Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Short Film Reaction
Ah, Pwedeng Mangopya -
Dito di ko alam kung matatawa ako or maaawa kay kuya kasi nakakapasa siya ng Elem at Highschool (mukhang college na sila sa shortfilm) ng dahil sa pangongopya niya sa mga kaklase nya pero, sa shortfilm na pinanood ko ito ay kapupulutan ng aral. Napaka entertaining 10/10 sakin :)
Taya -
Dito naman sa taya, ang ganda ng pagkakagawa, malinis yung editing. Ang ganda talaga. Dito pinakita yung nangyayari sa paligid ng tao at kinukumpara yun sa may laro. Tulad ng sa BANGSAK, pinakita dito yung police at yung hinuhuli ng pulis. Parang yung laro. Nakakaawa lang talaga yung isang bata kasi namatayan siya ng tatay.
Gutom -
Eto rin nakakatawa to, may pagka pilosopo kasi yung pulubi sa kalye. 10/10, kasi hindi nakakaboring at maraming kapupulutan ng aral. Tulad ng kapag may problema, hindi sulosyon ang pag papakamatay. Tama yung sinabi ng pulubi na Wag magpakamatay yung lalaki.
1 note
·
View note