leftduckcreator
leftduckcreator
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
leftduckcreator · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Paaralan, isang salita ngunit hindi mabibilang ang iyong mapupulot na mga aral. Tayo ay nasa panahon pandemya sa kasalukuyan at hindi maikakaila na ang ilan sa atin ay nais nang pumasok ulit sa mga kanya kanyang silid sa paaralan. Dahil sa kalagayan natin ngayon ang mga mag-aaral o estudyante ay nasa loob ng kanilang mga tahanan upang dito pansamantalang gawin ang pag-aaral. Epektibo ba ang pag gamit ng social media para magaral? Ano kaya ang dulot nito sa mga kabataan ngayon? Maaari ba nitong mabago ang sistemang ating nakasanayan? Social media, malaki ang naiambag nito sa bagong sistema ng pag aaral.  Noong una ay hindi natin inasahan na maaari itong maging transportasyon ng mga inpormasyon lalo na sa larangan ng pag tuturo at pag-aaral.  Naging transaction ito ng pakikipag usap sa mga estudyante at guro na malayo sa isa’t- isa. Ginagamit ito upang maisakatuparan parin ang patuloy na pag-aaral ng mga bata. Marami ang nag sasabi na hindi ito epektibo dahil hindi lahat ay mayroong kakayahan na magkaroon ng Internet,mga teknolohiya tulad ng cellphone at social media. Marami din ang nagsasabi na hindi nito matutulungan ang mga estudyante dahil isang pindot lamang maaari na nilang makita ang sagot sa kanilang aralin na maaaring maging kasanayan nila at magdulot sa kanila na magdepende na lamang sa internet at social media.Ngunit para rin sa iba ay naging epektibo ito dahil pinadali nito ang pananaliksik dahil maaari mong gamitin ang iyong gadyets upang magresearch ng mga aralin. Mapapansin din na habang lumilipas ang panahon ay nagiging high-tech na ang mga bagay, ngunit ang sistema ng pagaaral ay ganoon parin. Nasa harap ang guro na nagtuturo at angsasalita maghapon at ang mga mag-aaral naman ay naka upo at nakikinig sa kamnilang mga guro, tayo ay nasanay na sa ganyang sistema. Ang internet ay isang  malakas na kagamitan upang mabago ang lumang sistema ng pag-aaral. Ang mga tao ngayon ay mas nagiging matalino na at madaling maturuan dahil sa pag gamit ng mga  makabagong teknolohiya.
2 notes · View notes