keziahhhleee
keziahhhleee
Susi sa Tagumpay
1 post
by Marielle Keziah Lee E. Etchon 
Don't wanna be here? Send us removal request.
keziahhhleee · 5 years ago
Text
Akademikong tulong ng internet o social media sa mga mag-aaral
Ito ba ay may magandang naidudulot sa mga mag aaral? O ito ba ay may hindi magandang naidudulot sa bawat mag-aaral?
Tumblr media
Ang internet ay may maganda at hindi magandang naidudulot sa mga mag-aaral. Ang internet ay isa sa mga takbuhan ng mga mag-aaral kapag sila ay may sasagutan o kaya kapag hindi nila naintindihan ang leksyon ng kanilang mga guro. Bagkus, ito ay may masamang dulot kapag ang mga gumagamit nito ay nalampasan na ang limitasyon. Lalo na sa paggamit ng social media, madaming na aadik dito. Hindi na nila nagagampanan ang kanilang mga kanya-kanyang responsibilidad sa pag-aaral at sa kanilang tahanan. 
Maraming pagbabago ang kasalukuyan nating nararanasan dahil sa pandemya sa buong mundo. Pagbabago na sobrang nakaapekto sa ating lahat. Isa na ditto ang pag aaral nating mga kabataan. Masasabi pa kaya natin na tayo ang pag-asa ng bayan? Ipagpapatuloy pa rin ba natin ang nating nasimulan? Paano natin maisasakatuparan sang mga pangarap natin at magkaroon ng magandang bukas kung tayo ay titigil?
Tumblr media Tumblr media
Nang ipatupad ang iba’t ibang alternatibo ng pag-aaral para ito ay maipagpatuloy, madaming nadismaya dahil ang sistema ng pag-aaral ay modular learning o di kaya ang online class. Karamihan sa mag-aaral ay nagmodular learning, dito na lumalabas ang “self study.” Dito napapadalas ang paggamit ng mga mag-aaral sa internet, upang manaliksik sa mga explanasyon o kasagutan sa kanilang module. Nagagamit din nila ang social media upang magpost ng kanilang mga iba’t ibang asignatura na pinapagawa ng kanilang guro, dito rin, pwede silang magtanong sa kanilang guro gamit ang messenger o email. Sa online class, madalas nagagamit ang internet dahil palaging nagkikita ang mga mag-aaral at ang kanilang mga guro sa kanilang mga kanya kanyang monitor gamit ang iba’t ibang application tulad ng zoom, google meet, at iba pa. Gamit din ang internet,  nailalahad ng mga guro ang kanilang mga leksyon o kaya mga gawain na kanilang ipapagawa. Sa internet din nananaliksik ang mga mag-aaral sa kanilang mga kasagutan sa mga gawain. Nananaliksik din ang mga mag-aaral sa mga kanilang leksyon o mga susunod na leksyon upang maka- advance reading. Kaya sa ating sitwasyon ngayon, ang internet at social media ay napakahalaga sa bawat mag-aaral at sa ating pag-aaral.
Tumblr media Tumblr media
Marahil ang sistema ng ating pag-aaral ngayon ay mahirap, kailagan natin itong kayanin. Sa araw araw nating pag-aaral unti-unti nating nahaharap ang mga problema sa ating pag-aaral. Bagay na masasagi sa isipian natin, na sa bawat hirap ay may nakalaan na magandang bukas.
Tumblr media
Bilang isang mag-aaral, Isipin pa rin natin na ang pag-aaral ang siyang pinakamahalaga at madadala natin saan man tayo tutungo.
Tumblr media
Sa panahon ngayon malaki man ang pagbabago sa atin pero ang pagiging mapamaraan ng mga pilipino ay sadyang kahanga hanga, para sa bayan at para sa mga mag-aaral .
Tumblr media
Ako, ikaw, tayo, ay magkaisa tungo sa ating kinabukasan at para sa ating bansa. Laban lang mga kapwa ko mag-aaral tungo sa ating tagumpay!!
0 notes