Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pagdududa
Nang tayo'y pinagtagpo
Biglang bumilis ang ikot ng aking mundo
Mahalaga ang bawat sandali
Bawat minuto'y nagbibigay ng saya
4 na dekada laban sa 2
Magkaibang mundo ang ating pinananahanan
Akin ang kanluran at sa iyo ang silangan
Ikaw ang nais ko iba ang gusto mo
Unti-unting luminaw ang papel ko sa buhay mo
Subalit hindi ko malaman kung ang ating pagtatagpo
Ay isang biyaya o isang sumpa
Bawat minuto, may pagdududa
Na hindi talaga magiging ikaw at ako
0 notes
Text
PAGHAHANAP
Araw-araw
Patuloy tayong naging dayuhan sa bawat isa
Hanggang sa hindi mo na ako makilala
Ni anino mo di na mababakas pa
May mga sandaling
Pilit kong hinahanap ang ako at ikaw
Pero ni isang bakas
Ay walang naiwan
Wala na
Wala na
Bakit hahanapin pa?
0 notes
Text
PAGTATANONG
Bakit hindi pabalik ang kamay ng orasan
Para matanaw ko ang ating masayang nakaraan?
Bakit bilog ang mundong kapwa natin nilikha
Pero ngayo'y parisukat?
Bakit tila ka anghel na walang pakpak
Pero hindi kailanman mayayakap?
Bakit di natin kayang bilangin ang patak ng ulan?
Tulad ng kakayanan kong balikan ang nakaraan?
Bakit sa lakas ng aking mga sigaw ang naririnig mo palagi ay ang kanyang pagbulong?
Bakit hindi nabuo ang mga pangarap na kinain na lang ng ulap?
Bakit itim ang kulay ng bahaghari na iyong ipinamalas matapos ang ulan?
Bakit ako umiiyak sa isang palabas na napakasaya na ikaw at siya ang bida?
Bakit sa bawat pagtibok ng puso ko'y sampung balaraw ang ibinabalik mo?
Bakit sa liwanag ng araw patuloy akong nagtatago sa pusikit na karimlan?
Bakit sa lahat ng aking mga tanong ang sagot ko ay palagi ding tanong?
0 notes
Text
PAGTATAMPISAW
Nakita kitang lumuluha
Lumapit ako't nagbigay
Ng balikat na masasandalan
Matibay, di kababakasan ng kahinaan
O karupukan
0 notes
Text
PAGPAPA-ASA
Kung alam ko lang ang takbo ng iyong mga paa
Ay papalayo
Hindi ko na dapat kinapitan ang huling hibla
Ng pag-asa
Sabi mo dati, tayong dalwa
Bakit sa huli, ako'y mag-iisa?
Sabi mo kapit lang
Sagot ko, oo walang bitiwan
Sabi mo bukas
Hinintayin kita
Bakit pagdating ko may kasama kang iba?
Sabi mo, tayo hanggang sa huli
Bakit sa gitna, nagsolo na agad ako?
Bakit mas madaling sabihin
Na kumapit ka
Pero ni hindi mo nagawang patunayan
Na isa kang matibay na kakapitan
Sabi mo sa huli'y magiging masaya tayo
Bakit tila ikaw lang ang nakita kong
Me ngiti, tawa at halakhak
Habang kasama mo siya, doon ko na nakita
Ang pinakamasaya mong mukha
Hindi kayang palitan ng kahit anong kaya kong ibigay
Kahit siguro buhay
Bakit nangungumusta ka pa?
Bakit ako'y kinakaibigan mo pa?
Hindi mo kasi alam
Na sobrang sakit nang UMASA...
0 notes
Text
PAG-ULAN
Yakap na kasinlakas ng lamig Walang bakas na pag-ibig na tigib Malulunod ng bawat luhang dadaloy Ng pagsintang wala man lang ni katiting na paglingap na abuloy Nilamon ng patak ng bawat butil Pagtangis ng isang pusong walang alam Kundi ang umibig kahit puro hilahil Bawat patak ng ulan aking sinalo Subalit tulad ng pagmamahal mo, walang natira sa palad ko
0 notes
Text
PAGSUKO
Pano mo ipaglalaban ang pusong madalas kang sukuan Paano ka kakapit kung bumitaw na ang kaniyang malalamig na kamay Ako, kakapit Siya, bibitaw Hanggang tuluyang mawala ka sa kawalan
0 notes
Text
PAGBUBUO
Bakit pinakamahirap buoin ang pusong durug-durog Pinulot mo nang lahat ang kahit pinakamaliit na bahaging nabasag Ibinuhos mo na ang iyong oras at lakas sa unti-unti at marahang pagdidikit dikit ng pira-pirasong pigtas ng iyong sarili Subali't di mo magawa dahil umaasa kang siya ang pupulot at muling bubuo nito para muling ibalik sa iyo Pero walang kaganapan Mananatili kang hiwa-hiwalay...
0 notes
Text
PAGTATAGO
Masaya ka tulad ng mga bulaklak sa hardin na nasisinagan ng araw Payapa ka tulad ng karagatang pantay Tila isang punong patay sa kawalang hangin Nakabibinging katahimikan ang hatid mong kapayapaan Taglay mo ang ngiting magbibigay ng halaga sa bawat makikita Walang kalungkutan na mababakas sa bawat salita at pagkilos Tulad ng ilog na masayang dumadaloy patungo sa kalawakan ng dagat Pero lahat ay kabalintunaan Nakatago sa iyong kalooban ang lahat ng hapdi at bigat ng sandaigdigan
0 notes
Text
PAGPAPARAMDAM
Nandiyan ka na naman Parang kumakatok sa bloke ng yelong pintuan Ang pagsulyap mo ay tumutunaw Hindi ko alam kung bakit naglalagos sa kabituran Hindi ako mapakali Akala ko wala na Wala ka ng tuluyan sa aking buhay Buhay na tila huminto sa pag-inog ng iyong iwanan Papalapit ka na naman nang papalapit Naglalike sa mga post ko at tila walang nangyari Hindi mo alam na bawat click mo sa like button ko ay nagbibigay ng pag-asang muli kang bababalik Masakit na nagpaparamdam ka ulit Kasi mahaba na at malalim na ang aking napagdaanan Mga gabing wala ka Mga tag-ulang malamig Andyan ka na naman nagpaparamdam Ako namang si tanga Umaasa Tigilan na Tapos na
0 notes
Text
PANGUNGUMUSTA
Hindi ko alam kung paano sisimulan Lalapit ba ako para yakapin ka or kakaway na lang sabay bulong na “kumusta ka”
Naghintay akong magtama ang ating paningin Upang makita mo sa aking mga mata na pananabik na taimtim Pero tulad ng saranggolang hinihilang pasalalungat Habang ako papalapit, patuloy ka sa paglayo
Paglayong walang katapusan at sa bandang huli'y kawalang pagkakakilanlan sa ating nakaraan Nakaraan na kaylanman hindi na mababalikan Pano nga ba magkakabalikan kung patuloy mong ininasara ang puso sa isa pang pagkakataon Pagkakataon na sanay muling bubuo sa ating mga pangarap Pangarap na nawasak Nawasak dahil sa pag-ibig at pagtitiwalang marupok
At sa huli'y bagkus na pangungumusta ang nasambit na lang ay paalam
Na walang katiyakan…
0 notes