Mark, 29. Loves cars, books, and gadgets. Still (trying to) move forward.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
did a redraw while waiting for S5E1 to drop!
november 2022 vs october 2021. top image is 2022
1K notes
·
View notes
Photo

Overdrive turned 10 today!
5 notes
·
View notes
Text
Paglisan
Ngayon siguro yung unang beses na mago-open up ako sa blog na ito mula nang i-edit ko ang description nito sa pagiging "personal space of Mark Ungson." Siguro, ngayon ko lang gagawin to kasi wala naman akong ibang makausap tungkol dito lalo na't bakasyon at wala talaga akong mapagsasabihan nito kundi dito lang.
Noong April 2, bumalik si dad sa Manila kasama yung kapatid ko dahil kailangan na niyang mag-confirm ng enrollment sa papasukang unibersidad, Noong April 2 ang muli naming pagkikita mula nung Christmas Vacation kami sa Davao hanggang January. Noong April 2 lang muli lumapag sa Manila si dad pagkatapos ng halos dalawang taon. Ngayon, labindalawang araw pagkatapos, aalis na uli siya pabalik ng Davao.
Aaminin ko na na-awkwardan din ako noong una sa set-up na sama-sama kami sa iisang bubong. Sa halos dalawang taon kasi na kami lang ni mama e nasanay na rin ako. Naging masaya na ako at tanggap ko naman na may mga naghihiwalay na di mo na rin pilit na pinagsasasama (kajhit na halos makipagpatayan na ako noon para lang masalba ang pamilyang noo'y parang isang bulate na lang ang di pumipirma para tuluyang masira). Sa loob ng halos dalawang taon na yun e mas tumindi ang closeness namin ni mama (Mas malapit ako kay dad noon). Pero ngayong magco-college na yung kapatid ko, kinailangan nilang bumalik. Kasabay ng pagbabalik ni dad ang pagbabalik ng takot na mabalikan at mabuksan muli ang mga lumang sugat na aamin kong nasa proseso pa rin ng paghilom.
Sinabi ko mang naging masaya ako kahit na di kumpleto ang aming pamilya sa nakaraang dalawang taon ay nakararamdam din ako ng lungkot tulad noong graduation ko na inexpect ko din kahit papaano na kumpleto kami noong araw na yun. Pero unfair naman kung lungkot ko lang yung ilalagay ko lalo na't ganito rin ang nararamdaman ng mga kapatid kong mas bata sa akin (na kahit may father figure e di maranasan ang direktang pagmamahal ni mama na nararanasan ko).
Akala ko ok lang na aalis uli si dad. Tutal, nairaos ko ang huling dalawang taon ko sa kolehiyo na may mas matataas na grade kahit na di hamak na mas demanding at may org pa ko nun. Pero iba pa din palang nandito siya for 12 days. Kahit na medyo paulit-ulit na yung mga kwento niya (dala siguro ng katandaan haha), siya pa rin lang yung kausap ko tungkol sa mga sasakyan. Hindi naman sa ayaw ko sa usapang local showbiz at teleserye ni mama :)) Isa pa, hinatid pa ko ni dad sa una kong job interview para lang makasiguradong hindi talaga ako maliligaw (Quezon City yun eh, di ko gamay yung lugar haha).
Namiss ko yung bonding namin ni dad at mami-miss ko yun ngayong umalis na nga siya (Whoa, ang bagal kong magtype ng entry!). Hanggang sa muling pagkikita, dad.
2 notes
·
View notes
Text
Pagwawakas, pagsisimula, pasasalamat
Kahapon (Huwebes) ko sana ito ilalagay kaso tulad ng kadalasan kong idinadahilan, tinamad ako. Ngayon, ito na talaga. This is it. Wala nang urungan, wala nang atrasan.
Sa totoo lang, wala akong masyadong naramdaman noong natapos ang graduation ceremonies kanina. Nakita ko na yung episode nito ng buhay ko na bubuhos ang aking mga luha (Note: Mahirap akong paiyakin. Mabagal luha ko. Pramis.) dahil sa nagbabadyang pagwawakas pero ewan ba. Manhid ba ako at medyo nakulangan ako sa feels? Hindi naman sa hindi ako masaya. Ilagay na lang natin ang damdaming naramdaman ko sa pagkaka-describe ni Hugh Grant sa first kiss nila ni Julia Roberts sa "Notting Hill:" "Surreal but nice."
Siguro hindi ako maluha kasi hindi naman magwawakas ang lahat dito. Siguro ganito ang pakiramdam dahil hindi naman talaga ako lilisan at mang-iiwan. At gusto kong magpasalamat dahil ganito ang nararamdaman ko.
Ang apat na taon ko sa kolehiyo ay nagpakilala sa akin sa mga taong alam kong hindi ako ihu-Who You? pagkatapos ng ilang buwan dahil naging masaya't-makabuluhan ang aming mga pagsasama. Ang apat na taon ko sa kolehiyo ay nagbukas ng aking kamalayan na kaya kong kumawala sa aking comfort zone at sumubok ng mga bagong bagay. Ang apat na taon na yun, bukod sa naging pinakamahirap, ay ang pinaka-exciting at pinakamasayang yugto ng buhay ko (so far).
Sa lahat: kay Lord, sa aking pamilya, mga kaibigan, mga kasama sa JRN2, mga kaibigan sa JRN1, mga kapamilya sa Flame, sa UST, maraming maraming salamat. Sabi ni Luis Cernuda sa tula niyang "Buhay" na nasa "Berso sa Metro":
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito kung di kita kilala, di sana ako nabuhay kung ako'y mamamatay nang di kita nakilala, hindi ako mamamatay, dahil hindi ako nabuhay.
0 notes
Photo
My "Bond car."

Starring: Jaguar F-Type (by Alexandre Prévot)
105 notes
·
View notes
Text
Thoughts in my head: May magbabasa ba nito, may katuturan ba pinagsasabi ko, atbp.
Ang dami ko sanang gustong ikwento dito. Ang dami. Sobra. Medyo naging interesante ang mga nangyayari sa akin nung mga nakaraang linggo kaya naman, sa biyahe pa lang pauwi eh nag-iisip na ako ng paraan kung paano ko maibabahagi ang magagandang karanasan (na minsan ay wala sa pangkaraniwan, o hindi kasama sa routine ko) kaso lang pag-click ng Tumblr button sa Shortcuts bar at pagpindot sa Text icon e napapaurong na ako. Ano pa nga ba ang silbi ng paglalagay ko ng laman dito? Bukod sa wala naman yatang nagbabasa (na di ko naman masyadong concern, ano ba ang katuturan ng paglalagay ko ng isang random post?). Minsan, sayang lang energy.
Well, ginawa ko lang itong post na 'to para paalahanan ako na dapat damihan ko ung content ng blog ko. Na-realize ko lang na personal space ko naman ito. Pwede naman akong maglagay ng kung anu-ano. At pwede kong damihan. At baka sa ganung paraan, baka magka-sense ang mga sinasabi ko. At bakit ko ginagamit ang 'at' sa pagsisimula ng mga pangungusap ko? Hindi grammatically correct. HAHAHA.
