Tumgik
lotiebalotie · 4 years
Text
Tumblr media
4 notes · View notes
lotiebalotie · 4 years
Text
Why do I feel like something has changed? I keep on reminding myself that "girl busy sya. May work sya. Priority nya yon. Babalik din yan once ok na work." But parang hindi na yata. Pinipilit ko naman intindihin pero oarang hindi ma procesa ng utak ko. Parang wala na kasing babalik? Kasi damaged na? Kasalanan ko ba? If yes, sorry. 🥺
1 note · View note
lotiebalotie · 4 years
Text
#JuliElmoPagsusulit Answer Key
Tumblr media
If you’re using desktop to view this document, you can click on some of the answers it will provide you the link of the where we get our answer (further evidence)
Okay, so many of you are requesting if we can post all the answer so here’s all the answer on #JuliElmoPagsusulit
1. What is the full name of Julie and Elmo’s character in Wazak?
Answer: Julie Anne Capule and Elmo Montero
2. "Ano ba ka?“ Who said this line and which act? 
Answer: Julie, Act 1
3 .What was the last song Julie and Elmo sang on the Wazak Musical? 
Answer: Love Story Ko
4.  What was the title of the song Cindy and Rocky sang after Cindy help Rocky to button his shirt? 
Answer: Sana’y Laging Ganito
5. What is Cindy’s job in the play “Noli Me Tangere”? 
Answer: Stage Manager
6. “I know they’re good for each other because they bring out the best in each other.” Who said this? 
Answer: Maxene Magalona
7. When did Julie tweet, “@SuperElmo gusto mong ice cream?" 
Answer: 8/11/2012 
“Thank you parekoy! Sana lagi kang andyan! :)” When was this a message on Ely’s whiteboard? 
Answer: Episode 6 - July 22, 2012
9. The video below was the closest encounter of JuliElmo on stage in 2015, what is the title of the song they were singing in that opening prod? 
youtube
Answer: The Edge of Glory 
10. When did Elmo started posting at Plurk?
Answer: 3/17/2009
Tumblr media
11. Even though our beloved tandem had been separate for almost 2-3 years now, GMA News TV’s show "Ang Pinaka” includes JuliElmo in one of their list of “2015: Ang Pinaka Hot na showbiz Love Team”. What is their rank on the said list?
Tumblr media
Answer: 7th place
12. What was the food Tracy cooked for Joey?
Answer: Spaghetti
Tumblr media
13. Santi and Kim were eating something before Santi’s aunt came downstairs, what was it?
Answer: Bananaque
Tumblr media
14. What is Beto’s full name in Just One Summer
Answer: Maria Bettina “Beto” Reyes - Salazar
Tumblr media
15. What is the brand and model of the car used when Nyel (Elmo) and Beto (Julie) had their first date?
Answer: Jaguar, XJ
Tumblr media
16. When did Lizzy finally made Bryan her boyfriend?
Answer: 7/24/2011
17. How many time did Julie and Elmo hold hands during ‘Right By My Side’ prod?
Answer: 4 times (0:58, 1:25, 2:08 and 2:51)
youtube
18. What is the title of the song that Elmo is singing when she gave Julie a cotton candy?
Answer: Somebody
19. In one of the Party Pilipinas VOX, there’s a skit where Elmo accidentally got shot by a gun, what was the title of the song Julie is singing while Elmo is dying in the scene. 
Answer: Without You
20. Fill in the blank: “Julie, thank you, thank you so much dahil sobrang, uhm, marami na tayong _________ at marami na tayong naexperience ________ and uhm, excited pa akong mas ______ pang ma-experience with ___.”
Answer: pinagdaanan, together, marami, you.
youtube
21. The above video is a plug for a Party Pilipinas episode, what was the title of the supposed theme?
Answer: Party Pilipinas: Buhos
22. What is Julie’s “Ikaw Na Ang Da Best” moment?
Answer: Ate
23. What is Elmo’s “ikaw Na Ang Da Best” moment?
Answer: Master Rapper’s son
24. How many times did Julie and Elmo say/sing the word “ko” (ko'y included) on “Bakit Ba Ganyan” prod in Party Pilipinas?
Answer: 10 (2:18, 2:38, 2:50, 3:23, 3:26, 3:51, 3:54, 3:56, 3:59, 4:33)
youtube
25. When did Elmo tweet: “Songs of @myjaps are #madebetter by my raps! RT if you agree!” which followed by Julie’s quote retweet: “Sige na nga RT. Lol RT @SuperElmo: Songs of @myjaps are #madebetter by my raps! RT if you agree!”
Answer: 1/10/14
Tumblr media Tumblr media
Thank you for participating, faneys! We hope you had fun or at least enjoy the fun little quiz we did. Until then, kita-kits sa finals ;)
-Team CIA,
kayeekulit, JE_Underground, JE_Flash and JuliElmo_101
14 notes · View notes
lotiebalotie · 4 years
Text
Silently fighting these demons in my head. 😫
0 notes
lotiebalotie · 8 years
Video
JE
3 notes · View notes
lotiebalotie · 8 years
Video
0 notes
lotiebalotie · 8 years
Video
Missing the old time.
0 notes
lotiebalotie · 8 years
Video
0 notes
lotiebalotie · 9 years
Photo
Tumblr media
3years ago, Elmo was interviewed by pep with Julie. There's this one question about their goals. Julie said she wanted to have albums, concerts and shows abroad and finish her studies . Some of them nagawa na nya. While Elmo says he wanted to first finish schooling, have album(gusto kong makagawa ng isang album ), magtagal pa ang "Together forever " and maging blockbuster ang Just one summer ". Napaisip lang ako, yung dalawa sa goal ni Elmo hindi natupad (jos &tf) yung dalawang natitira anong balak mo dude? Yung album mo irelease no na. Promise bibili ako ng mga tatlo basta may meet and greet. Hahaha joke lang. Wala lang. Namiss ko lang julielmo kaya napadpad ako sa nga vids nyo. I do not own the picture kitang kita naman. But this is my acct., my thoughts. At wala kayong pake! Hahahaha. 😜😝😜😝😜😝
3 notes · View notes
lotiebalotie · 9 years
Text
LOVETEAM: Chapter 11 - 3 words, 6 syllables
Hindi ko alam kung bakit kami ganito ni Elmo.
