Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Isa Lamang Ilusyon ang Pangako na Magandang Buhay – Maynila, Sa mga Kuko ng Liwanag

Isang pelikula ni Lino Brocka; gumawa ako ng kakaunting pananaliksik tungkol sa direktor na ito. Sinasabing kilala siya bilang isang filmmaker na gumagawa ng pelikula tungkol sa diktador na si Marcos. Sobrang paghihigpit ang pagbabawal sa media ng Pilipinas sa panahon ni Marcos kaya’t nagdulot ito ng pagpuslit ni Brocka ng kaniyang pelikula patungo sa ibang bansa upang ipalabas ito sa ibang bansa. Kaya’t sa kaniyang pagbalik sa bansa ay inaresto at pinakulong siya kasama ang mga kapwa niya filmmakers at mga mamamahayag. Isa ang “Maynila, Sa mga Uko ng Liwanag” sa mga pelikulang nilikha niya na tungkol sa opresyon ng ordinarong mamamayan na patuloy na nilalabanan ang abuso at pagpapahirap ng sistema sakanya.
Sa parteng si kwinento ni Julio ang nangyaring paglisan ni Ligaya sa kanilang probinsya; dahil sa mataas na ambisyon ng kaniyang nanay ay sumama ito sa babaeng nangako na bibigyan siya ng magandang buhay at pag-aaralin ito basta’t ito ay sumama sakanya sa Maynila. At pagdating doon, hindi niya alam na sila pala ay gagawing prostitute, dinodroga, at ibenibenta ang katawan upang kumita ang nagdala sakanila doon ng malaki. Maari itong ikumpara sa pagpangako ng mga presidente katulad nadin ni Marcos ng isang masaya at magandang buhay sa mga ordinaryong mamamayan kapag siya ang naging presidente. Dinaan sa matatamis na salita at mga pangako upang makuha ang loob ng mga mamamayan ngunit binigyan parin ng napaka pangit na sistema at mga karahasan. Kapag ikaw ay mahirap, wala kang laban, wala kang karapatan na magreklamo. Dahil laging may mas nakakataas na kayang kaya baliktarin ang lahat dahil sila ay mayroong kakayanan sila ay may pera.
Kung isusumarya ang kabuoang pangayayari sa pelikula base sa mga nangyari sa pangunahing tao, makikita mo ang supresyon ng galit ni Julio Madiaga na matagal niyang kinimkim sa buong storya. May parteng sobrang nagiinit ang dugo ni Julio nang malaman niya ang kalagayan at ginawang pang-aabuso o opresyon kay Ligaya at mga iba pa niyang kasamang babae galing probinsya din nila; muntik na siyang makasapak o makipagsuntukan sa isang lalaking nagiinom dahil siya ay hinawakan o nasagi lamang nito. Hanggang sa dulo ng pelikula kung saan may parteng pagkatapos ilibing si Ligaya mayroon silang nadaanang nagrarally at pinanood ng saglit, sinabi niya na hindi muna siya uuwi at may aasikasuhin pa. Pagkalisan ni Julio sa rally na kanilang natagpuan ay pinuntahan niya ang lugar na kung saan nakatira ang nagkulong kay Ligaya at doon na niya inilabas ang matinding galit at pighati na nadadama niya na matagal na niyang kinikimkim, hindi na niya ito nagawang pigilan sa dulo ng kwento, nagawa niyang patayin si Ah Tek, ang gumawa kay Ligaya noon.
Ang rally na ipinakita rin siguro ay maaaring ikumpara sa ginawa ni Julio, sa tagal niyang pinigilan ang nadadama niya sa opresyon na ginawa kay Ligaya ni Ah Tek ay napatay niya na ito sa galit. Maikukumpara ito sa rally na pinakita roon dahil kung iisipin mo ang panahon ni Marcos nangyari ang people power kung saan pagod na ang mga tao sa opresyon ni Marcos kaya’t sila ay nagrally upang ilabas ang mga matagal na nilang kinikimkim o pinipigilan upang labanan ang hindi magandang paraan ng pamamahal o bulok na sistema dulot ni Marcos noong panahon na iyon.
