kouichigarcia13-blog
kouichigarcia13-blog
Untitled
12 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Text
“Pagkakapantay-pantay ng Kasarian”
       Ano nga ba ang kasarian? Ito ang pagganap ng isang tao sa lipunan ukol sa pananaw ng kannyang sarili. Ang kasarian ay may klasipikasyon na anim. Ito ay ang lalaki, babae, tomboy, bakla, bisexual, transgender, at ,mayroon pa palang tinatawag na pansexual na may atraksyon sa lahat ng kasarian. Sa bawat kasarian ay may kaakibat dapat na karapatan subalit ang pagrespeto sa bawat kasarian ba ay umiiral pa rin?
      Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay mahalaga sapagkat dito nagkakaroon ng pagkakaisa at kalayaan ng bawat kasarian. Marami nang kaso ng panghuhusga, pang-aabuso, isyu sa kasarian. Marami nang nagmamaliit ng kakayanan dahil nagiging isyu ang kasarian kaya hindi tuloy naipapakita ang galing. Ang isang halimbawa nito ay ang hindi pagtanggap sa trabaho dahil lamang sa kasarian o kaya naman pang-aasar sa isang kasarian hanggang sa maging isyu ito. Ang sinasabi nilang “Stigma” ay ang dahilan para mawalan ng boses ang kasarian partikular sa mga LGBT.
      Ang kasarian ngayon ay nagiging isyu kahit hindi naman talaga. Itrato natin ang bawat kasarian na isang normal na bagay at hindi dapat magbabago ang pananaw mo para doon. Ang iba kasi sa atin ay sa tingin ang normal lang na kasarian ay babae at lalaki, hindi nila tinuturing na normal ang mga LGBT dahil para sa kanila ito ay hindi isang normal na kasarian at hindi nila tinatanggap sa lipunan. Nillikha tayo ng Diyos para tayo ay magkabuklod-buklod at hindi hiwa-hiwalay dahil lamang sa kasarian. Lahat tayo ay may kahinaan at kalakasan kaya huwag manghusga ng kapwa at ipakita ang galing na tayo ay isang marangal na tao na may paninindigan sa Diyos.
@talinghagangbuhay
0 notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Text
naniniwala akong tayong lahat ay may kakayahang mamuno sapagkat ito’y binigay na talento ng Diyos sa atin, kaso ang iba ay hindi pa ito nalilinang o napapansin. maaring ang iba’y napapalitan ng pagiging sakim kaysa sa kapakanan ng iba. kung namumuno nga subalit  sila naman ay sakim ay masasabi kong hindi sila totoo sa pamumuno sapagkat ang tunay na pamumuno ay dapat may pakialam sa kapakanan ng iba. maaari naman talaga tayong mamuno sa ibang paraan, halimbawa ang pagiging isang taong bukas ang kamalayan at inuuna ang iba ang masasabi kong dapat tularan at sundin.
Tayong lahat ay may kakayahang mamuno
“Ang pagiging isang pinuno ay malaking responsibilidad kaakibat nito ang ilang pagsasakripsyo para sa nasasakupan”
107 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Quote
Iba’t iba man ang paniniwala sa ating bansa, tayo pa rin ay pinagbuklod ng iisang adhika.
(via talinghagangbuhay)
Ito'y medyo aking sinasang-ayunan sapagkat makikita naman sa bawat paaralan na walang klase sa tuwing may espesyal na pagdiriwang ang mga muslim, ito'y sumisimbolo sa pagbibigay respeto sa kanilang relihiyon. Sana lang din ay respetuhin ang ating relihiyon. Wala na sanang diskriminasyon para doon.
111 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Photo
Ito'y maaaring maging totoo kung ang tao'y hindi magiging maagap o alerto sa kanyang kapaligiran.ito pa rin talaga ay nakadepende sa isang tao.
Tumblr media
“Trahedya sa bansa’y di mapipigilan”
109 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Text
ito’y sinasang-ayunan ko dahil noong unang panahon ay ito’y ginamit na bilang paraan upang maipahayag sa mga pilipino ang mga mapang-abusong gawain ng mga kastila sa pilipino, nang malaman ay ito’y nagpainit talaga ng dugo ng mga kastila at pinarusahan ang mga nasa likod nito.
Pluma
“Ang panulat ay nagsisilbing hudyat ng Himagsikan”
102 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Text
Sinasang-ayunan ko ito sapagkat may katiwalian nga rin ang mga pulitiko. Ang ibang hudisyal ay binabayaran lamang para maipanalo ang kaso. Sa kapulisan, may mga bali-balitang pinapatay na lamang nila ang kriminal na iyon na sangkot sa droga upang hindi na idaan sa korte. Ang masasabi ko lang ay nakadepende pa rin talaga sa tao ang kanyang ugali. Walang anumang trabaho ang makakapagpabago sa kanyang ugali
Tumblr media
“Di lahat ng taong lumalaban sa kriminalidad ay masasabing tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin”
121 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Quote
Ang bawat umagang nagdaraan ay simbolo ng magandang kinabukasan". Ang ibig sabihin mito para sa akin ay may pag-asa para sa magandang kinabukasan. Dapat tayong magsikap sa buhay upang tayo'y may magandang kimabukasan. Halimbawa kapag ikaw ay nag-aral ng mabuti ay malaki ang tsansang ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay, kapag hindi naman ito ay liliit.
talinghagangbuhay (via talinghagangbuhay)
132 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Quote
"Ang bawat umagang nagdaraan ay simbolo ng magandang kinabukasan." Ang ibig sabihin nito para sa akin ay may pag-asa para sa magandang kinabukasan. Dapat tayong magsikap sa buhay upang tayo'y may magandang kinabukasan.
talinghagangbuhay (via talinghagangbuhay)
132 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Quote
Ang bawat umagang nagdaraan ay simbolo ng magandang kinabukasan
talinghagangbuhay (via talinghagangbuhay)
132 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Text
Ang wikang pambansa ay dapat nating ipagmalaki at pagyamanin sapagkat ito ang kukumpleto upang tayo'y maging isang tunay na Pilipino. Ito'y nagsislbing komunikasyon para sa atin para tayo'y may pagkakaisa. Wala tayong karapatan na ikahiya ang ating wika dahil ito ang wika na ating kinagisnan na dapat talaga nating ipagmalaki.
“Wikang Pambansa  IPAGMALAKI at PAGYAMANIN”
-”Di lahat nang gumagamit ng banyagang mga salita ay masasabing matatas na sa sarili niyang wika”
139 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Text
“Wikang Pambansa  IPAGMALAKI at PAGYAMANIN”
-”Di lahat nang gumagamit ng banyagang mga salita ay masasabing matatas na sa sarili niyang wika”
139 notes · View notes
kouichigarcia13-blog · 9 years ago
Photo
Ang buhay ay parang ipo-ipo, mabilis na lumilipas nang hindi mamamalayan ng tao kaagad-agad. Sa isang iglap ay mabilis siyang maninira nang maraming buhay. Parang sa buhay lang din iyan. Halimbawa kapag ikaw ay gasta ng gasta ng pera ay ito rin ay mabilis na mawawala, na nag-iiwan ng malaking pinsala sa isang tao. Kapag ika'y Bisyo ng bisyo ay malaking pinsala ang posibleng mangyari sa iyo . ang buhay ay mabilis lamang na lumilipas kaya gawin lamang itong makabuluhan.
Tumblr media
“Ang pagmamahal mo’y tulad ng isang ipo-ipo bilang naglalaho”
135 notes · View notes