Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Libutin ang mahiwagang destinasyon ng Baguio!
Introduksyon:
Diumano kami ng aking kaibigan na si Aeron ay dumako sa lungsod ng Baguio. Sa loob ng tatlong araw nasilayan namin ang iba’t ibang bahagi ng Baguio. Kung hindi ninyo alam ang lungsod ng Baguio ay sikat dahil sa natatanging klima nito. Ito ay dahil sa malapit sa matataas na bundok and lungsod ng Baguio. Sila din ay kilala sa prutas na presa o mas kilala sa tawag na strawberry. Ito ay tumutubo sa lungsod ng Baguio dahil sa malamig nitong klima. Wag na natin patagalin pa, halina’t libutin natin ang mahihiwagang destinasyon ng Baguio.
Kumain muna sa Hill Station:

Bago ka lumibot kumain ka muna dito sa Hill Station. Walang tatalo sa sarap ng pagkain na hatid ng Hill Station. Kami ni Aeron ay kumain ng Orzo Pasta, Smoked Paprika Roasted Salmon, at Caeser Salad with Cold-Smoked Beef Carpaccio at ang masasabi lang namin ay napakasarap talaga. Sa dami ng uri ng pagkain na puwedeng bilhin hindi ka mawawalan ng interes.
Mamangha sa Arkitektura ng The Mansion:

Ako ay napataligod sa sobrang lawak ng The Mansion. Kahanga-hanga naman talaga ang The Mansion dahil sa kasaysayan na taglay nito. Dito nanirahan ang mga Presidente ng Pilipinas simula pa ng Komonwelt. Ang mahiwagang mansion na ito ay ginawa ni William E. Parsons sa taong 1908 bilang opisyal na tirahan ng mga Gobernador-Heneral ng U.S.
Mag-enjoy sa Burhnam Park:

Matapos mamangha sa The Mansion, kami ni Aeron ay namasyal naman sa Burnham Park. Ang Burnham Park ay ipinangalan sa isang arkitekto na si Daniel Hudson Burnham. Ang Brunham Park ay binubuo ng isang artipisyal na lawa na kung tawagin ay Burnham Lagoon, kahuyan, halamanan. Meron ding mga rosas, amarilyo , daisy at hollyhock na kung saan ay matatagpuan lamang sa Baguio. Meron ding hardin, piknik growb, parke ng mga beterano, “Pine Trees of the World”, at puwede ding mag Go Kart.
Manalangin sa Baguio Cathedral:


Matapos mamasyal sa Burnham Park, kami ay dumako sa Baguio Cathedral upang manalangin. Ang Baguio Cathedral ay sinasabing kayang maglaman ng higit sa 850 na katao. Sa taong 1907, isang misyon ng kapilya, na nakatuon kay St. Patrick, ay itinatag ng mga misyonerong Belgian mula sa Congregatio Immaculati Cordis Mariae. Ang lugar kung saan kasalukuyang nakatayo ang katedral ay isang burol na tinukoy bilang Kampo ng mga taga-Ibaloi. Ang konstruksyon ng mismong katedral ay nagsimula noong 1920 sa ilalim ng pamumuno ng pari sa parokya na si Rev Florimond Carlu, na pinangalanan ang burol na Mount Mary. Ang gusali ay nakumpleto at inilaan noong 1936. Ito ay nakatuon sa Aming Ginang ng Tagapagligtas.
Mamili ng Subenir sa Good Shepherd Convent:

Sa huling destinasyon ay namili kami ni Aeron ng subenir sa Good Shepherd Convent. Kami ay bumili ng ube at presa jam sa pinakamabenta sa Good Shepherd Convent, bumili din kami ng pulseras na may nakasulat na pangalan, at mga biskwit. Maraming pang mga maaaring bilhin tulad ng mga damit, walis tambo, at marami pang iba.
Konklusyon:
Matapos ang tatlong araw na paglalakbay namin masasabi namin na talagang mahiwaga ang lungsod ng Baguio. Mayroong mga kainan tulad ng Hill Station, mayroon din nakakamanghang arkitektura tulad ng The Mansion o kaya naman ay pasyalan tulad ng Burnham Park, mayroon ding sagradong lugar tulad ng Baguio Cathedral, at bilihan ng mga subenir tulad ng Good Shepherd Convent.
Sa wakas, nakakapanghinayang talaga na hindi kami makalibot muli at mamasyal sa lungsod ng Baguio. Isa ito sa mga natatanging karanasan na hindi namin makakalimutan. Kung nagustuhan ninyo ang nakita at nabasa sa aming blog, subukan niyo ding puntahan ang mga napuntahan naming mga lugar at maranasan ang isang mahiwagang karanasan.
Mga Sanggunian:
https://primer.com.ph/food/location/philippines/baguio-northern-luzon/hill-station-2/
https://www.pinterest.ph/pin/461126449326908543/
1 note
·
View note