Para saakin ay ang pelikulang ito ay pinakita talaga ang realidad sa siyudad ng Maynila na kapag ikaw ay hindi mayaman o wala kang kaya hindi totoo ang sinasabi na masaya ang buhay sa siyudad dahil ang katotohanan ay kapag ikaw ay walang pinag-aralan o walang kilala sa Maynila ay napakahirap makaraos. Kung ano-anong trabaho ang kailangan mong pasukin upang magkaroon ng sapat na pera para buhayin ang sarili mo. Ito ay sa kadahilanang hindi patas ang lipunan at mayroong bulok na sistema. Ipinakita sa pelikula kung saan sweldo na ay hindi pantay o wala pa sa minimum ang kinikita mo; sa sobrang bigat ng trabaho mo ay kakarampot parin ang makukuha mo dahil hindi sila patas magbigay ng sahod. Minsan ay sasabihin pa na walang pera kayat parang yung kikitain mo ay parang naging utang mo pa sakanila. Katulad narin nalang noong napahamak ang isa sa kasama nila sa trabaho nila sa konstruksyon; na nalaglag galing sa mataas na lebel ng building ng kanilang ginagawa dahil nabagsakan ng isang mabigat na piraso ng kahoy. Naisip pang sabihin ng boss nila na sa mura lang na ospital dalhin yung napahamak imbis na nag-alala ito. Kapag talaga ikaw ay nagtratrabaho lamang sakanila ay wala silang pakielam sa iyong kalagayan, mamatay ka man o ano basta dapat sila ay hindi mapeperwisyo o gagastos ng malaking pera para sayo.
Pinakita rin naman roon ang kakaunting kagandahan sa pelikula na kahit na sobrang gipit at hirap nadin, kahit na sila rin mismo ay may sariling pinag-gagastusan ang iba niyang nakasalamuha o nakilala ay sila parin ay taos pusong tutulungan ka, hindi nila hahayaan ikaw ay magutom mag-isa. Kahit na sila ay hirap ay nagagawa naman rin nilang magsaya kahit sa maliit na bagay lamang. Ang pelikulang ito ay walang tinatago o ipinakita talaga ang realidad ng buhay. Ang pangako na magandang buhay ay isa lamang ilusyon, bago ka man magkaroon ng magandang buhay di hamak na mas malaki ang dadanasing mong hirap upang yumaman at maabot ang magandang buhay na iyong matagal na na inaasam. Hindi totoo na mas maganda ang buhay sa isang siyudad ngunit hindi maganda mamuhay kung mayroon kang bulok na sistema na walang pake o awa sa mga walang mga kaya.
0 notes
Text
Ang realidad buhay ng isang Extra- Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay
Nakakalungkot na nakakagalak ang realidad bilang isang professional na extra sa mga pelikula. Wala kang kasiguraduhan na makukuha mo ang role na gusto mong makamit, maari ring makamit mo ito ngunit biglang ikakansela at ibibigay sa iba ang role mo at papalitan lamang ng masmababang role na walang dialogue. Hindi nabibigyan ng oportunidadad na gumampan ng mas malaking role si Lilia. Ang pelikula na ito and unang pelikula ni Lilia bilang isang bida, ito ay napakagandang pelikula na nagpakita ng realidad sa field na ito at sa ating bansa.
Sa parte kung saan tinatanong ng nag-dodokyumentaryo sa mga tao kung kilala ba nila si Lilia Cuntapay ay nagpakita na hindi siya kilala bilang Lilia, siya ay kilala lamang bilang isang aswang o manananggal, minsan ay bilang isang matandang babae na mahaba ang buhok lamang. Para saakin ay pinakita ang realidad na kung saan kapag hindi ka maganda o hindi ka ganun kasikat ay hindi ka ganoon matatandaan bilang isang aktres. Kumbaga konektado ito sa isang parte kung saan ay pumunta si Lilia sa isang sshoot ng napakaaga, habang sila ay naglalakad patungo sa set ay nais niyang umihi, ngunit ang nakalagay ay para sa mga artista at staff lamang; hindi siya pinayagang umihi roon kaya’t sa puno sa tabi nalang siya umihi. Punto ko ay, kapag ikaw ay extra lamang hindi ka masyadong binibigyan ng pakilanlan o respeto na kapag inihalintulad mo sa realidad kapag wala kang maipagmamalaki ay ipapasintabi ka lamang at uunahin ang mga taong kilala o may ibabatbat. Kapag hindi ka award winning aktor/aktres o napakasikat ay hindi ka bibigyan ng masyadong mataas na respeto sa mundong ito; napakadali rin na ipawalang bisa ka dahil ikaw ay isang extra lamang o supporting role lamang, hindi sila magdadalawang isip na hindi ka palitan agad dahil hindi ka ganun ka kilala o wala ka pang natatanggap na parangal.