Hindi naman kami pero kung mag-away kami dinaig pa namin yung mga magkarelasyon.
Kanina pa talaga ako hindi mapakali.
Hindi siya nagrereply sa mga text ko, nagdirect message rin ako sa twitter pero parang wala siyang balak na kausapin ako.
Gusto kong magalit kasi wala naman talaga akong kasalanan sa kanya pero nangingibabaw parin yung guilt ko – yung guilt na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
“Bes!!!!” Sunod-sunod na kalampag ni Janna sa pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nagtaka na bibisita siya, tinext ko kasi na nag-away kami ni Elmo.
“Kakapagawa ko lang ng pinto ko, sisirain mo na naman?” Bati ko sa kanya ng mapagbuksan ko siya.
“Ang oa nito-” dumiretso siya sa kama ko at pinakialaman ang ginagawa kong sorry card para kay Elmo.
“Wag yan!” Inagaw ko agad sa kanya yung card, nakakahiya kasi kahit bestfriend ko siya ayoko paring may nakakakita ng mga bagay na first time ko lang ginawa, tulad nitong cheesy letter na to.
“Ano ba kasi yan?” Pag-uusisa niya habang pilit na inaagaw sakin ang card. “Patingin naman.”
“It’s just a sorry letter for Elmo bes.” Nagulat ako ng tumigil si Janna sa pag-agaw ng card mula sakin. Nag-iba rin ang ekspresyon ng mukha niya. “Anong nangyari sayo?”
“Wag ka ng mag-aksaya ng panahon dyan. Wala ka dapat na ikasorry sa kanya-” Sumimangot siya, yung parang maiiyak na pero walang luha. I don’t get why she’s acting like this.
“Ha? What are you talking about?”
“Alam mo bang nagkakagulo ngayon sa fandom niyo?”
Napakunot ang noo ko, hindi naman kasi ako pala check ng nangyayari sa fanbase namin kasi alam kong masaya sila, lalo na ngayon na nakikita nila samin na masaya kami ni Elmo.
“Bakit daw?” Laking pagtataka ko. Imposible naman kasing malaman nila na nagkatampuhan kami dahil sa backstage nangyari yun at kaming dalawa lang ang magkasama ng mga oras na yun.
“Pano kasi yang magaling mong leading man spotted na naman kasama ng ibang babae.” Hindi ako nakapagsalita agad, hindi ko naman kasi alam kung maniniwala ba ako o hindi. Kay Elmo lang naman ako naniniwala pag dating sa mga ganitong issue. He’ll tell me for sure.
“Baka naman naghangout lang kasama friends niya.” I told her as I tried to protect him.
“Hangout tapos may kiss na kasama sa pisngi?” Nilabas ni Janna ang phone niya, nasa Instagram iyon at pinakita niya sakin ang picture na tinutukoy niya, pinag-uusapan na raw ito ng mga fans namin at nagrarant na sila sa careless act na naman ni Elmo. “Alam mo ba kung gaano kasakit yan sa silent fan na tulad ko? Ang sakit-sakit na makita si Elmo na nakikipaglandian sa iba. Sanay kasi kami na sayo lang siya ganyan.” Nakita kong nagmumble ang labi ni Janna. Hindi parin ako makareact, ang gulo ng nararamdaman ko. Gumaganti ba siya? “Ang sakit-sakit talaga. Hindi ko matanggap bes. Dapat si Elmo kay Julie lang at si Julie kay Elmo lang.”
“Hayaan mo siya.” Iyon nalang ang nasabi ko, wala naman akong karapatang magalit sa kanya. It’s his life anyway.
“Hayaan?! Yan lang ang sasabihin mo?!”
“Bes pagod ako-” Itinabi ko sa isang sulok ang card na pinaghirapan kong gawin sabay higa sa kama. “bukas nalang ulit tayo mag-usap. Di ba may exam ka pa?”
“Oo pero sure ka?” Alam kong nag-aalala siya.
“Yes.” Pinilit kong ngumiti para hindi na siya magtanong ng sobrang dami sakin. “Ako pa ba?” Naconvince ko naman siya.
***
I went to the shoot before call time. Kahit na ang haba ng tulog ko, parang feeling ko nanlalata ako. Today’s our photo shoot with Preview for their November Issue, yes magkasama na naman kami. I can’t do anything about it, loveteam kami eh. Wherever he goes, I go.
“Julie may sakit ka ba?” Tanong sakin ni Mama habang inaayos niya yung mga gamit ko.
“Okay lang naman ako Ma, parang wala lang ako sa mood.”
“Bakit may problema ka ba?”
“Wala naman po. Baka mali lang ang gising ko.” Palusot ko.
“Okay. Ubusin mo nalang yang breakfast mo para hindi ka magutom sa shoot mo mamaya.
“Sige po.”
“Good morning Tita.” Elmo greeted my mom when he arrived, hindi ko siya tiningnan. Ayoko munang makita ang mukha niya kahit during prep time lang. “Good morning Julie.” Lumapit siya sakin para mahalikan ang pisngi ko pero umiwas ako. Napatingin ako sa direction ni Mama kasi nakatingin siya samin, napansin niya siguro ang pag-iwas ko kay Elmo nagpatay malisya lang siya.
“Look I’m sorry for leaving you yesterday.”
Tumango lang ako. Ayoko siyang kausapin.
“So we’re okay?” Tiningnan ko lang siya, yung tingin na alam niyang ayoko muna siyang kausap. Nagets niya naman siguro. Lumayo siya eh.
After a few minutes, inayusan na kaming dalawa. Hindi na ako natingin pa sa ibang direksyon kasi baka magkatitigan na naman kami sa salamin na pinaghahatian namin. Ramdam ko rin na nakatingin siya sakin, now’s not the time to meet his gaze – baka mairapan ko lang siya ang dami pa namang taong nag-oobserve samin.
“Julie, smile.” Bati sakin ni Ms. Dione Fontes, siya ang chief editor ng preview. Mabilis naman akong ngumiti sa kanya para pagbigyan ang hiling niya. “There you go, beautiful.” Nakatingin lang kaming pareho sa salamin, dun kami nag-uusap. “I’m very excited to see you guys to do daring poses we personally chose for you.” Tiningnan niya rin si Elmo at ngumiti dito. “Are you ready?” Ngiti at tango lang ang isinagot ni Elmo sa kanya.
