lloydbassig-blog
lloydbassig-blog
로이드♡
2 posts
Lloyd Bassig
Don't wanna be here? Send us removal request.
lloydbassig-blog · 8 years ago
Text
Your Sound
Oh, I can understand your message
What a wonderful way to encourage
You're so good at making sounds
Look at my world, your beat surrounds
*****
Through your creativeness you inspire
Making my life so joyful and full of desire
I was afraid at first
But now look at me, I'm in thirst
*****
You made me realize things
You give strength to my heartstrings
You made me feel those emotions
To the levels with no calculations
*****
You're so talented
My heart almost fainted
I am touched. For you I'm so proud
And I am lucky, I know you and your sound
-llyd💥
1 note · View note
lloydbassig-blog · 8 years ago
Text
PAMANA
Simula:
Ang pamana...
Ito ba ang tama?
Kung titignang mabuti, ito ay sala
Mga mamamayan ay walang magawa
Pamana ng nga opisyales ay ang pera ng madla
Pamana para kanino?
Para sa mga kadugong 'di marunong makuntento
Kadugo lamang ba?
Naku! Mayroon pa palang iba
Mga kaibigan
Malalapit na sandigan
Sandigan sa nakawan
Katulong sa kasamaan
Ang posisyon ay pinapamana na rin!
Alagaan daw ang proyekto at paunlarin
Ang kalakaran ng dating pinuno ay linisin
Ngunit nakikita ng taong bayan ang mga ulap na lalong madilim
Paano na ang kinabukasan
Kung nagpapadala sa sariling kagustuhan?
Mabuti sana kung ang mga ito'y para sa kabutihan
At hindi para sa mga kinikilingan
Magagandang pangarap ay nasasayang
Dahil sa epekto ng pagiging gahaman
Sapat na edukasyon ang kailangan
Upang makapili ng pinunong mapagkakatiwalaan
Nilalaman:
Ang political dynasty ay mayroong positibo at negatibong epekto sa ating lipunan. Ang nagaganap na political dynasty sa ating bansa ay maaari natin gawing halimbawa. Isa sa positibong epekto nito ay ang pagpapatuloy ng pag papatupad ng mga institusyonal at pampamahalaang proyektong pang ekonomiya, pampolitika at panlipunan, ngunit ang negatibong epektong kaakibat nito ay ang korupsyon. Ang korapsyon ay ang pag aabuso sa kanilang kapangyarihan at ang pag hahangad nila sa kayamanan na ang nagiging bunga ay kasakiman. Hinihikayat ng Sistema ang mga miyembro ng political dynasty na magbigay ng magandang serbisyon, dahil ang tiwala sa mabuting pangalan ng pamilya ang mag luluklok sa kanila sa kapangyarihan. Gaya sa nangyayari sa ating bansa, basta't kilala o sikat ang kumakandidato ay yun agad ang kanilang binoboto dahil naniniwala sila na gaya ng nakaraang naluklok sa pwesto na kanyang kamag anak ay mabuting opisyal, naniniwala sila na mabuti rin ang gagawin ng kandidatong ito. ngunit ang kaakibat ng positibing epekto na ito ay ang paglilimita ng political dynasty sa demokrasya, dahil ang mga umuusbong na kandidato ay maliliit ang tsanyang maluklok sa kapangyarihan. Isa din sa positibong epekto ay naaakit ng mga maimpluwnesyang pamilya ang mga multinasyonal na korporasyon at mga dayuhang namunuhunan, ngunit ang kaakibat nito ay pinapalaki nila ang puwang na pagitan ng mayayaman at mahihirap na pamilya, at maaari nilang kontrolin o manipulahin ang mga balita o impormasyon at opinyon ng publiko. Maaring maging mabuti o masama ang epekto ng political dynasty sa ating bansa, nakadepende lamang ito kung ang namumuno ay siyang mabuti o masama.
Impresyon:
Hindi na natin mababago ang ating kasayasayan. Hindi natin masasabi na nangyari na ang nakaraan na kung saan nagsimula ang pang-aabuso sa kapangyarihan at sa pagpapalawak ng kanilang kapangyarihan. Pinalawak nila ang kanilang kapangyarihan sa paraan ng pag-impluwensiya ng media, komersiyo, at industriya. Madami man ang negatibong epekto ang naidudulot ng political dynasty, mayroon pa ring mga pamilya ng mga politiko ang nagbibigay ng magandang serbisyo para sa kanilang sariling bayan upang magkaroon ng pagkakaisa. Tiwala lang ng bayan ang kanilang gusto. Sila’y umaani ng tiwala ng bayan na kung saan sila’y makapasok sa posisyon na gusto nilang makuha. Ngunit sila ba’y karapat-dapat sa posisyon na iyon? Masasabi lang natin na sila’y may potensyal at kakayahan sa gusto nilang makamit na posisyon galing lamang sa mga mamamayan. Ang mga mamamayan ay may tunay na kapangyarihan na pumili ng kanilang mamumuno. Nasa kamay ng tao ang kinabukasan ng lipunan. Nasa kanila ang kapangyarihan upang umunlad at mabago ang kalagayan ng ating bansa.
@talinghagangbuhay
3 notes · View notes