Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pagsusuri ng Nobela - Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag
By Edgardo M. Reyes
I. Panimula
A. May-akda:
1.Talambuhay ng May-akda:
Si Edgardo M. Reyes ay isang kilalang manunulat ng nobela sa Pilipinas na pinanganak noong Setyembre 20, 1936. Siya ay isa sa pinakamahusay na manunulat sa bansa at isa sa mga una niyang sinulat ay Ligayway. Natapos siya ng high school sa “Bohol Central College” sa Maynila at pagkatapos siya'y nag-aral sa “University of the East”. Si Edgardo ang pinakamabata o bunso sa kanilang pamilya. At trumabaho na siya bilang manunulat ng maikling kwento, manunulat ng nobela, taga-edit ng magazine at dyaryo, screenwriter, cartoonist, radio commentator, film director, at professor sa isang unibersidad.
2. Kaugnayan ng May-akda sa Nobela:
Ang isa sa mga nasulat ni Edgardo na nobela ay ang sa “Kuko ng Liwanag”. Isang nobelang isinulat ni Edgardo M. Reyes tungkol sa mga pilipinong pinagsamantalahan ng sistemang dapat tumutulong sa kanila. Isinulat 'to ni Edgardo para maidala ang mga problema na ito sa liwanag, na maipakita sa mga tao na hindi lagi isang magandang panaginip ang Maynila.
B. Pamagat ng Nobela:
1. Kaugnayan ng Pamagat sa May-akda:
Ang pagtawag ng nobela ng Sa kuko ng Liwanag” ay paraan ng pagpakita ng mga realidad ng mga pangarap at hindi lagi itong natutupad.
2. Kaugnayan ng Pamagat sa Kabuuan ng Nobela:
Ang pamagat ay inilalatawan ang pagkakaroon ng false hope ng mga lumuluwas papuntang maynila man o ibang bansa para sa mga pangarap nilang sobrang lapit pero ang layo. Sa mga umiisip na paglumuwas lahat ng problema mo'y mawawala.
II. Katawan
A.Tauhan, Pagpapakilala, at Paglalarawan:
1. Pangunahing Tauhan:
Si Julio Madiaga ay isang probinsyanong lumuwas sa Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahan na si Ligaya Paraiso.
2. Katunggali:
Si Mr. Balajadia, ang mayamang negosyante at kontraktor ni Julio na nagpapahirap kay sakanya at sa iba pang manggagawa.
3. Iba pang Tauhan:
Kasama dito sina Ligaya, Ah tong, Mrs. Cruz, Pol, Mr. Balajadia, Bobby, mga mabgagawa at iba pa.
B. Banghay/Buod/Tagpuan:
1. Panahon:
Sa panahon ng paglalakbay ni Julio mula sa kanyang probinsya hanggang sa Maynila.
2. Lugar:
Sa Maynila, at sa mga maruming kalye at malalaking istruktura ng lugar.
I. Simula:
Nag-uumpisa ang nobela sa pagluwas ni Julio sa Maynila para hanapin ang kanyan sinta.
II. Kasukdulan:
Ang pagtuklas ni Julio sa tunay na kalagayan ni Ligaya at ang paglaban niya sa kahirapan at pang-aapi sa siyudad.
III. Wakas:
Ang nobela ay nagtapos sa paglisan ni Julio dahil hinahabol siya ng mga mamamayan pagkatapos nyang patayin si Ah Tong.
3. Uri ng Nobela: Ang "Sa Kuko ng Liwanag" ay isang nobelang sosyo-realismo na naglalarawan ng tunay na kalagayan ng mga tao sa Maynila sa pamamagitan ng mga pangyayari at karakter sa kwento.C. Tema/Damdamin:
4. Kabuuang Mensahe ng Nobela:
Ang nobela ay nagpapakita ng mga hindi maayos na kondisyon sa maynila, ang mga pagabuso at pagbexploit ng mga kapangyarihan sa mga mahihina. Ang mga false hope na naibibigay ng mga lugar kung san dapat matupad ang mga pangarap nila.Bisang Pangkaisipan:
C. Akda:
Sa kabanata 2 ng nobela, ipinakita ang pang-aabuso ni Mr. Balajadia sa pamamagitan ng pagkuha niya ng malaking porsyento sa sweldo ng mga tauhan sa construction site. Ipinapakita nito ang kawalan ng hustisya at katarungan sa lipunan.
D. Pagsusuri:
Ang pang-aabuso ni Mr. Balajadia sa mga manggagawa ay nagpapakita ng kawalan ng katarungan at pang-aapi na umiiral sa lipunan. Ito ay nagreresulta sa patuloy na paghihirap at kahirapan ng mga manggagawa sa kamay ng mga mayayaman at kapangyarihan.Konklusyon: Ang pangyayaring ito sa nobela ay nagpapakita ng isyu ng kahirapan, pang-aapi, at kawalan ng hustisya sa lipunan. Ito ay patuloy na nangyayari sa kasalukuyan, lsyung panlipunang kinakaharap pa rin natin at lapatan ito ng isang panukala, maaaring isang hakbang, o batas upang matugunan ang pangangailangang ito o masulusyonan ito.
1 note
·
View note