0 notes
Text
#OJTBlues Week 8 and Beyond: The Final Stretch Part 2
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Did you miss me? O eto, back from the grave na naman ako at aaminin ko na bukod sa sobrang busy talaga ako lately e sobrang tamad talaga akong ipagpatuloy ang entry na ito. Pero ang pangako ay pangako. Nagagalit talaga ako pag napapako ang mga pangako eh. Kung nagalit ka mahal na mambabasa (Talagang nasa ilusyon pa ako na may nagbabasa nito HAHAHA!), paumanhin. Ito na ang Part 2 ng #OJTBluesFinale ko. Ang totoo, summary na lang ilalagay ko dito dahil gumawa ako ng detalyadong version two days ago kaso biglang nagloko ang Tumblr at hindi na-save. Gusto ko na lang matapos to. Wag mag-alala, may Bonus Features to para naman ma-compensate ang pagkukulang at pagkabitin. DVD naks!
DAY THIRTY (May 21, Tuesday)
Ang opisyal na huling araw ng aking OJT.
Highlights:
a. 60 Minutes with Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte
b. Coffee and Saints interview with free snacks! Perks!
c. Closing. YEY!
Dahil nasanay na akong nagpupuyat (Iyan ang nagagawa ng tatlong taong pag-aaral sa kolehiyo), madaling-araw na naman ako natulog. Ang resulta, late na ako nagising. Naka-schedule ang aking “60 Minutes” ng alas-onse kaso alas-diyes nasa bahay pa ako. Kinakabahan na ako habang hinahanda ang aking sarili. Last day ko na ito. Dapat smooth-sailing na. Ang problema, e mukhang hindi ako papayagang maging payapa ang last day ko. Kahit nasa Makati kasi ang venue ng gagawing interview, hindi ako masyadong pamilyar sa lugar kaya medyo nawala pa ako (Mahirap maging peryodista kapag walang sense of direction) at dahil diyan, dumating ako 40-minutes late na.
Mabuti na lang at mabait si Ma’am at sinabi niyang ok lang na hindi ko na naumpisahan ang interview (Ipinapangako ko na huling beses ko nang mala-late sa mga importanteng lakad tulad nito dahil hindi ako makatatagal sa propesyong gusto kong pasukin kung hindi ako magtitino sa oras). Ang trabaho ko naman talaga ay i-transcribe ko ang panayam (na umabot ng mahigit isang oras). Tinanong ako kung may mga questions ba ako para kay Villafuerte at ipinakita ko ang mga isinulat ko sa aking notebook. Yup, nagresearch naman ako kahit papaano. Ang problema lang e, naitanong na pala lahat. Oh well! Late ka kasi Mark. Tsk tsk.
Noong matapos ang interview, diretso kami sa Walter Mart para mag-lunch. Niyaya na rin ako ni Ma’am na samahan siya sa isa pang interview sa Coffee and Saints café na katabi ng Don Bosco Church. Sinabi niya sa akin na diretso din naman siyang office pagkatapos nito at wala naman akong gagawin kaya pumayag ako. Experience din ito saka first time ko marinig ang nasabing coffee shop, na-curious din ako. Dahil di pamilyar ang coffee shop, medyo natagalan kami bago ito nakita. Natutuwa naman ako na habang hinahanap namin ang nasabing café ay nagbahagi si ma’am ng kanyang mga karanasan sa propesyon pati na rin sa kanyang OJT. Bibihira lang ang mga ganitong pagkakataon kaya lubos akong nagpapasalamat sa oportunidad na iyon.
Mga ala-dos ng hapon ng maumpisahan ang interview sa parish priest ng simbahan na siya ring namamahala sa coffee shop. Nakausap din namin ang isa sa mga iskolar ng simbahan na nagtatrabaho doon. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa Manila Bulletin para i-layout na ang Divi story namin (Yung tungkol sa mga school supplies) na ilalabas sa Huwebes.
Stress ang pag-layout. Mula nang magpresenta ako at ang aking OJT-buddy, pinaalalahan na kami na mag-sketch ng layout draft kaso hindi ko pa magawa noon dahil hindi pa na-edit ang article at mahirap i-visualize ang finished product kung wala pa yung final article. Pero talagang mas nagiging mautak ang tao kapag nasa ilalim ng stress. Na-drawing namin in less than 15 minutes ang draft na more or less magiging anyo ng published work. Ang masaya dito ay binigyan kami ng creative liberty sa layouting dahil trabaho naman daw namin yun at ang dapat kalabasan ay kung ano talaga ang vision namin.
Ang haba ng proseso. Bukod sa medyo nahuli rin ang mga table ng price-list na crucial sa aming article ay nagkaproblema din kami sa mga pictures. Idagdag pa dito ang medyo mabagal na layout artist. Mabuti na lang at naging maganda ang teamwork ng aming grupo kahit na dalawa lang kami sa opisina. Thank you lalo na kina Rhea at Wrenz na tumatawag, nagtetext at nag-email pa ng mga kinakailangan namin. Mga 11 p.m. na nang maayos ang storya, di pa kami nagdi-dinner ni Dada noon. Natapos ang trabaho ng mga 1:30 ng umaga. Dahil hindi na magandang umuwi ng oras na iyon, napagdesisyunan namin na mamalagi na lang sa opisina pero bago iyon, kumain muna kami ng dinner sa McDo.
At matagal-tagal din kaming nagkwentuhan sa McDo. Chill-chill na lang dahil huling araw na namin ito parehas. Dalawang buwan din kaming magkasama sa OJT at naging close na rin naman kami. Ito talaga yung gusto ko sa OJT. Kung hindi kasi nangyari ito, hindi ko pa makikilala yung mga nasa kabilang block. All this time, ang alam ko lang e may isa pang section na Journalism at nasasayangan ako na ngayon ko lang sila nakikilala.
DAYS THIRTY-ONE AND THIRTY-TWO (May 22-May 23, Wednesday and Thursday)
Hindi pa pala officially tapos ang OJT ko. May transcript pa pala akong kailangang i-submit by 7 p.m. Hala! Mga 8 a.m. na ako nakauwi at natulog muna ako. Gising ako ng mga alas-tres at doon ko na nawari na imposible na umabot sa deadline. Ilang beses na talaga akong bumabali sa oras at kung di mabait ang mentor ko at kung empleyado na talaga ako ay sisante na ako.
Walang tulugan na naman ako. Ang haba ng interview at medyo mahina rin ang aking pandinig kaya naman natagalan ako sa pag-transcribe. Dahil late na rin naman ako, binuhos ko na lahat ng effort ko. Lahat ng detalye, nilagay ko na. Pati ata ung tawa ni Villafuerte, na-describe ko na hahaha. Natapos na ako ng 12nn kinabukasan. Pramis, di ako natulog bago ko matapos ang nasabing transcription.
