Tumgik
keynetrafal-blog · 9 years
Text
Respeto
Sa araw-araw kong pagpasok sa school at paguwi sa bahay, marami akong nakakasalamuhang mga tao. Madalas kong napapasin yung mga batang nanglilimos. Yung mga batang papasok sa loob ng jeep pupunasan sapatos mo, magaabot ng sobre tapos hihingi ng konting barya para sa pangkain nila. 
Kanina ng pauwi ako na ako. Sa loob ng jeep may pumasok na bata at nagabot ng sobre. Humihingi siya ng barya para sa pangkain niya. Naawa ako sa bata. Nandoon yung awa ko kaso nakakalungkot na di ko kayang mabigyan yung bata kasi estudyante lang din ako at gipit na gipit din ako. Nakakalungkot isipin na may makakasalamuha kang tao na walang respeto sa mga nanlilimos. Sobrang baba ng tingin nila sa mga taong iyon. Ako kahit na hindi ko man mabigyan ang mga batang iyon may respeto pa rin ako sa kanya. Nakakahiya sa isang pasahero sa jeep kanina na katabi ko yung ginawa niya. Katulad nung sinabi ko kanina pumasok yung bata nanghingi ng limos tapos pumunta siya dun sa tapat nung pasahero na katabi ko. Humingi yung bata ng limos. Yung pasahero na katabi ko ay may hawak na pagkain na nasa loob ng isang paper bag na maliit. Ibinigay nung pasahero yung paper bag. Buong akala ko nag mabuting loob ang pasaherong iyon. Umupo ang bata dun sa likod ng jeep sa tungtungan bago ka pumasok ng jeep. Pagbukas nung bata puro basura ang laman, yung mga pinagtapunan ng balot ng burger, plastic cup at kung ano ano pa. Nakakaawa yung bata kasi umasa siya na magkakaroon ng laman ang loob ng tiyan niya. Na mapapawi ang gutom niya. Umaasa na bago siya matulog ay makakakain man lamang siya kahit kapirangot lang ng pagkain.
Nakakaawa yung bata kasi parang kabastusan ang ginawa nung pasahero sa bata. Oo, batang kalye siya pero hindi dapat ganunin ng pasahero yung bata. Hindi man lamang nagbigay kahit konti respeto sa bata. Grabe, hindi ko talaga gusto yung ginawa nung pasahero. Naturingang may utak di man lang nag bigay konsiderasyon sa bata. Napawalang puso ang ginawa niya. Sana kung labag sa loob niya ang magbigay hindi nalang sana siya nag bigay. Ang nakakainis pa basura ang binigay niya sa bata. Problema ito ng lipunan. Mga taong masyadong mababa ang tingin sa mga nanlilimos. Mga taong hindi marunong magbigay kahit katiting na respeto sa kapwa nila. Sana naman mabago ang mga ganto sa mundo. Ito nagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng krimen, kasi tingin ng mga mayayaman sa mga pulubi ay sobrang baba. Ngayon pagnaholdap sila magagalit sila. Bakit di nila inisip na itama muna mali nila bago sila manggalaiti sa galit. 
Respeto lang sa bawat isa babaguhin lahat. 
0 notes
keynetrafal-blog · 9 years
Text
Hapdi
3rd ako nung nainlove ako sa isang babae.
Malapit na matapos ang pasukan noong panahon na iyon. Sa school ko nung highschool ako kilala ako dahil sumasayaw ako at isa rin akong varsity ng basketbol. Isang araw tinawagan ako ng kaklase ko, sabi sa akin may magpapaturo sa akin ng sayaw at grupo daw ng mga babae yon. Syempre hindi na ako tumanggi. Pumunta ako sa clubhouse sa katabing village namin dahil don dawang meeting place. Syempre bago ako magturo ng sayaw kinausap ko muna sila kung ano ang genre na gusto nilang sayawin at babagay sa kanila. Naging tulay ko ng komunikasiyon si Janie(di niya totoong pangalan), kapatid siya ng kaklase ko na tumawag sa akin. Dahil isa siya sa mga tinuruan ko ay napalapit ako sa kanya. Madalas ko siya nakakausap at napadalas din ang pagpunta ko sa bahay ng kaklase ko. Natapos na ang pagtuturo ko sa kanila. Noong una di ko naisip na magkakagusto ako sa babaeng yon. Hindi ko rin nasipin na mapapalapit ako sa kanya. Dahil nga tapos na ang pagtuturo ko sa kanila ay tapos na rin ang komunikasyon naming dalawa. Tapos na ang pasukan at summer na. Madalas pa rin akong pumupunta sa kanila pero di ko na siya nakakausap. 
