Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
'Di Pagkakasuwato
Ang bilis magbago ng mga bagay sa pagitan nating dalawa. Kanina'y masaya lamang ngayo'y hindi na. Parang salitang "mahal kita di kita iiwan" ngunit ito'y pawang mga salita lamang. Walang katotohanan at puno ng pangpapanggap. Labis kang nasasaktan pero di mo magawang ipaglaban. Dahil baka sa halip na kumapit pa ay lalong mawala. Ang salitang "tayo" na matagal kong pinangarap ngunit kahit ngayo'y nakamtan ko na parang wala lang rin pala. Bakit pa nga ikaw ay pumayag na mapasakin kung balak mo rin pala akong lisanin? Sadya bang mahilig lang maglaro ang tadhana o talagang umaasa lang ako na tayo'y tunay na masaya? May mga pagkakataon kasi na hindi ko mawari ang iyong mga plano sa'tin. Kung nais mo ba talaga kong makasama sa'ting pagtanda? O pawang larawan lang iyon ng mga bagay na nais ko lamang marinig para kahit papaano'y masabi kong "mahal ako ng tao na ito". Alam mo bang sa tuwing nanaisin kong bumitaw ay bibigyan mo ko ng rason para bumalik? Alam mo bang makita ka lang na nakangiti habang sinasambit ang pangalan ko, ako'y kinikilig Hahawakan ang kamay ko na para bang walang ibang tao sa paligid kundi tayo lamang At hahalikan ang mga labi ko ng walang katapusan na wari'y mundo na lamang natin ang natitira. Kay sarap ulit-ulitin ng mga ganoong bagay ngunit minsa'y napapasip kung sino o ano ba talaga ako sa buhay mo? Kung totoo ba o hindi ang mga ito? Ang sakit naman kung palabas lamang lahat ng ito. Dahil napapaniwala mo ako.
0 notes