DAY THIRTY-THREE (May 24, Friday)
Hindi na dapat ito kasama sa aking journal dahil inilaan ko ito para sa aming thesis na isusumite sa 27. May lakad kami ng aking thesis mates na sina Ciel at Chin (Hi!) sa isang coffee shop sa Maynila. Nagulat na lang ako na habang nag-uusap kami ay bigla akong tinawagan ni Rhea at nagkaproblema daw sa article namin. Nagrereklamo daw ang SM dahil lumabas na talagang mas mahal ang kanilang supplies kaysa Divisoria. Hindi rin daw kami nagpaalam na gagawan namin ng article ang mga supplies na kanilang binebenta. Medyo natakot ako dahil baka makasuhan kami o ano pero OA lang talaga ako minsan.
DAY THIRTY-FOUR (May 30, Thursday)
Anim na araw matapos ang tawag na lubos kong kinatakutan, na-submit ko din ang Microsoft Innovate For Good article ko. Medyo natagalan ang aking pagpasa dahil dumating ang thesis. Bukod dun, medyo nagpahinga din ako dahil malapit na rin matapos ang summer.
Dahil tapos na ang obligasyon ko sa OJT, inihanda ko na yung essay na ni-request nila ma’am para makita daw nila kung may natutunan ako o hindi. Madami akong natutunan at nagpapasalamat ako at dahil dito, napahaba ang essay. Diretso ako ng opisina para mapa-pirmahan ko na yung evaluation ko kaso noong pumunta ako ay wala si ma’am. Sayang.
The good part. Binigyan ako ni Sir Ron, na in-charge sa Book Reviews ng SCU, ng kopya ng “Manuscript Found in Accra” ni Paulo Coelho. Pinitch ko kasi na gawan ito ng review at hindi ko naman inasahan na matutuloy ko talaga ito. Ang saya-saya ko kasi libre yung libro provided na mai-submit ko ang review sa June 11.
Akala niyo tapos na. Hindi pa…
As promised, ito na ang Bonus Features ng huling entry ko para sa OJT. Naging active naman uli ang Tumblr ko dahil kinailangan kong magsulat tungkol sa aking internship at sana naman ay makahanap ako ng panahon para mapanatili itong aktibo upang maibahagi ang ibang karanasan sa buhay (kahit na alam kong wala naman talagang bumabasa nito HAHAHA)
Bumalik ako ng Manila Bulletin noong June 4 para asikasuhin ang notary na binigay pa noong Abril. Late na talaga, alam ko. Ichineck ko din ang cubicle ng SCU para makita kung andun si ma’am pero wala pa din.
Anong nangyari sa book review?
Ayun, mula na pumasok ang Hunyo ay hindi na rin ako nakapagpahinga. Mahirap mag-juggle ng priorities. May acads, may Flame, may pending OJT book review article pa! Ang book review na ito ang dahilan kung bakit natagalan din akong bumalik sa opisina. Nahihiya kasi ako. Natapos ko ang libro a day before submission at dahil ngarag sa pag-edit ng articles at readings, di ko rin nagawa. Na-submit ko ang review bago matapos ang June pero pinabalik ito sa akin para pahabain ng hanggang at least 500 words. Mahigit 300 lang kasi yung binigay ko. Ang 518-word review ay nabigay ko noong July 23 lamang at na-publish naman noong 27. Nagpapasalamat ako na naprint pa yung review at wala naman masyadong edit. Humihingi naman ako ng paumanhin kay Sir Ron dahil natagalan ng sobra-sobra ang review.
Ngayong linggo lang uli ako nakabalik sa opisina. August 5, Lunes ay pumunta ako sa SCU para ibigay ang aking evaluation. Noong araw lang na yun nang malaman ko na published ang book review ko habang ung dalawa pa (MakatiMed College at Innovate For Good ay hindi pa). Martes, inasikaso ko naman ung certificate ko na nakuha ko noong Miyerkules. Noong Huwebes, kukunin ko sana yung evaluation ko kaso nagpunta naman kami ni Dada sa Greenhills para katagpuin si Sir Wacqs. Salamat sa libre, sir!
Submission na ng requirements bukas pero di ko pa hawak ang evaluation ko kay Ma’am Rachel. Kailangan ko pa siyang kausapin bukas. Sana maging ok lang ang lahat.
Over and out.
0 notes
Text
#OJTBlues Week 7 (May 13-18) : The Final Stretch Part 1
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Matagal-tagal din mula nung huli akong nagpost. Nitong mga nakaraang araw kasi e talagang napagod ako. Paano ba naman pinagsabay-sabay ang OJT, thesis at Flame? Minsan naiisip ko kung nagagamit lang yung multiplying technique ni Naruto (Kangkengbungshin ba yun? Haha) pero narealize kong inatake din ako ng matinding katamaran sa pag-update nito. Sabi nga nila, if there's a will, there's a way. Balik sa pagtatala ng OJT stuff. Dahil naipon na ang ipo-post ko, i-iisang bagsakan ko na lang ang linggong to (bago ko pa makalimutang tuluyan ang mga pangyayari) at gaya ng Harry Potter at Twilight Hunger Games, gagawan din ng Part 2 ang huling yugto ng aking OJT (Bigtime kunwari).
DAY TWENTY-SEVEN (May 13, Monday)
Ito ang first time na nasa labas ako ng bahay ng eleksyon. Kung dati-rati'y tatambay-tambay lang ako na nag-aabang sa bilangan (Pramis, ginagawa ko na to kahit noon pa man), hindi ko aakalaing tatambay pa rin ako ngayong nagco-cover na ako.
Kung maaalala niyo, naatasan akong mag-interview ng isang PWD (Person with Disability) election volunteer para sa election special ng aming section. Ito na nga, e di maaga akong lumakad (mga 7 a.m.) papunta sa Ramon Magsasaysay High School (RMHS) sa Maynila para maghanap ng nasabing volunteer. Dito kasi naka-assign ang co-trainee ko (bilang PPCRV student volunteer). Ang sistema, hahanapan niya ako dahil may access naman siya kaso paano ba naman makahahanap kung wala talaga. Hindi naman nagkulang ang kasama ko. Ang totoo niyan, malaki ang pasasalamat ko sa kanya (Hi Wrenz!) dahil tinulungan niya talaga ako. Noong wala na talaga sa venue, agad-agad naman niyang binigay yung contact ng PPCRV (Mga 12 nn na ito) na medyo matagal mag-reply na naintindihan ko naman. Naghintay din ako ng tatlong oras hanggang sa sinabi ng contact na ihahanap pa lang niya ako sa gabi. Ayos lang naman, iske-schedule ko na lang ung panayam kinabukasan. Umuwi na ko. Nga-nga! Hahaha. On the bright side, noong sinabi ko naman ito sa nag-assign sa akin e hindi naman siya na-disappoint. Naramdaman ko namang naintindihan niya ako kahit na sa text message lang.
