keziahgraces
keziahgraces
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
keziahgraces · 8 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Ang tunay na kalayaan ay matatagpuan sa pagtanggap at pagpapahalaga sa ating sarili nang walang takot o alinlangan.” 🤍🍀🌥️🪽
Ang kalayaan ay tunay na pag-aari natin; wala nang sinuman, kahit ang pinakamakapangyarihan, ang makakakuha nito sa atin. Ang kalayaan ay hindi isang biyaya na ibinibigay, kundi isang likas na karapatan na sumasalamin sa ating pagkatao. Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang magdesisyon at mabuhay nang ayon sa ating mga prinsipyo, nang walang pangamba o paghadlang mula sa iba.
Para sa akin, ang kalayaan ay ang kakayahang gawin ang mga bagay na talagang mahal natin at may malasakit tayo, nang hindi iniintindi ang sasabihin ng iba. Ito ang nagdudulot sa atin ng kapayapaan at kaginhawaan, tulad ng paglalakbay, pagbabasa, o pagpunta sa isang lugar na nagbibigay aliw sa atin. Ginagamit natin ang ating kalayaan upang mapaunlad ang ating sarili at makamit ang kapayapaan at katahimikan. Kaya’t ang kalayaan ay lahat ng ating hinahangad, lahat ng ating isinusumpa, at lahat ng nagdudulot ng kapayapaan sa ating sarili. Tayo mismo ang kalayaan; ang pagiging totoo sa ating sarili ay isang tanda ng kalayaan. Walang sinuman ang makakapigil o makakahadlang sa atin upang maging malaya.
Sa kabuuan, ang kalayaan ay isang bagay na dapat nating pahalagahan at gamitin. Binibigyan tayo ng kalayaan ng pagkakataong maging totoo sa ating sarili at ipahayag ang ating mga saloobin. Pinapalakas nito tayo na magpasya, sundan ang ating mga passion, at mamuhay ayon sa ating mga prinsipyo nang walang takot sa pang-aapi.
— Freedom to choose and express oneself
Keziah Grace T. Luague
Grade 10 - St. Valerius
Filipino 10
Tumblr media
63 notes · View notes