kiararoquecpha15-blog
kiararoquecpha15-blog
Kiara Roque | C-PHA 15
8 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
kiararoquecpha15-blog · 7 years ago
Text
Panayam sa BDRRM Officer
Noong nakaraang Nobyembre 29, 2018, ako ay nagkaroon ng pagkakataon makapanayam ang BDRRM officer ng Barangay Caingin, San Rafael, Bulacan kung saan ako nakatira. Ang officer na aking nakausap ay si Ginang Rina Cruz.
Sa pakikipanayam ko sa kaniya, aking napagalaman na ang aming barangay ay malimit na nakararanas ng mga disaster tulad ng pagbaha sapagkat batay sa talaan ng aming barangay, ang munisipalidad kung saan nabibilang ang aming barangay ay nasa mataas na parte ng Bulacan. Sa kabila nito, hindi pa rin naiiwasan ang mga pagkakataon na tumataas ang tubig sa ilog o rampa kung tawagin sa amin, na kung saan may ilan sa aking kabarangay ay malapit na nakatira roon. Bilang paghahanda ng barangay at sa tulong na rin ng pakikinig sa radio, panonood ng balita at paalala mula sa MDRRMO, ang mga pamilya na nakatira malapit sa rampa ay lumilikas na sa evacuation center bago pa man din abutin ng tubig ang kani-kanilang tahanan. Bukod sa pagbabadya ng pagbaha dala ng pagtaas ng tubig, nakararanas din ng pag lindol at bagyo ang aming barangay, ngunit malimit lamang at hindi ganoon kaapektado tulad ng ibang lugar.
Isa sa mga pangunahing kabuhayan sa aming barangay ay ang pagsasaka, kalimitan itong nasa mataas na lugar ng aming barangay na kung tawagin ay “paltok” at “gulod”. Subalit, dahil nga ito ay nasa mataas na lugar, ang mga taong naroon ang pinakaapektado sa oras na lumindol. Hindi man nakararanas ng malalakas na lindol pa ang aming barangay, ang mga pananim ay may posibilidad pa rin masira. Itinuturing ng aming barangay na ang lugar na malapit sa ilog o rampa, paltok, at gulod ang pinaka maapektuhan o exposesa panahon ng sakuna. Samantala, ang kalagitnaan ng aming barangay ang maituturing na pinakaligtas; dito rin matatagpuan ang mga evacuation centers. Nilinaw ng aming BDRRM officer na ang pangunahing suliranin na maaaring humadlang sa kaligtasan ng bawat isa sa barangay ay ang kawalan ng karampatang tulong sa mga naapektuhan ng sakuna. Subalit, mapalad ang aming barangay na palaging nakahanda sa mga emergencyang lalawigan ng Bulacan para tumulong sa mga mamamayan.
Hindi man maiiwasan ang mga sakuna, mahalaga na ang bawat isa sa isang komyunidad ay magtulungan upang maiwasan ang mga malalang epekto nito. Ang ilan sa mga paghahanda na ginagawa ng aming barangay ay ang linggo-linggong paglilinis at pagwawalis sa aming lugar. Nagkakaroon din ng buwanang inspeksyon ng mga kanal na posibleng maging dahilan ng pagbaha dulot ng naipong tubig. Sa oras naman na may sakunang nangyari ay nagbibigay ng tulong pinansyal ang barangay at ibang oportunidad o pagkakakitaan sa pamamagitan ng mga livelihood program. Ang lahat ng ito ay nagiging posible dahil sa serbisyo ng aming kapitan, sanggunniang barangay, tulong ng MDRRMO at BHW.