Ipinakita kung saan si Lilia ay sobrang uhaw o sobrang hinahangad na mabigyan ng parangal at pakikilala; sa parte ng pelikula kung saan ay lahat ng mga tao na tumulong sa kanya ay tatanungin niya ang kanilang mga pangalan at sasabihin na isasama sila sa kaniyang taalumpati at noong ininterbyu ng tv patrol; nung matapos ang interbyu ay nalaglag pa siya sa kanilang hagdan ng di niya namalayan pero dahil sobrang saya niya ay hindi niya masyado ‘to binigyan ng pansin agad. Sa sobrang galak niya na ipapalabas siya sa telebisyon na iyon ay tumawag siya sa kaniyang anak upang sabihin na panoorin ang kaniyang interbyu; inimbita pa niya pa ang lahat ng tao sa kaniyang baranggay upang panoorin siya sa kaniyang telibisyon sa kaniyang bahay ang interbyu na ipapalabas sa primtime ng channel 2. Ngunit sa lahat ng preparasyon at pagaabang nila ay hindi siya ipinakita o ipinalabas, pinakita lang ang pangalan niya sa telibisyon at ayun na iyon. Katulad ng sinabi ni Peque Gallaga kaya nagiging importante ang pagtanggap ng karangalan dahil iyon ay ginagawa lamang nila na pag angat lamang ng pagkakakilanlan ng tao sayo, para masabi na kabilang ka sakanila ; sinabi rin na parang “report card lamang” ang makatanggap ng award.
Para saakin ang pinapahiwatig ng palabas na ito ay hindi patas ang lipunan, sadyang may bias sa lahat ng bagay. Kahit na mas matagal mo na ginagawa ang bagay kahit na ito ay mas gamay mo na ay hindi parin patas ang pagtrato sa iyo. Ngunit sa lahat ng ito ay meron parin namang mga tao sa paligid mo katulad ni Lilia, meron paring taos pusong sumusuporta sa kaniyanag ginagawa. Maari ring hindi parangal ang patunay na ikaw ay magaling sa larang na iyon, ito ay nababase kung paano mo binigay ang pinaka makakaya mo sa isang bagay at ikaw ay nag-eenjoy dito. Ipinakita kung paano ka dedikado si Lilia Cuntapay sa kaniyang ginagawa kahit na anong role pa ito, kahit hindi siya mabigyan ng malaking role na gagampanan ay binibigyan niya parin ng hustisya ang mga ito. May parte ng palabas na nakailang balik siya sa bahay ng kapitbahay niya na kung saan ay nakikitawag siya o dun din siya pupuwede kontakin ng mga nais siyang bigyan ng role sa isang pelikula. Pinapakita na sa idustriyang ng pagaarte ay hindi ganoon kadali.
Sa unang parte ng palabas ay tinanong ng dodokyumentaryo kunwari kung kilala nila si Lilia Cuntapay at sumagot sila na hindi nila ito kilala o hindi siya pamilyar sakanila ay nagkaroon ng twist sa huli na sinabi na kilala nila siya at nakatrabaho na nila si Lilia. Ipinakita ng direktor na sa unang parte ay hindi pa siya ganun ka kilala ng mga tao ngunit pag tagal ng istorya ay unti-unting dumami ang nakakilala sakanya. Sa huli ay yung mga tinanong niyang mga ibang artista ay kilalang kilala pala siya at mayroon pa silang mga sariling tawag sakaniya. Sobrang hirap pala kung iisipin ang buhay ng mga supporting role o hindi lang bilang isang extra; bilang isang aktres o aktor. Siguro kapag hindi mo tinanggap ang isang role na binigay sayo ngayon ay manghihinayang ka dahil hindi naman palagi ay mabibigyan ka ng role na iyon. Kailangan mo talagang ibigay ang lahat ng makakaya mo bilang isang aktres sa isang pelikula para ikaw ay hanap hanapin pa ng mga direktor. Saludo ako kay Lilia Cuntapay na nagbibigay importansya sa mga horror films noon, dahil kung wala sakanya ay hindi mabibigyang hustisya ang mga pelikulang iyon.
1 note
·
View note