Teka lang?
Bakit ko ba siya tinitingnan?
***
Unang kinuhaan si Elmo kasi mas nauna siyang natapos kesa sakin. After twenty frames ako naman. Yung mga solo namin gagamitin daw sa content ng magazine tapos yung shinu-shoot namin ngayon together para sa cover naman ng magazine.
Yes you heard it right, TOGETHER.
Nakayakap siya sakin ramdam ko yung tension alam kong nararamdaman niya rin. But we have to act professional. Kailangan naming maipakita sa bawat flash ng camera na okay kami, kailangan naming mapalabas yung normal naming chemisty.
“Okay next frame.” Ginuide kami dun sa elegant comfort room, have I mentioned? Wet look kaming pareho ngayon kasi fire yung theme nila for their next issue. Sa sobrang daring hindi ko maiwasang kabahan.
They opened the hot shower, pang effect lang. Yung suot ko mahabang red satin na sobrang nipis, wala akong suot na sapatos – bare feet lang. May slit siya seven inches below my waist.
Yung detail sa harap ang nakakashock, yung cut kasi pa-V, kung anong haba nung dress yun naman ang baba ng pagkakacut nito, below my chest but above may stomach naman ang cut. Kitang-kita rin yung pisngi ng chest ko, kung hindi pa dahil sa double sided tape na nakakabit mukhang kanina pa ako nahubaran. Pero wala akong karapatan na magreklamo, trabaho lang to. Mukha pa naman akong karespe-respetong tingnan.
Nakikita ko sa mata ni Elmo na ayaw niya sa suot ko ngayon kasi nakasimangot siya kapag natatapos ang pagkuha samin, ramdam ko na gusto niya akong takpan pero hindi niya magawa kasi hindi kami okay.
Sa pader ako pinapwesto ng photographer, sa sobrang steamy na nung comfort room na nilalabas nung shower pati kami tuloy nagpapawis.
Akala ko ishu-shoot na kami pero hindi parin nakuntento yung photographer sa posisyon namin sa wall kaya nagpahuha siya ng wooden high chair para magmukhang nasa upper body part niya ako.
Nilagay niya yung kamay niya sa legs ko. Nakuha niya ang atensyon ko ng gawin niya yun, nagtinginan lang kami. Nakipag-usap ako sa kanya gamit ang tingin, triny kong iparating sa kanya na kailangan niyang alisin ang kamay niya sa legs ko.
“Great Elmo!” Bati sa kanya ng photographer.
Napalunok nalang ako ng laway, mukhang ganito na yung magiging posisyon namin for five minutes. Iba’t ibang angle kasi ang dapat kunan.
“Now part your lips, act like you’re about to kiss.” Instruct samin ng photographer.
And we did it, I parted mine and he parted his. Nilapit namin ang mukha namin sa isa’t-isa while staring at each other.
I hope it’s not gonna get more awkward than this.
***
The shoot went well. I had a great time working with Preview but not with Julie. I’m not used to this kind of treatment she’s making me feel. I don’t get why she’s acting like this.
Kanina I tried holding her hand just to make sure that she’s not going to fall but she won’t let me.
Hindi ko na kaya to.
Of all people, bakit siya pa ang hindi mamamansin sa akin?
After changing my clothes I went out of my dressing room immediately. Sakto I saw her mom. May dala siyang towel, maybe that’s for Julie kaya lumapit ako sa kanya para pakiusapan siyang ako nalang mag-aabot. She didn’t think twice, she handed me the towel and gave me a smile.
“Kulitin mo lang, bibigay din yun.” Payo sakin ni Tita.
“Thank you po.”
Bigla akong kinabahan ng makapasok ako sa dressing room niya. She was sitting in the corner, drying her hair with her hand. Inabot ko agad sa kanya yung towel para hindi na siya mahirapan. Akala ko mapapangiti ko siya pero hindi.
“Ano yan?” She asked me.
“Towel.” I joked, hindi nga lang siya natawa. I’ve never seen her this serious.
Tumayo siya sa kinauupuan niya she tried to walk away from me but I didn’t let her. Hinawakan ko yung braso niya so that she could face me pero hindi niya parin ako magawang tingnan, nakatagilid siya ngayon— sobrang seryoso ng mukha.
It’s just the two of us in the dressing room, siguro gusto ni Tita na bigyan kami ng privacy. Chance ko na ‘tong makipagbati sa kanya kaya kahit ayaw niya susubukan kong pipilitin kong maging okay kami.
“Hanggang kailan tayo ganito?” Seryosong tanong ko sa kanya, tinitingnan ko siya mula sa gilid ayaw niya talagang humarap sakin.
“Ewan ko.” Nabitawan ko yung braso niya kaya nakapunta siya sa salamin nag-aayos ng damit niya. Nakadress siya na black na kita yung likod. Naalala ko na naman yung damit niya kanina, dapat hindi ganito ang mga sinusuot niya.
“Magpalit ka nga ng damit mo, may t-shirt pa ako sa kotse.”
Hindi niya ako pinansin, nagblower siya ng buhok.
Nakakainis na to.
Hinayaan ko siyang matapos, nakaupo lang ako sa monoblock at nakatingin sa kanya habang nagsusuklay siya, wala na siyang make-up. Mas maganda siya pag walang make up.
“Julie.” Hindi niya parin ako pinapansin. “JULIE!” Nakakainis na kasi parang walang naririnig kaya sinigawan ko siya para mapansin ako.
“Ano ba?” Naiinis na sabi niya.
“Nakakabadtrip ka na.” Direchong sabi ko sa kanya.
“Akala mo ikaw lang ang nababadtrip? Kung nakakabadtrip ako mas nakakabadtrip ka!” ”Kinuha niya yung bag niya pati yung towel, sinundan ko siya.
Nang hindi ko na kinaya niyakap ko siya mula sa likod. Nagpumiglas siya. “Bitawan mo ako.”
“Kung ano man yung kasalanan ko sorry na.” Alam kong parang bata. Isip bata na kung isip bata, kailangan na talaga naming magbati. Hindi ko na talaga kaya.
