Tumgik
lovedrmposts-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
"Love Our Nature" Lumaki tayo kung saan napapalibutan tayo ng magandang kalikasan. Alam naman din natin na ang kalikasan ang nagbibigay sa atin ng mga bagay-bagay upang tayo'y mabuhay, katulad ng mga pagkain, inumin, tirahan at iba pa. Ngunit habang patagal ng patagal, unti-unti naring nauubos at nasisira ang kagandahan nito. Bakit? Sa kadahilanang, karamihan sa ating mga tao ay inaabuso natin ang biyayang ipinagkaloob ng Puong Maykapal. Katulad nalang ng pagtatapon natin ng mga basura sa mga kalsada, pagpapatayo ng matataas o malalaking gusali at mga kabahayan, pagpuputol ng mga puno, at marami pang iba. Dahil sa mga ganitong gawain, malaki ang naiidudulot nito sa atin na maaari pa nating ikapahamak. Katulad na lamang ng mga kalamidad na dumarating sa atin, katulad ng mga matataas na baha, mga landslides, malalakas na ulan, etc. Kaya't hanggang hindi pa huli ang lahat, dapat nating pahalagahan at pagkaingatan ang kalikasan. Panatilihin natin itong malinis, at kung maaari ay maiwas natin ito sa pagkasira nang sa ganoo'y maenjoy natin ang ganda nang ating likas na yaman at sariwang hangin habang buhay. At lagi din nating tatandaan na ang kalikasan ang pinakamahalagang regalo na ipinagkaloob sa atin ni Lord upang protektahan at hindi abusuhin.
0 notes
lovedrmposts-blog · 7 years
Text
Letter to my 25 years old self <3
Hi 25 years old me. Kamusta ka naman? Nakain kana ba ng kanin ngayon? Hahahahaha. Siguro sobrang laki na ng pinagbago mo. Kasi diba noong bata ka pa, ang sinasabi lang nila sayo ang cute cute mo kapag chubby kasi bata ka pa nga noon kaya natutuwa ka, pero noong tumungtong kana sa Highschool Grade 7, nakakareceive kana ng mga masasakit na salita mula sa kapwa mo estudyante hanggang umabot nasa Grade 10. Kaya sinabi mo sa sarili mo na kaya mo magbago, ipupursige mo ang sarili mo na pumayat para maipakita mo sa kanila na kaya mong gawin kahit mahirap titiisin mo kasi gusto mong magbago. Sure din ako na nakatapos kana din ng kolehiyo mo at nakakuha na nang magandang trabaho. Nagagawa mo na din yung mga bagay na dati ay hindi mo magawa dahil sa mga magulang mo na sobra kang mahal kaya sila ay strikto kapag gusto mong umalis ng bahay para gumala. Nakakabili kana din ng mga bagong damit, sapatos, at mga gadgets gamit ang sarili mong pera kasi siyempre pinaghirapan mo yan hahahahaha. Nadadala mo yung pamilya mo sa ibang bansa kasi noong bata ka pa pangarap mo nang pumunta sa malalayong lugar at ngayon ay natupad mo na ito kasi nagsipag kang mag-aral para makatapos ka kaagad. Nakapagpatayo ka nadin ng sarili mong bahay para sa magiging sariling pamilya mo. Sana nakakasama mo pa din yung mga kaibigan at pamilya mo na kahit kailan ay hindi ka pinabayaan at lagi kang sinusuportahan  sa mga bagay na gusto mong abutin. Sana may time padin kayo nang iyong mga kaibigan na gumala kasi alam ko na busy nadin kayo dahil may mga trabaho na kayong lahat. Yun kasi ang goals niyo noong nasa Senior High palang kayo. So ayun, ang masasabi ko lang sa iyo, huwag kang magbabago, always seek to God. Kung minsan nahihirapan kana sa mga nangyayari sayo ngayon, stay positive ka lang lagi at lagi mo lang isipin na challenge saiyo ito ng Panginoon kaya dapat na malagpasan mo iyon. Lagi kang mag-iingat and always pray to God.
- from your 18 years old self :)
0 notes