Text
isang normal na araw sa bahay umaga, kakagising lang, nanatili sa higaan mainit, nagseselpon, walang ginagawa bakasyon na. manonood ba o tatanga? bakasyon na, eto na naman tayo makakapagpahinga ba o miserable na naman sa dalawang buwan? dumadaloy na naman sa kalamnan ang kalungkutan kalungkutang hindi alam saan nagmumula kalungkutang ayaw umalis hanggang sa panaginip na para bang gusto na lang pumatay sana tumahimik na lang ang mga boses na nagpaparinig sayang ang araw kung puro negatibo na lang ang dumadaloy
0 notes
Text
pula at itim
gabi-gabi na lang walang maramdamang kulay,
matutulog nang pagod, gigising nang matamlay.
papasok ng parang patay,
na para bang ako’y nasa malalim na hukay.
nakaalis na ako sa wakas.
pero parang ‘di pa rin ako nakakatakas?
ang dilim ng paligid, kaluluwa kong ubos na ang lakas,
makakapagpatuloy pa kaya bukas?
dapat pa ba akong matutong maglagay ng kolorete,
kung ang nakikita ko lang din sa salamin ay puti at itim?
pati ang mga aninong nakakasalubong ko,
walang kulay, puro mapagpanggap.
nasaan na ako? kailangan ko na ng tulong.
nalulunod na ako sa mga luha ko, ang daming bumubulong.
basag-basag na ang bawat itsura niyo.
nasaan na yung kulay na pinapakita niyo?
para akong nangangapa,
wala na namang kulay na makita,
bumalik sa puti at itim ang lahat; bumalik sa simula.
ako ay dahan-dahang nililibing nang buhay pa :)))))))
1 note
·
View note
Text
Wan Pisayk Six
As much as I don't want this post to be as cringy as fuck, as an emotional and soft-hearted motherfucker, baka maging gano'n ang tono nito.
Sisimplehan ko lang naman para hindi magtunog tangina pre, sukot. 'Di kasi ako nag-post sa Ig kaya dito na lang. Okay game. Disclaimer: Marami ata akong nalagay na mura. :)
Sa halos isang buong taon nating pagsasama, tangina sukot na agad, hindi ko lubos na maisip na naging gano'n lang kabilis lahat.
No'ng una alam ko lamang yung excitement sa katawan ko kasi naitawid ko hanggang college eh. Like putangina college na ako?! Gano'n gano'n lang? Parang nakipaglaro lang ako sa mga bata. E PUTANGINA THAT'S WHAT YOU THOUGHT, BITS! Laki nga ng pinagbago ko mula shs to college. Para akong naging isang whole ass new person kasi talagang iniwan ko yung sarili ko no'ng shs ako. Well, kaya naman ako naging ganito rin ngayon dahil sa mga taong nakapaligid sa akin no'ng shs. They made me like this. Luh parang gago? Tangina akala mo ang sama-sama ng nangyari. Going back, paulit-ulit ko na 'tong sinasabi at sinusulat sa notes ko, at uulitin ko lang ulit dito ngayon kasi talagang tinatakan ako eh. Pero putangina ng college life pre! 1st year pa lang ako pero 'di ko lubos na maisip na ganito pala siya kahirap. Talagang totoo pala yung mga reklamo at hinaing ng mga college students na napapanood ko sa social media. Tinanong ko pa yung ate ko kung mahirap ba college ta's kung anong pinakamahirap na year. Medyo nakaligtaan ko ata na magkaiba kami ng program at talino. Pero sa totoo lang kinalimutan ko rin lahat ng nalaman at mga dapat kong malaman ngayong college kasi hinayaan ko lang yung sarili ko na damdamin yung bawat daloy ng momento niya. Aba puta talagang dinamdam ko talaga bawat segundo at bawat sandali ng 1st year ko. Tangina naramdaman ko lahat eh. Naging barista ba naman ako ng sarili kong emosyon at damdamin- pinaghalo-halo ko ba naman lahat. Pero overall, I enjoyed it. It was a roller coaster ride pero I'm grateful na I'm with the right people. Weh? Kasi I cannot imagine myself na nasa ibang section ako kahit na hindi ko pa naman nakikita karamihan sa mga pagmumukha nila. Pero I believe nasa tamang section naman ako? Sana. Hanggang dulo. Kahit medyo tabingi minsan pero palagi namang gano'n. Palaging may tatabingi saan ka man mapunta pero gayunpaman makikita mo pa rin yung teamwork, bond, relationship, pati harmony niyo sa isa't isa. Thankful ako sa section na 'to kahit nagsasabihan ng hindi magagandang words to each other.. or maybe not to each other! HAHA! Kasi wala, sila yung naging kasama ko sa 1st year of experience ko sa college. Sa UST. Tapos BS Psychology pa. Tangina jackpot 'di ba. I know hindi kami magkakavibe pero makikita mo pa rin naman sa ibang aspeto ng buhay. Am really grateful to my cof kasi nandoon kami para sa isa't isa, at least or mostly, to survive everything. From our terror and nakakainis na profs to fucking endless quizzes and exams to sandamakmak na requirements to halakhakan, iyakan at laitan sa bawat kanto ng USTe. Iba talaga pinaramdam niyo sa'kin, girls. Salamat. SUKOT PUTANGINA I REALLY HATE CHEEZY MESSAGES.