Lumipas na din ang bakasyon at nagsimula na ang enrollan sa aming school. 1st day ng pasukan. Natapos ang lektura namin at break time na. Pumunta ako at laking gulat ko na nandoon ang babaeng iyon, ang babaeng napusuan ko. Syempre parang teleserye nag slow motion ang oras na iyon. Sinimulan kong kausapin siya sa facebook chat. Habang lumilipas ang panahon, madalas ko siyang makausap. Nagsimula sa mga biruan. Ngayon nalaman ko na may gustong mangligaw sa kanya, syempre selos na selos ako lalo na’t tropa ko pa iyon. Hindi na napadalas ang pakikipag-usap ko sa kanya. Syempre dahil ang kaklase ko na kapatid ni janie ay hindi boto sa manliligaw niya ay hindi na nanligaw ito. Ngayon ako ay tuwang tuwa sa pagkakataong ibigay sa akin. Syempre panahon na para dumiskarte ako. 
Nagsimula na ang paghahanda namin para sa  intramurals namin at napakasaya ko kasi kagrupo ko si Janie sa intams. Syempre dahil ako ay dancer nag simula na din kaming magpractice ng cheerdance, dahil doon napadalas ulit na magkasama kami sa clubhouse nila. Napalapit kami sa isa’t isa. Dumating ang araw na nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Dahil mahilig ako  magbiro sa kanya ang buong akala niya ay nagbibiro lang din ako sa nararamdaman ko. Ipinaliwanag kong seryoso na ako. Laking gulat ko matagal na rin pala siyang may pagtingin sa akin. Syempre noong una, kinailangan namin itago ang pagiibigan namin kasi kapag nalaman ito ng pamilya niya ay baka ilipat siya ng ibang school. Hindi niya muna ako sinagot dahil baka kumalat ito at dumating sa magulang niya. Kahit na manliligaw pa rin ako sa kanya iba pa rin ang tinginan namin sa isa’t isa. Ang buong akala ko magiging tapat siya sa akin, at napaka sakit isipin na niloko niya ako. Akala ko magaantay kami ng tamang panahon, pero isang araw chineck ko ang twitter at facebook niya at laking gulat ko na may ibang lalake siyang binibigyang pansin at yun pala ang dahilan kung bakit hindi na siya ganoon kasweet di katulad noong dati. Pinagusapan namin ang tungkol doon at nagdesisiyon ako na wag muna kami magusap. Lumipas ang isang linggo lang ay di ko siya matiis kaya muli ko na siyang kinausap at nagkaayos kami. Lumipas naman ang ilang buwan ay inulit niya na iyon at madaming beses ko siya nahuli. At sa huling pagkakataon ay nagkaayos ulit kami dahil mahal ko siya kahit gaano pa kasakit sa akin. Nag simula ang bakasyon. Sinabe ko na pupunta ako aming probinsiya para sa panandaliang bakasyon. Bago ako umalis nagkwento siya na dati ay nagbakasyon  din siya sa probinsya nila at naghiwalay daw sila ng kasitahan niya dati, sinabe niya na ayaw niya na mangyare ulit iyon. At dahil ayoko din mawala siya ay hindi ko hinayaang mangyare yon. Mga isang linggo pa lang ako sa probinsya nagdududa na ako sa kanya kasi, bihira na siya magtext, ni isang beses lang siyang tumawag sa akin noon. Ansakit kasi nung una pinagdudahan niya ako na nangiiwan ako sa ere at pinatunayan ko naman sa kanya na hindi ako ganung tao, samantala dumating ang panahon siya pala ang mangiiwan sa ere. Lumabas na umasa lang ako, hindi naman ako nagkulang pero bakit hinihintay niya na sumuko ako par sa huli hindi siya yung may kasalanan. Walang magandang nangyare sa akin naging tanga ako at inisip ko na sana di ko nalang siya nakilala. Ngayon pinipilit ko nalang kalimutan siya. At iniisip na isang masamang panaginip lang ang lahat.
