litolgab
litolgab
Untitled
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
litolgab · 5 years ago
Text
Itama ang pagkakamali bilang Pilipino by:Allen Langkay
Tumblr media
Bakit nga ba mas nakakaintindi o mas alam ng mga bata mga salitang ingles? Ito ay dahil ginagawang unang wika ang ingles ng kanilang mga magulang dahil mas nagagamit o mas kinakailangan na raw sa panahon ngayon ang pagsasalita sa ingles kaysa sa pagsasalita ng wikang Filipino. Hindi dapat sinasasanay ang mga bata sa wikang ingles dahil hindi naman nila ito sariling wika o tinatawag na mother tongue. Habang sila ay bata ang kanilang unang nakikilang wika ay ang wikang Filpino. Hindi masama aralin ang wikang ingles pero dapat aaralin ito o ituturing mo ito na iyong pangalawang wika. Ang wikang Filipino ang kanilang dapat na sinasanay sa mga bata dahil ito ang kanilang wika at identidad bilang Pilipino. Ang wikang Filipino ay dapat pinapakilala ng mga magulang sa mga bata na ito ang kanilang wika na dapat sinasanay dahil ito  ang kanilang unang wika. Ang wikang ingles ay dapat inaaral bilang pangalawang wika at hindi ang wikang Filipino ang ginagawang pangalawang wika.
Ang pagkatuto naman ng ikalawang wika ay maaring mangyari sa anumang edad. Nang dahil sa maling pagkakilala ng mga bata sa wikang Filipino nagkakaroon ng paghina ng kaalaman ang mga bata sa kanilang sariling wika. Nagkakaroon na ng problema ang mga bata sa pagiintindi sariling wika kaya nagkakaroon sila ng mababang grado. Kung ano ang mas ginagamit o aktibong wika na ginagamit ng bata, ay lalo lalawak ang kanilang kaalaman sa wika na iyon. Lalo na kapag simula pa lamang na ang kanilang tinuturo na unang wika sa kanila ang ang ingles. Hindi dapat magkulang sa pagsasanay sa wikang Filipino. Ang iba ay binabalewala ang wikang Filipino dahil ang sinasabi ng iba na ito ay madali lamang pag-aralan kaya mas inuuna nilang pag-aralan ang wikang ingles. Hindi nila ito binibigyang halaga bilang isang Pilipino.
Sang-ayon ako sa mga experto na nasa bidyo na nagkakaroon na ng problema ang mga bata dahil ang nagiging pangalawang wika nila ang wikang Filipino. Dapat maibalik ang wikang Filipino bilang wikang panturo dahil karamihan sa mga bata ngayon ay hindi na nakakaintindi ng wkang Filipino. Ang wikang Filipino ang dapat na maging wikang panturo ang maaring maging mas bihasa ang mga bata sa wikang ingles. Kung ang patuloy na ginagamit ang wikang ingles bilang panturo ay mawawalan ang mga pilipino ay nawawalan ng sariling identidad bilang mga taong may sariling wika. Hindi dapat tinatalikuran ang sariling wika na ating dapat minamahal.
1 note · View note
litolgab · 5 years ago
Text
Pahalagahan ang wikang Filipino by: Allen Langkay
Una ang lahat, ako ay nagpapasalamat sa lahat ng guro na nagsikap at nagtiis na maturuan ang lahat ng studyante at tao sa tamang paggamit ng wikang filipino. Maraming salamat sa kanila at kanila paring binabalik ang kahalagahan ng wikang filipino upang hindi makalimutan at malaos ang tamang paggamit nito. Katulad ng isang guro na nasa isang bidyo na apat na dekada na siyaang nagtuturo ng wikang pilipino na si Ms. Mila Villinueva ay kanya talagang pnahalagahan at isinapuso ang wikang pilipino. Sa panahon ngayon, lumalaganap na ang maling paggamit ng wikang pilipino dahil may ibang salita na ang nauuso ngayon katulad ng jejemon na pagsasalita. Dahil sa mga nauusong salita ngayon at hindi pagkasanayan na pagamit ng tama ang wikang pilipino humihina na ang kaalaman ng mga kabataan ngayon sa pilipino.
kahit na araw - araw ginagamit ang wikang filipino nahihirapan parin ang mga studyante sa pagdating sa eskwelahan dahil sa pagbabaliwa ng tamang paggamit nito katulad ng paggamit ng maliit na titk sa unahan ng isang pangungusap. ito ay nakakaligtaan at humihina ang disiplina ng mga kabataan sa paggamit ng tamang baybay at salita ng mauso ang text messaging noong simula ng dumating ang teknolohiya na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa iba. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao pero dapat ito ay alam kung paano gamitin ng tama ito. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron tayo. Pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino.
Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga. Sumasang-ayon ako kay Ms. Mila Villianueva na humihina na ang kaalaman ng mga kabataan ngayon sa wikang Filipino dahil ang ibang mga batangayon ay mas tinuturuan pa ng mag salita at mga salitang english na parang ito ang kanilang wika. Ang ibang rason kaya nila ito tinuturuan aydahil maganda raw ito pakinggan para sa mga bata na dapat mas natututunan ng mga bata ngayon ang wikang filipino dahil ito ang kanilang sariling wika.
2 notes · View notes