Anddddd our 1st year just ended last month and it still feels surreal. Actually, medyo nagkakapaan pa nga kaming lahat kasi sa loob ng halos isang taon na 'yon, sobrang daming nangyari na talagang nakakagulintang. Kahit yung cof ko rito, pakarami ba naman namin, nagkakapaan pa rin. Daming plot twist ika nga nila. Pero respeto. Matatanda na kami. Bakasyon na muna.
I just hope na next school year, lahat kami, well at least, can have a good relationship and masugpo na yung awkward tension towards each other. KASI NAMAN YUNG IBA RIN.. JOKE I love p6.
Pero hirap magka-award dito par, ah. Kayod talaga. Or maybe I'm just too dumb to get one.
Thanks for the 1st year, p6! Onto the next one!
pota sorry sabi ko sisimplehan ko lang pero naging emosyonal na naman ang tao na 'to.
Incomplete class pic. 30 na nga lang kami, 'di pa makumple-kumpleto. 25 lang kami rito hehe.

0 notes
Text
Isang Balot ng Potchi
Salamat sa isang balot ng Potchi, naramdaman ko ang ginhawang kinakailangan ko para sa umagang ito. Salamat sa isang balot ng Potchi, natulungan niyang timbangan ang dibdib kong ang bigat-bigat sa hindi malamang dahilan. Salamat sa isang balot ng Potchi, pinaalala niya ulit sa akin na ang buhay ay 'di karera. Salamat sa isang balot ng Potchi, napawi niya ang gutom na nararamdaman ng tiyan ko kasi hindi ako makalabas ng kwarto dahil ang ingay sa labas. Salamat sa isang balot ng Potchi, nalasahan ko ulit ang isa sa mga pinakapaborito kong candy na balanseng-balanse ang lasa ng tamis at asim. Salamat, isang balot ng Potchi.
0 notes
Text
Maligayang Pasko Sa Loob ng Isang Minuto
12AM, December 25
1...
Merry Christmas! Maligayang Pasko! Merry Pasko!
2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10...
Ang saya-saya dahil nakarating na naman tayo sa pinakamaganda at pinakamasayang okasyon ng taon - ang Pasko. Masaya nga ba? Isipin mo, sinimulan mo ang taon para lang makarating ka ulit sa araw na 'to.
Mano po! Yapos at halik sa pamilya sabay bati at hingi ng pamasko.
11, 12, 13, 14, 15...
Teka nga. Bubuksan ko muna ang Internet at ang aking phone nang makapag-post na sa Instagram at mabati na rin ang mga kaibigan at mga kamag-anak na nasa abroad.
"Merry Christmas, guys! Miss ko na kayong lahat," kanya-kanyang send ng bati sa group chats at dm's.
16, 17, 18, 19, 20...
Ayan sige, post! IG story. Share. Shet. Kailangan sakto ako sa oras 'pag pinost ko 'to. Okay titingnan ko naman muna ang post at IG stories ng iba.
21, 22, 23...
Angas! Heart ko nga muna. E 'yung crush ko kaya kumusta? Batiin ko ba? 'Di naman kasi ako ganoon eh. Bumabati lang ako kapag may babati sa'kin. Mga galawang VIP at chix lang. Sige, mamaya na ulit. Sa pamilya muna ako ulit.
24, 25, 26, 27, 28...
Merry Christmas po! Yapos at halik sabay hingi ng pamasko sa pabirong tono.
inabutan ng mahiwagang ampao
Laking ngiti sa aking mga labi at liwanag sa aking dalawang mata. Keep it coming sana! Kapos na kapos ako ngayon at ang lungkot at nakakapagod ng taong ito kaya kailangan ko ng maraming salapi. Ano naman kung 18 na 'ko? Naniniwala akong walang pinipiling edad ang pagtanggap ng pera. <3
29, 30, 31, 32, 33, 34, 35...
Cooldown muna at mamaya'y t'yak na may magbibigay ulit. Phone ulit. Bati muna ulit sa mga kaibigan at kapamilya.
Pero… wala kayang maliligaw na bati mula sa kanya?
36, 37, 38, 39, 40...
Waitings lang ako.
41, 42, 43, 44, 45...
Merry Chritmas! inabutan ulit ng ampao ngunit wala pa ring bati mula sa kanya.
46, 47, 48, 49, 50, 51, 52…
ting!
"Hey, Merry Christmas :))" TANG- ITO NA! Okay 'di ko muna iseseen baka sabihin nag-aabang ako. E nag-aantay naman talaga ako!? Okay ito na HIHIHIHIHI!!!!
