Text
September 19, 2021 (6:57am)
Sa mga oras na to katabi kita sa kama, tulog ka. Gising ako, iniisip kung hanggang kailan ako mumulat sa umaga na nanjan ka kasama ko at nandito ako kasama mo. Hanggang kailan tayo? Habang buhay nga ba o habang kaya pa? Paano pag hindi na kaya ang habang buhay? Sabi mo pag hindi ako nag bago iiwan mo ko. Naiintindihan mo ba talaga ako? o nag bubulag bulagan ka sa mga rason kung bakit ako nasasaktan at nagkaka ganito dahil ayaw mo ituro ang sarili mo bilang dahilan ng lahat ng to? Mahal na mahal kita. Yan lagi laman ng puso at isip ko. At hindi mo alam gano kasakit mamuhay na walang tiwala sa taong mahal mo. Hindi naman kita minahal ng walang tiwala eh. Ikaw naman nag bigay ng dahilan para masira yun sakin at sa relasyon natin. Hindi ko controllado buhay mo, choice mo pa rin lahat. Kaya mo nga lumaban pag gugustuhin mo kaya wag mo isumbat na ang galing ko mag manipula kase ikaw ang driver ng buhay mo. Dumating man yung araw na ayaw mo na talaga sakin at ubos na pasensya't pagmamahal mo, gusto ko lang sabihin sa'yo dito na yung mga panahong kasama kita yung pinaka masasayang araw ng buhay ko at nung mga panahong nagkaka sakitan tayo yung pinaka malungkot na parte. Salamat sa lahat ng pag tyatyaga sa piling ko. Ayoko man mawala ka alam ko namang wala akong magagawa pag humantong na sa oras na ayaw mo na. I love you so much. Hindi mag babago.
0 notes
Text
March 4, 2021 (1:20PM)
Nasasaktan ako sa mga binitawan mong salita. Sana mawala na yung sakit kasi nasasaktan din si baby. Sana maging mas matatag at matapang pa ko para ma protektahan ko siya. Mahal na mahal ko to.
0 notes
Text
March 3, 2020 (10:12PM)
Hello mahal ko! I can't sleep, there are thousand of thoughts running in my mind right now. In just a month, ikakasal na tayo, and back reading in this blog, funny how fast things could be change by our actions. Pero alam mo pinaka papasalamat ko sayo sa lahat? Na kahit ilang beses tayo hindi nagka sundo dati, kahit ilang beses tayo muntik na mawala sa isa't isa, patuloy mo pa rin ako pinipili sa araw araw. Kung hindi ka nagpaka tatag kumapit sakin noon, baka wala si baby natin ngayon. Thank you!!! Sana hindi na tayo mag hiwalay, sana wag mo ko sukuan at iwan sa mga dadaan pang pag subok satin, bukod sa nasanay ako na nanjan ka, mahal na mahal kita.
0 notes
Text
Q&A: anong feeling na may cute kang girlfriend? paki sagooooot HAHAHA

4 notes
·
View notes
Text
flex ko lang ang unang bagay na natanggap ko from you (tinali mo sa Honey Butter ko hahahaha), pangako na aalagaan ko lahat ng ibibigay mo sakin.

1 note
·
View note
Text
Time to say goodbye to our first,
and hello to many more.
Habang tinititigan kita sa ganitong view, isa lang ang pumapasok sa isip ko. Mamahalin kita habang buhay. Yang lalaking yan sa litrato, yung gusto ko makasama sa hirap at ginhawa, hanggang pag tanda abot sa huling hininga. At higit sa lahat, yang lalaking yan yung gusto ko maging tatay ng magiging anak ko. #BagitoAmpeg

1 note
·
View note
Text
In that very moment with you. I am myself. I can be myself. Thank you!
0 notes
Note
Pwede din bang wag mo ako iwan?
Pwede. Kayanin natin lahat at maging tayo hanggang dulo. Mahal kita Cedric. Sobra.
0 notes
Text
October 19, 2020 {9:16 PM}
I miss you more than words...