Tinext ko uli yung contact ng mga 9 ng gabi para ma-confirm kung meron nga, wala daw talaga. Doble nga-nga! Ipinaalam ko na rin sa mentor ko na wala na talagang ipu-pusue. Nilabas ko na lang yung mga hinanakit ko kinabukasan noong nag-videoke kami ng mga kaibigan ko.
Ilang araw matapos ang eleksyon, sinabi na lang sa akin ng nag-assign sa akin na may nakuha daw ang Inquirer na PWD volunteer at sa malayong probinsya pa daw (Wala na akong magagawa dun haha)
DAY TWENTY-EIGHT (May 16, Thursday)
Bukod sa talagang Students and Campuses (SCU) meeting na tuwing alas-singko ng hapon, kinailangan pa naming mga intern na magkita ng mas maaga para sa aming "Back-to-School" article. Pinag-usapan na namin ang hatian ng responsibilidad para masabi na sa aming mentor. Nakatoka kami ni OJT-buddy Dada (Hi!) sa pagla-layout na gagawin sa 21st (Tuesday).
Katulad ng nakaraan kung saan akala ko hindi na-publish yung U.P. article ko, kinakabahan ako habang noong nasa mala-Antartica na kwarto na kami. Hindi ko na alam kung ano pa mangyayari sa akin. Buti na lang at wala namang masamang nangyari sa akin haha. Binigyan na lang ako ng cover ng Microsoft sa Makati ng Sabado (May 18). Nabigyang-linaw na rin kung kailan talaga yung tapos ko. Ang sabi sa akin, ung coverage na lang sa Sabado plus isang "60 Minutes" (ita-transcribe ko lang naman yung interview ng isang sikat na personalidad na ife-feature sa Sunday edition ng section) at isang closing (na gagawin ko naman kapag magla-layout sa Martes) na lang at ok na ko.
Woohoo! Bakasyon, here I come!
DAY TWENTY-NINE (May 18. Saturday)
Tinanghali naman ako ng gising para sa coverage ng araw na ito (dahil mga alas-tres na ata ako natulog). Mga 10 a.m. na ako nakabangon para sa isang event na gaganapin ng 12 n.n., maliligo pa ko (medyo matagal pa naman to haha). Ayun, traffic pa sa South Super Highway at tinatawagan na ako ng PR. Nakarating ako ng mga 12:20 sa pagaakalang late na late na ako. Yun pala, ala-una pa ang start. Win!
Tulad ng ibang sosyal na coverage, may press kit na may maraming freebies at free lunch (from Kenny Rogers pa) at free merienda. This is the life! Hahaha.
Blessed ako sa aking coverage dahil bukod sa mga nabanggit sa itaas, mabait at accomodating din yung PR. Siya na yung kumausap sa malalaking tao sa event para ma-interview ko (Thank you Sir!). Bukod pa dito, nakapagkwentuhan pa kami tungkol sa aming mga buhay-buhay. Marami akong natutunan na sa sobrang dami e hahaba lang ang post na ito kaya akin na lang yun. Hahaha.
Hindi ko na tinapos yung event tutal nakuha ko na lahat ng kailangan ko. Nilibot ko muna ang Glorietta para makahanap ng ipapasalubong kay Inay (na hindi ko nabigyan ng regalo noong Mothers' Day).
Maaga man nakauwi, desidido akong hindi gawin ang article ng gabing ito. Kailangan ko ng pahinga.
Part 2 coming tomorrow SOON na lang. Pero sana ma-post siya by tomorrow. Abangan!
0 notes
Note
mahirap po ba ang Journalism?
Hi. Pasensya na at late ang aking reply sa iyong tanong. Naitanong na ito sa akin kailan lang pero nagpapasalamat ako na may mga kagaya mong curious :)
Here we go.
Gaya ng dati kong sagot, subjective kasi ang hirap. May mga bagay na maaaring mahirap para sa akin na mani lang pala sa iyo. Kung ako ang tatanungin, nahirapan ako lalo na noong umpisa (sa totoo niyan, tuwing nag-uumpisa ang sem e nangangapa talaga ako). Sa umpisa kasi, palaging nandoon yung feeling na para bang wala kang natututunan pero natural lang naman yan, nagsi-sink in din ang lahat. Makakapag-adjust ka din.
Ngayon, para madali kang maka-adjust, dapat na gusto at mahal mo ang ginagawa mo. Incoming college freshman ka ba or graduating high school student? In any case, dapat desidido ka sa kursong pinili o pipiliin mo. Katulad ng sinabi ko sa kapatid kong graduating sa high school, pumili ka ng kursong nakikita mong magiging masaya ka pag nasa workplace ka na.
Hindi naman nagtatapos ang hirap pag nakapag-adjust ka na. At siguro yan na rin ang isa sa mga "thrill" ng buhay, may mga bagay na patuloy na susubok ng iyong kakayahan para lalo kang ma-improve. May mga projects na bibigay sa iyo na mapapaisip ka kung kakayanin mo. Darating ang OJT kung saan makwe-kwestyon mo talaga ang mga natutunan mo sa classroom.
Ang payo ko naman sa panahon ng pagdududa ay wag susuko. Natural lang yan. Bata pa tayo at may mga bagay na matututunan mo lang kapag naranasan mo na.
Kung Journalism man ang pinili o pipiliin mo, good luck! Malagpasan mo sana ang bawat deadline na darating sa iyo :)
0 notes
Text
#OJTBlues Days 25 and 26 (May 10-11): Shopping
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ok, madaling-araw na. Actually, ilang oras na lang at sisikat na muli ang araw pero hindi ko na ipagpapabukas ang post na ito dahil kakapal na naman ang backlog ng posts ko. At kung isasama ko yung pang-Lunes na entry dito para sa Monday/Tuesday posting, magiging disjointed na masyado ang mga isusulat ko (Tingin ko lang naman). Isang pag-amin: Photoblog sana ang gagawin ko para sa entry ko noong May 10 kaso hindi naman nakuhanan ng inyong lingkod ng litrato ang mga ilalagay sana sa post. Sayang, nakakatawa pa man din sana. Hindi ko na ilalagay na hindi muna i-italicize ang English words sa post dahil nagmamadali ako (Pero nilagay ko na rin, patunay na walang tunay na matino sa mga oras na ito).
DAY TWENTY-FIVE (May 10, Friday)
Matapos ang ilang araw ng pahinga (na-cancel ang meeting kinagabihan), back-to-work ako noong Biyernes para mag-canvass ng mga school supplies sa Divisoria at Recto kasama ang mga co-interns sa Students and Campuses (SCU) section ng Bulletin. Sa halos tatlong linggong pagsasama sa section, ngayon pa lang masusubukan ang aming chemistry. BIG WORD! Hahaha. Ang totoo naman kasi niyan, once-a-week lang kami magkita at iilang oras lang pero tulad ng sa police beat, karamihan naman sa mga kasama ko ay magkakaklase. Wala namang problema sa akin yung ganoong set-up dahil bukod sa lumalaki ang network ng aking mga kaibigan, madami rin akong natututunan.