0 notes
kiararoquecpha15-blog · 7 years ago
Text
Panayam sa BDRRM Officer
Ginang Rina Cruz
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
kiararoquecpha15-blog · 7 years ago
Text
Issues
Sa aking palagay kahit na hindi nakararanas ng malubhang epekto ng mga sakuna ang aming barangay, kailangan bigyan tuon ng lokal na gobyerno ang mga pamilyang naninirahan malalapit sa ilog. Marapat na ang lahat ay mayroong ligtas na tahanan na gawa sa matitibay na materyales upang maiwasan ang mga hazard at pagiging vulnerable ng isang lugar. Para sa akin ay hindi sapat na lumilikas lamang sila bago abutan ng tubig ang kani-kanilang tahanan kung kaya naman na sila ay bigyan ng malilipatan sa mataas na lugar. Sa ganitong paraan mas bababa ang vulnerability at posibilidad na may malunod or tanggayin ang kanilang bahay dulot ng malakas na agos ng ilog.  Tulad na lamang ng  maraming Pilipino sa kalakhang Maynila. Marami ang nakatira sa mga estero, ilalim ng tulay, tabing ilog at iba pang vulnerable na lugar dala ng sobrang populasyon sa metropolitan. Sila ang unang nasasalanta ng mga sakuna lalo ng mga bagyo na nagdudulot ng pagtaas ng tubig. Sana ay mabigyan sila ng pagkakataon na makaalis sa mga delikadong lugar na iyon ng gobyerno. Kailangan na magkaroon ng maayos na sistema o restriksyon kung hanggang saan lamang maaring magtayo ng tahanan upang maiwasan ang mga hazard.
0 notes
kiararoquecpha15-blog · 7 years ago
Text
Insights at Realizations
Ang kwentuhan ko sa aming BDRRM officer at community walk ay nakatulong sa akin upang ako ay magkaroon ng ideya sa capacityna mayroon ang aming barangay sa oras na may sakuna.  Nalaman ko rin ang mga lugar sa aming komyunidad na unang maapektuhan o lubhang maapektuhan sa oras ng matinding sakuna. Nakita ko na importante na manatiling malinis ang buong kapaligiran hindi lamang dahil ito ang tama, bagkus dahil ito ay isang malaking salik upang maiwasan ang mga pagbaha. Ang mga kanal na buwanang iniinspeksyon ay isang magandang gawain ng aming sangguniang barangay. Nakatutuwa na marami na sa aming komyunidad ang handang tumulong sa mga simpleng paglilinis linggo-linggo. Natutuhan na rin ng bawat isa na ihiwalay ang kani-kanilang basura at itapon ito sa tamang lugar upang kolektahin. Mapalad kami na ang barangay namin ay napapabilang sa matataas na lugar sa lalawigan ng Bulacan kaya naman hindi pa kami nakararanas  ng pagbaha. Napag-alaman ko rin na ang aming barangay ay nagbibigay tulong sa mga magsasaka dahil ito ang pangunahing hanapbuhay sa aming lugar.
0 notes
kiararoquecpha15-blog · 7 years ago
Text
Realidad ng kalagayan ng Pilipinas at mga posibleng solusyon
Ang isang bansa tulad ng Pilipinas ay madalas na dinaraanan ng mga bagyo dahil sa lokasyon nito malapit sa Pacific at equator. Hindi na bago para sa mga Pilipino na makaranas ng pagbaha, ngunit ang kasanayan na ito ay hindi maaaring isipin na kapasidad upang makapag-adaptsa mga pangyayari. Ito ay nakakabahala sapagkat tanda ito na walang pag-unlad na nangyayari sa ating bansa. Tanda ito na ang mga hazard at exposure ng mga mamamayan dito ay hindi nabibigyan ng tuon ng nasa pamahalaan. Tila nagiging tradisyon na lamang ang magbigay ng mga donasyon sa tuwing may sakunang nangyayari, na kung iisipin ay dapat na naiwasan ang mga ito kung naging sapat lamang ang paghahandang ginawa. Importante na bago pa man din dumating ang isang sakuna o matinding bagyo, ang bawat isa ay handa upang maiwasan ang magkaroon ng mga biktima o patay. Marapat na unang prayoridad ang buhay kaysa sa mga materyal na bagay sapagkat ang mga iyon ay kaya palitan.
Ngunit, sa mga ganitong pangyayari, hindi lamang ang gobyerno ang may kasalanan kundi ang bawat isa sa atin. Tunay na mayroon tayong gobyerno na responsibilidad na pagsilbihan ang mamamayan, subalit, bilang isang mamamayan ay may responsibilidad din tayo. Ang simpleng paghihiwalay ng mga basura at pagtatapon ng mga ito sa tamang lugar ay isang hakbang na. Sa oras naman na nagpapalikas na ang mga rescuersay dapat na sumunod agad o kaya ay lumikas na agad bago  lumala ang sitwasyon. Ang pagmamatigas ay walang patutunguhan at may posibilidad pang mauwi sa pagkawala ng buhay.
