Tumgik
lorenzoibarra18 · 4 years
Text
Tumblr media
0 notes
lorenzoibarra18 · 4 years
Text
Tumblr media
#CL
0 notes
lorenzoibarra18 · 4 years
Text
May kultura paba ang mga kabataan ngayon?
Isunulat ni: Lorenzo Miguel T. Ibarra
Tumblr media
Mapapanood sa GMA NEWS TV ang dokumentaryong pinamagatang “Investigate Documentaries: Ang estado ng wikang Filipino” na nakapag-interview sa mga ilang eksperto sa kultura. Sila ay nagbigay ng kani-kanilang mga saloobin tungkol sa halaga ng ating pambansang wika. Ang Pangulo ng KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) na si Virgilio Almario, ay ibinanggit na ang ating pambansang wika sa kasalukuyan ay ginagamit bilang pangturo sa paaralan, komunikasyon, ilahad ang emosyon at opinyon ng bawat tao. Nakasaad sa Executive Order no. 335 “…intensified use of Filipino language in official transactions, communications and correspondence in government offices”. Sinabi ng mga eksperto na hindi dapat sinasanay ang wikang ingles sa mga bata na dapat ang wikang Filipino ang ginagamit bilang pagturo.
Ang wika ay ang kaluluwa ng bansa na ito ay parang buhay na araw-araw ay nagbabago. Sang ayon ako na ang mga Pilipino ay dapat maging bihasa sa sariling wika sapagkat ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino. Dapat ang mga bata ay lumaki at sinasanayan na gamitin nilang wika ang wikang Filipino dahil sa isang episode ng GMA NEWS TV ay nabanggit ng isang gurong nagtuturo sa asignaturang Filipino na nakikita niya ang paghina ng kaalaman ng mga estudyante sa kanilang wika. Siya ung may-ari ng bahay ngunit siya ay pinalayas at nandoon siya sa labas ngayon.
Bilang isang Pilipino ay dapat hikayatin natin ang bawat isa na gamitin ang sarili nating wika at tulungan natin itong umunlad, Ginamit natin ang ating wika upang maging malaya at magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa. Dapat makita nating ginagamit ng mga kabataan ang ating sarili nilang wika sa pang araw-araw at dapat hinihikayat natin sila upang mas maging kilala at magkaroon sila ng pakialam sa kanilang wikang Pambansa.
0 notes
lorenzoibarra18 · 4 years
Text
Nabibigyang-pansin paba ang tamang paggamit ng wikang Filipino ngayon?
Tumblr media
Isinulat ni: Lorenzo Miguel T. Ibarra
Kung makikita ang isang episode ng GMA NEWS TV ay nakapag-interview ng isang guro na nagtuturo ng apat na dekada sa San Pedro Relocation Center National High School na si Ginang Mila Villanueva na nagbigay ng kanyang opinyon sa kalagayan ng kaalaman ng kanyang mga estudyante ukol sa wastong paggamit ng wikang Filipino. Nakikita natin na ang makabagong wika ay ginagamit sa pang araw-araw at ito ay hindi natin maiiwasan. Gaya ng sinabi ni Sec. Leonor Briones, ang wika ay parang taong buhay na ito’y nagbabago araw-araw.
Si Ginang Mila Villanueva ay nagbigay ng kanyang opinyon tungkol sa pagunlad at paggamit ng wikang Filipino. Nakikita niya ang paghina ng kaalaman ng kanyang mga estudyante dulot ng pag gamit ng teknolohiya na sila’y naguusbong ng mga makabagong wika na sila lang ang nakaka intindi nito. Dahil sa makabagong wika ay madami satin ay nahihirapan sa wikang Filipino kahit na ginagamit nila ito sa pang araw-araw. Nabanggit ni Ginang Mila Villanueva na kulang ang kaalaman ng mga kabataan ngayon tungkol dito dahil hindi na masyadong nabibigyang pansin ang tamang paggamit ng wika. Nakikita ni Ginang Mila ang pagbabago ng mga salita ngayon kompara sa mga estudyante niya noon.
Ako ay sang-ayon kay Ginang Mila na ang kaalaman ng mga estudyante ngayon sa Filipino. Binibigyan dapat natin ng halaga ang sarili nating wika sapagkat ito noong nakaraan hanggang ngayon ay nagging tulay patungo sa kapayapaan sa bansa natin. Huwag nating kalimutan na ang wikang Filipino ay ang ating kasangkapan para sa pagkakaisa nating mga Pilipino.
1 note · View note