Tumgik
knock-the-door · 7 years
Text
About donating organs to other people
Naalala ko ang isang kapatid before na nagsabi na "masama daw ang magdonate ng organ sa ibang tao kahit kapamilya dahil paninira daw ito sa original creation ng Dios" Let me share my personal thoughts on this issue, since walang sinabi sa bible na masama o mabuti ito. Therefore I need to present a biblical and sound response. The first thing we have to understand is the motive. Bakit sya magdodonate Halimbawa Ng kanyang kidney? Kung ang reason nya ay para mabuhay pa ang kanyang mahal sa buhay...anong masama don? The last time I checked my Bible, hindi lang kidney ang inalay ni Hesus para mailigtas tayo, buong katawan nya inalay nya in order to save us. Second, remember kapag ang tao ay namamatay, lahat ng body parts nya ay nadidisolve pero sa huling araw lahat yan ay ibabalik at bubuhayin muli, Kung ibibigay ng isang tao ang kanyang organ para magligtas ng buhay ng iba...sa huling araw ibabalik din muli ito ng Dios, tayo ay may kumpletong katawan na papasok sa kaharian nya. 1Cor.13:3  If I give away everything I own, and if I give over my body in order to boast, but do not have love, I receive no benefit. If love is the reason why we do such sacrifice, wala akong makitang masama o mali. Third, paano nasabing sinisira ang creation ni God kung , magdodonate ka ng organ mo, e hindi naman sinira yung organ na idinonate mo lang...hindi ito katulad ng pagtatato, o panginom ng alak, o pag gawa ng mga bagay na nakakasira sa katawan. For me, personally, mababaw ang katwirang ganito.
0 notes
knock-the-door · 7 years
Text
About Iglesya ni Kristo's interpretation of John 1:1
ayon sa paliwanag ng mga INC sa salitang “THEOS” o Dios, “ginamit” daw itong “pang-uri” o “adjective” at hindi “noun”
hinati-hati nila ang John 1:1 sa tatlong sugnay at pinaliwanag ng hiwa-hiwalay.
ito ang sinabi nila bilang suporta.
ginamit nila ang Luke 1:27 bilang bigyan paliwanag ang sinabi ni Juan sa John 1:1, na ang salita ng DIos daw ay makapangyarihan, kaya ginamit ang THEOS bilang pang-uri.
itong ganitong klase ng paliwanag ay mababaw at mali.
una, hindi natin pwedeng hati-hatiin ang talata sa tatlo at ipaliwanag ng hiwa-hiwalay..dapat kunin ang paliwanag sa kabuuan ng talata bilang isang buong konteksto.
pangalawa, ang salitang “salita” na ginamit sa tagalog version ng kanilang Bible ay “rhema” ang Greek word at hindi po LOGOS. so by context magkaibang salita po ito at hindi pareho, at hindi po tayo pwedeng tumalon sa ibang talata na hindi natin nauunawaan ng tama ang konsteksto ng subject nating talata….hindi pwedeng ipaliwanag ni Lukas ang pinupunto ni John lalo nat magkaiba sila ng tinutukoy.
sa Lukas 1:27, sinabi ni Anghel na “walang imposible sa Dios” meaning walang salita o sinabi ang Dios na hindi matutupad dahil walang imposible sa kanya…dahil nag aalinlangan si Maria na magdadalang tao sya na walang lalaking sumisiping sa kanya..yan ang context sa sulat ni Lukas, malayo ito sa sulat ni Juan sa John 1:1
sa sulat ni Juan, tumutukoy ito sa kung ano si Kristo sa pasimula.
dapat natin itong maunawaan ng tama ayon sa original greek text.
en arche en ho logos,kai ho logos en pros ton theon, kai theos en ho logos
ang “rhema” ay tumutukoy sa audible voice o mga salitang sinasalita ng bibig, speech ng Dios o sinasabi ng Dios, ang LOGOS ay tumutukoy naman sa mental faculty ng Dios, LOGOS ay patungkol sa iniisip o plano ng Dios.
pansinin.
ang subject sa talata ay ang logos, “ho logos” (the Word) meron itong pantukoy, o definite article na “ho” (the) yan ang unang phrase, sa pangalawang phrase “kai ho logos en pros ton theon” (and the Word was with God) ang plano ng Dios ay sumasa sa Dios, meaning ang plano ay something na nasa Dios at hindi kasama ng Dios (gaya ng unawa ng mga trinitarian) sa puntong ito wala akong tutol na si Kristo ang plano gaya ng paliwanag ng mga INC, yet dapat makita sa pangatlong phrase o sugnay ang connection ng dalawang naunang sugnay. kung ang plano (LOGOS) ay si Kristo, anong connection ng ikatlong sugnay kung ang LOGOS sa pangatlong sugnay ay nagbago ng kahulugan?naging rhema na…dahil pinag isa ng INC ang salitang “salita” sa Luke 1:37 at John 1:1 na magkaiba ng kahulugan at ibig sabihin.
