7 years
Text
Ang aking blog
Ang aking blog ay tungkol sa Pamilya na isa sa pinaka importanteng kayamanan na meroon ako ngayon. Maaaring ang iba sa atin ay walang pamilya, ang iba naman ay maswerte sa kanilang pamilya ngunit hindi nila ito pinapahalagahan. Ikaw na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo kung meroon kang kumpletong pamilya. Para sa akin isa ako sa maswerteng tao na pinagkalooban ng panginoon ng pamilya.
Mahalaga ang pamilya dahil makikita ko na ang ibang bata ay walang mga magulang o di kaya ay hindi kumpleto ang pamilya na wala silang nanay o tatay. Ayon sa National statistics 30% mula noong 2010 na ang mga bata ay walang mga magulang. Ayon naman sa ONS sa analysis na data mula sa bawat buwang Labor Force Survey sa 60,000 na sambahay ay may 3.8 million na bata na isa lamang ang magulang, maaaring wala silang ina o ama. Kaya ang suwerte ko talaga sa pamilya ko dahil nakikita ko din sa kapitbahay, kakilala at kamag anak na ang pamilya nila ay sira. Ang iba panga ay nakatira sa hindi nila tunay na magulang at sinasaktan at inaabuso sila. Nakakaawang isipin na ang mga batang gustong magpakamatay o nagpapakamatay ay dahil sa sirang pamilya at ang iba'y naging miserable ang buhay at gumagawa ng masasama dahil sa nakikita nila ang pag aaway ng kanilang magulang. Giit panga ng magulang ko na ang problemadong bata, estudyante o mga kabataan ay sanhi ng wasak at problemadong pamilya, karamihan sa kanila ay gumagawa ng masama gaya ng pagnanakaw, pakikipag away, hindi pagpasok sa paaralan o di kayay ang problema sa tahanan ay dinadaan sa pag iinom, pagsisigarilyo at paggamit ng ipinagbawal na gamot o druga. Walang katulad ang tahanan kung saan nag uumpisa ang lahat ng kabutihan, karunungan at pangagaral ngunit paano ito magyayari kung kulang o walang magulang o wasak ang pamilya? Kaya mahalaga talaga ang kumpletong pamilya sapagkat ito ay sagdrado dahil ang pamilya ang tumutulong at naggagabay sa atin sa matuwid na daan at nagsusuporta sa ating pang araw araw. Kaya nagpapasalamat talaga ako na meroon akung pamilya na nag uunawaan.
Sa bawat kalye may mga batang walang kinakain dahil wala silang magulang o pamilya at walang nag aaruga sa kanila. Ang hirap din para sa mga nagiisang magulang dahil sa hindi nila napapalaki ng maayos ang kanilang mga anak. Kaya para sa akin maswerte tayong may kumpleto at masayang pamilya kahit na may malakas na pagsubok kinakaya at buo parin at ang ma suwerte tayo dahil may nag aalaga at nagmamahal sa atin kaya huwag tayong magalit sa ating mga magulang kung pinapagalitan tayo dahil gusto lamang nila ang pinakamabuti para sa atin, mahalin at sundin natin sila dahil ang suwerte natin at huwag kalimutang magpasalamat sa Diyos. Sana bawat magulang maisip nila ang nararamdaman ng kanilang mga anak bago sila maghihiwalay. Sana lahat ng mag aasawa iniisip muna kung handa na ba sila maging isang magulang at ang kapakanan, kaligtasan at kinabukasan ng kanilang magiging anak para wala ng sirang pamilya at para ang kanilang mga anak ay hindi magiging pabigat at problema ng bansa kung di ay magiging daan tungo sa tagumpay at maunlad na kinabukasan ng ating bansa.
1 note · View note