Tumgik
kiandenzell · 4 years
Text
Tumakas sa Init!
Pebrero pa lamang at pumapasok na kaagad ang init. Ano pang mas magandang paraang upang kontrahin ang init kaysa pumunta sa Baguio? Kilala ang Baguio sa malamig nitong klima,kamangha-manghang tanawin, at presa o “strawberry”.
Tumblr media
Paano Makapunta sa Baguio?
Mula sa Manila, ang mairerekomenda naming transportasyon ay bus. Ang mga bus ng Victory Liner ay nakaiskedyul kada oras papuntang Baguio sa terminal ng Caloocan, Pasay, at Cubao. Naghahalaga ng ₱450 - ₱750 depende sa nasakyan na bus.
Tumblr media
Paano makalibot sa loob?
Para sa mga turista, ang pinakamadaling paraan ay sumakay ng taxi upang makapunta sa destinasyon. Maaari din namang sumakay ng jeep.
Tumblr media
Ano ang mga dapat gawin sa Baguio?
 Bisitahin ang Burnham Park
Simulan ang iyong bisita sa Baguio sa Burnham Park! Ang 32.84 na hektaryang parke na ito ay naglalaman ng mga bagay upang aliwin ang mga turista. Mapapansin agad ang man-made lake sa gitna ng parke at maaari kang sumakay sa swan boats.
Tumblr media
   Bisitahin ang Mines View Park
Noong nakaraan, nagsimula ang Baguio bilang isang bayan ng pagmimina. Matatagpuan ang Mines View Park sa hilagang silangang bahagi ng Baguio kung saan maaaring makita ang kabundukan ng Cordillera at minahan ng ginto sa Benguet. Maaari ding magsuot ng tradisyunal na kasuotan ng mga Ifugao para sa buong karanasan.
Tumblr media
Ano ang mga pagkain na sikat sa Baguio?
Strawberries
Dahil sa malamig na klima na nararanasan sa Baguio, madaming mga pananim ang matatagpuan sa lugar na hindi makikita sa ibang lugar na mainit ang klima. Kilala ang Baguio sa kanilang mga prutas tulad ng “strawberries”.
Tumblr media
 Ginagawa din nilang jam ang mga ito upang maibenta. Ang “Strawberry Jams” ay masarap ginagawang palaman sa mga tinapay na tulad ng pandesal.
Tumblr media
   Peanut Brittle
Kung pasalubong mula sa Baguio ang usapan, paniguradong Peanut Brittle ang isa sa unang papasok sa isip ng mga tao. Masarap itong kainin kapag nanonood ng telebisiyon, nag-aaral, nagmimiryenda, at pwede rin gawing panghimagas pagkatapos kumain.
Tumblr media
Gulay
Isa rin ang Baguio sa mga nangungunang prodyuser ng mga sariwang gulay na dinadala sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Magagandang kalidad na pechay bauio, beans, sayote, karots, repolyo, siling-pula, cauliflower, broccoli at iba pang mga gulay ang binebenta sa lugar.
Tumblr media Tumblr media
  Ano ang masasabi ko sa naranasan ko sa Baguio?
Kahit sandali lang kaming nanatili sa Baguio masasabi ko nasiyahan kami sa aming oras na namalagi sa lugar.  Madaming mga tanawin na pwedeng puntahan at madaming mga pagkaing masasarap kainin lalo na sa paglalakbay. Masarap din sa pakiramdam ang malamig na klima lalo na’t mainit ngayon sa ating bansa. Irerekomenda ko ba na pumunta kayo sa Bauio? Oo naman! Hindi niyo pagsisisihan ang pagbisita sa magandang lugar na ito.
3 notes · View notes