Tumigil na siya sa paggalaw. Tumahik lang siya.
***
“Hindi ka ba magsasalita?” Tanong niya sakin. Hindi ko alam bakit ang hina ko pagdating sa kanya. Gustuhin ko mang magalit kay Elmo pero wala akong magawa pag naririnig kong magsorry siya.
“Sino yung babaeng kasama mo sa post mo sa instagram?”
“Pinadelete ko na.” Sagot niya sakin.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Humiwalay siya sakin, hinayaan ko siya.
“It’s Denisse, my best friend.”
Best friend?! Nakakiss sa pisngi niya? Ang tindi namang bestfriend nun.
“Wag mo nga akong lokohin Elmo.” Isinabit ko sa kamay yung bag at towel. “Kung ganyan ang gusto mo fine, makipagparty ka sa lahat ng gusto mong babae. Wala na akong pake.”
“Nagseselos ka ba?”
Tatlong salita.
Anim na syllables.
Hindi ko masagot.
Nagseselos nga ba ako?
Hindi. Iniisip ko lang yung loveteam namin, shaky na naman ang pakiramdam ng fans namin ngayon.
Nakakainis talaga siya kung anong ingat ko sa mararamdaman ng fans namin iyon namang dali sa kanya para saktan sila.
“Hindi ako nagseselos okay? I was just thinking about our fans.”
“Fans lang ba talaga?” Pangungulit niya.
“Oo.” Mabilis na sagot ko. “Next time kasi bago ka gumawa ng kung ano isipin mo muna kung ano ang mararamdaman ng mga taong sumusuporta satin.”
“Okay. I’m sorry.” Hinawakan niya ang kamay ko. “I’m really, really sorry.” Nawala ang galit ko sa kanya, sincere na kasi ang pagkakasabi niya. “Lumabas ako kasi naiinis ako kay Dave. I needed an alcohol to-”
“Alcohol nga ba o babae?” Pinagmasdan ko lang siya. “And please don’t use Dave’s name. Wala siyang ginagawang masama sayo.”
“Meron.” Nakatingin parin ako sa kanya. “Pinagseselos niya ako.”
“It’s non-sense Elmo.”
“How come it’s non-sense?”
“We’re just friends.”
“We started as friends.”
“What you and I have is far different from what Dave and I have.” Sincere ko siyang tiningnan. “You should know that.”
“Yes, I’m sorry.” Ngumiti siya sakin at niyakap ako. “And you’re right, I should know.” He whispered.
24 notes · View notes
lotiebalotie · 9 years
Text
Gone were the days when Julie and Elmo always have the privilege to sing new songs every Sunday.
Tumblr media
40 notes · View notes
lotiebalotie · 9 years
Text
😭😭😭
Bat ka pa umaasa kahit alam mong wala ng pag asa?
2 notes · View notes
lotiebalotie · 9 years
Text
😭😭😭😭😭😭
P.S. (one-shot)
“Ms. Julie?
"Hm?”
“May naghihintay po sa inyo sa labas.”
“Sino daw po sya?”
“Ahm.. hindi nya sinabi e.”
Iniwan ni Julie ang binabasang libro at lumabas sya ng bahay. Pagdating nya sa may garden ay nakita nya ang isang lalaking nakikipaglaro kay Bailey, ang alaga nyang golden retriever. Napatigil sya at pinagmasdan ang mga ito.
At nang maamoy sya ni Bailey ay bigla itong tumakbo palapit sa kanya. Doon sila nagtama ng mata ng bisita nya. Nagkatitigan sila nang ilang Segundo at pagdaka'y ngumiti ito sa kanya. Hindi ito umalis sa kinatatayuang pwesto habang naglakad naman sya palapit dito.
“Naligaw ka ba o talagang pumunta ka rito?”
“Parehas.” sagot ng binata.
Marahang natawa si Julie. “The last time I saw you, you said things that would make me hate you for the rest of my existence. Tapos ngayon, nandito ka, at nakangiti pa.”
“Gusto ko kasing ipakita sa iyo na..hindi na ako bitter.”
“Bitter saan?”
“You know what I mean.”
“Bakit ka nandito?”
“Uhm…to say goodbye?” Hindi kumibo si Julie at tinitigan lang ang binata. “The last time I tried to, it wasn’t that good. Sorry nga pala dun ah. Galit kasi ako noon, and  I didn’t mean everything I said, iyong iba lang.” Napailing si Julie. “Pero ngayon, okay na ako. I, honestly, didn’t want to do this. Ang plano ko talaga, huwag nang magpakita sa iyo at kalimutan ka habambuhay. Pero na-realize ko, hindi ko iyon magagawa kung hindi ako magpapaalam sa iyo nang mabuti. Hindi ako makaka-move on knowing that you hate me.”
“Why? Iyong sasabihin mo ba ngayon sa ‘kin, would  it change a thing?”
“I guess. I think it should, kahit slight lang.”
Julie took a deep sigh and sat folded her arms. “Fine.” He smiled at her again. “Seriously? Dapat talaga ngingiti muna?”
“Last na 'to huwag mo na akong sungitan.” Saka ito naglabas ng isang papel at ini-unfold nya iyon sa harap ni Julie.
“At may kodigo ka pa talaga.”
“It’s a letter for you, actually. I was supposed to give it to you the last time kaya lang…alam mo na, I was too proud to do it. I was…too coward.” Then he snorted. “Kung binigay ko na lang sana 'to sa iyo noon, 'no? G*go kasi ako e.”
“Buti na lang alam mo.”
“O, huwag ka nang mang-ano dyan. Eto na nga e.”
Doon napangiti si Julie. Saka nya pinanood ang binata habang huminga ito nang malalim nang tatlong beses habang inaayos ang nalukot na papel. He took a glance at her and then he smiled and he started reading the letter.
