Tumgik
la-solidaridad · 1 year
Note
May iba pa bang sanggunian na maaari nating basahin?
MGA SANGGUNIAN:
https://christianpolongalviar.weebly.com/family-background.html
https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1530/today-in-philippine-history-june-28-1848-francisco-mercado-and-teodora-alonso-got-married
https://spcrizalc2011.wordpress.com/2011/07/03/rizals-childhood-days/
https://myinfobasket.com/rizals-childhood-childhood-days-summary-early-childhood-childhood-of-rizal-jose-rizal-childhood-and-early-education/
https://www.joserizal.com/childhood-jose-rizal/#:~:text=and%20observe%20people.-,The%20childhood%20of%20Jose%20Rizal%20can%20be%20characterized%20by%20his,his%20mother%2C%20his%20first%20teacher.
https://newsinfo.inquirer.net/45479/did-young-rizal-really-write-poem-for-children
https://essc.org.ph/content/wp-content/uploads/2015/11/Talisay-forest-home.pdf
https://archium.ateneo.edu/history-faculty-pubs/43/#:~:text=The%20only%20one%20of%20those,rest%20are%20all%20in%20Spanish.
http://bayaningrizal.pairserver.com/jru/faqs.html#:~:text=Where%20did%20Rizal%20obtain%20his,known%20teacher%20of%20young%20boys https://newsinfo.inquirer.net/1067754/rizal-on-beating-bullies-use-brains-not-brawn http://bayaningrizal.pairserver.com/jru/education.html 
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
 Sino-sino ang mga naging guro ni Jose Rizal bago siya pumunta sa Binan?
Mula pagkabata, nagpakita na si Rizal ng mga kasanayan sa sining. Si Leon Monroyay ang dating kaklase ng ama ni Rizal at nagturo ng Latin sa kanya.
Ngunit ang pinakaimportanteng guro niya ay ang unang-unang guro, ang kanyang ina! Tinuruan si Rizal kung paano magbasa, magsulat, at manalangin. Mahalaga ang alpabeto at kagandahang asal.
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
 Ang unang eskwela ni Rizal ay kung saan sinuntok niya ang kanyang bully diba
Ay, opo. Nagsuntukan sila dahil tinatawanan ni Pedro si Rizal, dahil mas maliit siya kaysa sa kasingedad niya sa panahon niya. Nagalit si Rizal kaya hinamon niya si Pedro tas tinalunan niya ito. 
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
Ano ang unang eskwela ni Rizal?
Salamat po sa tanong! Ang unang eskwela pinasukan ni Jose Rizal ay ang isang Pribadong eskwela sa  Biñan, ang kanyang unang pormal na guro ay si Justiniano Aquino Cruz . Pasensya na po!
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
Galing galing naman ni rizal! Bata pa lang, dami na niyang sinulat. Sana ol. Diba 8 taong gulang palang siya noong sinulat niya ang Sa Aking Mga Kabata?
Ay sorry lang po, ngunit ang nagsulat ng tula ay hindi po si Jose Rizal.
Ngunit, may iba pang mga tula na tunay na isinulat niya:
Noong 8 na taong gulang siya, nagsulat rin siya ng isang Tagalog na komedya. Nagustohan ito ng isang gobernadorcillo galing sa Paete at binili ang manuskrito nito galing kay Jose Rizal ng dalawang piso
Isinulat niya ang Un Recuerdo A Mi Pueblo bilang isang gawain habang . Ito ay tungkol sa sa lugar kung saan siyang lumaki, at nakikita kung gaanong mahal niya ang Calamba.
Tumblr media
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
Gaano katalino si Jose Rizal noong bata siya?
Sobrang matalino! Si Jose Rizal ay natuto ang alpabeto noong tatlong taon lamang siya. Siguro ang katalinuhan niya ay namana sa mama niya! Ang kanyang ina ay ang naging unang guro rin niya. Fun fact, mulang bata pa lang siya, si Rizal ay nagpakita na ng kasanayan sa sining.
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
Anong klaseng bata ang si Rizal noong maliit pa siya? Masaya ba ang kanyang kabataan?
Salamat sa tanong! Ito ay iilan sa mga mahalagang pangyayari sa 
Halata naman - kanyang pag panganak! Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
Kanyang pagbibinyag!
