Tumgik
legnaagrotsa14 · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"Ang Aking Travelogue"
Ang Bella Montana Farm na matatagpuan sa San Vicente, Bamban Tarlac ay isang napaka gandang pasyalan lalu na kung ikaw ay marunong maka appreciate ng mga tanawin katulad ng mga nag gagandahang kabundukan at mga puno. Magandang pasyalan din ito para sa inyong pamilya, barkada o mahal sa buhay. Sa Bella Montana Farm mararanasan ang masarap na simoy na hangin na nanggagaling sa mga punong naglalakihan na nakakawala ng stress sa o iniisip sa buhay. Dito makakapag relax ka dahil sa mga nakikita mong magandang tanawin.
Nung ika-lima ng disyembre taong 2020, nung una naming masilayan ang kagandahan ng isang Bella Montana Farm, kasama ang aking nobyo na kasa-kasama ko sa aking paglalakbay. Sa lahat ng aming napuntahan ang Bella Montana Farm ang isa sa mga nagustuhan ko dahil ito ay may sariwang hangin na masarap sa pakiramdam at dito ko rin naranasan na mag picnic na madalang nang nagagawa dahil wala ng mga puno na nagbibigay lilim sa aming siyudad. Bago kapa makarating sa lugar ay madadaanan mo muna ang sinasabi nilang rough road, pero ito din ang magiging palatandaan mo na malapit ka na sa iyong pupuntahan. Kung manggagaling ka ng Pampanga o kaya naman ay Maynila palatandaan ang malaking tulay at makikita niyo ang I LOVE BAMBAN. Yung tulay na boundary ng Pampanga-Tarlac. Paglagpas ng tulay at I LOVE BAMBAN sa kaliwa makikita niyo ang groto, kanto din ng papuntang GOSHEN. Pero mas mabilis mahahanap kung gagamitan nalang ng tinatawag na GOOGLE MAP dahil nasa Google map na ang lugar na Bella Montana Farm. Pang-iwas narin para hindi maligaw sa dadaanan. Nung una sinabi ng owner na ang balak niyang gawin sa Farm ay isang Resort ngunit ito ay hindi natuloy kaya't ito naman ay ginawa nalang na Farm. Bago kapa makarating sa lugar ay magbabayad ka muna ng Environmental Fee na 20 pesos, sa entrance fee naman ay 25 pesos at sa parking lot naman ay 20 pesos. May mga pagkain ka din na pwede ng mabili sa loob ng lugar katulad lang ng mga chichirya at mga bottled water and juices. Pag dating sa lugar ay nag lagay muna kame ng aming dinalang picnic mat meron din naman silang mga upuan at lamesa pero mas magandang magpicnic na naka upo sa damuhan para mafeel mo talagang nagpipicnic ka pagkatapos ay nagayos na nga kame ng mga dalang gamit magandang magdala narin ng bluetooth speaker tapos magpatugtog ka ng nakakarelax na mga sounds. Nagbaon din kame ng aming pagkain para mag picnic nga sa lugar. Sobrang dami din ng tao pero hindi parin nito kayang punuin ang napaka laking lupain. Dito matatanaw mo rin ang tinatawag na Mt. Arayat na makikita pa lamang sa bayan ng Arayat, Pampanga. Matatanaw mo rin dito ang mga puno na sobrang dami at mga kabundukan. May dalawang duyan din na kapag nagpa swing-swing ka ay parang Bali Vibes ang datingan. Ngunit may isang bagay lang akong napansin nung nagpunta kame ay wala silang palikuran o CR. Ngunit ang lugar ay tunay na nakaka wala ng stress o iniisip sa buhay talagang marerelax ka sa iyong makikita.
Kung ikaw ay naghahanap ng perfect na getaway travel with your loved ones o barkada I recommend TARLAC, I recommend Bella Montana Farm. Sa Tarlac din makikita ang GOSHEN na parang nasa ROME ka and Monasterio De Tarlac na sinasabing ang maliit na kapiraso o bahagi ng krus ni Hesus ay napunta sa lugar na ito na nasa loob ng kanilang chapel.
2 notes · View notes