Tumgik
loncionsbg-blog · 5 years
Text
January 3, 2019
Yosh!
Pasukan na ulit pero hindi ako nakapasok kasi hindi ako ginising ni mama. Nakalimutan niya daw na pasukan na namin. Pero ok lang kasi ayaw ko rin talagang pumasok kasi di pa ako ready, nasa bakasyon pa utak ko at wala pa akong motivation para pumasok. Hindi ko na alam kung ano nangyayari sakin, feel ko bagsak na ako sa school. Next week na lang ako papasok hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
January 2, 2019
Yosh!
Ngayong araw narealize kong pasukan na kinabukasan pero wala pa rin akong nagawa sa mga kulang kong requirements sa school. Sobrang dami kong kulang, di ko alam kung ano uunahin ko. Naglaba na lang tuloy ako ng mga damit at uniforms ko hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
January 1, 2019
Yosh!
Sinalubong namin ang bagong taon kasama buong pamilya. Nag-inuman at nagkaraoke sila buong magdamag. Ako nasa kwarto lang nanood ng anime. Kinaumagahan tahimik sa bahay kasi tulog sila lahat. Andami pang tirang pagkain kaya kumain ako. Wala gaano ganap hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 31, 2018
Yosh!
Last day na ng 2018 pero wala paring ganap sa buhay ko. Same pa rin, walang nagbago. Anyways, maingay na naman yung bahay namin dahil umuwi na yung dalawa kong pamangkin. Tumulong ako kay mama sa pagahahanda ng ilan pagkain hehe bait ko e. Pagkagabi, marami nang nagpapaputok sa labas kaya ang ingay, tas ang baho pa ng usok. Pagkapatak ng 12 ng gabi, nagliwanag sa labas dahil sa dami ng fireworks. Dami ding nagpaputok kaya ang ingay. Nag-ingay din sila mama para daw mawala malas. Masaya new year namin kasi sama sama kaming nag-celebrate hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 27, 2018
Yosh!
Medyo maulan ngayong araw at ang lamig. Tahimik sa bahay kaya ansarap pakinggan ng ulan. Ewan ko ba pero gusto ko yung tunog ng ulan, nakaka-relax sa pakiramdam hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 26, 2018
Yosh!
Normal day lang ngayong araw. Wala gaanong ganap sa buhay ko. Same thing lang ulit ginawa ko. Hindi naman ako nabo-bored kasi marami akong bagong napapanood na anime hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 25, 2018
Yosh!
Pasko ngayon pero normal na araw lang sa bahay namin. Wala gaanong ganap. May mga pumuntang inaanak sila mama at papa para mamasko, pero di ko naman sila kilala. Ako naman walang mamapapaskuhan kasi di ko kilala mga ninong at ninang ko tas wala rin kaming kamag-anak sa metro manila. Tinapos ko na lang yung anime na pinapanood ko kagabi hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 24, 2018
Yosh!
Bisperas na ng pasko ngayong araw pero tahimik sa bahay kasi wala yung ate ko at dalawa niyang anak. Nasa Tarlac sila kasi dun sila magpapasko sa pamilya ng asawa niya. Hindi kami naghanda ngayong Pasko. Kinagabihan, ako lang mag-isa sa bahay kasi naki-christmas party sila mama at papa sa mga kaibigan nila sa kapit bahay. Yung kuya ko naman hindi ko alam kung nasaan, baka gumala kasama tropa niya. Ako naman, nanood ng bago kong na-discover na anime hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 20, 2018
Yosh!
Hapon na ako nagising ngayong araw kasi nagpuyat ako kanonood ng anime. Same thing lang rin ginawa ko ngayong araw, walang bago. Nood anime, kpop, basa manga, kain at tulog hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 19, 2018
Yosh!
Antahimik sa bahay ngayong araw kasi may hang over pa yung papa ko at mga kapatid ko dahil sa inuman kagabi. Hapon na pero tulog pa rin sila. Ako lang ata gising sa bahay. Wala akong ibang magawa kundi nanood na lang ako ng iba pang anime. Tas nagbasa rin ako ng manga at nanood ng mga kpop videos. Yun lang ginawa ko buong araw hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 18, 2018
Yosh!
Birthday ngayon ng dalawang pamangkin ko. Actually yung isa lang yung may birthday kaso sinabay na lang kasi magkalipat lang yung birthday nila. Andaming pagkain tas andami ding bisita kaso hindi ko sila kilala. Kumain lang ako saglit tas nagkulong na ako sa kwarto kasi andaming tao sa bahay. Pinanood ko na lang yung season 2 ng anime na pinanood ko kahapon. Nakatapos ulit ako ng 12 episodes hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 17, 2018
Yosh!
Christmas vacation na pero di ko parin feel yung pasko. Normal day lang ngayon, wala ako gaanong ginawa. Since wala naman akong social life, nagkulong lang ako sa kwarto at nanood lang ako ng anime ngayon. Nakatapos ako ng 12 episodes straight hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 14, 2018
Yosh!
Medyo marami kaming ginawa ngayong araw lalo na sa Research. Nag-finalize na kami ng mga titles at topics sa research namin. May mga ginawa din sa ibang subjects. Medyo nakakapagod pero oks lang kasi feel ko ang productive ko ngayong araw hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 12, 2018
Yosh!
Pumasok na ako ngayong araw. Normal day lang sa school. Nag-cram ako sa mga homeworks kahapon. Wala gaanong naganap as in normal na araw lang talaga siya. Pag-uwi ko sa bahay, normal lang rin. Natulog na lang ako hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 11, 2018
Yosh!
Di ako pumasok ngayong araw kasi balak ko dapat gawin lahat ng mga kulang ko para mapasa ko na bago Christmas break. Sobrang dami ko nang kulang di ko na alam huhu. At the end of the day, wala akong nagawa tas may dumagdag pang mga assignments at activities dahil sa pag-absent ko ngayong araw hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 10, 2018
Yosh!
Performance day namin ngayon sa PerDev. Kasali ako sa dance group. Second to the last pa yung PerDev namin kaya nakapagpractice pa kami. At buti na lang mabait iba naming teacher pinayagan kaming magpractice sa time nila. Masaya ako kasi naging maganda kinalabasan ng performance ng buong Banzon hahaha.
0 notes
loncionsbg-blog · 5 years
Text
December 6, 2018
Yosh!
Culminating at Recognition day ngayon ng SHS. Kasama ako sa with honors pero di nakapunta parents ko. Bago yung recognition, nagperform na naman kami ng field demo. Kaya tuloy nalate kami sa awarding kasi nagbihis pa kami ng uniform. Masaya naman ako kasi may certificate na naman ako hahaha.
0 notes