“You know I’m not good at this so don’t you dare laugh at me, and you surely know that I suck at almost everything so you don’t have to act nice, pero alam ko na alam mo na kahit ganito lang ako…I loved you with every piece of my being and I never regret that. I’m sorry. Sorry for being the worst boyfriend, for being the worst driver, cook and hairstylist. Sorry kung madalas slow ako at hindi ko agad nage-gets na nagkaka-tantrums ka na pala, na napipikon ka na pala, na nauubos na ang pasensya mo..but seriously, you’re ridiculously sensitive, so you can’t really blame me. Pero sorry pa rin, my dad always say, girls always win so just better say sorry..so you won’t lose her. But I guess, it’s already too late. If I could’ve said sorry before, siguro…nagbago pa, 'no? Don’t get me wrong, 'di ko 'to sinasabi para baguhin ang isip mo, ang puso mo. I didn’t write this letter to make you come back to me, for you to give us another chance. You’ve given me, us, so many second chances but I was stupid and childish and I didn’t understand, kaya ayun…wala rin. I’m sorry for everything that I didn’t do for you, that I should’ve done. I was a fool but I love you and thank you for loving me. For being patient with me, for forgiving me, for waiting for me, for accepting me so many times, for refusing to let me go, for holding on to me. Thank you kasi kahit lagi kitang pinapaiyak, pinapangiti mo pa rin ako. Kahit lagi kitang ginagalit, pinapasaya mo pa rin ako. Kahit lagi kitang iniiwan, naghihintay ka pa rin. I’ve hurt you numerous times but that didn’t make you love me less, you even loved me more and I will never forget that. I don’t think na may magmamahal pa sakin tulad ng pagmamahal mo, sayang 'no? Kung mas inalagaan lang sana kita, kung naging mas matino lang sana ako, siguro hindi ka nawala sa buhay ko. I loved you but I didn’t show it the way you showed how much you loved me. I’ve done so many stupid things, but the worst part of everything is when I let you walk away from me. Hinayaan lang kita. And now, I’ve never felt so broken, so damaged, so hurt. Naisip ko, if I didn’t let you go  that day, if I was just brave enough to fight for you, if I just did every possible way to make you stay…magkasama pa rin siguro tayo. tayo pa rin siguro. Ako pa rin siguro iyong mahal mo. Dahil sa puso ko, kahit pagkatapos ng lahat ng nangyari…” Then he looked up and stared straight at Julie’s sad eyes. “…ikaw pa rin.”
Julie kept her tears from falling and stared at the guy standing in front of her. The last time they saw each other was almost 2 years already but since then, she didn’t stop thinking about him kahit na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Perhaps, she still loves him. But that love isn’t enough anymore.
He continued reading. “I loved you and I still do, and I think it will take me another lifetime to have that kind of love for someone else. I don’t want you to hate me, ayokong kapag naalala mo 'ko, sisimangot ka at magagalit sa mundo dahil naging parte ako ng buhay mo. I’m not asking you to love me again and give us a part two, kapal naman ng mukha ko. I only want three things. First, sana, kapag naalala mo 'ko, maalala mo iyong mga araw na masaya tayo, na okay tayo, iyong mga araw na nagawa nating ipaglaban ang isa’t isa. Hayaan mo nang ako na iyong magtago nung mga bad memories, ikaw na dun sa mga happy moments. Pangalawa, kung magmamahal ka ulit, sana iyong hindi tulad ko. Masyado na kitang nasaktan at kung masasaktan ka ulit, pakiramdam ko ako pa rin iyong dahilan. So please, iyong mas okay sa 'kin iyong piliin mo next time. At panghuli…” Matagal na nanahimik ang binata at pagdaka'y muli syang tumingin kay Julie at ngumiti. “…huwag mong kakalimutan na minsan sa buhay mo may isang sira-ulo, makulit, pasaway at guwapong Elmo na dumating at nagmahal sa iyo. Tingin ko, lagi ka nyang mamahalin, magbabago man iyong paraan pero, mamahalin ka pa rin nya. And.,pasensya ka na kung ginulo nya ang mundo mo nang ilang taon. At thank you, sa pagaayos mo sa mundo nya.”
Saka ini-fold ni ELmo ang papel at iniabot nya iyon kay Julie. At nang kunin ito ng dalaga'y hinawakan nya ang kamay nito’t hindi muna binitawan. Kapwa sila tumingin sa isa't isa.
“Puwede pa humingi nang isang pabor?”
“Ano iyon?”
Then Elmo smiled at her for the last time. “Ngumiti ka naman.”
And Julie smiled at him. It was a genuine, sincere smile. Pakiramdam nya'y lahat ng galit at tampo nya sa binata'y bigla na lang nawala. She missed him and after everything that happened between them, he will always be the guy she loved the most. And it hurts her as she realized that this time, it’s really goodbye.
Elmo let go of her hand that broke his heart all over again. “So.., ito na iyon.”
“Take care of yourself.”
“Ikaw din.” At saka natawa si Elmo sabay buntong-hininga at iling. “Paano ba ako tatalikod sa iyo? Paano ako lalakad palayo?” And Julie saw how his tears fell from his eyes as he forced a smile. “Nung ikaw, ang dali mong nagawa. Ba’t sakin ang hirap?”
Julie looked down and shut her eyes for moment, letting some of the tears fall to the ground. Pagtingin nya ulit kay Elmo'y wala na ang mga ngiti nito She was looking at her just like the first time they met. And that moment, she knew, she was sure of it, that this guy would always have a special place in her heart, for the rest of her existence.
“Good night.” Sambit ni Elmo.
And then he turned around, and walked away. Julie was standing there, watching him as he slowly disappear from her eyes…from her life.
When he’s no longer in sight, binuklat ni Julie ang papel. She read it and felt like hearing Elmo telling each and every word to her.
But at the end of the letter, may bahagi doon na hindi binasa ni Elmo sa kanya.. A small part that he wanted her to see and read once he’s gone.
“P.S. I never said goodbye. Malay mo, sa huli, tayo pala talaga. Be happy, Jul. I’ll be okay. :)”
,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
Until next time, readers.
Love lots,
orangeandblue
:)
58 notes · View notes
lotiebalotie · 9 years
Text
Isa Pa (One Shot)
NOTE: Not my best work. But someone requested for a one-shot, and this is all I could muster after a 9-hr straight workday. Sorry :(
“Break na daw sila ah.”
Parang regalo sa akin yung mga salitang ito nung sabihin ni Ate sa akin nung kausap ko siya kagabi sa video call.