"Merry Christmas :>" HAHASHDAHSHAHA HINDOT!
53, 54, 55, 56, 57...
hi-neart ko 'yung kanya, hi-neart niya 'yung akin.
58, 59, 60...
12:01
Wala na. Tapos na ang ligaya ng pasko. Nagbatian naman na kami- 'di nga lang humaba ang usapan. Tulog na ulit ako. That's one minute, see you tomorrow!
0 notes
Text
Cheers to 17- 18th!
35 minutes before my legality. It's ending already. I'm scared, excited, shaking, anxious, all at once. Pero sa pagkakataong ito, isa lang ang hinihiling ko: Maging masaya sa isa sa mga magiging highlight ng buhay ko.
*12AM, June 25*
Happy Birthday, L! Sabi ko last month pa lang bago matapos 'yung school year, magsusulat ako para sa mga natitirang oras ko as a 17-year-old girlie, e. (Tangina parang mamamatay na ako ah?) Anyway, ayon, dahil mas umiral pa rin talaga 'yung katamaran, ngayong after birthday ako nagsusulat. (O, 'di ba parang tanga lang.) Pero siguro mas pinili ko na lang 'to para mas ramdam.
Simulan muna natin sa naging emphasis ng buong 17th year ko. Ayon, grade 12 na ako. Senior. Seniorita as my last year as a highschool student. Honestly, 'di ko alam paano ipapaliwanag kasi sobrang mixed emotions and ang overwhelming ng lahat ng experiences. Siguro ano na lang, literal na kinabahan ako kasi noong g11 pa lang kami, like orientation pa lang ata no'n or patapos na 'yung school year, may kumausap sa'min na senior namin na dating Humanista rin. Binigyan kami ng heads ups, reminders, mga babala, and more on what to expect on our last year as SHS Tomasinos. Shockingly, nakinig ako sa mga sinabi niya and talagang naselyo siya sa utak ko. Edi nag-anticipate na ako ng mga mangyayari, I even prepared myself because one of the things or words that strucked me the most from the speaker that talked to us was, "Creative Writing" and "Creating Non-fiction" which are all about WRITING. OO, WRITING - my worst and most exciting fear.
Fast forward, nag full face-to-face na kami. For almost three years, naramdaman ko ulit yung pisikal na pagod sa pagcocommute mula Ugong hanggang Blessed- ay hanggang UST na pala. Pumikit lang ako, nasa dream school ko na ako nag-aaral- hanggang college! It still feels surreal. Daming ganaps for real to the point na I can't even list them all kasi super mixed emotions ng senior year ko, and the past half months ng buhay ko. Ano ulit? Super begging for attention na naman ako, nag-amfee moments na naman sa ibang tao na akala ko kinaganda ko na. Fuck. Nasanay lang siguro akong sumandal sa balikat ng mga tao. Naalala ko 'di ko pala puwedeng gawin 'yon sa lahat. Apologies.
Ano pa ba? Shet. Siguro 'yung umabot din ako sa buhay ko, for the first time in my life, na na-confuse ako sa orientation ko dahil sa isang tao. I mean, this is very inevitable and I'm not closing my doors sa pagiging gay, but I feel like hindi ko PA makita 'yung sarili ko sa same gender relationship. Maybe admiration lang talaga kaya ko.
Dami pa actually. Naging tanga sa pag-ibig na hanggang ngayon, fuck, when will I ever learn ba? Bigyan niyo na ako ng bago, 'yung mas better, 'yung mas deserve ko. EMZ. Uhm, playing 17 by Avril Lavigne non stop and setting it as "my song" kahit na I don't relate to most of its lyrics, basta ma-fit lang kasi nga 17 ako. Ewan. Masyado kong niromanticize pagiging 17 years old ko simply because ayaw kong mawala 'yung concept ng pagiging minor de edad ko. Well, the time's up and now I'm entering my adulting age.
Basta to summarize this all, I am really, and will be forever grateful for all the experiences, people, life lessons that I've learned in my 17th age and I'm really looking forward sa pag-uumpisa ng aking adulthood. I really hope that the next following years of my life treat me the way that I deserve, like what my one treasured friend said to me that made my heart touched and melt. I will really miss you.
Anyway, cheers to 18th, L! I really wish you all the best and please make good choices in life kasi tangina 'di ka pusa na merong siyam na buhay tulad nina Vivi and Hype. Bitch isa lang buhay mo. ISA LANG. Always aim for progress and please do not be hard on yourself anymore. I'm really begging and on my knees right now.
For the last time, Happy Birthday, L! Be happy. Be strong. Maging maganda palagi at ibalik ang alindog :)
L.
3 notes
·
View notes
Photo
one day, i can have my own bronze medal, too, in my senior year in college. who knows? maybe i'll get a silver or a gold one!
everything’s coming up roses
4K notes
·
View notes
Photo
"higanti ng isang api." - liawa to vivi
Your daily dose of cat memes
40K notes
·
View notes