Naging sistematiko ang halos buong araw naming pagiikot ang Divisoria. Bukod sa madaming nakabungad na stall na nagbebenta ng mga school supplies, sagana din ang mga nagbebenta ng mga bag at uniporme. Sa labas pa lang yan. Pumasok pa kami sa loob ng 168 Mall at ayun, madami din. Mabuti na lang hindi pa masyadong madami ang mga namimili kaya di masyadong hassle.
Maayos naman naming nagawa yung sa Divisoria kaso kinailangan pa naming pumunta sa Recto para mag-canvass ng mga libro naman. Dito na ako nagsimulang tumamlay. Bukod kasi sa mainit yung biyahe namin papuntang Recto, ang traffic pa. Nakaidlip nga ako ng dalawang beses pero imbes na magising ang diwa, lalo akong inantok. Medyo zombie lang ang dating ko nung first 30-minutes pagkababa ng jeep.
Malaki naman ang hirap namin nung nasa Recto na kami dahil bukod sa pagod na pagod na kami, nakakalula rin ang mga librong kukunan namin ng mga presyo. May brand-new, may second-hand. May mga lima mahigit na asignatura, ang bawat asignature may pitong klase ng mga libro. Kailangan pang tignan kung para sa anong "grade" ang mga libro. Noong ginagawa na namin to e medyo wala na ko sa wisyo kaya nakisabay na lang ako sa agos.
Mga 5 na kami nagsiuwi matapos mapagkasunduan ang arrangements para sa pag-canvass sa SM North kinabukasan. Naging ok naman ang biyahe ko pauwi kaso biglang bumuhos ang ulan noong nasa SM Bicutan na ako (Isang tricycle na lang, bahay na) tapos wala akong payong. Kinailangan kong sumugod sa ulan na pananggalang lang e ung shoulder bag ko. Laking gulat ko naman na shoe-deep na yung tubig sa kalye namin (na di karaniwang binabaha). Ok, konting push na lang kaya sinugod ko na. Ang resulta: SUPER WET LOOK.
Pagkatapos maglakad sa araw nung hapon, nagbabad naman sa ulan kinagabihan. Mabuti at hindi pa ako nagkasakit nito.
DAY TWENTY-SIX (May 11, Saturday)
Dahil sa 18 na ang submission ng storya namain dito, kinailangan na namin matapos agad ang legwork para masimulan na ang article. Kung kumpleto kaming anim kahapon, tatlo lang kaming lumakad sa SM North kahapon.
Nakalatag na ang game plan. Unahin ang National tapos punta sa Expressions tapos sa SM Department Store. Nakakatuwa naman na kahit tatlo lang kami ay natapos naman namin ung dapat naming gawin. Ang problema ko lang talaga e parang magsisikalas na ang tuhod at binti ko sa pag-ikot sa SM.
Nakaalis kami ng mga 4 pero past-6 na ako nakauwi dahil SOBRA ang traffic. Di ko mawari kung bakit (Sabado hello? O baka dahil sa Eleksyon to?), Needless to say, pagod talaga ako at natutulog na dapat ako...
0 notes
Text
#OJTBlues Day 24 (May 7, Tuesday): High Life
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Again, too late. Patunay na unti-unti na akong nawawalan ng mood gumawa nito, mabuti na lang malapit na matapos ang OJT ko. So here we go...
Most days of the year are unremarkable. They begin and they end with no lasting memories made in between. Most days have no impact on the course of a life. May 7th was a Tuesday.
Dahil hindi ko masimulan ng maayos to, kinailangan kong maghanap ng (500) Days of Summer reference para dito (Napanood ko for the nth time two days ago hahaha)
Seryoso, eto na. Pina-cover sa akin ang press briefing ng MakaMed College, school affiliate ng MakatiMed Hospital na naganap ng 10 a.m. Kinailangan kong pumunta sa lobby ng ospital ng mas maaga para makasabay sa shuttle (Chuchal! Haha) dahil baka maligaw ako, mahirap na.
Bukod sa shuttle, lalo kong napatunayan na sosyal (pero medyo low-profile) ang event ng pumasok ako sa building at bigyan ang mga miyembro ng press ng kits na may maraming freebies. May pica-pica sa tables (at iba-ibang klase pa) at may buffet table pa sa gilid. Matapos ang ilang linggo na medyo nganga sa pagkain at creature comforts (Police beat hi! I still miss you though :">), nandito na ko! Ito nga siguro ung maganda sa nangyayari sa OJT ko, nakakaranas ako ng iba't-ibang facets (BIG WORD!) ng pagiging peryodista.
Madami naman akong natutunan sa briefing na pinangunahan ng bagong tanghal na pangulo ng kolehiyo. Hindi naman kasi gaanong kilala ung school nila kahit na halos 40 years na silang nago-operate (low-profile nga). Natapos ang event ng 1 p.m. Natapos ko yung storya ng 9 p.m. (Too late, I know)
Ok, abang-abang na lang kung mapu-publish.
P.S. Surprise! Surprise! Na-publish pala ung iniyakan (halos) kong U.P. Commencement article. Yun nga lang, todo-katay. Hindi ko alam mararamdaman ko. Hahaha.
"Oh well, published pa rin naman." "Hindi eh, medyo malaki ung tinanggal sa storya e." "Ok lang yan, retained naman lahat ng sinabi ko." <---- O ayan, naglalaban na sila sa utak ko.
0 notes
Text
#OJTBlues Days 21-23 (May 2, 3 and 6): Halo-Halo
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. ANG LALIM NA NG BACKLOG GUYS (Feeling may readers na iba)! May nagbabasa ba ng mga kalokohan kong to bukod sa sarili ko? Hahaha. Plano ko sanang ihiwalay ung mga nangyari noong May 2 dahil turn-around point yun ng pago-OJT ko pero wala nang time. Dapat sana "Silver Linings" ang title ng post pero ang dami nang nangyari. Wag kayong mag-alala, generally positive ang post na ito.
DAY TWENTY-ONE (May 2, Thursday)
Ang bigat lang ng feeling ko noong gumising ako ng araw na ito. Yung tipong bigat na ayaw na bumangon. Natatakot kasi ako sa magaganap kinahapunan sa weekly meeting ng Students and Campuses (SCU) section. Di ako na-publish noong isang araw, paano na kaya ako? Yuyurakan na ba ako? Mawawalan na ba ako ng dignidad? Lahat yan tumatakbo sa utak ko. #MedyoMadrama
Ang clumsy ko ng araw na ito. Hahaba ng sobra-sobra kung ikwe-kwento ko pa lahat. In a word, Sabog ako hanggang 5 p.m. Sa sobrang sabog, nakagawa pa ako ng tula tungkol sa lalaking mag-isang binabagtas ang pader ng Intramuros sa paglubog ng araw (Tinext ko pa sa kaibigan ko pero na-delete ko na hahaha). Dala-dala ko ang pagkasabog hanggang sa opisinang mala-North Pole sa lamig. Ayun, nanginginig habang hinihintay ang mga panlalait na handa ko nang tanggapin (Potek, di ko nadala ung panlamig ko. How foolish of me?)