“Bakit naman ngiting ngiti ka dyan, hoy? Di mo ba naisip na baka malungkot yung kaibigan mo ngayon? Heartbroken siya, siyempre. Isang taon din sila nun, noh”, pagsaway niya sa akin.
Natawa ako. “Eh yun nga eh, nabulag siya dun sa ugok na yun ng isang taon.”
Inirapan ako ni Ate. “Loko ka, Moe, ha. Kahit pano naman minahal din niya yun. Tsaka anong feeling mo, ngayong hiwalay na sila, magiging kayo na? Manligaw ka muna uy.”
“Wow, ha. Salamat naman sa vote of confidence mo sa akin, Ate. Tsaka bakit hindi? Matagal na kaming magkakilala. Walang ibang mas nakakakilala sa kanya kesa sa akin. At ganun din naman na walang mas nakakakilala sa akin kung hindi siya”, sagot ko naman.
“Uy, nagdrama daw siya bigla? Hay naku, anong balak mo? Nandito siya sa Pilipinas, nandyan ka sa Amerika. Ano, uuwi ka para sa kanya?”, tanong niya sa akin na natatawa.
Hindi ko siya sinagot, siyempre. Ang hindi niya alam? Oo…oo ang sagot sa tanong niya.
*********************
“Basta ayoko na pag-usapan yung lalaking yun”, sambit ni Julie habang kausap ko siya sa video call pagkatapos ko tawagan si Ate kagabi. Pagsagot palang niya sa tawag ko, alam ko nang kakatapos lang niya umiyak. O baka talagang hindi pa tapos pero ayaw lang niyang makita ko kaya pinigilan niya. Yan kasi siya eh, ayaw niyang may nakakakitang mahina siya, kahit ako pa na matagal na niyang kakilala. Gusto niya lagi siyang mukhang matatag. Macho nga daw kasi siya.
“Pwede bang tanungin lang kung bakit nakipaghiwalay ka sa kanya?”, tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. “Sino naman nagsabing ako ang nakipag-break?”
“Hindi nga ba? Eh kasi, ang tanga naman niya kung siya ang mang-iiwan sayo. Not to mention, ang kapal naman ng mukha niya kung ganun”, sagot ko naman agad.
Natawa si Julie ng bahagya. “Sira ka talaga. Salamat naman sa suporta, friend, pero siya ang nakipaghiwalay sa akin. Hindi daw kami magwowork-out kasi mas bata daw ako sa kanya. Ulul niya, ang sabihin niya matagal na siyang may gusto dun sa bago niyang katrabaho. Buwisit yun”, sagot niya sa akin. Narinig ko ang bahagyang paghina at nginig ng boses niya sa bandang huli ng sinabi niya. Hindi ko na ito pinansin.
Umiling ako. “Ang kapal naman ng mukha niya para gawin yun sayo. Di bale, buti nalang lumabas yung tunay niyang kulay bago pa kayo nagtagal.”
Hindi na naming uli masyado pinag-usapan ang hiwalayan nila. Ang mahalaga, nasigurado ko nang pwede na uli si Julie. Oo, makasarili yung iniisip ko, pero kung ikaw ba, mabigyan uli ng bagong pagkakataon para maitama ang katangahan mo, hindi mo ba ito kukunin?
***********************
Ganito kasi yan. Si Julie at ako, matagal na kami magkakilala. Naging magkaklase kami nung elementary palang. Tapos, dahil malapit ang bahay naming sa school, at sila Julie ay malayo, sa tuwing merong event na ginagabi sa school, sa bahay nakikitulog yang si Julie. Syempre, hindi kami magkatabi. Tabi sila ni Ate Isa. Tapos nung papunta na kami ng high school, lumipat sila Julie sa village namin kaya mas naging malapit na naman kami.
Si Julie, napakaganda niyan. Kaya madaming nanliligaw. Pili lang ang nagiging boyfriend, pero ni minsan, hindi niya ako naging boyfriend. Bakit? Kasi torpe ako. Nakakatawa man aminin, pero totoo. Matagal ko na gusto yang si Julie, Grade 5 palang kami. Napansin agad ni Ate yun pero wala eh, talagang hindi ko siya kayang ligawan. Hindi ko kasi lubos maisip ano naman ang magiging pag-asa ko sa tulad niya?
Kaya ayun na nga, mula Grade 5 eh nasa tabi-tabi lang ako, pasulyap-sulyap. Laging sumbungan tungkol sa problemang boyfriend pero hindi nagiging boyfriend. Eh ganun talaga. Tinanggap ko na yung kapalaran kong yun noon pa.
Tapos, nung second year college kami, kinuha ako ni Papa dito sa Amerika. Hiwalay na kasi sila Mama at Papa. May sarili nang pamilya si Papa dito. Kinuha niya ako dito para siya ang magpaaral sa akin ng college. Noong una, ayoko. Pero kasi maganda yung music program na nahanap ni Papa, eh yun talaga ang gusto kong kunin, kaya napapayag din ako.
Nung araw na hinatid ako ng pamilya ko at ni Julie sa airport para umalis, humagulgol si Julie at yinakap niya ako ng sobrang tagal na para bang ayaw na niya akong bitawan. Dun ko naisip na, “Teka, baka naman may pag-asa ako dito”, kaso siyempre huli na kasi aalis na ako. Kaya sinabi ko sa sarili ko, paguwi ko sa summer vacation, aamin na ako kay Julie.
Kaso, sa malas ko, may boyfriend na si Julie nung unang summer na umuwi ako. Nung sumunod na summer na paguwi ko naman, mayroon pa din. At nitong nakaraang summer lang na paguwi ko, yun na nga, boyfriend niya yung ngayon ay ex-boyfriend na niya.
Tatlong summer na yung pinalipas ko. Dadagdagan ko pa ba?
************************
“Basta pumunta ka sa airport bukas please?”, paki-usap ko kay Julie.
Mahigit isang buwan na simula nung  nagbreak sila ng dati niyang boyfriend. Simula nung araw na tinawagan ko siya para makibalita tungkol sa kanila, nung araw na namumugto ang mata niya, may mga ibang naging tawagan at usapan na din kami. Araw-araw naman din kasi kami nag-uusap niyan. Kahit madaling araw na dito, tinatawagan ko pa din yan pag hiniling niya. Hindi ko naman matitiis yan eh.