Bilang isang estudyante, nagkaroon na ako ng kaalaman ukol sa DRRR bago ang NSTP, nuong ako’y nasa seniorhigh pa lamang. Base sa aking kaalaman, ang isang disasteray hindi maiiwasan ngunit maari na mabawasan ang magiging epekto nito. Kinakailangan ng kooperasyon ng bawat isa at dapat na kada-barangay ay handa. Sa aking palagay, ang unang konkretong solusyon na dapat gawin ay ang paglilinis ng mga ilog sa tuwing mababaw ang tubig dito. Maitama na rin sana ang daloy ng tubig na nanggagaling sa mga bahay-bahay at pabrika nang sa gayon ay hindi mamatay ang mga isda at hindi makontamina ang tubig na maari sanang gamiting inumin. Ang pagtatanim din ng mga halaman sa kaniya-kaniyang bahay at mga eskwelehan ay makatutulong na sumipsip ng tubig ulan. Makatutulong din ang paglilinis ng kapaligiran sa kada-barangay upang maiwasan ang pagbara ng basura sa mga kanal. Para naman sa mga nakatira malapit sa dagat, ilog, ilalim ng tulay at estero, sana ay mabigyan sila ng malilipatan ng pamahalaan kung saan sila mas ligtas. Kung pangingisda naman ang kanilang pangunahing hanapbuhay ay magkaroon dapat ng partikular na layo ang mga bahay mula sa dalampasigan. Bukod sa mga ito, ang higit kong maitutulog ay ang ibahagi ang aking mga kaalaman sa aking mga kabarangay. Kailangan na naiintindihan ng bawat isa ang kahalagahan ng mga aksyon na ito at hindi lamang nila gagawin dahil sinabi ng barangay. Sa oras na naunawaan na ang kahalagahan at naisagawa na ang mga angkop na aksyon, ang kapasidad ng isang barangay o komyunidad ay tataas at maiiwasan o mababawasan ang posibleng epekto ng mga darating na sakuna.
0 notes
kiararoquecpha15-blog · 7 years ago
Text
Community Walk | Issues
Ilan sa mga issues na kinahararap ng Barangay Caingin ay mga kanal na hindi maayos at may mga basura na nakaipit. Maari itong magdulot ng pagbaha sa oras na may malakas na bagyong dumating kung hindi aayusin. Dagdag pa rito ang ilog na may mga basura din at ang fishpond na ginawang tapunan ng basura.
Tumblr media Tumblr media
Halimbawa ng kanal na may lumulutang na basura.
Tumblr media
Kalagayan ng ilog o rampa kapag ito ay tuyo at wala masyadong tubig.
Tumblr media
Fishpond na ginawang tapunan ng basura na maaari sanang gawing hanapbuhay.
Tumblr media
0 notes
kiararoquecpha15-blog · 7 years ago
Text
Community Walk | Ligtas na Lugar
Ang pinakaligtas na lugar sa aming barangay ay ang gitnang bahagi nito. Dito matatagpuan ang aming simbahan at eskwelahan na siyang nagsisilbing evacuation centers sa oras na may pagbabadya ng sakuna o disaster.
Tumblr media
Sto. Cristo Parish Church
Tumblr media Tumblr media
San Rafael National Trade School
Tumblr media
Mga kanal na naayos at nalinis na upang maiwasan ang pagbabara.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
kiararoquecpha15-blog · 7 years ago
Text
Community Walk | Practices
Ilan sa mga nakasanayan ng gawin ng mga taga-barangay Caingin ay ang maglinis linggo-linggo ng kapaligiran. Ginagawa nila ito upang maiwasan ang mga basura na pakalat-kalat lalo na sa kapag may malakas na ulan at upang mapanatiling kaaya-aya ang buong barangay. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Tamang lalagyan ng basura sa oras na nahiwalay na ang nabubulok at di-nabubulok sa kaniya-kaniyang tahanan.
Tumblr media
Nagsasagawa rin ang sangguniang barangay ng paglilinis ng ilog o rampa sa aming lugar.
Tumblr media
#LinisIlog101
Tumblr media
Nagsasawa rin ng mga pagsasanay ang mga kawani ng barangay sa tamang pag rescue upang sa oras ng sakuna ay handa.
Tumblr media Tumblr media
Tulong para sa mga magsasaka.
1 note · View note