0 notes
keynetrafal-blog · 9 years
Text
PAGKAKAIBIGAN - Ang Huling Sandali
Nitong gabi napagkaalaman ko na aking kaibigan ay aalis patungong Japan. Itong tao na to ay isa sa matatalik kong kaibigan. Napakabait niya. Sa katunayan sa sobrang bait niya ay nakalimutan na niya ang utang ko sa kanya. 
Grade 3 ako nung makilala ko ang tropa kong ito. Nung una binubully pa namin siya. Pero kalaunan naging isa siya sa grupo namin at ang nakakagulat dun ay malakas mangtrip ang tropa kong ito na hindi namin inasahan na ganun siya ka lupet. Siya ang laging kasama ko tuwing magbabasketball. Isa siya sa 5 magagaling magbasketball sa school namen, syempre kasama na ako dun. Ako point guard eh. HAHA. Siya yung tipo ng tao na napagbigay, mabait, magpagpasensiya, at higit sa lahat Matulungin. Sa 8 taon na naging kaibigan namin siya, lagi niyang binubuo ang tropa tuwing birthday niya (kasi rich kid) hahaha pero siya yung tipo ng tao na kapag wala sa tropa boring ang grupo. Hindi rin siya makakalimutin sa kaibigan, kaya sa tuwing birthday ng isa sa amin siya lagi nagpapaalala at nagsisimulang mangbulabog sa bahay ng tropa. 
Natandaan ko nung 3rd yr kami ay umuwi siya ng japan at doon nagaral. Buong akala naming magtotropa di na siya babalik.Nakagraduate na siya sa Japan. Bumalik siya dito muli sa Pilipinas at laking gulat namin na magiging kaklase namin siya muli dahil ang alam namin ay graduate na siya. Pero kinuwento niya na bumalik siya para sa Tropa, bumalik siya para mabuo muli ang tropa, bumalik siya para lang makasama kami at iyon ang pinakamagandang sinabi niya sa amin. Isa lang ibig sabihin nito, mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan namin magtotropa. At Itong dadating na sabado ang huling sandali na mabubuo ang tropa namin.
Madaming magagandang alaala ang nabuo sa aming magtotropa at hindi pa ito ang katapusan kahit umalis siya, ang mahalaga nanatili, nananalatay, at dumadaloy sa amin ang kahalagahan ng tunay na pagkakaibigan. :)! 
0 notes
keynetrafal-blog · 9 years
Text
I love you
Ang sarap pakinggan yung mga salitang minsan lang sabihin sayo ng isang tao. katulad ng pagsabi ng “i love you” sa pamilya mo. Matutuwa ka nalang din sa sarili mo na pano mo nagagawang sabihin ang mga salitang yon na di mo naman nagagawa araw-araw. Pero ang mga salitang iyon ay puno ng makabuluhang bagay. Kaakibat ng mga salitang ito ay ang mga kilos na nagpapakita ng pagmamahal at pagkakaroon ng malalim na kahulugan. Iyon ang pinakamasarap na salita, na sana ito rin ang maging sandata laban sa kaguluhan sa mundo, sana ito ay maging paraan para sa pagkakaunawaan, maging daan sa  pagtutulungan, daan patungo sa kapayapaan.