Handang-handa na ako sa dreaded moment nang dumating ang aming editor (around 5:30 na ito) pero iba sa inasahan ko ang nangyari. Sinabi niya sa akin na maayos naman ang storya ko at maihahabol na sana niya ung storya kung di lang masyadong late. Positive! Akala ko sasabihan na akong mag-writing workshop muna e hahaha. Bilang ok naman ang simula, tinanong ko na rin kung paano macre-credit yung oras ko. Sinabi ko kasi na 150 hours na lang ako at nakaka-118 na ako. Sinabi naman ni Ma'am na dalawang output na lang (Assigned to. Yung isa, tungkol sa PWD Election Volunteer, yung isa collaboration ng interns sa "Back-to-School" story ng section) at good to go na ako. Positive uli! Nabuhayan ako. Gumana uli ung mga reflexes ko. Nakangiti na uli ako at nakahinga ng maluwag. Vacation, here I come.
Dahil sa panibagong energy, medyo pa-bibo naman ako. Nang sabihin ng editor yung storya tungkol kay Kevin Villanueva, active na active naman ako sa pag-share ng kwento niya kaya pinapasama ako sa interview hapon kinabukasan (Dagdag obligasyon pero ok lang). Positive pa rin!
Ayun, napaka-refreshing ng araw na ito. Excited na ako matapos ang OJT! Weehee!
DAY TWENTY-TWO (May 3, Friday)
Sa paguudyok ng kaklase (Hi Jeff!) ng maging Election Volunteer (Apat na araw lang naman) para sa Inquirer (Salawahan lang? A Secret Affair ba? Hahaha), sumama ako kahit alam kong hindi ko magagampanan ang trabaho. Wala lang. Trip ko lang din pumunta sa Inquirer at umikot sa Makati (Pasyal-pasyal din pag may time).
Maaga ang call-time namin at kasama rin namin si Jude (Hi!). Dahil medyo expert ako sa Makati, ako yung mala-GPS nilang guide. Yun nga lang palpak din. Hahaha. Nagtaxi din kami papunta at hindi pa pala alam ni Manong Driver kung saan. Ok. Hula-hula na lang kung saan ang opisina nila. Thrill!
Maayos naman ang nangyari sa amin. Pinafill-up out kami ng forms (Medyo natagalan ako haha) at kinausap sa arrangements. Nanghihingi ng assurance ung HR na makakasama kami at doon ako medyo kinabahan. "Ayoko na. I did not sign-up for this," ang dialog ko sa sarili. Medyo mapangahas man ang inyong lingkod, medyo mahina naman ang kanyang paninindigan. Hahaha.
Pagkatapos nun, balik kaming Ayala para mamasyal. Enjoy-enjoy din. Maraming salamat nga pala kay Jude sa panlilibre ng macaroons. First time ko makakain ng pagkaing pang-mayaman na tulad nun. First time ko ding maging discerning (BIG WORD) food critic sa labas ng bahay!
Back to OJT, na-cancel ang interview dahil nagkaroon ng conflict sa schedule ng interviewee kaya chillax lang ako samantalang, tuloy pa rin ang commitments ng dalawang kasama ko. Binubuyo ko na nga na ipagpabukas na lang nila ang mga obligasyon nila (Lakas maka-B.I. Hahaha)
Hindi naman successful ang attempts ko na nagpapatunay na hindi talaga nananalo ang kasamaan (Agad-agad?! Haha) kaya naiwan akong mag-isa. Medyo Sad.
DAY TWENTY-THREE (May 6, Monday)
Wala mang OJT obligations ngayon, isasama ko na rin ang araw na ito na inilaan sa Flame dahil ito naman ang "trabaho" ko pagdating ng pasukan.
Hindi ko na pahahabain dahil may coverage pa mamaya pero naging masaya at makabuluhan ang araw na ito. Good luck sa future staffers!
P.S. Aasikasuhin ko talaga ung Memorandum of Agreement (MOA) ko ngayon pero nawalan na ng time. So next time na lang uli. Next time. Next time. Lagi na lang next time. Ganyan talaga pag tamad. Speaking of next time, wala pa pala akong journal. Oh well, next time na lang.
0 notes
Text
#OJTBlues Days 19 and 20 (April 30-May 1): The Dark Days
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ang haba na ng backlog ng posts ko at may kinalaman ang pamagat ng post kung bakit ngayon lang nilabas to. May dark secrets sa post na ito. Binabalaan ko na kayo. Hahaha.
DAY NINETEEN (APRIL 30, TUESDAY)
Maaga akong natulog kinagabihan dahil wala nga akong tulog nun. Grabe yung sakit ng ulo ko. Indescribable. O kung ide-describe ko man, parang dini-drill ung utak ko. Hindi talaga ako nag-schedule ng pagkakaabalahan ng araw na ito.
Pagkagising, bumangon agad ako at umalis ng bahay para bumili ng Manila Bulletin sa paniniwala't pananalig na lalabas ang aking pangalan sa byline. No luck ako sa paghahanap. Para nga akong ewan na kinakabahan at nae-excite. Tinext ko pa si Mama na bumili ng dyaryo at hanapin yung storya sa U.P. Commencement Exercises. Sabi niya bibili siya. Ako naman nag-abang at umasa. UMASA.
Nagtext si ma at litrato lang ang lumabas. Araaay! Ang sakit! Sinabi ko naman sa sarili kong wag mag-expect na lalabas ang article ko pero sinabi kasi ng editor na baka maihabol niya para i-release kinabukasan dahil ako lang ang taga-MB na nakapag-cover. Siguro ung emphasis kasi nasa "baka".
Medyo nakakasakit sa damdamin na ang hindi mo tinulugan, hindi rin pala lalabas. Wala na ako sa focus ng araw na yun. Nadi-discourage na rin ako. "Eto, Mark, di ka na-publish. Paano ka pa kaya matatapos sa OJT mo sa isang department na output ang basehan ng oras?"
Waaah.
DAY TWENTY (MAY 1, WEDNESDAY)
Walang pasok pero ang iba kong kaklase, nago-OJT. Ako naman, nasa bahay lang. Bum.
Ayun, nanood ng Iron Man 3 para maka-move on sa masakit na pangyayari kinahapunan. Medyo nakalimutan ko naman ang mapait na eksena dahil "bloody, freakin' awesome" yung movie, tulad ng nilagay ko sa Twitter ko.