“Siguro dadating ka bukas noh?”, dagdag niya, sabay ngiti na para bang nasabik siya sa ideya na yun.
Natawa ako. “Julie, alam ko namimiss mo na ako pero diba kalagitnaan ng semester ngayon? Paano naman kaya ako uuwi?”, tukso ko sa kanya.
Nayamot siya at inirapan ako. “Sorry naman kung excited ako makita kaibigan ko noh. Eh teka, ano gagawin ko ba sa airport bukas?”, tanong niya uli.
“May padala kasi ako para kay Ate at kay Mama, kaso walang pwedeng kumuha nun bukas kasi pareho silang may lakad. Sige na, please?”, pakiusap ko uli.
Nagpanggap si Julie na para bang isang napakabigat na Gawain ito para sa kanya. Pero sa totoo lang, hindi din naman ako matiis nito minsan. “Sige na nga”, sagot niya sa akin, bahagyang pinahaba ang huling salita na para bang napipilitan lang siya.
“Salamat! The best ka talaga!”, sagot ko naman.
*********************
Alam ko dapat inaantok ako ngayon, lalo na’t iba ang oras ng Pilipinas sa oras ng Amerika. Dapat inaantok ako dahil napagod ako sa biyahe. Pero paano ka aantukin kung ang pagkakataong makuha mo ang gusto mo eh nasa harapan mo na?
Kanina pa ako dumating dito sa airport, exactly 28 hours simula noong huli kong nakausap si Julie sa video call.
Nagsinungaling ako sa kanya kagabi. Wala akong padala. Hindi busy sila Mama at Ate. Ang katotohanan niyan, kanina ko pa din sila kasama dito sa airport. Sinundo nila ako. Kasi, oo, umuwi ako para kay Julie. Kalagitnaan nga ng semester, pero dahil isang subject lang ang kinukuha ko ngayon, isang beses lang sa isang linggo ang pasok ko. Kaya pwedeng pwede ako umuwi ng ilang araw. Kahit kaunting araw lang yan, kukunin ko kung si Julie naman ang magiging kapalit ng pag-aabsent ko at pagod ko sa biyahe.
Kinakabahan ako. Gagana kaya ang plano ko? Sa mahigit isang buwan nang nakalipas simula nung naging single si Julie, hindi niya na uli nabanggit ang ex-boyfriend niya. At mukha naming masaya siya. Pwede naman na siguro naming subukang kami naman?
“Andyan na siya”, bulong ni Ate mula sa tabi ko.
Tumango ako nang nakita kong pumasok si Julie sa revolving doors sa first floor ng airport. Umalis si Ate sa tabi ko at bumaba para salubungin si Julie, hawak ang isang kahon. Sa loob ng kahon na iyon, may sulat.
Julie,
Sorry kung nagsinungaling ako kahapon. Sorry din kung natagalan ako masyado.
Elmo
Pinanood ko silang dalawa, si Julie nagulat sa pagkakakita niya kay Ate. Bakit nga naman hindi siya magugulat eh sinabi ko nga naman sa kanya na busy si Ate ngayon. Kaya nga siya dapat ang kukuha ng “padala” ko. Pinanood kong binuksan niya ang box at inilabas ang scroll na naglalaman ng liham ko. Bago pa man niya ito mabuksan, lumapit sa akin sa Mama. Tinignan ko siya.
“Bababa na din ako. Bahala ka na dito”, sabi niya.
Tumango ako at tumingin uli kay Julie. Nabasa na niya ang liham ko at kausap niya si Ate. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya. Si Ate naman, ngumingiti lang.
Maya maya pa, si Mama naman ang lumapit sa kanila. May hawak din siyang kahon. May liham din sa loob.
Julie,
Alam ko naguguluhan ka ngayon, pero ako hindi. Wala nang ibang bagay sa buhay ko na mas sigurado kesa dito.
Elmo
Hindi ko na hinintay ang pagbubukas ni Julie sa kahon. Tumalikod na ako at pumunta sa kuhaan ng padala. Sinabihan ko sila Mama na huwag sasabihin kay Julie na umuwi ako. Basta sabihin lang nila na may kukunin siyang padala.
Habang hinihintay ko si Julie dun, bumilis ang tibok ng puso ko at bigla akong nagdalawang-isip. Paano kung masira ang pagkakaibigan namin dahil dito? Higit sa lahat, yun ang kinakatakot ko. Hindi na ako natatakot na ma-reject dahil kung tutuusin, matagal ko nang nakondisyon ang sarili ko dun. Pero yung epekto nito sa amin ni Julie bilang magkaibigan, yun ang hindi ko matatanggap kung dahil lang ditto eh mawawala lahat ng pinagsamahan namin.
Bago pa man ako makaisip na umalis at tumakas, nakita ko sa malayo na naglalakad si Julie, hawak ang dalawang liham ko, binabasa uli ang mga ito, nakakunot ang noo.
Pinapawisan na ako.
Naglalakad pa din siya.
Nasusuka na ako sa nerbyos.
Malapit na siya.
Kailangan ko yata muna magbanyo.
Ayan na siya.
Bigla siyang tumingin pataas at nakita ko ang mabilis na pagbabago ng mukha niya: pagtataka dahil sa mga liham, bahagyang pangingilala nang una niya akong makita, pagkagulat, pagkatapos ay tuwa.
“Hoy, Elmo!”, sigaw niya, sabay takbo papunta sa akin.
Pinagtinginan kami ng mga tao, pero yan si Julie. Pag masaya siya, masaya siya. Wala siyang pakialam na madaming nakatingin.
Mahigpit niya akong niyakap at narinig kong bigla siyang humikbi. Umiiyak siya? Sa harap ng ibang tao?
“Sssh, wag kang umiyak”, bulong ko sa kanya. Niyakap ko din siya ng mahigpit.
Hindi pa din siya bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin. “Eh kasi naman eh…ikaw…sinungaling ka…sabi ko na…eh kasi…ikaw talaga! Kasi naman!” Hindi na niya halos masabi ang gusto niyang sabihin dahil sa tuwa, na ikinatuwa ko din naman. Ibig sabihin namiss din niya ako!