0 notes
keynetrafal-blog · 9 years
Text
Ang Aking Kaisipan sa pagiging Estudyante sa Kolehiyo
Nitong mga nakaraang mga buwan na na pumapasok ako bilang isang estudyante sa isang unibersidad, sa totoo lang hindi ko ramdam ang pressure sa kolehiyo. Sa nakikita ko parang minsan pumapasok lang ako sa wala. Hindi sa wala akong natututunan pero parang walang pumapasok sa utak ko.Marahil ang pagiging isang kolehiyo ay nakabatay sa sarili ko kung saan kalaban ko ang sarili ko at hindi ang pinagaaralan ko. kalaban ko ang utak ko kung paano ako hindi mapepressure sa bagay sa kolehiyo.
Sa aking nakikita sa kolehiyo iba ang nagiging propektiba ng ibang tao o ibang estudyante dito. Ang aking ibig sabihin ay ang ibang estudyante ay pumapasok hindi para matuto kundi para pumasa at ito ang nakakalungkot isipin na nangyayare sa mga kabataan. Sa aking palagay ang nagiging sanhi nito ay ang impluwensiya sa kapaligiran dahil sa dami ng temptasyon sa paligid na maaaring sagabal sa pagaaral ng estudyante. Kaya lumalabas dito ang aking kaisipan sa  karamihan ng kolehiyong estudyante ay pumapasok hindi para matuto kundi para pumasa.
0 notes
keynetrafal-blog · 9 years
Text
BAYANI
Ang pagiging bayani ay hindi nakikita sa kung gaano kalaki ang naiambag ma sa bayan o bansa, ita ay kung paano mo ipinapakita ang paggalang mo sa sariling bansa at dapat ay sa kahit maliliit na bagay ay ipinakita mo at nakita na iba na inisip mo ang kapakanan ng nakararami at mayroon kang pagpapahalaga sa bawat bagay na ikauulan ng bansa. Ito ang pananaw ko kung ano ang bayani.
0 notes
keynetrafal-blog · 9 years
Text
Walang Puso
Sariwang hangin, magagandang tanawin, mayaman sa likas na yaman, naiiba sa lahat. Ngunit pumapangit, bumabaho, nasisira dahil saan? Dahil sa mga walang pusong hindi wasto ang paggamit dito. Iyan ang Pilipinas. Hindi ginagamit ng maayos ang kagandahang mayroon ang bansa ito ang dahilan ng pagkalugmok o pagbagsak nito.
Sayang ang Pilipinas. Sayang ang gandang binigay ng Diyos dito. Hindi man lang alagaan ng mabuti. Iyan ang dahilan ng kahirapan ng Pilipinas kaya nag dudulot ng malalakas na delubyo o mga kalamidad. Ano ang pagbabagong gagawin niyo?
0 notes
keynetrafal-blog · 9 years
Text
PAMILYA
Pamilya ang sandalan. Ito ang bumubuo sa buhay ko. Ang pamilya ay laging nandiyan sa oras na may problema ka. Sa oras ng kagipitan nandiyan sila sa likod mo para alalayan ka. Pamilya ang kumukumpleto sa pagkatao ko. Nagbibigay kulay sa buhay ko. Pamilya ang nagbibigay saya sa akin. Kaya mahal ko ang pamilya ko, hindi man kami mayaman, kapos man kami, masaya akong buo ang pamilya ko.
Kayo, ano ang pamilya para sa inyo?
0 notes
keynetrafal-blog · 9 years
Text
Ina
Sa sinapupunan niya ako nabuo, siya ang naglalagay ng dayaper sa pwetan ko, siya ang nagtitimpla ng gatas ko, siya ang kumakanta para makatulog ako, siya ang nagpapatahan sa akin tuwing umiiyak ako, siya nag-alaga sa akin tuwing may sakit ako, siya ang  sinandalan ko noong mga oras na nalaman ko na di ako crush ng crush ko. Siya ang pinagmulan ko. Higit sa lahat siya ang aking INA. Siya ang ilaw sa aming munting tahanan.
Ikaw, ano ang ina sa buhay mo? 
0 notes