P.S. Nakamove-on na ng tuluyan ang manunulat sa nangyari. Alamin ang buong kwento sa susunod na post. Ang haba talaga ng back-log ko. Tsk tsk. Hahaha
0 notes
Text
#OJTBlues Days 17 and 18 (April 28-29): Overtime
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ang tagal ng in-the-making ng post na ito pero eto na siya. Dahil sa backlog ng OJT Blues entries, muli, hindi ko na i-italicize muna ang English terms. At dahil, isang patuloy na paglalahad ang mangyayari, hindi ko na ihihiwalay ang dalawang araw na ito. Sa mga nagtatanong, OO, nag-OJT ako ng Linggo. Walang holiday-holiday sa trabaho na to mga kaibigan.
So eto na nga. Ang mga jitters ko mula Huwebes ay hindi pa rin nawala. Sa pag-aalala ko, ung research ko ginawa ko the night before lang. Not good. Worse, hindi ko pa talaga alam kung paano didiskartehan ang pagpunta sa U.P. (Nasa kabilang dulo ako ng mapa). Mabuti na lang nandyan si Dad na kahit nasa Davao na ay kabisado pa rin ang Metro Manila (Yey!) at ang "Master ng Kyusi", ang kaibigan kong si Jeff (Hi! Oo, may utang pa ko sa yo haha) kaya trouble-free ang pagbiyahe papunta at pabalik.
Hindi ko na masyadong ie-elaborate ang biyahe dahil mapupuno lang nun ang page na ito at since OJT ang dapat pag-usapan at pagnilayan, ikwe-kwento ko na lang ang coverage :).
Dahil maayos ang pagpapayo sa akin sa pagbiyahe, maaga akong nakarating sa U.P. (Mga 30-mins. early). Isa nga ako sa pinakaunang press dun (Achievement, naks!) at sa di sinasadyang pagkakataon, suot-suot ko ang porpol kong polo. Kapanalig talaga ako ng mga "Iskolar ng Bayan" ng araw na ito at bilang patunay, na-accommodate agad ako sa press area, binigyan ng snacks at ng press kit. Ok, so far, so good.
Nagsidatingan na ang ibang reporter (kasama si Bam Alegre ng GMA News) at inihanda ko na ang notebook, bolpen at ung recorder ko. Pressure is mounting kaya dapat handa. Habol ng pangalan ng mga guests sa graduation. Sulat. Habol. Sulat. Ang totoo niyan, after 10 minutes, sumuko na ako. Inasa ko na lang sa recorder ang karamihan (save the quotes na isinulat ko pa rin) dahil na-realize ko naman na di lahat ng pangalan dun importante at may mga kopya naman ng speeches sa press kit. Nag-relax lang ako ng konti. Kaunting-kaunti lang.
Kaso dumating ung time na tipong masyado na akong naku-kumportable sa sarili ko. Nag-speech ang guest speaker na si Sen. Edgardo Angara na ginawaran ng honorary doctor of law degree. Sa sobrang haba nito (mga 30 minutes?), muntik na muntik na akong makatulog. Buti na lang at may free food at naabala ko ang sarili ko.
Alas-siyete na ng gabi nang matapos ung event. Hahabol pa sana ako ng misa sa amin ng alas-otso (Bilang Linggo naman at walang trapik). Akala ko talaga aabot ako pero ang hirap sumakap. Lumakad pa ko ng malayo. Pagkatapos naman nun, ok na ang biyahe kaso mga 9:30 p.m. na ako nakauwi. Sorry Lord.
Hindi ko naman nagawa ung article agad pagkauwi. Pagod na pagod ako at gusto ko lang humiga pero hindi pwede. Kinabukasan na ako magigising at ung storya ko dapat magawa ASAP. Kumain muna ako at nagprocrastinate ng konti (May time pa talaga para gawin ko to? Haha) hanggang sa magkaroon ako ng motivation na gumawa (Mga almost midnight na ito). Kasabay ng lahat ng ito ay ang pag-iisip ng anggulong "iba".
Seryosohan na. Inilabas ko ung speakers namin para mapakinggan ung recording ng maayos. Kinuha ang mga speeches na nasa press kit. Pinag-aralan ang mga sulat sa notebook. Bukas ng MS Word.
Ang weird pero may ugali talaga ako na sinasabi kong "Madali lang yan. Pag sinimulan ko ng 12 m.n., matatapos ko ng 1:30 a.m," pero kapag moment-of-truth na, bigla akong napapaurong. Haay. Ang article na sinabi kong matatapos ko ng ala-una pasado, alas-diyes ng umaga ko na natapos.
Di ako natulog. Well, sort of. Nakaidlip ako sa sofa mula ala-una hanggang alas-kwatro. Medyo hindi pa nakakipag-cooperate ang braincells pero ayun, pinasa ko na ng 10 a.m. Para sa Tuesday paper na lang kung sakali. Makakatulog na rin ako.
Akala ko lang pala yun. Dahil mga 12, tumawag sa akin ang editor at nagtatanong ng mga detalye sa storya. Sinabi niya na generally OK naman daw ang gawa ko pero nakulangan daw siya. Sabi rin naman niya na ihahabol niya ang storya dahil ako lang ang taga MB na nakapag-cover ng event at sayang naman kung hindi mailalagay sa papel. Ang gawin ko lang daw, ihabol ko yung quotes na Tagalog (English kasi yung nasa printed copy at in Filipino ang sinabi ni U.P. Chancellor Ceasar Saloma) at baka mailagay pa sa front-page ang storya ko.
Naibigay ko naman after 15-minutes ang quotes pero hindi na uli ako makatulog dahil baka may tawag uli. Mahirap na. Pero ang totoo niyan, sobrang sakit na ng ulo ko at naiiyak na ako.
Dahil medyo nagpakamartir lang naman ako, napagdesisyunan kong hindi gumawa ng anumang lakad kinabukasan. Kailangan kong matulog.
Bum days ahead.
0 notes
Text
#OJTBlues Days 14, 15 and 16 (April 24-26): Relasyon
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Hindi naman masyadong halatang tinamad akong gumawa ng entry ng mga nakaraang araw. Aaminin ko, nakalatag na noong isang araw pa yung isusulat ko dito kaso gabing-gabi na ako nakakauwi at di ko na ito nau-update. Aaminin ko din na halos wala rin akong ginawa ng mga araw na ito kaya mas maganda na atang magkakasama sila sa iisang post para isang pasada na lang. Hindi na rin i-italicize ang mga English words dito dahil minamadali ko na to (may coverage pa ako bukas mamaya). Hahaha. Ready. Aim. Fire.
DAY FOURTEEN (April 24, Wednesday)
Dahil wala kaming magawa ng aking OJT buddy, pumunta kami sa Club Filipino para sa Fernandina Media Forum kahit na tapos na ang obligasyon namin doon. Namiss lang namin si Sir Wacqs. Hahahaha. Namiss ko din yung ibang kasama namin doon dahil medyo naging clingy na ako. Mahirap kapag naging close ka na sa mga taong nakasama mo at sa beat e, mahirap kumalas.
Bagama't isang free day ito, hindi naman naging balewala ang aking pagbiyahe dahil may mga words of wisdom pa rin si Sir na noong una ay nagtaka kung bakit dumayo pa kami sa San Juan.