ang LOGOS ay masculine noun, at hindi adjective, ang sinasabi ng INC ang LOGOS daw ay “ginamit” na adjective, hindi ako tutol na ang isang “noun” ay pwedeng “gamiting” adjective, pero hindi pugkit ginamit itong adjective ay magiging adjective na ang mismong salita. so ito ang dapat nila bigyang liwanag..ginamit ba na adjective ang noun na THEOS o ang THEOS ay adjective?
ano ang tamang unawa sa pangatlong phrase?
kai theos en ho logos
ang LOGOS ay definite, at ang salitang THEOS ay magiging definite din kahit na wala itong “definite article” bakit????
kasi ang THEOS ay ginamit bilang predicate noun ng main subject na HO LOGOS, ang LOGOS ang definite, kaya ang predicate noun na THEOS ay anarthrous ibig sabihin walang article kasi hindi naman ang THEOS ang main subject kundi ang LOGOS. ang LOGOS ay hindi makapangyarihan kaya tinawag na Dios kundi ang LOGOS ay Dios.
ang gusto palabasin ng INC eh pagiging makapangyarihan ng LOGOS kaya tinawag na Dios, at hindi yung pinupunto mismo ni John na ang LOGOS ay DIOS meaning gusto nila pasunurin ang talata sa gusto nilang unawa. tama sabihin na ang THEOS ay hindi tumutukoy sa persona ng LOGOS, pero ang LOGOS mismo ay ang persona dahil nga sa definite article na “HO” (THE) at ang LOGOS ay DIOS, na syang nagkatawang tao.
TAB
John 1:1 Nang pasimula siya (Kristo) ang (definite article) ang Verbo.
kung ang salitang LOGOS ay hindi persona, bakit sinabi na SYA ANG VERBO?
at ang VERBO ay DIOS.
at ang VERBO (na Dios) ay nagkatawang tao (v14)
sa makatuwid nga si Kristo ay Dios. NOT UNLESS may kilalang “being” ang mga INC na merong kalikasang Dios na tinatawag na Verbo o Logos…
sa Bible kasi isa lang ang Dios ang Ama, sa makatuwid, walang “being” na merong kalikasan na gaya nya kundi Sya lang, kung si Kristo, bilang Verbo o Logos sa pasimula “ay DIos” napakadaling unawain na si Kristo sa pasimula ay ang Ama.otherwise, ibang Dios ang Logos kay Ama,which is contradiction na sa katuruan ng Biblia.
in short, ang LOGOS ay ang Dios mismo, co-relating His eternal plan to his very self.
malinaw ang nakasulat pilit na pinipilipit ng mga INC para lang tumugma sa kanilang ideolohiya.
0 notes
knock-the-door · 7 years
Text
About Hebrews 7:12
Sis. Mirriam Pakkal asked:
Kasi may katanungan ako dito.sa verse 5 dba nung pinili ng Panginoon ang mga anak ni Levi para sa office of priesthood,napasa ilalim po nito ang utos na pag iikapu.meaNing ang pagiikapu ay under sya ng levitical priesthood.tama po ba?
Sa verse 12 kailangang palitan ang priesthood kaya kailangan na ring palitan ang batas.anong batas po ba yung tinutukoy?kasi sa pagkaunawa ko ay yung batas ng pagiikapu.pero ang sabi ng iba ay wala raw kaugnayan sa ikapu ang tinutukoy nito.
Ganito po ang naiisip ko: Kung ang levitical priesthood ay pinalitan na,bakit ang batas ng pagiikapu ay itinuturo pa rin ng karamihang grupo sa panahon natin ngayon?
Answer:
Ang mga levites ang may utos na tumanggap ng ikapu (v5)
From verse 1-10 pinapakita dito ang superiority ng priesthood ni Melchisedec, kahit na yung may authority tumanggap ng ikapu na mga levites ay nagbayad ng ikapu “through” Abraham (v9-10) kay Mechisedec na hindi galing sa lahi ni Levi.
Meaning, mas superior ang priesthood ni Melchisedec sa Levitical priesthood (v7) na nagbless kay Abraham.
Tandaan lang, na hindi pinopoint out dito ang ikapu kundi yung priesthood. But yes, yung pagiikapu ay connected sa Law dahil ang Levitical priesthood ay direct linked sa Law, at ang utos ng pagiikapu ay nasa law….kaya tama ka sa sinabi mo sa unang stanza (Deu.26)
Sa pangalawang stanza sis tanong mo…anong batas ba ang tinutukoy na pinalitan o papalitan ayon sa v12? Sabi mo ang tinutukoy ay batas ng pagiikapu, ang tamang sagot ay kasama ang ikapu sa Law na sinasabi…hindi ikapu lang.kundi ang kabuuan ng buong kautusan, testament o covenant kung tawagin sa ibang tema.(Heb.7:22,8:7) may kaugnayan ang priesthood sa ikapu, kung tinanggal ang priesthood automatic tinanggal din ang kautusan ng pagtanggap ng ikapu dahil sila lang ang may utos na ganun….
Sa 3rd stanza, tama pinalitan na ang levitical priesthood at dapat na hindi na ituro na obligatory o utos pa din ang pagiikapu hanggang ngayon lalo na sa Iglesya ng Dios…pero sa tanong mo na “bakit itinuturo pa din ito na obligatory daw o utos” personal kong sagot dyan eh…pera lang ang reason…
0 notes