“O tama na, tama na. Oo, sinungaling na ako, sorry na”, sagot ko.
Dahan-dahan na siyang bumitaw at agad pinunasan ang luha niya. Nang magkatinginan kami uli, natawa siya ang sinuntok ako sa braso. “Bakit di mo sinabing uuwi ka?”, tanong niya, sabay hikbi.
Natawa ako. “Pwede naman siguro surprise diba?”
Natawa siya. “Hay, naku ka. Ilang araw ka dito? Kailangan pumasyal tayo! Magkita-kita tayo nila—“
Pinutol ko ang pagsasalita niya. “Julie, shhh”, sabi ko. Nang tumigil siya, kinuha ko ang kamay niya at huminga ng malalim.
“Huy, anong nangyayari sayo?”, tanong niya sa akin, pero nakita kong may pag-aalinlangan sa boses niya. Na para bang gusto niyang malaman ang sagot sa tanong niya, pero parang ayaw din niya malaman dahil baka hindi niya kayanin ang magiging sagot.
Huminga ako uli ng malalim bago tuluyang nagsalita.
“Matagal na kitang gusto Julie. Mga bata pa lang tayo. Uhugin pa tayo nun. Naka-brace ka pa nun. Naka-pigtails. Uso pa Backstreet Boys at N*Sync. Wala pang Justin Bieber nun, pero gusto na kita. Cliché man tong sasabihin ko pero hindi ako umamin sayo dahil bestfriends tayo at ayokong masira yun. Tsaka, ang ganda ganda mo eh. Sino ba naman ako para magustuhan mo? Ilang taon kong tinago ito. Ilang taon kong kinimkim. Ilang taon akong tumahimik at tumabi sa sulok habang sinasaktan ka ng mga naging boyfriend mo. Galit ako sa kanilang lahat dahil hindi ka nila pinahalagahan. At itong huli, ito yung nagtulak sa akin para umamin na sayo. Ayoko na uling maiwan ng pagkakataon. Ayoko na uling may lalaking mananakit sayo. Hindi ka dapat sinasaktan. Napakabait mong tao para mapunta lang sa isang lalaking hindi marunong mag-alaga. Ako, matagal na kitang inaalagaan. Kahit alam kong wala akong pag-asa sa iyo, andito padin ako, laging nakaabang para tulungan ko o alalayan ka sa tuwing may lalaki na naming pumilay sayo. Sa tuwing nasasaktan ka, nasasaktan ako. Sa tuwing masaya ka sa boyfriend mo, masaya din naman ako, pero nasasaktan din. Pero nanaig yung pagiging kaibigan ko, kaya hindi ko pinakita yun lahat sayo kasi ayokong tumigil ka sa pangangailangan mo sa akin. Kasi parang yun yung lifeline ko eh. Parang yun yung role ko sa buhay, at yun yung role na gusto kong gampanan habang-buhay. Gusto ko pag masaya ka, ako yung dahilan. Gusto ko pag malungkot ka, ako ang dadamay sayo. Gusto ko magkasama tayo sa pagtupad ng mga pangarap natin, hindi lang bilang magkaibigan lang. Alam ko, masyado pa siguro maaga para manligaw, at kung ganun man, bibigyan kita ng oras pa. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita, at hindi ko na mababago yun. Ang nais ko na lang ngayon eh mabago yung tingin mo sa akin, mula sa pagiging kaibigan lang.”
Tahimik siya pagkatapos ko sabihin lahat ng iyon. Para akong nabunutan ng tinik nung ibinubuhos ko ang nararamdaman ko. Pero ngayon naman, parang mas malaking tinik yung nalunok ko sa paghihintay sa sasabihin niya.
Maya maya pa, ngumiti siya at pinitik ako sa ilong.
“Bakit kasi ang tagal tagal mo gumalaw? Ang tagal tagal na din kaya kitang hinihintay,” sambit niya.
Eto na yun. Sa wakas, nakuha ko na yung isa pang pagkakataon ko para makuha ko ang gusto ko. Bibitawan ko pa ba?
Niyakap ko siya ng mahigpit ng mga oras na iyon at pinagdasal kong sana hindi na matapos ang araw. Sana doon nalang kami habang-buhay, magkayakap, masaya, dahil sa wakas, tapos na kaming maghintay para sa isa’t isa.
54 notes · View notes
lotiebalotie · 9 years
Text
Sino nga ba!?
WTF HAPPENED?
Chosera. Nah. Nothing serious happened. If you don’t consider “break up” a serious matter, then you shouldn’t worry about anything.
Keep reading
66 notes · View notes
lotiebalotie · 9 years
Text
Aray ko beh. 😂
Bat ka pa umaasa kahit alam mong wala ng pag asa?
2 notes · View notes
lotiebalotie · 9 years
Text
J
So, Julie is back in the US again. Tidal Wave is already on sale and is not on Spotify anymore. Kung kelan ready na akong mahalin ang TW, saka nawala sa Spotify.
Anyway, congrats sa kakatapos lang na show sa - san nga ba yun? At bongga dahil may live streaming (THANKS GUYS!) via Periscope. Yan na ba uso na app ngayon? Di na ung UStream? 
Blank space lang naabutan ko sa LS at hanggang Love Never Felt This Good. Yun ba ang last song? Okay sakin ung leather jacket na kulang na lang ng helmet at motor. Hehe.. De joke. Basta naman nasa US si Julie, less lang ang chance na sasablay ang outfit. Alam nating lahat yan. Wag kang kumontra, ipapatapon kita sa imburnal! 
Okay, good luck sa mga transactions over there. We’re all excited sa upcoming MV’s mo for Tidal Wave and Not Impressed. Naway hindi ito kagaya ng ginawang video for “For Everything”. Based naman sa BTS, obvious naman na it won’t be like your Take It Away a.k.a. For Everything MV so okay na ko dun. Mariti is handling things properly naman. Sana naging part na lang ng GMA yang si ninang mo para sure na you’ll get what you deserve. But oh well, she did not disappoint naman with the things that she did, doing and will do so keri na
We all want you to succeed. Wag ka na lang kaya bumalik dito? Eh di nagwala ung ibang faneys. Haha…
18 notes · View notes