0 notes
Text
October 19, 2020 {12:36 PM - 2:25 PM}
How are you? I've been dying to know what's going on in your daily life. It sucks to have no idea at all about the person I care about the most. But know whaaaat? I deserve whatever is happening to me right now. You told me nakagawa ka ng 'napaka laking pagkaka mali' para mawala ako sayo permanently. Nope. Sa mga araw na lumipas, there comes my realizations. Ako yung mali dahil naging sarado ako. Please don't took the blame on youself, I believe you're a decent man kaya you also turned your back at me dahil pareho lang natin alam yung worth natin and I am very sorry. I am sorry for being the wrong to the right person. What we had was real, so real that I couldn't believe it happened though it actually did. Para kasing panaginip. Yung lugar, yung taong kasama ko, yung mga nangyari, all those memories- t'was too good to be true. Thank you. Everything was wonderful with you.
■■■
Aaminin ko, the first night and the first day I got mad, really really mad. (Trisha knows how angry I am) like wala ko ibang makapitan kundi prayers dahil ayokong ayoko makaramdam ng sama ng loob at galit lalo na sa taong mahal ko. Iyak, dasal, asking for help na alisin lahat ng negative feelings dahil ang bigat bigat sa puso. Iniisip ko, bakit ganon? Bakit pa ulit ulit na lang? Para bang lahat ng sakit, lahat ng luha, lahat ng battle ko within myself because of that main reason got wasted dahil ayan nanaman. Para mong nilalaro yung feelings ko by doing things you know would hurt me. Ganon. Ganon yung mentalidad ko kaya ko nag walk away easily even though I still have this fear of losing you. I protected myself. I protected my sanity. I protected my peace. Dahil alam ko namang hindi ako magiging okay sa ginagawa mo. Mabuti sana kung you're being open about it maiintindihan ko, kasi tinanggap ko na yon para hindi na maging problema satin, pero yung ako makaka discover, dun ako nagkakaron ng doubts. Bakit? Bakit? Baaaaakiiiittt? Ganon ba ka importante sa'yo? Ayos lang naman sabihin mo lang, hindi yung idedeny mo pero yung actions mo nagpapakita sakin ng katotohanan kaya ako nasasaktan.
■■■
Lumipas yung mga araw na kinakaya ko kahit mahirap. Unti unting lumalabas yung pagiging kaibigan ng mga kaibigan ko, pero hindi pa rin ako okay, kasi kahit ano namang sabihin nila ako nakaka alam sa sarili ko ng nararamdaman ko at isa lang naman yon. Mahal kita. Whatever piece of advice they say, it would always end up with mahal kita. At kahit si mama, nagawa kong iyakan sa sobrang pag mamahal ko sayo na hindi ko na kaya itago sa sarili ko. Wala ko sinabing makakasama sa imahe mo, palagi ko sinasabi kay mama na "ma, immature kasi anak mo kaya madali bitawan. ma, hindi ako maganda kaya siguro iniisip nila ang dali ko lang palitan. ma, ano bang tama sakin? kasi puro mali nakikita ko. ma, bakit hindi ako pinipili? ma, kaya ko to diba? ma, tulungan mo ko ha? ma, usap naman tayo. ma, nood tayo movie. ma, ang lungkot ko. ma, san ka punta sama mo naman ako. ma, wag mo ko iiwan ha?" I became a super duper clingy daughter to my momma. Papa have no idea what I'm going through, hindi rin masabi ni mama dahil syempre tatay ko yun at babaeng anak ako, masasaktan yon above everyone who is seeing me breaking. Pero kahit walang alam si papa, palagi ako pumepwesto sa tabi niya even though he's busy with his thing, maramdaman ko lang presensya niya na malapit sakin, I feel safe, I feel protected, na kahit nasasaktan ako deep inside, hello katabi ko si papa!!!! Katabi ko yung lalaking pinaka nanakit sakin by attempting to ruin our family 8 years ago but look, he's a better man now. Si Charls? He's always busy with his school works, but there's no moment na hindi ko siya kakausapin or bubwisitin pag lumalabas siya ng kwarto. I missed annoying my brotha so much. Thank you, heto yung gusto mo, diba? Mapalapit ako sakanila. I hope I'm doing it right.