Mula noong Lunes, nakaramdam kami ng aking OJT buddy ng pagkadismaya dahil tila pinagpapasa-pasahan kami kung saan-saan at para kaming mga NPA (No Permanent Address) at noong nalaman ito ni Sir ay pinagaan niya ang aming naghihinakit (BIG WORD!) na kalooban.
Dito ko napagtanto na walang certainty ang mga bagay-bagay lalo na ngayong nasa test-run na kami para sa real world. Bawal choosy no. Magtiis ka dyan! Dapat mag-adjust, ilang beses man yan dahil hindi naman ang mundo ang siyang makikiangkop sa iyo. Masakit at mapait man, yan ang katotohanan. Matutong makibagay.
DAY FIFTEEN (April 25, Thursday)
Teka, ano nga ba ginawa ko ng araw na ito... (Buffer mode)
Ok, naalala ko na. Late na ko pumasok (Mga 1 p.m. ako nasa office) dahil 5 p.m. pa naman ang meeting namin kasama ang team ng Students and Campuses Section. Kung papansinin niyo, 4 hours early ang inyong lingkod. Ayan ay dahil sayang ang oras. Ano ba, pang-time card din yan no? #MedyoBadBoy
Ayun, finollow-up ang mga pinitch na stories (Eto yung mga stories na inisip ko pa nung Monday). Mukhang matutuloy ako sa aking book review kaso pinapasend ako ng sample na di ko pa nagagawa. Mukhang di ako makakausad sa beat na ito kasi hindi ako masulat ng feature. Bano ako doon. Medyo bobo ako sa pagpitch ng stories kasi ang hirap maghanap ng bago at interesting na mga bagay. Hindi ko pa naman ka-kalibre ang mga researcher ng Kapuso Mo, Jessica Soho na every week nakakahanda ng mga storyang patok sa tao. Meron dapat na ipapacover sa akin kinabukasan sa Shangri-La Hotel pero tinurn down ko muna. May lakad ako! Hahaha. Napunta tuloy sa akin ang coverage ng UP Commencement Exercises mamaya. Here's the thing, kailangan mag doble-kayod dahil kung ico-cover ng lahat to. Pressure. Pressure. Nakakatawa nga na nakakatakot kasi sabi ng mentor ko na wag ako kabahan tapos after a few seconds, magsasabi na bawal akong ma-scoopan tapos tatawa siya. Status: It's Complicated.
Pagkatapos ng nakakalitong pag-uusap, nagpaalam na ko dahil makikipagkita pa ako sa mga kaibigang matagal (halos isang buwan) ko nang di nakikita. Ayun, maraming kwentuhan. Napasubo rin ako sa panlilibre ng fries! Hahaha. Hi Mhaan, Aisha at Jess! :)
DAY SIXTEEN (April 26, Friday)
Free day again! Kung babalikan natin ang nakalagay sa itaas, nagbeg-off ako sa coverage para sa araw na ito dahil may lakad ako. Ang totoo niyan, may pakain ang isang kaklaseng nagbirthday the day before. Hi Richard!
Dahil sa pakain na ito, nakita ko yung iba ko pang mga kaklase. Medyo desperado na ko makakakita ng iba pang kaklase hahah. Shoutout kina Chin, Kris, Kath, Cess, Iza, Micah, Mhaan at Aisha!
Dahil medyo ayaw pa namin umuwi ni Richard, ikot muna kami sa SM Manila. Laro sa Quantum at nanood ng sine (Ung PhP25). Ung movie, pinagbibidahan ni Haji Won ng Secret Garden, at tungkol sa halimaw na nabuo sa langis. Weird! Hahaha. Ayos naman.
Pagdating ng gabi, balik ako sa UST para i-meet uli si Sir Wacqs para papirmahan ang mga OJT papers. May libreng inom at pulutan hahaha.
Kahit na informal ang setting namin, nanatili pa rin ang pagiging mentor ni Sir. Hindi man tungkol sa tamang pamamaraan ng pagsusulat, pinarangalan naman kami sa pasikot-sikot ng magiging propesyon namin. May konting segway pa sa lovelife at naikonek pa ito sa mga kinabukasan namin. Galing mo Sir! Hahaha.
Narealize ko sa kanyang mga sinabi na para makasurvive sa real world ay dapat ituring ito na parang girlfriend/boyfriend. Wala naman akong masyadong masasabi tungkol sa pagkakaroon ng lovelife dahil nonexistent naman yung akin (Napakasakit Kuya Eddie) pero dapat manatiling give-and-take ang relationship. Para maging successful, dapat maglaan ng oras. Dapat magsakripisyo. Kung wala ka nga namang isinuksok, wala ka talagang madudukot. Pero pinakamahalaga pa rin sa bawat relasyon ang tamang pakikipagkapwa. Dapat magaling kang mag-establish ng mga kaibigan at matuto dapat na makisama. Sabi nga nila, friendship ang pinakabasic sa mga relasyon. Once ok na ito, magiging higit na maayos ang buhay mo.
Okay. Kailangan ko nang matulog. Maaga pa ako sa UP bukas. Goodluck to me!
0 notes
Text
#OJTBlues Day 13 (April 23, Tuesday): Break... sa OJT
Paalala: Ang post na ito ay nagtatala ng mga adbentyur ko sa mandatory On-The-Job Training (OJT) ngayong summer (Grrr… Tsk tsk). Ang totoo niyan e tamad talaga akong magsulat pero dahil kailangan magsulat ng journal na naglalaman ng mga ginagawa ko sa internship program, ginagawa ko ito. Ahh, nakapagpahinga din. Ang totoo niyan, hindi naman dapat kasama to sa OJT diary dahil hindi naman ako pumasok pero pake ba nila. #MedyoBadBoy
Pagkatapos ng ilang araw ng pagkangarag, pagkabagot at pagkabangag sa "trabaho", napagbigyan na rin sa wakas ang pangarap ng bakasyon (sort of).
Naka-schedule kasi ngayon ang storycon ng Flame at bilang news editor sa darating na Academic Year ay kinailangan ng paghandaan at ilatag ang mga planong like-a-boss. Kanina din nagsimula ang screening para sa mga bagong manunulat. Sa katunayan, katabi ko ngayon ang mga envelop na dadasalan ko muna mamaya nang mapili ng mabuti. O Lord, grant me thy wisdom to choose wisely.
Pressure.
Hindi naman maipinta ang aking kasiyahan ng makita ko ang aking mga thesis mates na for the first time, in a very long time na hindi gagawa ng research. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita (Isang buwan mahigit na?) at ang sarap lang na magkwentuhan ng ilang oras na walang ibang iniisip (at least nung time na yun). Hi Chin at Ciel! :D
Salamat nga din pala kay Jeff na nanglibre ng siomai. Happy Birthday Sir!
That's all for now. Mamaya uli! :)
1 note
·
View note