Hunyo 22, 1861 sa Simbahan ng Calamba
bininyagan ni Rev. Rufino Collantes
nagsilbi bilang sponsor si Rev. Pedro Casañas 
3. Peregrinasyon
Sa Hunyo 6, 1868, tumungo si Rizal at ang kanyang ama sa Shrine ng Birhen ng Antipolo para gumawa ng peregrinasyon. Noong ipinanganak si Rizal, muntikan nang pumanaw ang kanyang ina, habang nangyayari ito, nanalangin ang ina ni Rizal na kapag mabubuhay siya ang ang kanyang anak, dadalhin niya ito sa Shrine na ito
Ngunit may marami pang ibang mga trivia sa pagbata niya!
Alam mo ba:
May bahay kubo kung saan ay naglaro si Jose Rizal sa kanyang kabataan. May isang replika ng bahay kubo na ito na makikita sa shrine sa Calamba!
Mahilig siyang manood ng ibon. Ang culiauan, maya, maria capra, martin, at  pipit ay ilan sa mga ibon na nakita ni Jose Rizal.
Nagsimula siyang gumuhit sa limang taong gulang.
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
Hay Calamba. Maganda ba dun sa panahon ni rizal?
Wala tayong masyadong kayang masabi, ngunit ito ay isang trivia!
Alam mo ba:
Naglalakad si Jose Rizal sa tabi ng Laguna de Bay kasama ng kanyang aso, si Usman.
Tumblr media
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
Ang haba naman ng pangalan ni Jose Rizal , may kahulugan ba ang bawat isa sa mga iyon? :rofl: Hirap naman i-memorize, paano pa ang pag-intindi dito? :rofl: 
Oo, ang alam talaga natin ang Jose P. Rizal. Ito ang kahulugan ng bawat pangalan! Baka mas madaling tandaan ngayon
Jose — deboto ni San Jose ang kanyang ina (pinili ng kaniyang ina)
Protacio — ipinanganak siya sa kapistahan ni Santo Gervacio Protacio (isang martir)
Rizal — ricial, luntiang kapaligiran/palayan
Mercado — palengke (negosyante)
Alonso — apelyido ng kanyang ina
Realonda — apelyido ng kanyang lola
Tumblr media
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
Marami siyang kapatid diba? Mga 8? 9? Sino-sino ulit sila?
Saturnina (o Neneng)
Paciano
Narcisa (o Sisa) 
Olympia (tinatawag ding Ypia)
Lucia
Maria  (o Biang)
Concepcion (na tinatawag ding Concha)
Josefa (o Penggoy)
Trinidad (Trining)
at si Soledad (na tinatawag ding Choleng)
Alam mo ba?
pumanaw si Concepcion noong 1865 dahil sa sakit. Sinabi ni Rizal na ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng tunay na sakit
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Note
Hiii may alam ka ba tungkol sa mga magulang ni Rizal? Anong klaseng tao kaya ang nagpalaki sa ating pambansang bayani 🤔
Salamat po sa tanong! Ito ay ilang mga bagay na alam namin tungkol sa kanyang mga magulang:
PANIG NG AMA
Francisco Mercado II
Lolo at lola: Domingo Lamco (Tsino) at Ines de la Rosa (Filipina)
ipinanganak: Mayo 11, 1818 sa Biñan, Laguna
nag-aral sa Colegio ng San Jose — Latin at Pilosopiya
lumipat sa Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calamba
pumanaw: Enero 5, 1898 sa Manila
PANIG NG INA
Teodora Alonso Realonda
Lolo at lola: Eugenio Ursua (Hapon) at Benigna Ochoa (Filipina)
ipinanganak: Nobyembre 8, 1826 sa Manila
nag-aral sa Colegio de Santa Rosa
mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol
pumanaw: Agosto 16, 1911 sa Manila
Alam mo ba?
Ikinasal ang magulang niya noong Hunyo 28, 1848 at nanirahan sila sa Calamba, Laguna.
Tumblr media
0 notes
la-solidaridad · 1 year
Text
Magandang araw po sa inyong lahat!
Ang La Solidaridad ay blog na tinatakbo ng Pangkat Pitaya para sa pagbabahagi ng aming kaalaman at pananaw tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani, Jose Rizal.
Anuman ang katanungan, sasagutin namin. Magpadala lamang ng Ask sa aming Ask Box!
0 notes