■■■
But at the end of the day, kapag wala na akong kasama, kapag naka kulong na ko sa apat na sulok ng madilim kong kwarto, oras na para alisin ang maskara ng pagiging matatag, bumubuhos nanaman yung luha na buong araw ko pinigilan ilabas. Mag poproseso nanaman sa memorya ko lahat ng pinag samahan natin, na kahit masakit alalahanin, ayoko kalimutan. Ang sarap masaktan kasi ikaw yung minamahal. Ganon ako tuwing sasapit ang gabi. Na malamang ikaw jan nag e-ML hahahaha. I know you so well. Pero mas okay na yun kaysa danasin mo yung katulad ng sa proseso ko (I'm letting it hurt til it hurts no more- pero natatakot akong hindi na masaktan, kasi ayokong matulog at gumising na hindi ka na mahal. Ayoko. Ayoko pa. Kahit hindi ko na maalay sayo, maramdaman ko na lang sakin sapat na.), palagi ko dinadasal na sana masaya ka sa kahit anong ginagawa mo. At alam ko namang hindi ka niya pinapabayaan malunod sa lungkot, nakilala kitang nag papanggap na malakas pero nag hiwalay tayong alam kong totoo ka ng matatag. I'm proud of you. Always been.
■■■
Wag mo na ko alalahanin o isipin pa dahil kaya ko. Matatapos rin ang lahat ng to. Magiging masaya rin akong wala ng kapalit na lungkot. Pero hindi sa piling ng iba. Magiging masaya rin ako sa mga taong nanjan at hindi ako sinusukuan, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, at balang araw matututunan ko rin sumaya sa sarili ko. Mabubuhay ako na hindi na kailangan pumasok sa relasyon para maging buo. Kaya ko buoin ulit sarili ko. Kakayanin ko. I still have no regrets in everything I've done for you. I can still see you worthy. At kahit kailan, hindi mawawala halaga mo sakin.
■■■
Gusto ko malaman mong hindi na ako galit sayo. Napatawad na kita. Hindi rin ako galit kay Lyka, simula umpisa wala naman talagang umiral na galit sakin towards her. Nasaktan lang naman ako sa ginawa mo non. Me & my fragile heart that no longer belongs to your greatness. Anw, what's done is done. Tanggap ko na. Wala akong isusumbat, dahil nakuntento ako sa lahat ng ginawa, pinaramdam, at binigay mo. Hindi ka nag kulang, nakita ko yung best mo. I am grateful to know you in this lifetime.
■■■
Ang daming magaganda, matatalino at talentadong tao. Hindi man ako kabilang sa mga yon, salamat kasi minsan mo kong na appreciate for who I am. Naniniwala akong lahat ng tao mabuti, pero hindi lahat pinapairal ang kabutihan sa puso nila. Yon na yung pinapagana ko ngayon sa sarili ko kasi yon yung kailangan ko para gumaan lahat ng dinadala ko. Hindi na yakap mo! Dahil hindi naman habang buhay nanjaan yan sa panahong kailangan ko. Marunong na ako tumayo sa sariling paa, dahil kakailanganin ko pa maging matatag sa mga dadaang araw. "Speak kindness" Ituturo ko yan sa magiging anak ko!!!! :) Hindi na ko mag isa, salamat sinta.
1 note
·
View note
Text
Mahal kita, araw-araw.
Sa bawat bukas na dadaan,
sana pag hinga ko ay magaan.
Sapagka’t pag suko mo sa’tin,
walang magagawa kundi daanin sa awitin.
Naniwala ako sa mga binitawang salita,
ngayon sa’yo ay wala nang balita.
Ako pa rin ba sinta?
o meron ng iba?
Kasi sabi nila kung ako,
wala sa pag pipilian mo ang pag suko.
Bakit?
Kahit…
Kahit ang sakit sakit,
pag-ibig ko pa rin sa’yo abot hanggang langit.
Ayoko na,
wala na akong gana.
Gana sa lahat ng bagay,
sa daloy ng buhay na lang magpapa tangay.
Ang hirap buoin ng sarili,
tao bang napili ay mali?
Panalangin sa gabi,
sana mahagkan ulit imong mga labi.
Nakakatawa man isipin,
sa pag mamahalan natin ako’y isang alipin.
Mahal kita araw-araw,
kahit sa mga mata ko luha’y walang tigil sa pag uumapaw.
0 notes